LUMIPAS ang isang linggo at nandito pa rin ako na nakahiga sa kama saka nakatitig sa taas ng kisame habang napakalalim ng iniisip.
Bibisita kaya ngayon si Zack? Isang linggo rin kasi na hindi niya ako binisita. Sabagay sabi nga pala niya ay malapit ng dumating ang exam sa Seisen High at hinahanda na niya yung sarili niya dahil nalalapit na ang graduation. Nakakalungkot lang dahil hindi ko na kaya pang-pumasok sa school at makasama si Haley at Zack na grumaduate dahil habang patagal nang patagal lumalala yung sakit ko. Hindi ko alam baka nga bukas o sa susunod na araw ay tuluyan ng bumigay yung sarili ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at pilit ko na ibinangon ang sarili ko sabay suot ko ng slippers ko at pagkuha doon sa dextrose stand. Gusto kong lumabas at makalanghap man lang ng hangin keysa manatili dito sa room ko. Sinilip ko muna kung nasa paligid sila mom and dad pero mabuti na lang dahil wala sila kaya naman ay nagpatuloy ako sa paglabas. Panigurado kasi na kapag nakita nila akong palabas ng room ko papagalitan nila ako at papabalikin uli sa room ko para mamahinga eh, kaso pagod na ako magdamagan na nakahilata lang sa kama kahit papano gusto ko makita ang labas at makalanghap ng sariwang hangin.
Habang naglalakad ay marami akong nakakasalubong na mga patient rin at mga nurse/doctors na binabati ako kaya naman ay nakangiti na bumabati na lang din ako pabalik.
Muntikan pa akong maligaw sa sobrang laki ng hospital na ito. Mabuti na lang may nakita akong janitor na naglilinis kaya agad ko nilapitan at tinanong kung saan yung garden nila. Ang pagkakarinig ko kasi may garden daw dito sa hospital hindi lang ako sigurado kung sa rooftop ba o sa labas ng hospital pero ang sabi naman sakin ng janitor ay doon sa rooftop kaya heto ako ngayon nasa loob ng elevator.
May nakasabay pa akong mag-asawa sa elevator at isang nurse. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin doon sa dalawang mag-asawa. Sunod na napatingin ako ay doon sa babaeng asawa na siyang hinihimas ang kanyang malaking tyan na sa tingin ko ay buntis habang ang asawa niyang lalaki ay nakahawak sa bewang niya saka sa isa niyang kamay bilang alalay habang masaya silang naguusap.
Nakakainggit hmp!
Ngumiti na lang ako habang pinapanood silang masayang naguusap. Ganyan siguro kami kasayang pamilya ni Zack kung wala akong sakit. Gusto ko mapangasawa si Zack at magkaroon ng pamilya sa kanya kaso hanggang imahinasyon na lang siguro 'yon dahil imposible naman na mangyari pa yon.
Nang makarating na ako sa rooftop ay hindi ko agad naiwasang mapangiti dahil sa kagandahan ng kalangitan. Simut na simut ko ang sariwang hangin habang patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng bench doon kaya agad akong naupo at nagpahangin.
Habang nagpapahangin ako ay napalingon ako doon sa isang nurse at isang patient na matanda na siyang nakaupo sa wheelchair habang sila ay naguusap.
"Ang pagkakaalam ko po Mrs. Reyes may magaganap na fireworks show mamayang gabi ng ala-sais sa isang mall na malapit lang dito, kung gusto niyo po manood ng fireworks show ay dadalhin ko po kayo dito uli para mapanood niyo po iyon ng sobra." usal ng nurse sa matandang babae.
May magaganap na fireworks show? Hala! Gusto ko panoorin yon!!
"Alam mo, hija. Ang matandang tulad ko ay hindi na interesado pa sa ganyan, mas gugustuhin ko na lang matulog sa aking higaan para makapagpahinga pa ng maayos." sagot naman ng matanda sa nurse at nakangiti na tumango naman yung nurse.
"Okay po, Mrs. Reyes... Halika na po dadalhin ko na po kayo sa room niyo para makakain na po kayo at makainom ng gamot niyo." matapos sabihin ng nurse yon ay saka sila umalis na at ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa bench habang nilalasap ang malakas na hangin.
Aayain ko si Zack na manood ng fireworks show mamayang gabi, siguro naman ay bibisitahin niya ako ngayon para sakto parehas namin mapanood yon.
Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa maisipan ko ng bumalik sa aking room dahil baka dumating na sina mom.
Pagkabalik ko sa room ay gulat na napatingin ako kay Zack ng makita ko siyang nakasandal lang sa labas ng room ko.
"Zack?" usal ko.
"R-rachel..." nagaalalang sabi niya kaya nagtaka agad ako pero mas lalo akong nagtaka at nagulat ng bigla niya akong yakapin.
"T-teka.. Zack? May problema ba?"
"Akala ko nawala kana... Nagalala ako ng sobra nang makita kitang wala sa room mo."
"Ehh? Pffttt..." napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya at ng bumitaw siya sa pagkakayakap sakin ay agad kong pinitik ang noo niya. "Shungaks! Pumunta lang ako sa rooftop ng hospital para lumanghap ng sariwang hangin hahaha!"
"Sana naman hinintay mo'ko makadating para nasamahan kita..." ngumiti lang ako sa kanya saka siya inakbayan na ikinangiwi niya sabay pasok namin sa room ko.
Naupo muna ako sa kama ko. "Kamusta exam?" tanong ko sa kanya at hinila naman niya yung maliit na upuan para makaupo sa tabi ng kama ko.
"Okay naman kinalabasan, ayun kasama sa rank 5." lumaki naman ang mata ko sa gulat ng sabihin niya yon at agad na napahawak sa dalawa niyang balikat sabay alog sa kanya.
"Omyghad!!! Totoo? Congrats! Proud na proud ako sayo!!" masayang sambit ko at ngumiti naman siya sakin.
"Thank you, Rachel... Thank you sa lahat."
"Huh?"
"Kung hindi dahil sayo hindi ako makakapagbago, siguro kung wala ka o hindi kita nakilala siguro ako pa rin yung Zack na hindi ngumingiti o tumatawa man lang at nanatili pa rin sa problema." bigla niyang sabi na agad kong ikinatigil at napangiti na lang sa kaya. "Kundi din dahil siguro sayo hanggang ngayon hindi pa kami okay ng papa ko, so thank you talaga sa lahat."
"Wala 'yon!" ngumiti lang ako ng sobrang laki sabay pat sa ulo niya.
Kundi din naman dahil kay Zack hindi ako magkakaroon ng masayang memories na ibinigay niya sa'kin.
"Nga pala, diba nangako ako nung nakaraan na maglalaro tayo? Nagdala nga pala ako ng UNO, alam mo ba yon?" wika niya.
"Hmmm.. Sa tingin ko naglaro na rin ako niyan dati, so game!"
Maraming lumipas na oras at ang ginawa lang namin ay ang maglaro ng UNO cards habang malakas na tumatawa para kaming bata na tuwang-tuwa sa nilalaro namin, halos tanging halakhak lang namin ang nangingibabaw sa buong kwarto.
Nang matapos kaming maglaro at tatlong beses ko siyang natalo ay tinawanan ko lang siya ng sobra dahil napakamot na lang siya sa buhok niya.
"Daya! Hindi ko akalain na magaling ka dito." angal niya habang nakapout.
"Hahaha! Ako lang 'to, Zack." sabi ko na may pagmamayabang pa.
Napatingin naman ako sa malaking orasan sa room ko at alas-kwatro na pala kaya agad na pumasok sa isip ko yung fireworks show.
"Zack!!" tawag ko sa kanya.
"Oh bakit?"
"Samahan mo'ko manood ng fireworks show."
"Huh? Kailan?"
"Mamayang gabi ng ala-sais, please?" sabi ko habang nagpapacute pa at tumango naman siya kaya parang bata naman na sumaya ako.
"Nice!!"
"Bago tayo manood nun at dahil medyo maaga pa naman siguro magmeryenda muna tayo, kumain kana ba?" pagkatanong niya nun ay agad na kumulo yung tyan ko kaya naman ay napatakip na lang ako sa bibig ko.
"Hindi pa kasi ako kumakain at kanina pa ako nagugutom hehe.." matapos ko sabihin yon ay nagpaalam na muna siya sakin na lalabas lang siya sandali para bumili ng makakain namin.
Habang hinihintay ko si Zack ay bigla akong napahawak sa bibig ko ng bigla akong makaramdam na nasusuka ako kaya naman ay agad akong pumunta ng CR para sumuka.
Sumuka lang ako ng sumuka hanggang sa dugo na ang lumabas kaya agad ako na napatulala at tanging lakas lang ng kabog ng dibdib ko ang naririnig ko.
Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko na ang boses ni Zack na tinatawag pangalan ko kaya agad ko itong flinush atsaka ako lumabas ng CR na parang walang nangyari.
"Nakabili kana?" usal ko at tumango naman siya.
"Bumili lang ako sopas, kain kana."
"Huh? Paano ka? Hindi kaba kakain?"
"Hindi, kumain na kasi ako kanina bago ako pumunta dito kaya bumili lang ako para sayo."
"Hmmm... Okay!"
Hindi na kami nagusap pa ng nagsimula na akong kumain ng sopas. Hindi ko masyado naubos dahil agad akong nakaramdam ng umay. Nagtataka na ako sa sarili ko hindi ko alam nangyayari kung bakit nagkakaganito na ako, una hindi ako masyado makatulog halos abutin pa ako ng alas-kwatro bago ako dalawin ng antok, pangalawa nakakaramdam na ako ng sobrang pananakit sa likod atsaka sa tyan, pangatlo namamayat na ako na parang magiging isa na akong kalansay, pang-apat yung nagsusuka ako, at pang-lima ay yung nauumay na ako sa mga pagkain o minsan ay ayokong kumain.
Lahat ba ng nangyayari sakin ngayon ay dahil sa sakit ko? hindi ko na alam mas lalo akong natatakot...
"Rachel?"
"A-ahh.. Sorry... Bakit?"
"Tapos kana kumain? Ayaw mo na?"
"Ahh.. Oo, sorry ha? nakaramdam kasi agad ako ng pagkaumay.. ewan ko ba." tumango lang siya sa sinabi ko. "Nakalimutan ko pala itanong kanina... Kamusta pala exam ni Haley?"
"Ayun okay lang din, siya ang rank 1 sa klase."
"Omy- ang brainy talaga ng bestfriend ko!! Pakisabi na lang congrats kamo-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang magbukas yung pinto ng room ko at iniluwa nun si Haley na hinihingal habang may dala-dalang plastic. "H-Haley?!"
"Rachel!!!!!!!" malakas na sigaw niya sabay takbo sakin at mabilis na yumakap. "Anong nangyari? Kamusta kana? Sorry ngayon lang ako nakabisita dahil sobrang busy sa school dagdag mo pa yung pinapatakbong business ng parents ko!! Sorry talaga bestfriend!!! Namiss kita ng sobra... Kamusta na kalagayan mo? Ano okay kana daw ba? Makakalabas kana daw ba?!"
"T-teka... Kumalma ka muna okay?"
"Paano ako kakalma!! Nagalala kaya ako ng sobra dagdag mo pa na namiss kita!!"
Napabuntong-hininga na lang ako sabay pitik ko ng malakas sa noo ni Haley na agad niyang kinaaray.
"Aray ko! Bakit namimitik ka!!"
"Uhmm... Lalabas muna siguro ako, Rachel." usal ni Zack kaya naman ay napalingon ako sa kanya gayon din si Haley.
"A-ahh.. Pasensya kana, Zack...
Makikipagusap muna ako kay Haley."
"It's okay... Sibat na muna ako."
Tinarayan lang ni Haley si Zack ng lumabas na ito ng kwarto ko at nakanguso naman ito na tumingin sakin habang nakakrus pa ang mga braso.
"Siya nagbabantay sayo?" tanong ni Haley at tumango naman ako. "Woah! Edi tuwang-tuwa ka kasi nakakasama mo siya? Samantalang ako na nandito na hindi ka man lang natuwa!? Huhuhu!!"
"Pfftt... Para kang bata, namiss kaya kita tara nga dito payakap."
Nagyakapan kami ng sobrang tagal hanggang sa bumitaw na kami sa isa't isa, sobrang namiss ko si Haley hindi ko akalain na unti-unti ng humahaba yung maikli niyang dating buhok.
"So ayon nga! Kamusta kana? Buti agad akong nabalitaan nina tita jusko! Akala ko mahihimatay na ako, akala ko lang pala."
"Sira ka talaga! Hahaha.. Okay naman ako heto buhay pa rin." nakangiting usal ko at kinotongan naman niya ako.
"Alangan namang patay kana? Huhu! Namiss talaga kita kaya pala hindi kana pumapasok dahil nasa hospital ka!? Bwisit na Zack yun hindi man lang ako sinabihan, gustong-gusto ka ata masolo!!"
"Sorry hahaha! Sinabihan ko kasi si Zack na wag muna ipaalam sayo na sinugod ako sa hospital dahil baka umiyak ka kakaisip sa kalagayan ko."
"I hate you!! Paguuntugin ko kayo pareho eh!!"
"I love you, mwua." usal ko habang may pakiss pa at nandiri naman siya kaya natawa ako ng sobra. "Arte mo."
"Mana sa nanay bhie hahaha!"
"Gaga ka hahaha.. Balita ko rank 1 ka daw ahh?"
"Ayy oo! Nakakagulat nga hindi ko akalain na magiging rank 1 ako, ang pagkakaalam ko nangongopya lang ako sa mathematics e hahahaha!" natawa naman ako sa sinabi ng babaeng baliw na 'to.
"Ang brainy mo kaya sa ibang subject kaya hindi imposible na hindi ka maging rank 1!!"
"Anukaba, wala akong limang piso."
"Compliment yon! Hindi ko kailangan ng limang piso mo bwisit ka."
"Ay hahahahaha... Thank you!!"
Ilang oras pa ang lumipas at wala kaming ginawa kundi magkwentuhan tungkol sa pagaaral ni Haley at sa business na pinapatakbo ng parents niya saka syempre hindi mawawala sa kwentuhan si Zack.
Hindi pa nagtagal nang matapos na kami magkwentuhan at maisipan na ni Haley na umuwi, hindi na daw kasi siya pwedeng magtagal pa dahil tutulungan pa daw niya ang parents niya sa inaaasikaso nilang business.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi mo." usal ko at nakangiting tumango naman si Haley.
"Salamat, pagaling ka ha? Magkikita pa tayo sa college!!" saad niya habang nakaturo sakin ang kanyang hintuturo at natatawa na tumango naman ako.
Nang makaalis na siya ay malungkot na napahinga naman ako ng malalim. Hindi ako sigurado kung magkikita pa nga tayo sa college, Haley.
"Nakaalis na siya?" bigla naman ako napapunas ng luha na tumulo sa pisnge ko ng marinig ko ang pagpasok ni Zack sa room ko.
Bumaling naman ako sa kanya na nakangiti saka tumango. "Oo, eh.. Kanina pa."
"Eto oh..." nagtataka na napatingin naman ako sa kanya ng bigla niyang inabot sakin yung isang plastic na may laman na juice.
"Inumin mo, maganda yan sa kalusugan."
"S-salamat.." nahihiyang sabi ko sabay inom nung juice na ibinigay niya at napangiti naman ako sa sarap ng lasa.
Sumandal naman si Zack malapit sa bintana habang nakalagay ang kanyang kamay sa bulsa ng pantalon niya.
"Pagpasensya-han mo na si Haley kung ganun yung palaging inaasta niya sayo ha?" bigla kong sabi kaya naman napabaling sa akin ang tingin niya.
"Ayos lang yon.." sagot niya.
"Mabait yung babaitang yon sadyang may saltik lang minsan hahahaha..."
"Hahahaha.."
"Hala!!" gulat kong usal ng mapatingin ako sa orasan. "Hindi ko napansin malapit na palang mag-ala-sais!!"
"Ohh?? Let's go?" nakangiting aya niya kaya naman masayang tumango-tango ako saka niya ako inalalayan tumayo.
Siya na ang naghawak ng dextrose stand ko habang nakahawak ako sa braso niya saka kami sabay na umalis ng room ko. Si Zack muna ang nagsilbing taga-bantay sa akin habang ang parents ko ay may inaasikaso.
Sumakay kami ng elevator hanggang sa makarating kami sa rooftop nitong hospital.
Bigla agad sumalubong sa amin ang malakas na hangin na siyang dahilan kaya lumipad ang ibang hibla kong buhok. Napangiti ako agad ng masilayan ko ang magandang kalangitan na kulay orange at ang araw na papalubog.
Hinila ko agad si Zack papunta doon sa bench na kaninang inuupuan ko saka kami sabay na dalawang naupo.
Hindi pa nagtagal ng magala-sais na at hindi mawala ang excitement sa akin ng magsimula ng marinig namin ang anunsyo na malapit ng magsimula ang fireworks show. Tulad nga ng sinabi ko malapit lang ang mall dito sa hospital kaya rinig pa rin namin ang pagaanunsyo.
"Naeexcite ako!! Hindi na ako makapaghintay!!" masayang usal ko at napangiti naman si Zack.
"Ako din, ngayon na lang din ako makakapanood ng fireworks." saad niya.
(Try to listen the song Talking to the Moon by Bruno Mars while reading it...)
"Thank you." bigla kong sabi na ikinakunot ng noo niya.
"Para saan? Dahil sinamahan kita dito?" tanong niya at nakangiting umiling naman ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para sabihin sayo lahat ng gusto ko sabihin habang may natitira pa akong oras. "Edi para saan?"
"Thank you sa lahat... Sobra-sobrang thank you." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Thank you dahil nanatili ka sa akin, Thank you dahil nandito ka ngayon, Thank you dahil sobrang napasaya mo yung tulad ko, Thank you dahil hindi mo'ko iniwan kahit na may sakit ako, Thank you sa pag-aalaga mo, and last Thank you for being there when I needed you the most." pilit kong kinontrol ang emosyon ko para hindi maiyak kaya tanging tamis lang ng ngiti ang ipinakita ko sa kanya.
"Dapat nga ako yung mag-thank you sayo eh..." bigla niyang usal.
"Thank you saan?"
"Nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko at nagpapasalamat rin ako na nakilala kita dahil kung wala ka, sigurado ako na hanggang ngayon ako pa rin yung dating ako lalo na sa lahat ng ginawa mo sa'kin, sa masasayang memories na ibinigay mo." hindi ko naman maiwasan na mapangiti ng sabihin niya lahat yon ng may ngiti rin sa labi.
"Ano ba yan! Ngayon pa ba tayo magdradrama-han hahahaha joke!" biro ko at natawa naman kaming pareho.
Nagtataka na tumingin naman siya sakin ng bigla akong tumayo saka ibinuka ang dalawa kong braso para humingi sa kanya ng yakap.
"Pwede ba akong humingi ng yakap?" nakangiting usal ko at napapailing na nakangiti rin siya na tumayo saka dahan-dahan akong yinakap.
Mahigpit na niyakap ko si Zack at ngayon ay damang-dama ko na siya, sumasabay ang paglakas ng tibok ng dibdib ko sa pinipigilan kong emosyon. Habang yakap yakap namin ang isa't isa ay walang tumatak sa isip ko kundi sabihin na mahal na mahal ko siya.
Bigla akong nanlambot ng bigla niyang himasin ang buhok ko habang yakap yakap pa rin namin ang isa't isa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at biglaan na lang bumagsak ng sunod sunod ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Naiiyak ako sa tuwa, saya, kilig, pagmamahal at takot... Lahat ng yon ay naghahalo-halo sa dibdib ko at isipan.
"Bakit ka umiiyak?" gulat niyang sabi ng bumitaw na kami sa isa't isa at bigla niya akong hawakan sa magkabilaan kong balikat.
"Natutuwa lang ako, masama ba?" usal ko habang pinupunasan ko yung mga luha ko sa pisnge. Nakangiti na umiling naman siya saka ako binitawan. "Zack?"
"Hmmm?"
"Mah-"
*PEW! BOOM! BANG!
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magumpisa na ang pagputok ng fireworks. Parehas kaming manghang-mangha at masaya na pinanood ang fireworks na may ngiti sa labi. Hindi ko alam kung dapat ako magpasalamat o manghinayang dahil hindi ko nasabi ng malinaw ang gusto ko sabihin dahil sa fireworks pero isa lang ang masasabi ko sa ngayon, hindi ko man nasabi sa kanya na mahal ko siya ang mahalaga ay masaya ako na nakikita ko siyang masaya na kasama ako na manood ng fireworks.
Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa balikat ni Zack at hinawakan naman niya ako sa kabila kong balikat na para bang nakayakap siya sakin habang patuloy pa rin naming pinapanood ang fireworks.