Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 11 - Chapter 11: Happy Birthday

Chapter 11 - Chapter 11: Happy Birthday

RACHEL TAN POV:

NAGISING ako sa malakas na alarm clock ko kaya naman ay humihikab pa ako habang bumabangon. Inunat ko muna ang katawan ko bago ko inayos ang kama ko at ng matapos ako ay dumeretso na agad ako sa banyo para maligo.

Nang matapos kong ibabad ang sarili sa shower ay saka ako nagtuwalya at kinuha ang cellphone ko. Pagbukas ko ay hindi ko agad naiwasan mapangiti ng makita ko na maraming nag-message sakin at binabati ako ng "happy birthday".

Oo nga 'no? Birthday ko na pala ngayon... Ano bayan nakalimutan ko agad jusko!

Matapos kong magsuot ng uniform at suklayan ang buhok ko ay saka ako lumabas ng kwarto at bumaba.

"Goodmorning mom, dad." nakangiting bati ko sa kanilang dalawa habang paupo ako sa upuan.

"Goodmorning sweetie.. Happy birthday!" nakangiting bati sakin ni mom sabay kiss sa pisnge ko.

"Happy birthday my beautiful daughter." si dad saka siya tumayo at pumunta sa pwesto ko atsaka niya ako niyakap sabay kiss rin sa pisnge ko.

Hindi ko naman naiwasan na matawa na may ngiti sa aking labi habang nakatingin ako sa magulang ko.

"Thank you mom and dad... I love you both!" nakangiting saad ko saka ako lumapit sa kanila at niyakap sila.

Hindi nawala samin ang saya habang kumakain kami at ng matapos ay umakyat ako sa kwarto saka nagtungo sa banyo para kunin ang gamot ko saka ko yon ininom sabay hinga ng malalim at ngiti sa salamin.

Habang sinusuot ko ang sapatos ko ay lumapit agad sakin ang mommy ko.

"Sweetie, magpapapunta kaba ng bisita?" tanong ni mom.

"Opo,"

"Okay! Matitikman nila ang pinaka-masarap na pagkain sa buong mundo just kidding haha!" biro ni mom at natawa naman kami pareho.

"Mom, papasok na po ako pakisabi na rin kay daddy."

Ngumiti lang sakin si mom saka siya tumango kaya naman ay bago ako lumabas ay ngumiti muna ako sa kanya saka siya kinawayan.

Habang naglalakad ako ay nakita ko agad si Zack sa hindi kalayuan kaya naman ay agad ko siyang tinawag saka nakangiting kinawayan siya ng lingunin niya ako atsaka ako tumakbo papunta sa kanya.

"Goodmorning!!" masayang bati ko sa kanya ng makalapit ako.

"Hmmm... Goodmorning din." tipid ang ngiti na bati niya pabalik sakin. "Nga pala, happy birthday."

Natigilan naman ako at hindi ko maiwasan ngumiti ng sobrang lawak. "Waah!! Thank you!!" sambit ko sa kanya at nakangiti na tumango naman siya.

Sabay kami ni Zack na naglakad hanggang sa makasakay kami sa train. Pasimple na tumingin naman ako kay Zack at ng mapansin niya ako ay mabilis akong umiwas.

"Bakit mo ako tinitingnan ha?" taas ang kilay na sabi niya at natawa naman ako ng mahina. Paano ba naman kasi para siyang babae ng tanungin niya ako non tapos nakataas pa ang isa niyang kilay.

"Napapansin ko lang kasi palagi kanang ngumingiti at tumatawa.." mahinang sabi ko.

"Hmmm... Hindi ba bagay sakin?"

"Huh? Anong hindi bagay sayo!? Mas lalo ka nga gumagwapo kapag ngumingiti ka at tumatawa eh.."

"Uh-huh... Ayun ang dahilan kung bakit ako parati ngumingiti at tumatawa para mas lalo ako gwumapo sa paningin mo." bigla naman nangarera sa bilis ang tibok ng puso ko at halos maramdaman ko na uminit ang buong mukha ko. "Oh.. Napamula ata kita?"

"A-anong namula! S-sira ka!!" naiilang na bigkas ko sabay hampas ko sa kanya ng malakas sa braso.

"Awts naman.." natatawang sabi niya habang nakahawak siya sa kanyang braso at inirapan ko naman siya sabay tawa ko na rin.

Para talaga siyang timang hmp.... Kinilig tuloy ako doon hays...

Hindi na kami nagusap pa ni Zack ng makarating na kami sa istasyon namin kaya naman ay sabay na kaming naglakad paalis.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa Seisen High. Tumigil muna kami sandali sa locker para palitan ang suot naming sapatos saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi rin nagtagal ng makarating kami sa classroom. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay halos mapatakip na lang ako sa bibig ko sa sobrang gulat ng hagisan nila ako ng gupit gupit na colored paper at sabay sabay nilang sinabi ang....

"HAPPY BIRTHDAY RACHEL!!!" masayang bati sakin ng mga kaklase namin at maya maya lang ay nagsitabihan sila hanggang sa huminto ang paningin ko kay Haley ang bestfriend ko.

Nakangiti na lumapit siya sakin sabay yakap niya ng mahigpit na mahigpit at ng bitawan na niya ako ay saka siya may kinuha na malaking box sa table niya at ibinigay niya sakin yon.

"Ano ito??" nagtataka na tanong ko habang buhat buhat ang box na yon.

"Nandyan ang mga gift ko sayo pati ang mga pictures natin ng nasa middle school tayo at ngayong high school." nakangiti na usal niya at parang bata na muntikan na ako umiyak ng yumakap ako sa kanya saka pasalamatan siya ng sobra.

Sobrang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na tulad ni Haley...

Hindi na nagtagal ang kasiyahan namin non ng tumunog ang bell at pumasok na si Miss Chavez sa classroom. Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon sobra pa sa sobra.

Inilagay ko sa bag ko ang box na regalo sakin ni Haley at nang lumingon naman ako kay Zack para tingnan siya kung ano ginagawa niya ay nagulat agad ako ng pagkalingon ko sa kanya ay nakatingin na pala siya sakin. Nang parehas kami magkatinginan ay mabilis rin kaming nagiwasan. Palihim na idinampi ko ang kamay ko sa dibdib ko ng maramdaman ko ang pagbilis ng tibok nun.

Ipinilig ko ang ulo ko saka isinantabi ang mga pinagiisip ko at itinuon na lang ang sarili sa pakikinig sa tinuturo ni Miss.

Nang tumunog na ang bell senyales na breaktime na ay mabilis kong tinapos ang pagkopya ko sa sinulat doon sa blackboard at pagkatapos ay ibinalik ko sa bag ang nb ko saka ako tumayo para sumabay kay Haley papuntang canteen.

"Rachel..." tawag sakin ni Haley kaya naman ay napalingon ako sa kanya. "Napapansin ko parang napapadalas na ang pagtawa at pagngiti ni Zack kasi dati hindi naman siya ganon..." natigilan naman ako sa sinabi niyang yon. "Sabihin mo nga sakin may pinainom o may ginawa kaba sa kanya?"

"Ano ba namang tanong yan Haley! Syempre wala! Hmmm.... Siguro may reason si Zack kung bakit siya naging ganun na... Lahat naman ng tao kayang magbago diba?"

"Sabagay may point ka pero kasi.... Teka may isa pa akong napapansin eh.."

"Ano nanaman yon??"

"Napapansin ko napapadalas na ang paglabas niyong dalawa... Aminin mo nga sakin nag-dadate na ba kayo ha?"

"Ano?!"

"Nag-dadate na ba kayo kako!! Ganda ganda mo hindi ka marunong maglinis ng tainga mo."

"Tse!! Hindi kami nagdadate 'no!"

"Eh kung hindi... Ito na lang aminin mo sakin may gusto kaba sa kanya?"

"Hmp!! Paano kapag sinabi kong meron ano gagawin mo?"

"Edi meron nga? Jusmiyo!"

"Ano gagawin mo? Papagalitan mo nanaman ba ako o aawayin??"

"Huh? Baliw kaba? Syempre susuportahan kita bestfriend kaya kita! Atsaka isa pa lagot sakin yang Zack na yan kapag sinaktan o pinaiyak ka niya!!"

"Mahal mo talaga ako hmp!!" usal ko sabay akbay sa kanya na ikinangiwi niya kaya naman ay natawa ako.

Napaka-arte talaga ng babaeng 'to!! Ayaw na ayaw kasi ni Hailey na ginaganon siya ng babae dahil nandidiri raw siya diba? Kaartehan!

Nang makarating kami sa canteen ay umoder na agad ng makakain si Hailey at syempre hindi naman mawawala sa akin ang titigan si Zack sa malayo habang kumakain ito. Parang bata na ngumiti naman ako kay Zack ng lumingon siya sakin dahil siguro ay napansin niya ang pagtitig ko sa kanya. Mas lalo naman ako napangiti ng makita kong ngitian rin ako ni Zack saka siya nagpatuloy sa pagkain niya.

Ang gwapo niya talaga sa tuwing ngumingiti siya... Aishh!! Nagumpisa nanaman tuloy tumibok ng mabilis ang heart ko!

Ilang sandali lang ay dumating na si Hailey dala ang binili niyang pagkain kaya naman ay nagumpisa na kaming kumain. Hindi rin nagtagal pa ng tumunog na ang bell at matapos na ang breaktime kaya naman ay sabay uli kami ni Hailey na naglalakad patungo sa classroom.

Patuloy lang ako sa pakikinig sa discussion ni Miss Chavez hanggang sa dalawin ako ng antok kaya naman ay palihim na itinayo ko ang notebook ko saka ko inihiga sa table ang ulo ko para hindi ako mahuli na umiidlip ako.

Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa maalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sakin.

"Rachel, gising na... Hoy Rachel!!" rinig kong usal ni Hailey habang patuloy sa pagyugyog sakin at ng iangat ko na ang ulo ko ay agad kong pinunasan ang laway sa labi ko saka ako bumaling kay Hailey.

"Anong oras na? Bakit tayo na lang dalawa dito?" nagtatakang tanong ko.

"Ano kaba! Uwian na haynako."

"Weh?"

"Oo! Dalian mo ayusin mo na yung gamit mo dyan wait kita sa labas."

Dali-dali naman na inayos ko ang gamit ko atsaka ko rin inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay isinakbit ko na ang bag ko at bago ako magpatuloy sa paglabas ay binalingan ko muna ng tingin ang table ni Zack at wala na siya doon. Mukhang nauna na siya umuwi hayst wala nanaman tuloy akong kasabay dahil panigurado na may aasikasuhin nanaman si Haley.

"Haley, sabay ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Sorry Rachel! May kailangan kasi akong gawin sa teacher's room dahil alam mo naman malapit na ang summer break natin."

"Ayos lang ano kaba... Osige magiingat kana lang sa paguwi mo mamaya... Pumunta ka sa bahay ko ha?"

"Opo! Sorry talaga Rachel! Osya mauna na ako sayo babye!! Magiingat ka rin paguwi mo kitakits na lang!!!" nakangiting sabi ni Hailey habang kinakawayan ako nito hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

Wala tuloy ako kasabay umuwi...

Habang naglalakad ako sa hallway ay napatigil naman ako ng madaanan ko ang library kaya agad akong pumasok doon. Nagbabakasali lang ako na baka nandoon si Zack.

"Miss Ramos." tawag ko doon sa librarian at nakangiti na lumingon naman ito sakin.

"Yes, hija?"

"Nandito po ba si Zack?"

"Naku hija! Nagtatampo ako sa batang yon dahil hindi siya nagpunta dito pero ayos lang kasi baka may importante na ginawa ang batang yon."

"Ganun po ba? salamat po babye po.."

"Babye hija.. Magiingat ka."

"Opo... Salamat po.."

Matapos non ay umalis na ako sa library at bagsak ang balikat na nagpatuloy sa paglalakad. Bakit kaya nauna na si Zack sa paguwi? Sana hinintay niya man lang ako hmp...

Matapos non ay umalis na ako sa library at bagsak ang balikat na nagpatuloy sa paglalakad. Bakit kaya nauna na si Zack sa paguwi? Sana hinintay niya man lang ako hmp...

Habang naglalakad ako ay halos mapatigil ako ng makita ko siya na nakasandal sa locker habang nakapamulsa siya at nakatingin sa sapatos niya.

"Z-zack?" gulat na saad ko at ng mapansin niya ako ay tumayo siya ng deretso at hinintay ako na makalapit sa kanya ng tuluyan. "Hindi ka umuwi?"

"Hinintay kita tss... Sa tingin mo hahayaan ko na umuwi ka na magisa dahil sabi mo nga diba natatakot kanang umuwi magisa dahil baka nanaman mangyari sayo yung nangyari dati."

"Z-zack huhuhu..."

"Oh teka... Ba't paiyak ka? Tss."

"Eh kasi akala ko umuwi kana eh.." parang bata na usal ko habang nakasimangot.

"Psh! Tara na nga." sabi niya saka siya nakapamulsa na nanguna sa paglalakad at nasumunod naman ako sa kanya.

Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang likod ni Zack.

"Para kang tanga na ngumingiti dyan." nagulat naman ako doon kaya agad akong napatingin sa kanya at seryosong nakangiwi naman siya.

"Ah.. Eh.. Paki mo ba!? Hmp!" usal ko saka pinangunahan sya sa paglalakad.

Shems! Hindi ko napansin na nakita niya pala ako na ngumingiti arghh!! Kasalanan niya yon, sino ba naman ang hindi mapapangiti at kikiligin lalo na kapag nakita mo na yung taong gusto mo hinihintay ka at inisip yung kaligtasan mo diba? Sino hindi mapapangiti doon!

Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa habang sabay kaming naglalakad pauwi pero maya-maya lang ay binasag ko na rin ang katahimikan.

"Zack, may celebration ako sa bahay ah? Aasahan ko na pumunta ka... Alam mo naman na siguro mangyayari kapag hindi ka pumunta." wika ko habang nakangiti sa kanya na parang papatay ako ng wala sa oras.

"Tsk! Katakot ahh... Oo pupunta ako." tugon niya habang may payakap-yakap pa siya sa sarili niya na kunwaring natakot talaga sa sinabi ko.

Hindi na kami nagusap pa ng makasakay na kami ng train. At hindi rin nagtagal ng kami ay makadating sa istasyon namin at sabay uli kaming naglakad.

Agad akong nagpaalam sa kanya ng makarating na kami sa tapat ng apartment niya. Nakangiti na kinawayan ko lang si Zack hanggang sa makauwi na ako ng tuluyan sa bahay namin. Pagpasok ko palang ay bumungad na agad sakin ang nakangiti na si mommy.

"Kamusta school?" tanong ni mom at lumapit naman ako sa kanya saka hinalikan siya sa pisnge.

"Ok naman mom... Masaya nga po eh... Hindi ko akalain na susupresahin ako ni Haley at ng mga classmate ko." masayang kwento ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad patungo sa living room.

Nakita ko naman si dad na nagsasabit ng happy birthday sa pader at nang mapansin niya ako ay saka siya nakangiti na lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Ayos ba ang ginawa ni daddy para sayo?" masayang tumango naman ako ng itanong sakin ni dad yon at natawa naman si mom kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

"Anong nakakatawa mom?"

"Anong nakakatawa hon?" nagkatinginan naman kami ni dad ng sabay kami ng sinabi kaya mas lalo natawa si mom sa amin.

"Mag-ama talaga kayong dalawa! Hahaha! Masaya lang ako kasi sobrang hirap na hirap kanina ang daddy mo magkabit niyan at sa wakas ay natapos rin siya." sambit ni mom at lumapit naman sa kanya si daddy saka siya niyakap at hinalik-halikan sa pisnge.

Masaya ako na nakikita kong masaya ang parents ko. Sana kapag dumating na yung araw na wala na ako ay ayokong makita silang malungkot. Mahal na mahal ko silang pareho at gusto ko palagi silang masaya.

Agad na pumasok si mom sa kitchen at si dad naman ay inayos ang lamesa para doon ilapag ang mga handa na iniluto ni mommy.

Tinulungan ko si mom sa paglipat ng pagkain at ng matapos kami ay umakyat na muna ako sa kwarto para magpalit ng damit saka isa pa masyado na kasi akong pawis eh. Sandali lang ay natapos na ako at kinuha ko naman ang box na regalo sakin ni Haley. Nakangiti na nilapag ko naman yon sa lap ko saka ko binuksan. Halos matawa at mapangiti ako ng bongga ng makita ko ang loob non. Mga pictures namin na magkasama noong bata pa kami at ngayong dalaga na kami saka yung mga chocolates at dutchmill.

Nakakatuwa dahil hindi niya nakalimutan ang paborito ko na inumin ang dutchmill haha..

Nagsuot lang ako ng simpleng dress na kulay blue na offshoulder atsaka ko naman itinali ang buhok ko na pa-ponytail. Pagkababa ko ay nakangiti na pinagmasdan ako ni mom saka dad.

"Ang ganda talaga ng daughter namin.." sabay nilang sabi saka sila lumapit sakin at hinalikan ako sa pisnge.

Hindi rin nagtagal ng dumating na si Haley pati na rin ang iba pa naming kaibigan at kaklase sa bahay. Agad nila akong binati at saka ibinigay sakin isa isa ang mga dala nilang regalo at nagpasalamat naman ako.

Nagumpisa na kaming magsikain at masaya na nagkwentuhan. Halos hindi ko maiwasan matawa dahil tuwang-tuwa na nakikita ko si mom na sinasabi sa kanya ng mga kaklase ko na masarap ang kanyang luto. Nagkantahan lang kami saka nagsayawan at maya-maya lang ay habang nagkakantahan sila ay lumayo muna ako unti.

Tumingin naman ako sa suot kong relo at mag-aalas nuwebe na. Hanggang ngayon ay hindi parin dumarating si Zack. Bagsak ang balikat na bumalik uli ako sa loob saka ngumiti ng pilit sa kanila at nakisaya na lang din. Siguro naman darating yon baka may ginawa lang kaya late, alam kong darating yon nangako siya sakin eh.

Hanggang sa dumating na ang cake para hipan ko ay hindi parin dumating ang presensya ni Zack. Nasaan na ba yung kumag na 'yon?! Nakakainis naman siya eh! Sabi niya darating siya tapos hindi pa sya dumadating kung kailan maghihipan na ako ng cake.

Nakangiti na lumapit sakin si mom habang dala dala niya ang cake at ngumiti din naman ako sa kanya hanggang sa ilapag niya yon sa tapat ko. Bigla naman sinindihan ni dad ang kandila at nagsimula ng magsikantahan ang mga bisita ko ng happy birthday song. Pumikit muna ako saka humiling bago ko hinipan ang kandila.

"Anong hiniling mo?" tanong sakin ni Haley at ngumiti na umiling naman ako sa kanya.

"Hindi ako humiling... Hinipan ko na lang agad haha!" pagsisinungaling ko at pinitik naman niya ako sa tenga na agad kong kinaaray.

"Dapat humiling ka shunga shunga ka talaga!"

"Osige sindihan niyo uli tapos hihiling ako biro lang hahahaha!"

"Tse! Osya nagustuhan mo ba yung regalo ko?"

"Oo naman hindi ko akalain na matatandaan mo parin ang paborito kong inumin."

"Ako pa! Ako lang 'to nukaba.." parehas kaming nagsitawanan at maya maya lang ay ng matapos ang celebration ko ay isa isa na silang nagpaalam at nagsiuwi.

Hinatid ko naman si Haley hanggang sa labas. Yumakap siya sakin saka nakangiti na kinawayan ako hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis gayon din ang mga kaibigan namin at kaklase.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay doon na ako unti unti nakaramdam ng kalungkutan. Bagsak na bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa lupa. Hindi ko akalain na hindi niya tutuparin ang pangako niya na pupunta siya sa birthday ko nakakalungkot at nakakatampo. Inaasahan ko pa naman na darating siya.

Babalik na sana ako papasok sa bahay ng bigla akong mapahinto ng tawagin ng pamilyar na boses sakin ang pangalan ko.

"Rachel!" tawag pa nito ulit sakin na halos ikinabilis ng tibok ng puso ko at unti-unti naman akong lumingon sa kanya. Para akong bata na gusto umiyak at suntukin siya sa sikmura ng makita ko siya na nakangiti habang kumakaway sakin sa malayo.

Bakit ngayon ka lang? Bakit? Nakakatampo ka...

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na ako papunta sa kinatatayuan ni Zack at ng makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang sinuntok sa tyan na ikina-aray niya.

"Teka... Bakit mo'ko sinuntok?" nagtataka na tanong niya habang nakahawak siya sa tyan niya.

"Bwesit ka! Bakit hindi ka dumating at bakit ngayon ka lang?! Alam mo ba na sobrang nalungkot ako dahil doon! Inaasahan ko pa naman na darating ka tapos... Tapos... Tapos kung kailan tapos na yung selebrasyon ko saka ka magpapakita gunggong kaba!?" habol hininga na galit na sabi ko sa kanya at natigilan naman siya saka deretso na tumayo saka nakangiti na tumingin sakin. "Tapos ngayon parang tanga na ngingiti ka sakin?! Nakakainis ka alam mo ba 'yon!!"

"Alam ko.... Sorry dahil na-late ako traffic kasi atsaka isa pa may tinulungan kasi akong matanda bago ako nakabili ng regalo para sayo.." natigilan naman ako doon ng sabihin niya yon. "Sorry kung hindi ko na naabutan yung masayang selebrasyon mo... Ito oh regalo ko para sayo."

"H-huh..." hindi ko alam ang gagawin o irereaksyon ko ng bigla niyang inabot sakin ang maliit na paperbag. Nagugulat na kinuha ko naman sa kanya yon saka ako tumingin sa kanya.

"Happy Birthday." nakangiti na usal ni Zack at parang bata na paiyak naman ako kaya para hindi niya makita yon ay walang sali-salita na mabilis akong yumakap sa kanya na ikinagulat niya. "R-rachel? Uhmm.."

"Nakakainis ka!" saad ko habang hindi parin bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya imbis ay mas lalo ko hinigpitan ang pagyakap sa kanya. "S-sobrang saya ko... Pinasaya mo ako... Thank you, Zack.." at nang bitawan ko na siya ay nakita ko agad ang maganda niyang ngiti na araw araw na nagpapalambot sa puso ko.

"Sana magustuhan mo yung regalo ko sayo."

"Huh? Teka..." usal ko atsaka ko binuklat yung paperbag at may nakita naman akong maliit na itim na box doon kaya binuksan ko yon at laking gulat ko ng makita ko ang nilalaman non. "A-ang ganda... Sobrang ganda..." namamangha na kinuha ko ang necklace sa box saka ako nakangiti na bumaling kay Zack. "Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko pero.... Sobrang thank you." hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang kwintas na regalo niya.

-Miracle_Gorgeous