ZACHARY CORPUZ POV:
HABANG buhat-buhat ko si Rachel sa likod ko ay naramdaman ko agad ang paghigpit ng kapit nito pati ang pagpatong niya ng ulo at paghiga sa'kin.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya at hindi ko agad naiwasan ang mapangiti.
"Thank you for everything, Zack..." mahinang sambit ni Rachel hanggang sa maramdaman ko ng nakatulog na ito.
Salamat din sa lahat, Rachel...
Kahit naninibago man ako sa nangyayari sakin basta ang alam ko lang ngayon ay masaya ako, masaya ang nararamdaman ko tulad ng kay Rachel.
Hindi na lang ako magugulat kung balang araw ay mabago ang pagkatao ko dahil sa kanya...
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang buhat buhat ko siya hanggang sa makarating na kami sa station ng train.
Habang naghihintay sa pagdating ng train ay hindi naman maiwasan na pagtinginan ako ng mga ibang nakakakita samin.
Siguro dahil may buhat buhat akong babae na sobrang himbing ng tulog sa likod ko.
Nang makapasok ako sa train at ng makaupo na ay agad kong inayos ang pagkakaupo ni Rachel saka ko siya isinandal sa aking balikat para doon niya ipagpatuloy ang mahimbing niyang tulog.
Nakapamulsa lang ako habang tahimik na nakatingin lang sa paanan ko. Maya-maya pa ay bigla kong naramdaman ang paggalaw ni Rachel kaya naman ay napabaling ako dito.
"Zack...." rinig kong bulong niya habang mahimbing parin ang tulog nito. "Ang saya saya ko... Zack..."
Siguro sa sobrang pagod ay inantok ito sabagay sino ba naman ang hindi mapapagod kung sobra ang energy mo magdamag.
Napakunot na lang ako ng noo ng marinig ko ang bulong na yon ni Rachel. Hanggang ba naman sa panaginip niya ay nandoon parin ako at kasama niya? Tss.
"Mamimiss ko kayong lahat..."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niya sabihin doon kaya naman ay puno ng pagtataka ang isipan ko habang nakatingin sa kanya. Hinintay ko pa kung may sasabihin pa siya ulit pero mukhang wala na dahil tuluyan na itong natulog uli.
Anong ibig niyang sabihin sa "mamimiss ko kayong lahat"? Bakit may pupuntahan ba siya na malayo o aalis siya ng bansa para mamiss niya kaming lahat? Aish!!
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa nakarating na kami sa distasyon namin. Mabilis ko naman na ginising si Rachel na agad din naman na naalimpungatan at nagkukusot pa ng mata ng tumingin siya sakin.
"Nakauwi na tayo, tara na." simpleng usal ko na agad naman niyang ikinatango saka siya tumayo.
Kinuha ko naman yung teddy bear saka ako naglakad palabas nitong train. Agad ko naman na inabot kay Rachel yung teddy bear na agad naman niyang ikinangiti na parang bata.
"Ang sarap ng tulog ko hayst!!" nakangiting usal niya habang naguunat ng kanyang katawan.
Hindi na ako umimik pa at ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad pareho. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng apartment ko at tumigil naman ako sa paglalakad saka humarap sa kanya at nakita ko namang nakangiti siya.
"Salamat, Rachel." kalmadong wika ko sa kanya at nakangiting tumango naman siya.
"Salamat din, Zack." tugon niya saka huminga siya ng malalim at nakangiti na tumingin sakin. "So paano, una na ako ha? See you in monday! Babye! Goodnight!!"
"Goodnight." sabi ko saka tumango naman siya atsaka nagumpisa ng maglakad paalis.
Hinintay ko muna na makapasok ng tuluyan si Rachel sa bahay nila bago ako pumasok sa apartment ko at nang tuluyan ko ng hindi siya nakita ay saka naman ako umakyat at pumasok sa apartment ko.
Napahiga na lang ako sa kama ko habang nakatingin sa taas ng kisame. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga masasayang nangyari ngayon. Hindi ko maintindihan ang kinikilos ko at bigla na lang ako napahawak sa dibdib ko ng maramdaman ko ang paglakas ng kabog non.
Natigilan lang ako ng bigla kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman ay agad ko yon kinuha sa ilalim ng unan ko.
Pagkatingin ko ay bigla na lang ako nawalan ng gana ng makita ko ang text ni papa at binuksan ko naman yon saka ko sinilip.
#0975461****
Son, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa iyo?
Nga pala... Gusto kana makita at makilala ng mga kapatid mo pati narin ng mama mo..
Alam kong sobrang laki ng galit mo sa akin, Zack. Pero sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo ng mama mo...
Mabilis kong pinatay ang cellphone ko saka ko yon ibinalik sa ilalim ng unan. Kahit ano pa ang sabihin niya o kahit ilang beses pa siya humingi ng tawad, hinding-hindi mabubura ng paghingi niya ng tawad ang mga masasakit na ginawa niya sa amin ni mama.
Wala akong nakikitang dahilan para patawarin pa ang isang tulad mo...
Agad akong tumayo sa kama saka ako dumeretso sa banyo para maligo. Nang matapos ako ay saka ako nagtungo sa kusina para magluto ng makakain. Matapos ako sa lahat ay saka ako pumasok sa kwarto at natulog.
Dumaan ang linggo at wala naman akong ginawa kundi ang asikasuhin lang ang pinaiwan na homework ni Miss Chavez at kain saka tulog lang naman ang mga pinagagawa ko.
Hanggang sa dumating ang monday...
Pagkagising ko ay agad na akong nagtungo sa banyo para maligo at nang matapos ay saka ako kumain. Habang inaayos ko ang necktie ko ay napatingin naman ako sa cellphone ko ng makita ko nanaman na nagtext ang papa ko. Hindi ko na lang yon pinansin pa imbis ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa matapos ako saka ako lumabas ng apartment.
Hindi ko maiwasan mapabuntong-hininga ng maalala ko nanaman ang nangyari sa mama ko at ang ginawa ni papa sa amin.
Bakit ba hanggang ngayon ay hindi yon mawala-wala sa isip ko? Sa tuwing naalala ko ang mga bagay na yon ay hindi maiwasan na manikip ang dibdib ko.
Napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Rachel na nakasandal sa poste at ng makita niya ako ay saka siya ngumiti at lumapit sakin.
"Goodmorning, Zack!!" nakangiting bati niya at tumango naman ako.
Wala akong gana na makipagusap kung kanino man...
Parang nagulat naman si Rachel ng tumango ako saka nagpatuloy sa paglalakad at hindi man lang siya binati pabalik. Agad siyang humabol sakin saka sumabay sa paglalakad ko.
"May problema ba? Ang seryoso mo kasi." rinig kong usal niya at hindi ko naman siya nilingon.
"Parati naman akong seryoso tsk." tugon ko na ikinatahimik niya.
Hindi na siya nagsalita pa kaya naman ay binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makasakay kami ng train. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko si Rachel na nakatingin sakin habang may pagaalala sa kanyang mata.
Hindi ko naman intensyon na ganunin siya dahil wala talaga akong gana para makipagusap sa mga tao...
Kaya ako iniiwan dahil sa ugali kong ito... Kaya walang gusto kumaibigan sakin kasi ganito ako... Ako yung taong hanggang ngayon ay nakabaon parin sa mga masasakit na nakaraan at walang pakialam sa ngayon.
Nang makarating kami ni Rachel sa Seisen High ay hindi ito kumibo at tahimik lang na nakatingin ito sakin habang ako naman ay walang pakialam.
Matapos kong masuot ang sapatos ko sa locker ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad at ilang sandali lang ay nakarating na ako sa room saka tahimik na naupo.
Bagsak ang balikat na sunod na pumasok naman si Rachel saka tahimik na naupo na rin sa kanyang table pero agad din siyang kinausap ni Haley kaya naman ay bumalik ang sigla nito.
Nakadungaw lang ako sa bintana habang nakapangalumbaba at walang pakialam sa mga kaklase kong maiingay.
Tahimik na pinanood ko lang ang mga students na naglalaro ng soccer sa field. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Miss Chavez at doon na ako nakinig nang umpisahan na niya ang kanyang pagtuturo.
Lumipas ang ilang oras ng tumunog na ang bell senyales na lunchbreak kaya naman ng matapos ko asikasuhin ang mga gamit ko ay tsaka ako tumayo at lumabas ng room.
Alam kong gusto ako kausapin ni Rachel ngayon pero hindi niya magawa dahil halata naman siguro na wala akong gana na makipagusap sa ngayon.
Tahimik na kumain lang ako ng inorder kong pagkain nang biglang tumunog nanaman ang cellphone ko at nakareceive nanaman ako ng text mula sa ama ko.
Nang mabasa ko ang bagong text niya ay hindi ko agad naiwasan na mapakuyom ng kamay at mapabuga ng hininga.
Umalis na ako ng canteen at hindi ko na tinapos pa ang pagkain ko. Dahil may kaunting oras pa naman ay hindi muna ako dumeretso sa classroom imbis ay pumunta ako sa rooftop nitong school.
Patakbo na pumunta ako sa harang ng rooftop at wala sa sarili na pinagsusuntok ko ito kahit na alam kong ikakasakit ito ng kamay ko. Walang tigil na pinagsusuntok ko lang ito hanggang sa mapagod ako at magumpisa ng tumulo ang dugo sa kamay ko.
Napasinghal na lang ako saka ko ito binalutan ng panyo atsaka ako pabagsak na naupo sa sahig at napasandal na lang habang walang tigil sa paghahabol ng hininga.
Sa tingin niya ba ganun lang kadali ang kalimutan ang sakit na ginawa niya mismo? Hindi niya alam kung gaano kasakit sa dibdib na makita mo ang mama mo na gusto ng magpakamatay dahil lang sa asawa niyang iniwan siya at sumama sa ibang babae!! Hindi niya alam kung gaano kasakit yon na halos gusto mong may magawa para maging maayos ang mama mo pero hindi mo alam kung paano. Sa lahat na alam kong ama ay siya lang ang walang kwenta!! T*ngin*...
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa rooftop at magising na lang ng marinig kong tumunog ang bell. Hindi ko napansin na hindi pala ako nakapasok sa dalawang subject ni Miss Chavez. Paniguradong papagalitan ako non bukas dahil ngayon lang naman ako na nag-cut ng class hayst.
Tumayo na ako saka ako umalis doon at pagkabalik ko sa classroom ay nandoon parin ang iba kong mga kaklase na nagaayos ng kanilang mga gamit.
Napatingin naman ako kay Rachel ng makita kong nakatingin ito sakin na may pagaalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin at sa kamay kong may balot ng panyo na medyo may dugo dugo pa.
Hindi ko na lang siya pinansin pa at inayos ko na ang gamit ko saka ko kinuha ang bag ko at isinakbit yon atsaka ako lumabas ng classroom.
Nakapamulsa na nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sa ngayon ay hindi muna ako pupunta sa library para tulungan si Miss Ramos. May gusto akong puntahan na lugar at gusto ko doon magpalipas ng oras at ng makaramdam man lang ako ng kapayapaan sa dibdib ko.
Nang makaalis na ako ng Seisen High ay kumaliwa agad ako ng daan at marami pa akong nadaanan na street bago ako nakarating sa lugar na parati kong pinagtatambayan noong bata pa ako sa tuwing may problema ako.
Hanggang ngayon ay napakaganda parin ng lugar na ito. Hanggang ngayon ay kulay asul parin at kasing ganda ng kalangitan ang napakagandang karagatan. Napaupo na lang ako sa buhangin habang ang isa ko namang kamay ay nakapatong sa tuhod ko na nakataas.
Bigla naman nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang pagdaan ng malakas na hangin. Sobrang tahimik dito kaya pwedeng-pwede na magsisigaw ka dito ng kahit ano.
"Nandito ka lang pala!!" nagulat naman ako ng makita ko si Rachel na naglalakad palapit sa akin.
Anong ginagawa ng babaeng ito dito at paano niya nalaman na nandito ako?
Napabuntong-hininga na lang ako at hindi siya pinansin imbis ay tumitig na lang ako sa magandang dagat.
Naramdaman ko naman ang presensya ni Rachel kaya nilingon ko siya at nakapamewang naman ito habang namamangha na nakatingin sa kalangitan at karagatan.
"Hindi ko alam na may ganito pala dito... Ang ganda woahh..." namamangha niyang usal at napasinghal naman ako. "Ikaw!! Bakit hindi ka pumasok sa dalawang subject ni Miss Chavez at saan ka nagpunta non?!"
"Tss..." singhal ko sa kanya.
"Aba! Huwag mo akong sinisinghalan dyan! Alam mo ba na sobra ang pagaalala ko sayo non?!" kumunot naman ang noo ko ng sabihin niya yon saka taas kilay na bumaling ako sa kanya ng tingin.
"Ano?"
"Sabi ko sobra ang pagaalala ko sa'yo non bingi kaba?!"
"Tsk.."
"So saan ka nga nagpunta non? Tell me!" nanlalaki ang matang sambit niya habang nakapamewang siya at maya-maya ay naupo siya sa tabi ko. "Ano ba kasi nangyari sayo? May problema kaba? Pwede mo sabihin sa'kin, makikinig naman ako sayo."
"Hayst.." napapabuntong-hininga na lang ako.
"Zack..." parang bata niyang tawag sa'kin at blangko ang mukha na lumingon naman ako sa kanya.
"Okay.. Kwekwento ko tss." nauubusan kong pasensya at parang bata na lumiwanag naman ang mukha niya.
"Ano ba kasi problema mo??" tanong niya kaya naman ay kinuwento ko sa kanya.
Nang maikwento ko sa kanya ay agad siyang ngumiti sa akin na ipinagtaka ko.
"Bakit ka nakangiti? Nakakatawa ba ang problema ko? Tsk." seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya at nakangiting umiling-iling naman siya.
Halos magulat naman ako ng biglang hawakan ni Rachel ang magkabilaan kong pisnge habang nakangiti siya at nakatingin ng deretso sa mata ko.
"Ano bang ginagawa mo?" iritado kong usal sa kanya. Ikinagulat ko naman ng bigla niyang ginalaw ang magkabilaan kong pisnge at sapilitan na pinangiti ang labi ko.
"Ayan! Mas bagay sayo ang nakangiti keysa sa seryoso ang mukha! Mas gwumapo ka lalo." nakangiting saad niya at natigilan naman ako doon.
Napaaray naman ako ng bigla niyang kurutin ang pisnge ko saka siya tumatawa na tumakbo palayo sakin. Napahimas naman ako sa pisnge ko habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanya na wala parin tigil sa pagtawa.
"Alam mo Zack..." sambit niya habang lumalakad siya palapit sakin. Nang tuluyan siyang makalapit ay agad siyang naupo sa harap ko habang nakangiti sakin ng matamis.
Seryoso ang mukha na nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Sa tingin mo magiging masaya ang mama mo kung nakikita ka niya parati na ganyan? Nakikita niya yung anak niya na sobra pinahihirapan ang sarili at hindi marunong magpatawad." natigilan naman ako at hindi ko agad naiwasan na mapasalubong ang kilay.
"Hindi mo kasi naiintindihan... Sa tingin mo rin ba ganun kadali ang magpatawad?" seryosong usal ko at napabuntong-hininga naman siya saka mas tumitig sakin.
"Gaano man kalaki ang kasalanan na nagawa sa'yo ng isang tao, kailangan mo parin magpatawad. Kung patuloy ka lang magtatanim nang sama ng loob dyan sa puso mo, walang mangyayari. Totoo ang sinabi mo sa tingin ko ba ay ganun kadali magpatawad? Mahirap man ang magpatawad, hinding-hindi mo mabubura sa isipan mo ang mga magagandang nagawa nito sayo." Matapos niya sabihin yon ay tumayo siya saka pinagpagan ang kanyang suot na palda at tiningnan ako ng may ngiti sa labi. "Paano ka magiging masaya at paano mo mararanasan maging masaya kung hindi ka marunong magpatawad?"
Napabuga na lang ako ng hangin habang nakatingin sa kanya at hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"Forgive and forget.... Always be happy and enjoy your life in this beautiful world, Zack." nakangiting sambit niya saka siya tumakbo palayo sakin. "Palagi ka dapat na maging masaya dahil panandalian lang ang buhay natin dito sa mundo."
Napatitig na lang ako kay Rachel habang masayang nagtatampisaw ito sa dagat. Parang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko ng sabihin niya sakin ang mga salitang yon.
Siguro tama ka na kailangan ko rin maging masaya at hindi magpaluklok sa kalungkutan, tama ka na i-enjoy ko ang buhay ko dito sa mundong ito hangga't nabubuhay pa ako.
Pero hindi ko rin masasabi na kaya ko ba na magpatawad....
Magdamag na pinanood ko lang si Rachel na naglalaro sa dagat at sobra ang saya na parang bata.
Naramdaman ko naman na bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ko na lumingon sakin si Rachel at ngumiti ito ng sobrang tamis habang kinakawayan ako.
"Zack!! Tara dito!! Ang sarap sa pakiramdam ng dagat!! Sobrang lamiiigggg!!!!" malakas na sigaw niya habang wala parin tigil sa pagtampisaw.
Sininghalan ko naman siya saka ako tumayo at pinagpagan ang uniform ko na nalagyan ng buhangin atsaka ako naglakad papunta sa pwesto niya.
Hinubad ko muna ang sapatos at medyas ko bago ako naglakad papunta sa pwesto niya. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng dagat ng ako'y umapak at maglakad.
Nagulat naman ako ng bigla akong basain ni Rachel kaya agad na napatingin ako sa kanya. Paulit-ulit niyang ginawa ang pagbasa sa akin ng tubig at walang tigil sa pagtawa.
Tumigil lang siya sa pagtawa ng bawian ko siya at basain din. Nanlalaki ang mata na tumingin siya sakin at mabilis na bumawi kaya naman ay todo bawi rin ako hanggang sa hindi namin napansin na nagtatawanan na kaming dalawa habang nagbabasaan.
"Hahaha! Ito pa! Ito pa! Ayan bagay sayo!! Hahahaha!" natatawang sabi niya habang wala siyang tigil sa pagbasa sa akin ng tubig.
Hindi ko na lang naiwasan matawa at mapangiti dahil sa kakulitan niya. Bumawi rin ako sa kanya hanggang sa hindi ko inaasahan ay natigilan na lang ako at napapalunok na mabilis umiwas ng tingin.
Parang nagtataka na tumingin naman siya sakin ng mapansin niyang tumigil ako at hindi makatingin sa kanya. Lalapit na sana siya sakin ng bigla ko siyang pinigilan.
Ayoko tumingin sa kanya psh...
"Ano ba nangyayari sayo at hindi ka makatingin sakin??" naguguluhan niyang usal at sinubukan niya uling lumapit ng bigla akong lumayo sa kanya. "Zack!! Ano ba! Anong problema?"
"Y-yung uniform mo e-ehem..." napapalunok na lang ako habang hindi makatingin sa kanya.
Nang mapagtanto niya ang sinasabi ko ay gulat na gulat na napasigaw na lang siya saka mabilis na tumalikod sakin at tumakbo paalis sa dagat.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon kaya agad kong ipinilig ang ulo ko saka ako umalis sa dagat at nagtungo sa kinatatayuan niya.
"Wag kang lalapit! Wag kang titingin! Tumalikod ka! Tumalikod ka Zack!!" natataranta niyang sambit habang nakatalikod siya at nakayakap sa kanyang sarili.
Agad ko naman na hinubad ang coat ng uniform ko saka ako lumapit sa kanya at ipinatong yon sa balikat niya.
Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya agad siyang lumingon sakin at hindi ko naman naiwasan mapangiti ng patago ng makita ko ang mukha niyang namumula.
"T-thank you..." naiilang niyang usal at lumapit naman ako sa kanya saka tinap ang ulo niya. Parang bata na kumikislap naman ang mata niya habang nakatingala sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya atsaka ko kinuha ang bag ko at isinakbit iyon. Lumingon naman ako sa kanya at nandoon parin siya sa kinatatayuan niya.
"Tara na... Umuwi na tayo, maggagabi na rin."
"A-ahh... Osige."
Hindi na kami nagusap pa ng lumapit na rin siya at kinuha ang bag niya atsaka kami naglakad paalis.
Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad kami at hindi ko naman maiwasan na silipin sa gilid ng mata ko si Rachel na tahimik habang mahigpit ang paghawak niya sa coat ko na nakapatong sa kanya.
Hindi ko naman naiwasan na mapangiti na lang habang nangunguna na sa kanya sa paglalakad.
-Miracle_Gorgeous