Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 16 - Chapter 16: I'm scared...

Chapter 16 - Chapter 16: I'm scared...

RACHEL'S POV:

HINDI talaga ako makapaniwala na kasama ko si Zack ngayon na nasa hospital nanaman ako. Since bata pa ako na-confined na ako sa hospital ng ilang buwan hindi ko akalain na babalik ako uli at masisinghot ko nanaman ang mga kemikal sa paligid.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang lumala ang sakit ko kahit na umiinom ako ng maraming gamot kahit na manakit na lalamunan ko kakalunok ng maraming gamot para lamang gumaling ako pero bakit nandito nanaman ako?

Pero kahit papaano gumaan pakiramdam ko ng pagkagising ko ay si Zack agad ang nakita ko para ako nakaramdam ng kapayapaan sa dibdib lalo na't ng makita ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ng kama ko habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

Ngayon ay masaya ako na nandito siya ngayon at katabi ko habang pinagmamasdan namin pareho ang mapayapang kalangitan.

"Sigh... Hindi ka naman mamatay atsaka isa pa malakas kang tao kaya naniniwala ako na malalagpasan mo yang sakit mo at gagaling ka." nang sabihin niya sakin yon ay wala akong nagawa kundi ang matulala at mapangiti na lang dahil napagaan nanaman niya yung pakiramdam ko.

"Thank you, Zack." masayang usal ko sa kanya, sobrang nagpapasalamat ako dahil pinapalakas niya ang loob ko.

Namutawi sa aming dalawa ang katahimikan kaya naman ay kumain na lang ako ng apple na hiniwa niya habang pinapanood ko ang langit na gumagalaw. Nang lumingon ako kay Zack ay mabilis siyang umiwas kaya naman ay nagtaka ako pero hindi ko na lang yon pinansin pa.

"Hindi kaba magpapahinga?" tanong ni Zack kaya naman ay umiling ako. "Bakit ayaw mo magpahinga?"

"Sobra na yung pahinga ko kanina, gusto pa kita makausap hahahahaha..."

"Hmmm okay.."

Bumalik na ako sa kama para maupo at maisandal ko ang aking likod habang hinihintay ko na matapos mag-cr si Zack dahil nagpaalam muna siya sakin na mag-ccr lang siya sandali.

Nakatitig lang ako sa dextrose na nakainject sa akin. Sana bukas ay makaalis na ako dito at hindi na bumalik pa kahit ayun na lamang ang hinihiling ko.

Nang matapos si Zack mag-cr ay saka siya bumalik sa kinauupuan niya kanina nung naabutan ko siyang natutulog sa tabi ng kama ko.

"May kwekwento ako sayo." nakangiti na sabi ko sa kanya.

"Ano yon?"

"Alam mo ba since bata pa ako na-confined na ako sa isang hospital doon sa province kung saan nakatira ang grandparents ko." napangiti naman ako ng makita kong nakikinig talaga siya ng mabuti at handang makinig sa ikuwekwento ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagkwekwento. "Bata palang tayo nakilala na kita," nagulat naman siya at hindi makapaniwala kaya natawa ako ng unti dahil ang cute ng reaction niya. "Yup hahahaha! Hindi ka makapaniwala 'no? hindi rin ako makapaniwala eh hahaha! Akalain mo nga naman na yung Zack na nasa harapan ko ngayon ay siya yung bata na tinulungan ako nung binubully ako ng mga classmate ko."

"S-seryoso? Talaga?"

"Oo nga! Nagpapasalamat nga ako na tinulungan mo ako nun at dumating ka e kundi panigurado kuwawang-kuwawa ako hahahahaha... Hindi na ako nakapag-thank you pa sayo dahil bigla mo na lang ako tinalikuran at naaalala ko pa sinabi mo nun! Hahahahaha nakakatawa nga eh.."

"Anong sinabi ko??"

"Matuto ka ngang protektahan sarili mo at wag kang iyakin hindi bagay sayo, crybaby!" panggagaya ko sa sinabi ni Zack noon habang nakahawak pa ako sa magkabilaan kong bewang sabay tawa ko ng malakas at napahawak naman siya sa noo niya.

"Sinabi ko 'yon?? Aishh!!"

"Yeahh! Hahahaha! Sorry hindi ko maiwasan matawa ang cute mo kasi dati hahahaha... Halos walang pinagbago dahil napaka-cold ng personality mo."

"Hanggang ngayon ba may cold personality pa rin ako?"

"Hmmm... Wala na! Ngumingiti kana at tumatawa kaya sobrang happy ko dahil doon."

"Ganun ba? Masaya ako kung masaya ka."

Hindi ko naman napigilan mailang nung sabihin niya yon kaya agad ako napaiwas ng makaramdam ako ng init sa pagmumukha ko.

"S-so ayun nga! Lumipas ang ilang araw nun at lumipat na kami ng parents ko sa province para makalanghap ako ng sariwang hangin, at nang time na yon ay na-confined ako sa hospital ng ilang buwan dahil sa sakit ko nga ayun... Nakakalungkot kasi hindi ako nakapaglaro noong bata pa ako tulad ng mga bata sa kalsada na naglalaro, halos lagi ko sinasabi sa parents ko na gusto ko na umalis ng hospital at gusto ko na gumaling para makapaglaro na ako sa labas."

"Gusto mo maglaro tayo bukas?" hindi naman ako makapaniwala ng itanong niya yon sa akin.

"T-talaga?? Gusto ko!!" parang bata na tuwang-tuwa naman ako.

"Bukas, maglalaro tayo kahit anong gusto mong laro."

"Yey!! Thank you." hindi ko namalayan ang sarili ko na napayakap na lang ako kay Zack sa sobrang saya at nang marealize ko yon ay agad akong bumitaw habang hindi makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya. "A-ahh... S-sorry hehehehe."

"Ayos lang hahaha... Sigurado kang ayaw mo magpahinga?"

"Magpapahinga na po ako hahaha..."

"Good, sleepwell."

Nahiga ako ng maayos para magpahinga na dahil kahit papaano ay nakakaramdam na rin ako ng antok. Tago na napangiti naman ako ng inayos ni Zack ang kumot ko saka siya bumalik sa pwesto niya para bantayan lang ako magdamag. Kaya naman ay dahan-dahan ko ng ipinikit ang aking mata para matulog.

Makalipas ang ilang oras ay naalimpungatan na ako at nang magising ay hindi ko na nakita si Zack.

"Gising kana pala, Anak." nakangiti na usal ni mom habang hinihimas-himas ang buhok ko kaya naman ay napangiti rin ako nang makita ko sila ni daddy.

"Finally, you're awake." nagaalalang usal naman ni daddy.

Nandito sa harap ko ang parents ko na sobra kung magalala sakin kaya sobrang mahal na mahal na mahal ko sila.

"Nasaan na nga po pala si Zack?" tanong ko.

"Umuwi na siya, sweetie. Bukas na lang daw siya uli bibisita."

"Ganun po ba? Okay po, kamusta kayo ni dad? kumain ba kayo?"

"Okay naman kami ng dad mo at tulad ng kagustuhan mo hindi namin pinapabayaan kalusugan namin," nakangiting sambit ni mommy.

"Mabuti naman po! Lagot kayo saking dalawa kapag nalaman ko na hindi niyo inaalagaan sarili niyo hmp."

"Yes, my baby." natatawa na usal nilang pareho sabay yakap sakin at halik sa noo ko.

"Matutulog na po muna ako ulit, mom." sambit ko.

"Kakagising mo lang ahh? okay, sige. Magpahinga ka ng mahaba ok? Sleepwell, sweetie." tugon ni mom bago niya ako hinalikan sa noo kaya naman ay dahan-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko.

Hindi ko rin maintindihan sarili ko at ewan ko ba kung bakit palagi na lang ako nakakaramdam ng antok kahit naman na kakagising ko lang then maya maya ay aantukin agad ako.

Wala naman akong reklamo o problema sa pagiging antukin ko, maganda nga yon para naman makapagpahinga ako ng mahaba at maayos.

Agad akong nailimpungatan dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw parang nanunuyot ang lalamunan ko at gusto ko uminom ng maraming tubig kaya naman ay kinusot-kusot ko ang mata ko saka ako bumangon.

Nagtaka agad ako ng makita kong wala si mom and dad sa room ko at pagtingin ko sa bintana ay gabi na pala. Sobrang haba pala ng itinulog ko, nagising na lang ako gabi na.

Tumayo na ako at binitbit ko yung dextrose stand saka ko binuksan ng mahina yung pinto ng room ko. Nagtaka agad ako ng makita ko sila mom kausap ang doctor at nakatalikod sila sakin. Hindi ko marinig kung ano pinaguusapan nila kaya naman ay dahan dahan akong naglakad kahit na nahihirapan ako. Tatawagin ko na sana si mom nang ako ay makalapit na sa pwesto nila pero bigla na lang huminto yung paa ko sa paglalakad at parang gusto ko manlumo matapos ko marinig ng malinaw ang sinabi ng doctor sa parents ko.

"L-lumabas na po ba ang resulta, doc?" nangangatog na tanong ni mommy sa doctor kaya naman ay agad siyang yinakap ni daddy para pakalmahin siya.

"Yes, Mrs. Tan." tugon ng doctor sa tanong ni mommy.

"Ano po ang resulta?" kalmadong tanong naman ni daddy dahil hindi na makapagsalita pa ng masyado si mommy dahil sa kaba.

"I'm sorry to say this, but your child's cancer is stage 3 at mas lalo itong lumalala to the point na maaari niya itong ikamatay." halos mapahawak na lang si mommy sa bibig niya at hindi mapigilan ang paghagulgol sa bisig ni daddy nang sabihin iyon ng doctor.

Para akong sinaksak ng maraming beses at halos mapakapit ako sa dextrose stand ng muntikan na ako matumba. Walang lumalabas na salita sa bibig ko at tanging paghinga ko lang ang naririnig ko. Sunod-sunod na tumulo yung luha ko sa pisnge ko, wala akong masabi.

"P-pero pwede pa po ba maagapan yon? P-pwede pa po ba siya maoperahan?" tanong ni daddy sa doctor habang si mommy naman ay walang tigil sa pagiyak. "Magagamot pa naman po yon diba? M-may pag-asa pa naman po na gumaling yung anak ko sa sakit niya diba?? Babayaran po namin kayo ng malaki para lamang sa operation ng anak namin para lamang po gumaling siya please." pakiusap ni daddy sa doctor pero tanging iling lang at lungkot ang sinagot nito.

"I'm sorry, Sir. Kung i-dadaan pa po natin ang anak niyo sa operasyon baka mas lalo po niyang hindi kayanin dahil sa sitwasyon niya ngayon at pansin rin po namin na unti-unti ay nanghihina na ang katawan ng anak ninyo."

"D-doc, p-pakiusap gamutin niyo a-anak ko." nauutal na pakiusap ni mommy habang pinipigilan niya ang paghagulgol.

"Pasensya na po, Mr. and Mrs. Tan."

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pakikinig dahil sobrang nanghihina na ang katawan ko at parang tutumba na ako ng wala sa oras. Tiniis kong bumalik sa room ko kahit na sobrang nanghihina ako at sobrang nanlalabo na ang paningin ko dala ng pagiyak ko.

Nang makabalik ako sa room ko ay agad kong ni-lock yung pinto at napasandal na lang ako habang hawak hawak ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Gusto ko sumigaw dahil sa sakit pero walang lumalabas sa bibig ko at tanging paghikbi ko lamang ang naririnig ko sa buong kwarto.

Bakit ganun? Hindi ko maintindihan kung bakit... Yung kinakatakutan ko biglang nagkatotoo haha.. Natatakot ako.

Natatakot akong mawala sa mundo...

Natatakot akong iwan ang mga mahal ko sa buhay...

Natatakot ako na hindi ko na uli masilayan ang mga ngiti nila sa labi...

Natatakot ako na hindi na ako magising pa kapag natulog ako...

At natatakot ako na iwan si Zack...

Sobrang natatakot ako...

Hindi ko kaya... Hinding-hindi ko kaya na mamatay na lang dahil sa pisteng sakit na 'to!! Do I deserve this? Why me? Why did you choose me? Why!?

Napayakap na lang ako sa binti ko habang hinayaan ko ang sarili ko na umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na dahan-dahang nanlabo ang mata ko at parang umikot ang paligid. Namalayan ko na lang na bumagsak na ako sa sahig at naipikit na lang ang mga mata.

Anong nangyari?

Pagkagising ko ay bumungad agad sakin ang puting dingding at medyo malabo pa ang paningin ko kaya naman ay ipinikit ko ito uli at dahan-dahang idinilat hanggang sa mabaling ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Z-zack?" bigkas ko habang nakatingin sa nagaalala niyang mata na nakatingin sakin.

"Kamusta? Okay ka lang ba?" tanong niya habang inaalalayan akong sumandal sa hospital bed.

"M-medyo masakit ulo ko p-pero okay naman ako kahit papaano.." sagot ko sabay hinga ko ng malalim. "A-ano nangyari kagabi?"

Napabuntong-hininga naman siya agad. "Sinabi lang sa akin ng mama mo na pagpasok nila sa room mo ay naabutan ka nilang nakahiga sa sahig kaya agadan silang tumawag ng doctor para tingnan kung ayos ka lang ba," mahabang sabi niya sa akin at naalala ko naman yung biglang pagikot ng paningin ko kagabi kaya ako bumagsak ng biglaan. "Kaya nagmadali ako na bumisita mismo dito para tingnan ka rin kung maayos ba pakiramdam mo." ngumiti naman ako sa kanya.

"Nasaan sina mom and dad?"

"Lumabas muna yung mommy mo para bumili ng makakain mo at yung daddy mo naman ay pumasok daw sa work, mabuti na lang talaga at okay ka lang dahil sobra yung pagaalala ko sayo."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya na nagalala siya sakin at hindi ko namalayan ang sarili ko na napayakap na lang sa kanya at ramdam na ramdam ko ang pagkagulat niya dahil naramdaman kong umangat yung balikat niya. Habang nakayakap sa kanya ng mahigpit ay naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik kaya naman ay mas lalo ko siyang hinapit palapit sakin at hindi ko na lang namalayan na nagumpisa na pala akong maiyak kaya bibitaw na sana siya sakin pero agad kong hinigpitan ang pagkayakap sa kanya.

"Stay still... Gusto kitang yakapin hanggang sa gumaan pakiramdam ko, p-please.." matapos ko sabihin yun ay nanatili na lang siya sa pwesto niya at hinayaan niya akong humagulgol nang humagulgol hanggang sa wala na akong mailabas pang luha.

"Sigurado kabang okay ka lang?"

"O-oum hahahaha... Sorry kung umiyak ako nabasa ko tuloy yung suot mo dahil sa luha ko.."

"Look at me, Rachel." tumingin naman ako sa kanya kahit na mukha akong kamatis dahil sa pamumula ng ilong ko at mata dala ng pagiyak ko. "May problema ba?"

Umiling naman ako bigla saka ngumiti sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya at bigla naman akong nagulat ng bigla niyang hawakan ang magkabilaan kong pisnge at punasan ang mga natirang luha sa mata ko.

"You look still beautiful kahit umiyak ka." hindi naman ako nakapagsalita ng sabihin niya yon kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"A-ano ba... Binobola mo ata ako para gumaan na pakiramdam ko eh!"

"Ano? Hahahaha! Of course not.. I'm just telling the truth."

"Aishhh!! Nye nye!! ediwow!"

Hindi na kami nakapagusap pa ni Zack ng dumating na si mommy dala dala ang pagkain ko.

"God!! I'm glad that you're awake na, how's your feeling?" tanong ni mommy ng makita niya akong gising na kaya naman ay agad niyang inilapag sa maliit na table yung pagkain na dala niya saka siya dumeretso sakin para tingnan ako.

"Mom, okay lang po ako." nakangiting sagot ko para matanggal ang pagaalala sa'kin ni mommy masyado.

"Are you really sure, sweetie? Okay sigh... C'mon let's eat para naman makainom kana ng medicine mo atsaka isa pa napapansin ko na masyado ka yatang namamayat? Talaga bang kinakain mo ng maigi yung pagkain mo?"

"Oo naman po... Ano kaba, mom! Normal lang po na mamayat ako lalo na't may sakit ako pero 'wag po kayo mag-alala dahil okay na okay lang po ako!!" masiglang sagot ko sa kanya habang itinataas ko ang dalawa kong braso na kunwari malakas akong tao na para bang si wonderwoman.

Ngumiti naman sakin si mommy sabay pisil sa pisnge ko kaya agad akong nahiya ng maalala ko na nandito pa pala si Zack sa room ko kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Parati niyo na lang akong trinatrato na parang baby ni daddy hmpp!! Eh, ang laki laki ko na nga po oh."

"We don't care kung matanda kana o malaki kana, you're still our baby Racheng."

"Pshh.. Whatever! I still love you two pa rin naman po hihihi..."

Hindi na ako masyado nakipag-chikahan pa kay mommy ng bigla akong kalabitin ni Zack kaya naman ay agad akong napalingon sa kanya.

"Bakit Racheng ang itinawag sayo ng mommy mo?" nagtatakang tanong ni Zack at natawa naman ako ng mahina dahil para siyang bata kung tanungin ako nun.

"Nickname ko yun sa kanila simula bata pa ako hahahaha.." sambit ko at tumango-tango naman siya.

Inalalayan naman ako ni Zack na tumayo at umupo saka ako nagsimulang kumain ng dalang pagkain ni mommy.

"Lalabas muna po ako sandali, babalik rin po ako agad." paalam ni Zack.

"Sige lang, hijo. Balik ka okay? Aalis rin kasi ako mamaya dahil may kukunin lang akong gamit na naiwan ko sa house, papabantay ko lang muna si Rachel sayo sandali."

"Okay lang po, babalik rin po ako agad."

Nang makalabas na si Zack ay bigla naman akong napatingin sa mapanuksong mata ni mommy na nakatingin sakin kaya agad ko na naitaas ang isa kong kilay sa pagtataka.

"Alam ko yang tinginan na yan mommy ha!! Tigil-tigilan niyo po ako hmp." usal ko sabay subo uli ng kinakain ko.

"Aysus... Alam mo, sweetie kung manliligaw o boyfriend mo yan si Zack, ay naku! siguradong-sigurado na botong-boto ako sa kanya para sayo.."

"Mommy naman ehh!! Hindi ko po manliligaw o boyfriend man si Zack, okay?"

"But you like him, tama ba ako?" napatigil naman ako sandali sa pagkain ko ng tanungin yun ni mommy agad. "I knew it! Umamin kana sa kanya habang may natitira pang oras dahil tingin ko rin naman na gusto ka din ni Zack kahit na hindi niya aminin."

"Paano niyo naman po nasabi na gusto rin ako ni Zack?"

"Sigh... Sobra ka kung alagaan ni Zack, sweetie. Kahit na hindi niya aminin na gusto ka niya o may nararamdaman siya sayo, nararamdaman ko naman yun at nababasa ko sa mismong mata niya." napatigil naman ako sa kain ko at biglang napatitig kay mommy matapos niyang sabihin yon.

Ngumiti ako na may lungkot sa mata. "Kahit naman na aminin kong gusto ko siya, hindi rin naman po magtatagal ang buhay ko dito sa mundo." napatingin naman ako agad kay mommy ng bigla niya akong himasin sa buhok habang may ngiti sa kanyang labi.

"Hindi mo dapat iniisip yan, maraming pwedeng paraan para ma-enjoy niyo yung pagmamahalan niyong dalawa kahit na alam mong unti na lang ang natitira mong araw dito sa mundo."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni mommy habang nakayakap kami sa isa't isa at masayang nagkwentuhan uli tungkol sa lahat ng bagay at tungkol rin sa kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila ni daddy.

Tama si mommy... Maraming paraan para sa lahat kung gusto mo ma-enjoy ang kasiyahan sa mundo..

I'm so lucky to have a mom like her...