HABANG nagpapahinga kami ni Rachel sa bench ay pumasok naman sa isip ko ang lahat ng ginawa namin magkasama ngayon.
Sa kanya ko lang naranasan ang maging masaya uli ng ganun.... First time ko makapunta sa Ocean Park at hindi ko inakala na sobrang magiging masaya ako habang kasama siya...
Lumingon ako kay Rachel at tinitigan lang siya habang busy siya na nakangiting tinitingnan ang mga tao na dumaraan.
Hindi ko inaasahan na darating ang tulad niya sa buhay ko at hindi ko naman pinagsisihan yun, dahil sa totoo lang sobrang nagpapasalamat ako na dumating si Rachel sa buhay ko.
Ilang oras pa ang dumaan hanggang sa mag-7:00 o'clock na ng gabi kaya naman ay tumayo na ako saka ko inilahad ang kamay ko sa kanya na ipinagtaka niya pero agad rin niya inabot yun atsaka ko siya hinawakan sa kamay at sabay kami na naglakad sa sinasabi ko sa kanya na ipapakita ko.
Tumigil naman kami sa fountain at hindi ko inakala na medyo marami ang mga tao na nandito rin para panoorin ang kagandahan ng fountain mamaya.
"Fountain? Ano ginagawa natin dito? Bakit parang ang dami atang tao hahahaha." bulong niya sakin at ngumiti lang ako sa kanya ng kaunti at sinabing...
"Hintayin mo lang..."
"Oh... O-okay." saad niya sabay iwas ng mukha at itinuon na lang ang paningin doon sa fountain.
Nilakasan ko ang loob ko at mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Rachel nang magsimula na ang palabas ng kagandahan ng fountain ngayong gabi. Napalingon naman ako kay Rachel at nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya ng magsimulang sumayaw ang mga tubig sa fountain at magiba-iba ang mga kulay na siyang ikinamangha ko rin dahil sa galing at ganda.
Halos bumilis ang kabog ng dibdib ko ng mas hinigpitan ni Rachel ang paghawak sa kamay ko saka siya ngumiti sa akin at bumulong na siyang mas lalo nagpabilis sa dibdib ko.
"Ang saya ko.... Salamat."
Mabilis na lang ako umiwas ng tingin pero hindi ko rin napigilan na mapangiti na lang habang magkahawak kami ng kamay na pinapanood ang pagsayaw ng kagandahan ng fountain.
Nang matapos na ang panonood namin ng fountain ay hindi pa rin binibitawan ni Rachel ang kamay ko. Bago kami umalis sa Rizal Park ay naghanap muna kami ng restaurant na makakainan namin dahil pareho nanaman kaming nagutom at bago na rin kami umuwi.
Matapos namin kumain sa restaurant ay sabay kami lumabas at tiningnan naman niya ang relo niya.
"Omy!!" sigaw niya.
"Why??" kalmadong tanong ko sa kanya.
"10:35 na!! Hindi ko man lang napansin ang oras..." usal niya sabay hampas niya sa noo niya.
"Huh? Pwede pa naman siguro tayo umuwi?"
"Wala ng grab eh!! Malas naman oh!"
"Edi... Mag-taxi tayo or jeep?" tumingin naman siya sakin habang nakahawak ang isa niyang kamay sa baba niya.
"Hmmm... I think mas maganda kung magpapalipas na lang tayo ng gabi sa malapit na hotel dito para kahit papano masulit natin ang araw na 'to!!"
"H-huh?? Hotel?"
"Yeah! Merong malapit na hotel dito alam ko eh... Tara." maglalakad na sana siya ng hawakan ko ang wrist niya kaya naman nilingon niya ako ng may pagtataka.
"What??"
"Bakit sa hotel? Gagawin natin doon?"
"Bakit naman hindi doon? Magpapalipas lang tayo ng gabi saka isa pa magkahiwalay tayo ng room 'no! O hindi kaya same room pero two beds... Tara na!!"
Hindi na ako nakapagsalita pa ng hilahin nanaman niya ako at hindi rin nagtagal ng kami ay makarating sa tinatawag niyang hotel.
Bayview Park Hotel ayun ang hotel na pinuntahan namin at sa ngayon ay pinaupo niya muna ako sa isa sa mga upuan doon saka siya nagpunta doon sa front office para kumuha ng room.
Bagsak ang balikat ni Rachel at parang akala mo sinalo niya ang buong problema ng mundo habang naglalakad na siya palapit sa pwesto ko.
"Ano? Nakakuha kaba ng two rooms?" tanong ko ng makalapit na siya ng tuluyan at umiling naman siya.
"Same room na lang daw ang available."
"Oh? Ayos na yon."
"Ehh.. Kasi..."
"Kasi??"
"One room and one bed lang ang available na room ngayon dito hehehe..."
"Huh?!"
"Gulat ka? Gulat rin ako eh... Hayaan mo na mabait ka namang lalaki... Tara na pumunta na tayo doon."
"Sigh... Bibili lang ako ng snacks at drinks sa malapit na convenience store dito.... Mauna kana."
"Hmmm... Okie dokie!!"
Lumabas muna ako ng hotel saka ako nagpunta sa malapit na convenience store at bumili lang ako ng snacks and drinks na pwede namin manguya habang nagkwekwentuhan kami.
Mabilis rin ako bumalik sa hotel at paglabas ko ng elevator nang ito ay tumapat na sa floor ng room namin ay saka ako lumabas at hinanap yung 405 room. Nang matagpuan ko ang room namin ay agad kong inilabas ang ibinigay ni Rachel sakin na card para makapasok ako. Nagtaka naman ako ng pagbukas ko ng pinto at pagpasok ko ay hindi ko nakita ang presensya niya pero napalingon rin agad ako sa isang room sa gilid ng marinig ko ang pagtagas ng tubig.
Naliligo siya siguro ngayon... Sabagay kahit ako nanlalagkit sa pawis ko..
Inilapag ko ang ibinili ko sa maliit na lamesa saka ako naupo doon sa maliit na sofa habang hinihintay ko na matapos si Rachel sa pagligo niya.
"Zack? Nandyan kana ba??" rinig kong tawag sakin ni Rachel.
"Yeah... Why?" tugon ko.
"Uhmm.... Pwede mo ba kunin yung perfume ko dyan sa sling bag ko? Pasuyo lang hehehe... Nakalimutan ko kasi dalhin."
"Okay." saka ako tumayo at nilapitan ang bag niya para kunin doon ang perfume niya pero halos magulat ako ng makita ko ang laman ng bag niya.
"Zack?"
Napatigil ako ng ilang sandali pero natauhan rin agad kaya naman ay dali dali kong kinuha ang perfume niya saka ako nagtungo sa pinto at ibinigay yun sa kanya at pagsara niya ng pinto ay napasandal na lang ako sa pader habang hindi mawala-wala ang gulat at pagtataka sa isipan ko.
Bakit sobrang dami niyang ganun?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko saka ako bumalik sa sofa para umupo at hinintay na lumabas siya. Nang matapos siya ay ako naman ang nagpresinta na maliligo at hindi rin naman nagtagal ng matapos ako.
Naabutan ko siya na nakatingin sa bintana habang suot suot niya ang binili niya kanina sa Rizal Park na damit na pang-tulog.
"Tapos kana pala..." nakangiti niyang usal sabay aya niya sakin na maupo doon sa magkabilaang sofa at naupo naman ako.
Tahimik na nakaupo lang ako habang pinapanood sya na halungkatin ang laman ng plastic na binili ko sa convenience store.
"Wow... Mga favorite kong inumin at snacks!!" masayang saad niya sabay kain niya non. "Kain ka rin oh... Ano ba pwede gawin? Hmmmm..."
"Kahit ano." tipid kong sabi.
"Hmmm... Ahh! Dahil naubos ko naman agad itong bote maglaro tayo... Papaikutin ko itong bote at kung kanino tumutok tatanungin ng Truth or Dare ano game?" aya niya at tumango naman ako kaya agad agad niyang ipinaikot ang bote at bigla itong tumutok sakin. "Hahaha! Tumutok sayo agad!! Truth or Dare?"
"Truth." sagot ko at nagisip naman siya.
"Hmm... Bakit hanggang ngayon wala ka pang-girlfriend?"
"Ayun agad ang tanong ahh... Hmmm... Bakit nga ba? Hindi ko alam eh.. Wala nga akong kaibigan, girlfriend pa kaya."
"Ehh? Okay hahahaha..."
Ako naman ang nagpaikot at agad itong tumutok sa kanya.
"Same question." usal ko.
"Huh? Ahh kasi uhmm.... Ewan ko rin eh!" sagot niya sakin sabay hagikhik niya at ipinaikot na rin ang bote hanggang sa tumututok ito uli sa akin. "Truth or Dare?"
"Truth." sagot ko sa kanya.
"Para sayo.... Sino ang magandang babae sa classroom natin?"
"Hmmmm..."
"Sino? Sino?"
Ikaw...
"Lahat naman sila maganda eh."
"Ehh?? Walang nagiisa? Yung magandang-maganda para sayo?" umiling naman ako at napangiwi naman siya.
Kinuha ko na ang bote at ipinaikot na yon hanggang sa tumutok kay Rachel at dahil hindi ko na kayang itago sa isip ko yung katanungan ko tungkol doon sa nakita ko sa bag niya siguro naman hindi niya mamasamain kung itatanong ko sa kanya?
"Uhm.. Rachel?"
"Why?? Truth ako hehe.."
"Sorry kung itatanong ko ito sayo dahil gusto ko lang malaman yung totoo pero ayos lang din sa akin kung hindi mo sasabihin, naiintindihan ko naman yon." bigla naman siyang nagtaka sa sinabi ko.
"Huh? Go ahead..."
"Nang kinuha ko ang perfume mo sa bag mo... Nakita ko kasi... Hindi ko sinasadya pero pagbukas ko nakita ko kasi na ang daming gamot... May sakit kaba?" napatigil naman siya sandali ng sabihin ko yon at agad rin ngumiti sakin na may halong lungkot.
"Yeah hahaha... Sorry ahh? Kung ngayon ko lang sasabihin sayo pero may sakit kasi ako since bata pa ako.."
"Anong klaseng sakit?"
"Pancreatic Cancer." nakangiting usal niya na may lungkot sa mata at napatigil naman ako dahil sa gulat.
Namutawi sa amin ang katahimikan dahil doon dahil hindi ko naman na alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil hindi ko akalain na ganun kabigat sa pakiramdam na malaman yung tinatago niyang sakit.
"S-sorry kung itinanong ko pa, Rachel." saad ko.
"Hahaha! C'mon! Ok lang sakin yun ang mahalaga alam mo na... Secret lang natin ahh? Hindi alam ni Haley ang sakit ko kaya huwag mo sasabihin sa kanya ahh!!"
"Bakit ayaw mo ipaalam kay Haley?"
"Ayoko kasi magaalala sakin si Haley ng sobra atsaka isa pa iiyak yun sigurado kapag nalaman niya ang sakit ko kaya tanging tayong dalawa lang muna ang makakaalam, okay?"
"O-okay.."
Ayun na lamang ang naisagot ko sa kanya hanggang sa marami pa kaming katanungan na ginawa puro truth lang ang aming pinili.
Lumipas na ang ilang minuto hanggang sa tumapat ang bote sa akin.
"Dare." mabilis kong sagot.
"Dare? Hmmm..." bigla siyang sumandal sa sofa at pinagkrus ang dalawa niyang braso habang kalmadong nakatingin sakin. "I dare you... I dare you na buhatin mo ako at ilipat sa kama." napatigil naman ako matapos niyang sabihin yung dare niya.
Buhatin?
Bumuntong-hininga ako saka ako tumayo at lumakad palapit sa kinauupuan niya. Laking gulat niya ng walang salitaang binuhat ko siya na pang-kasal at napakapit naman siya ng mahigpit sa leeg ko habang gulat parin ang itsura niya na nakatingin sakin.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa kama habang buhat-buhat siya. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng takbo ng puso ko na akala mo nangangarera.
Sana naman hindi niya naririnig iyon...
Mabilis kong inilapag sa kama si Rachel atsaka ko siya kinamutan na mabilis na ikinapula ng mukha niya kaya naman ay nagulat ako at mabilis niya rin iniwas ang mukha niya sakin.
"Uhmm... Ililigpit ko na muna yung kalat natin, magpahinga kana." sambit ko saka ako nagtungo sa pwesto namin kanina at iniligpit ko ang mga kalat saka itinapon ang mga yon.
"Alam mo ba..." napahinto naman ako sa paglalakad patungo sa sofa ng marinig ko na nagsalita siya sabay nilingon ko siya. "Sa totoo lang... Natatakot akong mamamatay at iwan ang mga mahal ko sa buhay.." dugtong niya pa habang nakatitig sa itaas ng kisame at namutawi naman sa amin ang katahimikan dahil hindi ko naman alam kung ano ang nararapat kong sabihin. "Can I ask a favor, Zack?"
"Huh? Ahh... Oo naman." sagot ko.
"Pwede bang matulog ka sa tabi ko?" nagulat naman ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita. "Huwag ka magalala nakatalikod naman tayo sa isa't isa... Gusto ko lang matulog ka sa tabi ko."
"Uhmm osige..." naiilang kong sagot saka ako nagtungo papunta sa kama at nahiga na rin. Nang silipin ko siya ay nakatalikod na siya sakin kaya naman ay tumalikod na rin ako.
"Sobrang saya ko today, Zack... Thank you and have a good night." usal niya.
"Ako rin, salamat rin sayo... goodnight." mahinang usal ko saka ko ipinikit ang mata ko at doon na ako tuluyang nakatulog.
***
Parehas kaming maaga na nagising ni Rachel saka nagasikaso bago kami umalis sa Hotel na tinuluyan muna namin.
Habang hinihintay ko si Rachel matapos magsuot ng sapatos saka suklayan ang buhok niya ay naupo muna ako sa sofa.
Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang phone niya at sinagot niya agad yon kaya naman kinakabahan na napatingin ako sa kanya dahil baka parents niya yung tumawag at nang makita naman niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang nagsalita ng mahina na siyang nabasa ko naman sa bibig niya.
"Kausap ko si Haley sandali lang.." tinanguan ko naman siya at nagpatuloy lang siya sa pakikipagusap saka sinenyasan ako na tumahimik sandali dahil i-loloud speaker niya para raw marinig ko rin.
"Hoy babaita! Umagang-umaga tumawag sakin ang parents mo at tinatanong ako kung pauwi kana daw ba!! Nagtaka ako kung ano pinagsasabi ni tita at shalaaa!! nalaman ko na lang na kasama mo daw ako umalis kahapon? ang pagkakatanda ko hindi naman tayo umalis! Hoy rachel!!" si Haley.
"Hmm?" sagot ni Rachel.
"Sabihin mo nga sakin kasama mo siya 'no?! Punyemas ka ako pa dinahilan mo kay tita pasalamat ka mabait akong kaibigan kaya um-oo na lang ako kay tita at gumawa ng ka-emehan!!"
"Mahal na mahal talaga kita Haley!! Salamat sayooo bukas ikwekwento ko na lang sige na pauwi na kami eh babye iloveyou!!"
"Rachel!! Kinakausap pa kita it-"
Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Haley ng ibaba na ni Rachel ang tawag at sabay peace sign sakin. Nang matapos na siya magasikaso ay saka kami sabay na umalis sa Hotel at magtatawag na sana ng grab si Rachel ng pigilan ko siya na agad niyang ipinagtaka.
"Pumunta muna tayo sa malapit na mall dito dahil may bibilhin lang akong regalo para sa birthday ng papa ko bukas."
"Ganun ba? Ohh!! Oo nga pala... Okayy!!"
Sandali lang ang ipinunta namin sa nakita naming malapit na mall saka ako bumili ng mamahaling relo para ipang-regalo sa papa ko mabuti na lang at marami akong ipon. Hindi rin nagtagal ng kami ay makasakay na ng grab ni Rachel, nagulat naman ako sa kanya ng bigla siyang may inabot saking maliit na paperbag.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Regalo ko para sa papa mo," nakangiting sagot niya.
"Huh? A-ahh... Salamat."
"Necktie yan... Diba nagtratrabaho ang papa mo sa company? Nakakita ako ng magandang necktie sana naman magustuhan ng papa mo."
"Sigurado akong magugustuhan ito ng papa ko... Maraming salamat sa'yo." nakangiting usal ko at ngumiti na lang rin siya sakin hanggang sa namutawi ang katahimikan samin.
Hindi pa nagtatagal nang kami ay makauwi na sa aming mga bahay. Nauna ng nagpaalam si Rachel sakin kaya naman ay pagbalik ko ng apartment ay agad akong naupo habang may malaking ngiti na nakaguhit sa labi ko. Agadan kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at tinext si Rachel para pasalamatan siya sa lahat.
Inasikaso ko yung damit na susuotin ko papunta sa bahay ng papa ko at ng asawa niya. Inilapag ko muna sa study table ko sa kwarto ang dalawang paperbag na regalo ko at regalo ni Rachel para kay papa saka ako dumeretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos ay saka ako nahiga sa kama at kinuha ang cellphone ko at tinext ang num ni papa.
Pupunta ako sa birthday mo bukas papa ng 10:30 am may iaabot lang ako at sasabihin sa iyo...
Atsaka ko ipinatay ang cellphone ko saka ako umidlip muna sandali dahil sa pagod.
***
Dumating ang lunes at maayos na nakaharap ako sa salamin habang inaayos ko ang suot ko saka ko sinagot ang tumatawag sa phone ko kanina pa.
Hindi na ako nagtaka ng makita ko ang number ni papa kaya isinagot ko ito at itinapat sa tenga ko.
"Totoo bang pupunta ka, Zack?" tanong ni papa sa kabilang linya.
"Opo, Pa." sagot ko habang naglalakad na ako paalis sa apartment.
"Ha?! Teka... Anak, susunduin na kita hintayin mo ako dyan."
"Mmm... Okay."
Tulad nga ng sabi ni papa ay sinundo niya ako ng naka-kotse siya. Pagkakita ko palang sa kanya ay kita ko na ang tuwa sa mata niya nang makasakay ako sa tabi niya.
Agad kong inabot ang dalawang paperbag na dala ko sa kanya.
"Happy birthday, Pa." nakangiting usal ko na siya ikinagulat niya sabay yakap niya sakin at pakiramdam ko guminhawa ang nararamdaman ko.
Bumitaw na sa yakap si papa saka niya ipinaandar ang kotse hanggang sa huminto na kami sa isang medyo kalakihang bahay at may isang babae doon na nakatayo sa harap ng pinto kasama ang dalawang bata na babae at lalaki na siyang tingin ko ay ang mga kapatid ko.
Pagkababa ko ng kotse ay agad na malaking ngiti ang bumungad sakin mula sa step-mom ko, mabilis siyang yumakap sakin at hindi ko alam kung ano ang irereaksyon ko dahil hanggang ngayon ay naiilang parin ako sa kanya.
"Daisy and Zion, come here!! Your older brother is here." tawag ni Tita Amanda(step-mom) sa dalawang bata.
Nahihiya na nagtago naman si Daisy sa likod ni Tita Amanda habang natatakot na nakatingin sa akin at yung Zion naman ay nahihiya na lumapit sakin kaya naman ay ako na lang ang lumapit sa kanilang dalawa na ikinagulat nila. Agad akong ngumiti sa kanila na ikinangiti rin ng dalawa kaya naman tinap ko ang ulo nilang dalawa at agad sila na masayang yumakap sakin.
Masaya na nagsalo-salo kaming lahat sa mahabang lamesa at masaya rin naming icinelebrate ang kaarawan ni papa. Sobrang guminhawa ang pakiramdam ko na ngayong masaya akong nakikihalubilo sa bago kong pamilya. Nakipaglaro pa sakin ang dalawa kong kapatid kaya naman nang sumapit ang gabi ay iniwan ko na sila sa kwarto nilang dalawa saka ako bumaba at nagtungo sa garden nila saka ako naupo doon ng makakita ako ng lamesa saka upuan at masaya na tiningnan ang kalangitan.
"Zack? Anak?" napalingon naman ako at nakita ko si papa na naglalakad palapit sakin.
"Oh bakit, Pa?"
"Ginagawa mo dito? Nasaan yung dalawa mong kapatid?"
"Mahimbing na natutulog na sa kanilang kwarto, ikaw ba Pa? ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik sa kanya at ngumiti lang siya saka tinapik ang likod ko sabay upo sa tabi ko.
"Pwede ba tayo magusap? gusto ko sana humingi ng patawad sayo..."
"Kung ano man yung nangyari kalimutan na lang natin yon at isipin ang ngayon... Pinapatawad na kita Pa, sana ako rin ay mapatawad mo."
"Wala kang kasalanan sakin, Nak... Masaya ako na napatawad mo na ako."
Parehas kaming nagtatawanan at marami pa kaming pinagusapan ni Papa hanggang sa sumulpot si Tita Amanda kung tawagin ko na rin ay Mama dahil ayaw daw niya na tinatawag ko siyang Tita dahil naiilang daw siya at mas gusto niya ang Mama kaya ayun na ang tinatawag ko sa kanya simula ngayon.
Bumalik na rin kami agad ni Papa sa loob ng ayain na kami kumain ng dinner ni Mama.
Masaya ako na nakasama ko ang bagong pamilya ko at sigurado naman ako na masaya na rin si Mama kung nasaan man siya, sobrang guminhawa ang pakiramdam ko.