SOBRANG saya ng pakiramdam ko hanggang ngayon dahil sa nangyari nung fireworks show. Tatlong araw na ang lumipas at hindi nakabisita si Zack dala ng kabusy-han sa school pero inaasahan ko na bibisita siya ngayon kaya maghihintay ako sa pagdating niya.
Hindi mawala sa isipan ko yung pagyakap ko sa kanya at hinihiling ko na sana maulit pa yon, gusto ko uli madama ang yakap niya.
Simula nung nagsuka ako ng dugo nagtuloy-tuloy na ang pagsusuka ko nun at kawalan ng interes sa mga pagkain kaya hanggang ngayon ay halos namayat na ako. Hindi ko na din kayang tumayo o bumangon pa dala ng pananakit ng likod ko kaya kapag uupo ako ay inaalalayan ako nila mom ng dahan-dahan.
Tulad ng sabi ko habang patagal nang patagal lumalala na ang sakit ko at nararamdaman ko yon kaya hindi na ako magtataka kung sabihin na sakin ng doctor na may taning na ang buhay ko.
"Sweetie, Inom ka muna ng gamot mo." usal ni mom kaya naman ay inalalayan ako ni dad na makaupo ako at maisandal ko ang likod ko. Pag-inom ko ng gamot ay halos mapapikit ako sa pangit ng lasa nito, gusto kong idura pero nilunok ko pa rin ito.
Ramdam na ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko pero heto ako lumalaban pa rin ako kahit alam kong wala na akong dahilan pa para lumaban.
Alam na rin ng parents ko kung ano ang nangyayari sakin o kung ano ang sitwasyon ko na ngayon kaya tuloy lang ang pag-aalaga nila sa'kin kahit alam naman nilang ora mismo ay pwede ng sumuko ang katawan ko.
Sana kahit sa huling paghinga ko ay siya yung masilayan ko...
Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa dumating na ang hapon at napatalon sa saya yung puso ko ng makita ko si Zack. Akala ko hindi siya dadating, ang saya ko na bumisita siya ngayon.
Kinausap ko kanina ang parents ko at humiling ako sa kanila na gusto ko sana makasama si Zack ng kaming dalawa lang dahil gusto ko siya makausap at pumayag naman sila, the best talaga na nagkaroon ako ng parents tulad nila.
"Let's go?" nakangiting aya ko kay Zack at nakangiting tumango naman siya. Atsaka niya tinulak yung wheelchair na kinauupuan ko, hindi ko na kaya pang-lumakad dahil sa tuwing lalakad ako ay nanakit agad ang mga tuhod ko kasabay ang likod ko kaya tanging wheelchair na ang ginagamit ko sa ngayon.
Nang makarating kami ni Zack sa rooftop ay hindi agad nawala sa akin ang ngiti ng malanghap ko ang sariwang hangin. Inalalayan naman niya akong makaupo sa bench na inupuan na rin namin dati.
Grabe... Mamimiss ko ang tumambay parati dito..
ZACK'S POV:
TATLONG araw na ang nakakalipas nung huling bumisita ako kay Rachel. Nakapangalumbaba lang ako habang nakadungaw sa bintana nitong classroom. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang saya nung nanood kami ng fireworks at nang masilayan ko kung gaano siya kasaya habang pinapanood yon.
Tutal tatlong araw na rin hindi ako nakakabisita sa kanya siguro bibisitahin ko na lang siya mamaya kapag natapos na ang school ko ngayon kahit papaano hapon naman na at malapit ng matapos ang klase namin kay Miss Chavez.
Habang hinihintay ko matapos sa discussion ang teacher namin ay napabaling naman ang tingin ko kay Haley na tahimik na nakikinig.
Hanggang ngayon ay iwas pa rin sa akin si Haley at sa tuwing nakikita niya ako ay lagi niya akong tinatarayan o sinusungitan na parang akala mo may nagawa akong malaking kasalanan. Napangiwi na lang ako at nakinig na lang sa discussion ni Miss Chavez.
Nang matapos na ang klase ni Miss Chavez ay saka namang tunog ng bell senyales na uwian na kaya ang mga classmate ko ay nagsihiyawan at nagsiayos na ng gamit nila.
"Goodbye class." paalam ni Miss Chavez at nagsitayuan naman kami saka sabay sabay na nag-bow.
Inayos ko na rin ang gamit ko saka ko isinakbit ang bag ko sa balikat ko atsaka ako lumabas ng classroom.
Patuloy lang ako sa paglalakad paalis ng school hanggang sa may madaanan akong cake shop at pumasok agad sa isipan ko si Rachel. Naisipan ko na bumili ng cupcake para kay Rachel bilang pasalubong pagpunta ko doon.
"Welcome to our cakeshop!" bati sa akin ng babae nung pumasok ako at ngumiti lang ako dito.
Habang pumipili ako ng cupcake na bibilhin ko ay saka naman narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cakeshop at may pumasok na customer hindi ko na tiningnan kung sino pa ito dahil busy ako kakapili.
"Welcome po!" sabi ng babae sa dumating na customer.
Nang makapili na ako ay agad ko itong sinabi sa babae at habang binabalot niya ay hindi sadyang nabangga naman ako ng babaeng customer.
"A-ahh sor-... Zack?" napakunot naman ang noo ko ng makita ko si Haley siya pala yung nakabangga ko.
"H-haley? Ahh sorry kung nabangga kita." tugon ko.
"Ako nga yung nakabangga sayo e, sorry. Ano ginagawa mo dito?"
"Ahh... Bumili lang ng cupcake para kay Rachel."
"Ohh.. Bibisita ka kay Rachel!?" tumango naman ako.
"Ikaw ba?"
Bigla naman siyang nalungkot. "Hindi eh... Gusto ko sana siya bisitahin kaso pinapapunta kasi ako ni daddy sa family gathering." sambit niya saka niya ipinasuyo sa babae yung binili niyang cake.
"Hmmm... Okay, sasabihin ko na lang sa kanya kapag tinanong niya ako."
"Salamat." usal niya at ngumiti lang ako, nakakagulat lang dahil kinausap niya ako ng matino samantalang nung nakaraan halos sungitan niya ako.
Sabay pa kami ni Haley na nagbayad kaya naman siya na lang pinauna ko at nang matapos ako magbayad ay sabay uli kaming lumabas nung cakeshop.
Nagbabye lang siya sa akin saka siya tuluyang umalis kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Hindi rin nagtagal ng makarating ako sa Hospital. Masayang sumakay ako ng elevator habang tinitingnan yung cupcake na dala dala ko. Magugustuhan kaya ito ni Rachel?
*TING!
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko nung lumabas ako ng elevator habang dala dala ko yung cupcake hanggang sa makarating na ako sa kwarto ni Rachel kaya naman ay agad akong kumatok.
Nakangiting Rachel agad ang bumungad sa akin nung makita niya ako gayon din ang mom at dad niya kaya nag-bow ako.
Bigla namang nag-aya si Rachel na gusto niya pumunta ng rooftop nitong hospital para magpahangin kasama ako kaya naman pumayag ako. Inalalayan ko naman siya agad na makaupo sa wheelchair atsaka ako nagsimula itulak ito. Pumayag naman agad ang parents ni Rachel sa pinaalam ni Rachel kaya heto ay hindi mawala-wala ang excitement sa mukha niya na makapunta na uli sa rooftop.
(Try to listen E.D.S.A by Moira Dela Torre while reading it.)
Inalalayan ko siyang maupo sa bench atsaka ako naupo na rin. Napangiti naman ako ng makita ko kung gaano kalaki ang ngiti sa labi niya habang nakapikit na para bang dinadamdam niya yung simoy ng hangin.
"Ganyan na ba ako kaganda para titigan mo habang may ngiti sa labi?" nangtutukso niyang sabi habang nakangisi sakin.
"Ha? Hahaha! Hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil nakikita kitang masaya?"
"S-sira! Hindi na pala ako maganda..." malungkot niyang sabi kaya naman ay bigla kong pinitik ang noo niya. "Ouch! Bakit namimitik ka?!"
"Psh... Sino nagsabing hindi kana maganda, hanggang ngayon ang ganda mo parin nga kahit na sobrang puti na ng labi mo, sobrang payat mo, at yung eyebags mo na sobrang itim, walang nagbago ang ganda mo parin."
"A-ano ba!! Lakas mo talaga mambola e 'no? Kaya ka hindi nagkakagirlfriend eh!"
"Grabe ka naman hahaha! Hindi ko kailangan nun." kasi meron akong hinihintay na babae at siya lang ang gusto ko maging girlfriend.
"Ows? Sayang naman kapogian mo kung hindi ka mag-gigirlfriend." natawa naman ako.
"Kamusta na pakiramdam mo?" pagiiba ko sa pinaguusapan namin.
Ngumiti naman siya. "Heto.. Hindi ko masasabi kung okay ba ako o hindi hahaha.." bigla naman siyang nalungkot kaya agad kong tinap yung shoulder ko na agad niyang ipinagtaka. "Huh? Ano meron bakit mo tinatap shoulder mo? May kumagat sayong insekto?"
"Nope, humiga ka... Dito." usal ko sabay hawak ko sa ulo niya atsaka ko siya dahan-dahan na inihiga sa balikat ko na ikinagulat niya.
"T-teka.. Hindi kaba naiilang?" nauutal niyang sabi.
Umiling ako. "Bakit naman ako maiilang? Ginusto kong humiga ka sa balikat ko kaya wala akong reason para mailang." nakangiting sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napaiwas ng tingin.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko...
Hindi na umangal pa si Rachel at hinayaan na lang niya ang sarili niyang mahiga sa shoulder ko habang ang isa kong kamay na konektado sa shoulder ko ay nakahawak sa ulo niya.
Katahimikan ang nangibabaw sa amin habang nakaganun kaming posisyon pero binasag niya rin agad yon ng magsimula siyang magsalita.
"Ang saya ko ngayon, sobrang saya." nakangiting sambit niya at napangiti rin ako.
"Masaya rin ako." tugon ko.
"Naalala ko pa noon yung una nating kita, naalala mo? Hahahaha."
"Syempre, hindi ko makakalimutan yon! Ayun yung araw na sinampal mo'ko ng sobra eh."
"Hahahaha! Sorry! Akala ko kasi ikaw yung manyakis eh pero ikaw pala yung tumulong sa akin.." sabay ngiti niya. "Tapos yung araw na unang labas natin? Hahaha! The best! Ayun yung araw na pinaka-una-unahan na nakita kitang ngumiti.." dagdag niya pa habang natatawa ng mahina at ngumiti naman ako. "Then yung pangatlong labas natin! Ang saya grabe na pumunta tayong dalawa sa Ocean Park at nanood pa ng fountain? Grabe! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapanood nun kaya sobrang thankful ako." kwento niya pa at ako heto nakangiting nakikinig lang sa kanya. "Hindi ko makakalimutan lahat yon, lalo na yung nanood tayo ng fireworks show at yung birthday ko na binigyan mo ako ng magandang necklace sobrang iningatan ko 'yon."
"Ang dami nating masasayang memories 'no? Hindi ko makakalimutan ang lahat na masasayang ginawa natin..." usal ko.
"Aba syempre! Kapag kinalimutan mo 'yon yari ka sakin 'no!!" pagbabanta niya at sabay naman kaming natawa. "Nakakagaan ng pakiramdam."
"Yung?"
"Makausap kita, makatawanan, makwentuhan, at higit sa lahat yung mayakap ka." saad niya na may ngiti sa labi at pakiramdam ko bigla akong nanlambot.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili na lang akong tahimik at katahimikan nanaman ang nangibabaw sa amin.
"Zack..." bigla niyang tawag sa akin.
"Hmmm? Bakit?" sagot ko.
Bigla naman siyang napahawak sa dibdib niya habang mabilis na naghahabol ng hininga kaya naman ay nagalala agad ako kung anong nangyayari sa kanya.
"R-rachel? Okay ka lang ba?"
"Ha... Naninikip yung dibdib ko.." bigla naman akong nataranta nung sabihin niya yon. "N-nahihirapan akong h-huminga.."
"W-wait... Tatawag lang ako ng doctor." tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan kaya napatigil ako.
"H-huwag... Hindi na.. Dito ka lang." nahihirapang usal niya.
"Hindi... Baka kung mapano ka pa eh."
"Please? S-stay with me... G-gusto kong nandito ka lang sa tabi ko.. P-please??" wala naman akong nagawa kahit na nagalala ako ay bumalik na lang ako sa pagkakaupo at nanatili sa tabi niya.
Bigla naman siyang sumandal uli sa balikat ko at nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang isa kong kamay.
"M-manatili ka lang sa tabi ko... W-wag kang aalis.." kahit nahihirapan na siyang magsalita ay pinipilit niya pa rin kaya naman mas lalo akong nagaalala.
"O-okay... I'll stay." nanatili lang ako sa tabi niya kahit na hindi pa rin mawala-wala sa'kin ang pagaalala.
"Z-zack?"
"Hmmm?"
"A-alam mo ba... G-gusto ko na m-magpahinga.." bigla naman akong napatigil ng sabihin niya 'yon. "I-Inaantok na ako, Zack... Gusto ko na matulog.."
Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. "Hmmm.."
"Matutulog na ako, o-okay?" nakangiting sabi niya kaya naman ay tumango ako. "Thank you."
"Sleepwell, Rachel." usal ko.
Sunod sunod na tumulo ang luha ko ng dahan-dahang bumitaw ang kamay ni Rachel sa pagkakakapit sa kamay ko. Napakagat na lang ako sa labi sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kahit na nanlalabo ang paningin ko at nanginginig ang kamay ko ay agad kong hinihimas ang buhok niya saka ko siya hinalikan sa noo niya.
"Makakapagpahinga kana, paalam." huli kong sabi hanggang sa hinayaan ko ang sarili ko na umiyak ng umiyak.
Hindi din nagtagal ng kunin na ng doctor si Rachel at iyak naman ng iyak ang mommy niya sa bisig ng daddy ni Rachel. Hindi pa rin tumitigil ang pagbagsak ng luha ko hanggang sa dahan-dahang maglaho si Rachel sa paningin ko at maiwan ako dito sa rooftop.
Humagulgol lang ako nang humagulgol at dinama ko ang kirot sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw para mailabas ko yung sakit pero hindi ko magawa parang may nakabarang tinik sa lalamunan ko. Hinawakan ko naman yung kamay ko na hawak ni Rachel kanina saka ko hinalikan ang likod nito at hinayaan ang sarili na umiyak habang sumasabay sa akin ang simoy ng hangin.