Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 13 - Chapter 13: The Day I'm With You

Chapter 13 - Chapter 13: The Day I'm With You

ZACHARY CORPUZ POV:

NAALIMPUNGATAN ako ng gising nang makarinig ako ng tatlong malalakas na katok sa pinto kaya naman ay bahagya na idinilat ko ang isa kong mata sabay kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng katabing cabinet para tingnan kung anong oras na.

Arghhh!!! 8:00 am palang at sino naman ang naglakas loob na mambulabog ng ganito kaaga?!

Tamad na tamad akong bumangon saka ako nagtungo sa pinto para tingnan sa maliit na bilog kung sino yung tao sa labas. Laking-gulat ko nang makita ko si Rachel sa labas habang nakapamewang at nakatingin sa suot niyang relo.

"Bakit ang aga-aga at nandito si Rachel?" mahinang tanong ko sa sarili ko sabay napatakip naman ako sa bibig ko ng mapagtanto ko na hindi pa pala ako naghihilamos.

Dali-dali akong naghilamos at nang matapos ay saka ko binuksan ang pinto at salubong ang kilay na tumingin kay Rachel.

"Ang aga mo mambulabog.... Anong ginagawa mo dito??" kunot-noong tanong ko sa nakapamewang na si Rachel.

Tumaas naman ang isang kilay niya. "Nandito ako para sunduin kana! Bakit ngayon ka lang nagising?!" nakapamewang parin nitong sigaw sa akin.

"Bakit mo'ko susunduin? Para saan?"

"Papasukin mo muna kaya ako? Para tayong tanga na nagsisigawan dito baka magalit pa mga kapitbahay mo."

At dahil doon ay pinapasok ko siya sa loob at pinaupo.

"Ano gusto mo? Tubig, kape, gatas o juice?" tanong ko habang nakapamulsa sa suot kong pajamas.

"Gatas na lang..." sagot niya habang nakatingala sakin.

"Wala ako nun dito eh.."

"Huh? Edi juice na lang..."

"Hmmm... Wala rin ako nun dito eh."

"Ehh... Walang gatas at juice? Edi kape!"

"Uhmm... Teka, wala rin ako nun dito."

"Ano?! Walang gatas, juice at kape? Huwag mo sabihin pati tubig wala ka?"

"Meron ako nun dito syempre..."

"Nako ha, tatanong ka sakin ng inumin tapos tubig lang pala meron ka... Osya bigyan mo ako tubig yung malamig ahh! Nakakauhaw ang kumatok nang kumatok sa pinto mo."

Nagpunta naman ako sa kusina para kuhaan siya ng maiinom na malamig na tubig. Pagkatapos ay ibinigay ko ito sa kanya saka ako naupo sa harap niya.

"Bakit ka nga ba nandito?" tanong ko sa kanya nang matapos siyang uminom ng tubig.

"Aalis tayo." malawak ang ngiting sabi niya na parang akala mo batang binigyan ng laruan.

"Huh? Saan naman ang punta?"

"Ocean Park Manila!!" ngiting-ngiti na pagkakasabi niya. "Balita ko maganda raw doon eh... Kaya naman tiningnan ko sa google tapos ayun! Tama nga... Maganda ang magpunta doon paniguradong mageenjoy ka." dagdag niya pa na may kasamang pagpitik ng daliri.

"Malapit lang ba yun dito? Saan yun?"

"Malapit lang yun sa Rizal Park!!"

"Ahh... Saan yun?"

"Ahh basta.... Malalaman mo na lang yun mamaya kapag nandun na tayo, kaya kung ako sayo.... Maligo kana't magbihis ng pang-alis."

"Okay..." matapos ko sabihin sa kanya yun ay tumayo na ako atsaka dumeretso sa kwarto ko para kumuha ng damit saka ako nagtungo sa banyo.

Ilang sandali lang ay natapos rin ako kaya naman nang lumabas na ako ng kwarto ay napatitig siya bigla sa akin habang nakapangalumbaba. Buka ng unti ang bibig niya habang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman ay napahawak na lang ako sa batok ko dahil sa kahihiyan.

Iniisip ko kasi baka hindi maganda ang suot ko ngayon kaya ganun siya kung tumingin sakin...

"Woah... Woah... Is that you, Zack?" usal niya ng lumapit siya sa akin at saka inikutan ako na parang akala mo isang bagay ako na kailangan suriin ng maigi.

"Hindi ba okay ang suot ko ngayon?" tanong ko sa kanya at tumigil naman siya sa pagsusuri sakin saka tiningala ako.

Halos magulat naman ako sa kanya ng bigla siya tumingkayad at hawakan ang magkabilaan kong pisnge. Napapalunok na lang ako dahil masyadong magkalapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Hmm.... Sa tingin ko may kulang eh." nakangiwing usal niya na ipinagtaka ko naman.

"Huh? Ano yon??"

"Teka... Ayan!! Oh, diba? Edi mas lalo ka gwumapo." saad niya matapos niyang ayusin ng kaunti ang buhok ko na medyo magulo.

Umiwas na lang ako tingin matapos niyang sambitin ang mga yon.

"Oh, ano? Let's go?" tanong niya habang nakangiti at tumango naman ako saka kami sabay na lumabas ng apartment.

Nagtaka naman ako sa kanya ng bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako sa paglalakad.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya. "Eh, bakit ka huminto?"

"Kukuha ako ng grab sa cellphone teka..." tugon niya saka siya nagpipindot sa cellphone niya.

"Grab? Para saan? Sasakyan natin papunta doon?"

"Yep! Hintayin na lang natin ng ilang minuto."

"Oh, okay."

Tulad nga ng sinabi niya ay naghintay kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na yung grab na 'yon. Kulay black ang kotse na ito at masasabi kong maganda. Sabay kami na sumakay ni Rachel sa back seat at ilang sandali pa ay umandar na ito paalis.

Habang nasa byahe ay napatingin naman ako kay Rachel na tahimik na nakadungaw sa bintana. Hindi ko napansin yung suot niya ngayon at ang masasabi ko lang ay ang ganda niya sa suot niyang dress na pink saka dagdag mo pa yung kwintas na bumagay lalo sa kanya. Yung kwintas na bigay ko sa kanya nang nakaraang birthday niya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" nakangusong usal ni Rachel ng bumaling siya sakin at mahuli niyang nakatingin ako sa kanya.

Nagitla naman ako dahil doon. "Ahh... Ehh... Ang ganda mo kasi sa suot mo ngayon..." naiilang na sabi ko at nagtaka naman ako ng biglang namula yung buong mukha niya.

"T-thank you..." nauutal niya namang sabi at hindi na kami nagusap pa pagkatapos nun dahil hindi rin naman nagtagal nang kami ay makarating na sa sinasabi niyang Ocean Park Manila.

Hila-hila ni Rachel ang manggas ng jacket ko habang nagmamadali kami sa paglalakad papasok sa Ocean Park para makapila kami agad at makabili ng ticket na sinasabi niya.

Hindi rin naman nagtagal pa ng makabili na siya ng dalawang ticket at ibinigay niya sa akin ang isa na agad ko naman ipinagtaka.

"Oh, bakit?" taka nitong tanong sakin ng tingnan ko siya na may pagtataka.

"Magkano itong ticket?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko ang ticket sa kanang kamay ko.

"Hmmm... Mura lang,"

"Magkano nga?"

"Bakit mo ba tinatanong? Libre ko ito! basta i-enjoy mo na lang ang pagpunta natin dito ngayon... Let's go!! Excited na ako makakita ng mga isda." usal niya habang sobrang lawak ng pagkakangiti sabay hila nanaman niya sa manggas ng jacket ko patungo sa unang pupuntahan namin.

Unang pinuntahan namin ni Rachel ay ang Oceanarium. Gaya ni Rachel ay hindi ko rin naiwasan mapahanga ng makakita kami ng mga iba't ibang isda na lumalangoy. Napatingin naman ako kay Rachel ng ituro niya sakin ang isang isda na sobrang liit at na-cu-cute-an daw siya kaya naman hindi ko naiwasan matawa ng unti sa itsura niya. Nagtingin-tingin pa kami hanggang sa huminto siya ng may makita siya kaya naman ay nilingon ko siya at tiningnan ko ang tinitingnan niya at laking gulat ko ng makita ko ang mermaid na lumalangoy kasama ang mga isda.

Alam kong hindi siya totoong sirena pero kung titingnan mo siya at papanoorin para siyang totoong nabubuhay na mermaid na hinuli ng mga tao at ikinulong dito. Ang ganda kasi ng buntot niya na kulay berde isama mo pa ang kagandahan ng kanyang mukha na mapagkakamalan mo talagang isang sirena.

"Ang ganda niya 'no?" nagulat naman ako sa biglaang tanong ni Rachel kaya naman ay hindi agad ako nakasagot. "Alam mo ba noong bata pa ako, pinapangarap ko noon na maging isang sirena dahil sa kaadikan ko sa disney na The Little Mermaid." dagdag niya pa sabay tawa niya ng mahina kaya naman ay napatitig na lang ako sa kanya. "Pero ngayong malaki na ako hindi ko na pangarap maging isang sirena kundi mabuhay ng mahaba..."

"Huh??"

"Wala hahahaha! Biro lang yon ano kaba! Tara may sunod pa tayo pupuntahan baka hindi na tayo umabot doon."

Hindi na ako nagsalita pa ng hawakan nanaman niya ang manggas ng jacket ko at sabay kaming nagtungo sa sunod na pupuntahan namin at ayun ang Sea Lion Show. Hindi ko inaasahan na makakapanood ako ng ganito na tanging napapanood ko lamang sa movie o tv.

Naupo kaming dalawa ni Rachel sa medyo kalapitan doon para mapanood namin ng maayos ang mga Sea Lion. Ilang minuto pa ang lumipas ng ito ay magsimula na kaya naman tuwang-tuwa ang mga bata sa paligid habang nanonood. Nang lingunin ko naman si Rachel ay makikita mo ang tuwa sa kanya habang pumapalakpak pa siya na akala mo bata rin kaya hindi ko naiwasan mapangiti habang pinapanood ko siya na tuwang-tuwa na pinapanood ang mga sea lion. Maya maya lang sa hindi inaasahan na pagtalon ng sea lion sa tubig ay agad na malakas na tumalsik sa pwesto namin ang karamihan sa tubig nito pero mabuti na lang ay mabilis kong hinarangan si Rachel kaya ako ang medyo nabasa at gulat na gulat naman siya na nakatingin sakin.

Agadan ang paghila sa akin ni Rachel paalis ng matapos na ang panonood ng Sea Lion Show. Huminto siya sa gilid ng makapasok na kami uli sa loob atsaka siya may kinalikot sa suot niyang bag at kinuha doon ang panyo niya. Nagulat naman ako sa kanya ng bigla niyang pinunasan ang mga basa ko sa pisnge pati na rin ang nabasa kong jacket sa likod saka ang likod buhok ko.

"Ok ka lang ba? Tingnan mo! Basang-basa ka tuloy..." usal niya ng matapos siya sa pagpupunas sakin at hindi naman ako makatingin sa kanya.

"O-oo... Ok lang ako." tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Matutuyo rin itong jacket ko, huwag ka magaalala."

"Sigh, okay. Tara na nga!"

"Oh saan nanaman?"

"Basta!!" hinawakan nanaman niya ako sa manggas ng jacket ko at nagtungo kami doon sa Fish Spa.

Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka ng makita ko ang isang mahaba at malaking glass na punong-puno ng maliliit na isda at may ilang mga tao na nakababad ang kanilang paa doon at ang mga maliit na isda naman ay nandoon nakapaligid sa kanilang mga paa. Nakita ko naman si Rachel na tinanggal ang kanyang sapatos at ibinabad rin ang kanyang paa doon at nagtataka na lumingon naman siya sakin sabay aya sakin na maupo sa tabi niya kaya naman ay hinubad ko na lang rin ang sapatos ko at ibinabad rin ang paa ko doon na agad na may nagsilapitang maliliit na isda.

Nagulat naman ako kay Rachel ng bigla siyang nagpicture sa cellphone niya kasama ako habang tinitiis ko ang kiliti sa paa ng mga maliliit na isda.

"I-delete mo 'yon!" usal ko sa kanya.

"Ayoko nga hahahaha! Isa pa... Isa pa!! Zack, 1.... 2..... 3... Smile!!" sigaw niya sabay peace sign habang hawak niya ang camera sa isa niyang kamay kaya naman ay ngumiti na lang rin ako. "Hahaha! Ang cute natin tingnan dito oh!!"

Napangiwi na lang ako habang wala siyang tigil sa pagtingin sa picture naming dalawa at hindi rin nagtagal pa nang umalis na kaming dalawa sa fish spa at magtungo naman doon sa The Birdhouse. Pareho kami ni Rachel na in-enjoy ang pagtitingin sa mga ibon at pareho naman kami namahanga ng makakita kami ng parrot na nagsasalita.

At nang kami ay matapos sa paglilibot at mapuntahan ang lahat ay doon nagsikulo ang mga sikmura namin at sabay pa kami natawa ng mahina.

"Tara, hanap tayo mabibilhan ng makakain." aya niya at nagsimula nanaman siyang hawakan ang manggas ng jacket ko para hilahin ako pero inalis ko ang kamay niya at hinawakan ko ito saka ko siya hinila sa paglalakad patungo sa alam kong sunod na pupuntahan namin.

"May alam ako na bilihan ng makakain, tara." sambit ko habang hawak-hawak ko ang kamay niya at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan pero hindi ko na lang pinansin pa ito imbis ay nagpatuloy ako sa paghila sa kanya.

Nang makarating kami sa Rizal Park ay saka ko binitawan ang kamay ni Rachel at nang tingnan ko siya ay naghahabol siya ng hininga niya.

"Nakakapagod naman yun... Nasaan tayo?" bigkas niya.

"Rizal Park... Hindi ka pa nakakapunta dito?" tanong ko at umiling-iling naman siya.

"Where's the food?"

"Nandoon... Tara." saka kami nagumpisa uli maglakad at ilang sandali lang ay nakarating kami doon sa mga tindihan ng pagkain.

Maraming binili na pagkain si Rachel na ikinagulat ko at ang sabi niya lang sakin ay para sa amin yun at libre niya nanaman kaya wala daw ako magagawa pero hindi ako pumayag kundi ay ako pa rin ako ang nagbayad ng mga pagkain na binili niya.

Tinikman namin pareho ang fishball, pizza atbp na pagkain at takam na takam kami dala na siguro ng gutom.

"Grabe ang sarap nito ahh!" tukoy niya sa kinakain niyang squidball habang sinasawsaw ito sa matamis na sawsawan.

"Maghunos-dili ka sa pagkain mo baka mabalaukan ka... Oh, tubig."

"Salamat... Alam mo sobrang na-enjoy ko yung pagpunta natin doon sa Ocean Park hahaha ang cu-cute ng mga penguin, parrot, at ng mga iba pang hayop 'no?"

"Yeah... Nag-enjoy rin ako doon."

"Hala!!"

"Bakit?"

"Mag-aalas-singko na pala.."

"Why? May gagawin ka pa ba?"

"Wala naman hehehe.."

"Mamaya na tayong umuwi, may ipapakita pa ako sa'yo mamayang 7:00 pm."

"Oh... Okie dokie!!"

Tulad nga ng sabi ko ay mamayang 7:00 pm ay may ipapakita ako kay Rachel na tiyak na magugustuhan niya kaya naman ay habang wala pang-7:00 ay nakaupo lang kami sa isang bench at doon muna kami nagpahinga ng matapos kami kumain at mabusog.

"Sa Lunes..." usal ko at napalingon naman siya sakin. "Sa Lunes ay birthday na ng papa ko kaya naman ay bago tayo umuwi ay bibili ako ng regalo para sa kanya."

"Oh?? Okay na kayo ng papa mo?"

"Nope.... Hihingi ako ng patawad sa kanya bukas at pupunta ako sa bahay nila."

"Edi.... Magkikita kayo ng step-mother at ang dalawa mong kapatid?"

"Yeah... Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya pero ayoko na magsayang pa ng oras dahil mas magandang tanggapin ko na lang ang katotohanan at makipagayos dahil siya na lang at ako ang natira sa pamilya.... Hindi.. kasama ko ang step-mom ko at ang dalawa kong kapatid... Masaya ako na magkaroon ng bagong pamilya." mahabang sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng bigla niya ako hampasin sa likod saka siya ngumiti sakin ng sobrang laki habang naka-thumbs up ang dalawa niyang kamay.

"Masaya ako para sayo!!" nakangiting usal ni Rachel at napangiti rin ako ng kaunti dahil kahit papano gumaan ang kalooban ko.

Pakiramdam ko nawala ang bigat ng dinadala ko sa puso ko noon pa at ang problemang hindi ko masulosyunan at hirap na hirap ako dalhin na halos nagpabago rin sa buong pagkatao ko. Hindi ko inaasahan na ngayon ko na lang uli mararanasan ang pakiramdam na mawala ang bigat sa dibdib ko dahil sa tulong ng isang tao na nagbigay ng inspirasyon sakin para magpatuloy sa pagkawala sa dating ako.