DALAWANG araw na ang lumipas noong nakasama ko si Rachel sa lugar na parati kong pinagtatambayan.
Sa ngayon ay kasama ko siya at sabay kaming naglalakad papuntang Seisen High. Maraming nagbago nang nakasama ko siya sa lugar na yon. Hindi ko akalain na makakangiti ako at makakatawa uli, kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanya.
Binago ni Rachel ang lahat sakin....
Hindi ko alam kung ano o paano, basta ang alam ko lang ay maraming nagbago simula ng dumating siya sa buhay ko...
Nakatingin lang ako sa kanya habang nangunguna siya sa paglalakad. Nagtaka naman ako ng tumigil siya at lingunin ako saka ako dinuro ng kanyang hintuturo.
"Zachary Corpuz!!" tawag niya sa buong pangalan ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Alam mo ba na ang gwapo mo?" nabigla naman ako sa sinabi niyang yon kaya naman ay hindi ko agad iyon nasagot. "Hoy! Alam mo ba na ang gwapo mo?!!!"
"Psh... Hindi ako gwapo at tigil-tigilan mo nga ang pambobola sakin."
"Ah talaga..." usal niya at nagulat naman ako ng bigla siyang may inakbayan na babae at gulat itong napatingin sa kanya.
"Ano ba ginagawa mo?" kunot noong tanong ko kay Rachel.
"Ikaw!" turo niya sa babae na inakbayan niya at parang nahihiya naman itong itinuro ang kanyang sarili kung siya ba ang tinutukoy ni Rachel. "Nakikita mo yung lalaking 'yan? Yung lalaki na walang ginawa kundi sumeryoso at kumunot ang noo." usal ni Rachel sa babae habang nakaturo siya sakin. "Sabihin mo nga sakin kung gwapo ba yang lalaking 'yan!!!"
"Uhmm..." panimula ng babae habang napapalunok at napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kabaliwan na ginawa ni Rachel.
"Ano? Gwapo siya, hindi ba?" tanong uli ni Rachel.
"O-opo..." nahihiyang sagot ng babae at napasapo na lang ako sa noo ko habang umiiling-iling.
"Oh, diba?! Sabi ko naman sayo gwapo ka eh! Sige babye salamat... Sorry kung inakbayan kita hehehehe.." saad ni Rachel atsaka niya ako hinila at tumakbo kami papasok sa building.
Tumigil naman kami saka kami nagtungo sa locker namin atsaka kami sabay uli na naglakad sa hallway. Nagulat naman ako sa kanya ng bigla niya akong inakbayan kahit na mas matangkad ako sa kanya.
"Simula ngayon iisipin mo ng gwapo ka, okay?!" nakangiting usal niya sakin at napangiwi naman ako.
"Oo na... Bitawan mo na ako, ang dami-daming nakatingin satin oh.."
"Wala akong paki kung ano isipin nila."
"Tss."
Maraming nagbago, ngayon ay sobrang close na namin at paminsan-minsan ay inaaya ako ni Rachel na lumabas o kumain man kung saan saan.
Nang makapasok kami ni Rachel sa room ay agad na lumapit sa kanya si Haley kaya naman ay dumeretso na ako sa upuan ko saka ako nagpangalumbaba habang nakatingin ng palihim kay Rachel.
Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa tuwing tatawa at ngingiti siya. Sa lahat ng meron si Rachel ang pinaka-nakakaakit at maganda sa kanya ay ang tawa saka pagngiti niya.
Mabilis ko rin iniwas ang tingin ko ng muntikan na siyang bumaling sa akin. Hindi rin nagtagal pa ay dumating na si Miss Chavez at nagumpisa ng i-discuss ang lesson.
Tahimik na nakikinig lang ako hanggang sa mapalingon ako kay Rachel na nagsusulat sa isang kulay pink na notebook at meron pa itong design na butterfly. Imbis na pagtuonan ko ng pansin iyon ay ipinagpatuloy ko na lang ang pakikinig kay Miss Chavez.
"Okay, Class!" malakas na sigaw ni Miss Chavez na may kasamang pag-palakpak para makuha ang atensyon naming lahat. "Pagkatapos ninyo mag-lunch ay dumeretso agad kayo sa field, naintindihan niyo ba?"
"Opo!!" sabay sabay naming sagot.
"Miss!" tawag ni Vincent ang kaklase naming bakla.
"Yes Mr. Dela Cruz?"
"Ano po gagawin sa field?"
"P.E niyo today, hindi mo ba alam?" si miss.
"Ay.. Omyghad! Sorry miss hindi ko po kasi alam.."
"Inaatupag mo kasi parati ang pagmamake-up mo kaya paano mo malalaman.." bigla naman nagsipagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa sinabing yon ni Miss at napanguso na lang si Vincent dahil sa kahihiyan.
"Pfftt... Yan kasi.."
"Hahaha!"
"Wag kasi puro make-up bading!!"
"Silent!! Basta pagkatapos ng lunch nyo, okay? Wag kayo masyado kumain ng marami ha!" ulit pa ni Miss hanggang sa lumabas na siya ng room.
Parang bata naman na nagpapadyak-padyak si Vincent dahil hindi parin tumitigil sa pang-aasar sa kanya ang grupo nila Ivan.
Napunta lang ang atensyon ko sa table ko ng biglang hinampas yon ni Rachel kaya naman ay nakatingala ako sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Oh!" nagulat naman ako ng bigla siyang may inilapag na invitation card sa table ko.
"Ano ito? Anong meron?" nagtatakang tanong ko kaya naman ay binuksan ko 'yon at gulat na napatingin sa kanya ng mabasa ko.
"Birthday ko na bukas hmp." parang batang nakanguso na usal niya.
"Talaga?"
"Hindi ka naniniwala?! Hmp!!"
"Imbitado pala ako kagulat naman.."
"Malamang! Bukas sa bahay namin ahh! Kapag hindi ka pumunta susunugin ko apartment mo!!" nagulat naman ako doon pero agad din natawa at napailing.
Kahit kailan abnormal talaga...
"Pupunta ako don't worry, nangbabanta kana eh."
"Wahh!! Thank you... mabuti naman!!" ngumiti lang siya sakin ng ilang sandali saka siya nagpaalam dahil inaaya na siya ni Haley na kumain sa canteen.
Matapos ko ayusin ang mga gamit ko ay tumayo narin ako saka ako lumabas at nagtungo sa canteen.
Mamayang uwian nga pala ay magtutungo ako uli sa library para tulungan si Miss Ramos. Ilang araw rin na hindi ko siya napuntahan baka nagtatampo na siya sakin. Parang isang magulang na rin kasi ang turing ko kay Miss Ramos at parati niyang kinukwento sakin na sa tuwing nakikita niya raw ako ay naalala niya ang kanyang nakakabatang kapatid na lalaki na ngayon ay may pamilya na.
Nang makaorder ako ng makakain ko ay saka ako naghanap ng table at nang makahanap naman ay nagsimula na akong kumain.
Patuloy lang ako sa kain ko hanggang sa mapatingin ako kay Rachel sa hindi kalayuan na nakapangalumbaba habang nakatingin sa'kin. Bigla namang kumunot noo ko doon at iniisip kung ano ba pinaggagawa niya. Napangiwi naman ako ng bigla siyang ngumiti sakin at kawayan ako.
Napailing na lang ako saka hindi siya pinansin at tinuon ko na lang ang sarili sa kinakain hanggang sa matapos ako. Nagpahinga pa ako ng ilang sandali hanggang sa naisipan ko ng umalis sa canteen ng saktong tumunog na ang bell.
Dumeretso agad ako sa locker ko saka ko kinuha doon ang nakatuping P.E uniform ko. Habang kinukuha ko yon ay napalingon naman ako sa kabilang locker at nakita ko si Rachel na kinukuha rin ang sarili niyang P.E uniform. Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya matapos niyang makuha ang P.E uniform niya ay dali-dali niyang sinara ang locker niya saka siya umalis. Napatingin naman ako sa isang notebook na kulay brown na nasa lapag katapat lang ng locker ni Rachel.
Sinara ko agad yung locker ko matapos ko kuhanin yung P.E uniform ko atsaka ko naman nilapitan yung notebook at pinulot yon. Bigla naman akong nagtaka ng matapos ko basahin ang harap nito.
"My...Secret...Diary..." mahinang basa ko saka ko tiningnan yung baba baka nandoon ang pangalan ng nagmamayari at laking gulat ko naman ng mabasa ko ang pangalan non. "Rachel.... Tan.."
Mayroong diary si Rachel? Bakit naman kaya? Bubuklatin ko na sana yon ng may biglang humablot sakin non kaya agad akong napatingin sa kanya at nagulat pa ako ng si Rachel yon at salubong ang kilay nito habang nakatingin sakin saka mahigpit ang pagkakahawak sa notebook na yon.
"May nabasa kaba?" nagaalalang tanong niya at umiling-iling naman ako. "Wooh... Mabuti naman kung ganun." hindi ko na tinanong pa kung bakit mayroon siyang ganun ng bigla niya akong talikuran saka maglakad pero agad din siyang tumigil. "Tara na... baka pagalitan pa tayo ni Miss kung malalate tayo."
"O-ohh okay.." tanging usal ko habang nagtataka sa kanya. Bakit kaya ganun naging reaksyon niya ng muntikan ko na buklatin ang diary na yon.
Sabagay secret diary nga niya kasi yon kaya hindi mo dapat pakialaman Zack!! Wala kang permiso para doon atsaka isa pa private niya yon eh!
Napabuntong-hininga na lang ako saka sumabay kay Rachel sa paglalakad. Hindi rin nagtagal ng maghiwalay kami dahil pumasok na siya sa comfort room ng mga babae at pumasok na rin ako sa cr ng mga lalaki. Mabilis ko lang sinuot ang P.E uniform saka ako lumabas ng CR. Akala ko ay nagbibihis palang si Rachel pero nakita ko na siya agad sa kalayuan na naglalakad. Tatawagin ko sana siya pero hindi ko na ginawa pa imbis ay naglakad na lang rin ako.
Nagalit ata siya sakin dahil doon sa diary niya hayst...
Nang makarating sa field ay pumila agad ako sa pila ng mga kaklase kong lalaki habang si Rachel naman ay nakapila rin sa mga babae. Patago na sinusulyapan ko siya hanggang sa siya na ang tinawag ni Miss Chavez na susunod na tatakbo paikot sa field.
Pinanood ko lang si Rachel na magtatakbo sa field. Tatlong beses niya gagawin ang pagtakbo paikot sa field at kapag natapos na siya ay maaari na siya magpahinga sa gilid dahil may susunod pa na ipapagawa samin si Miss Chavez.
Habang pinapanood ko si Rachel sa pagtakbo niya ay napapansin ko na sobrang laki ng pinayat niya o sabihin na natin na parang namamayat ata siya. Kumakain ba talaga ng marami itong babaeng 'to?
Halos magulat naman kaming lahat ng biglang tumumba si Rachel. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Rachel at pagkarating ko doon ay agad ko siyang nilapitan. Tagaktak ang pawis niya habang mabilis ang paghahabol niya ng hininga.
"Okay ka lang ba, Rachel?" nagalalang tanong ko sa kanya at tumango naman siya habang walang tigil ang paghahabol niya ng hininga.
"O-oo... O-okay lang ako..." nanghihinang sabi niya hanggang sa tumayo siya at bigla siyang nawalan ng malay mabuti na lang ay nasalo ko siya agad.
"Rachel? Rachel?! Fuck!" natatarantang usal ko at hindi na ako nagdalawang isip at binuhat ko na siya agad.
"Dalhin mo si Ms. Tan sa clinic!! Myghad!!" natatarantang usal din ni Miss Chavez.
"Omyghadddd Rachel!!!" nagaalalang sabi naman ni Haley. Hindi na nagreklamo si Haley na buhat buhat ko si Rachel imbis ay sinamahan niya ako papunta sa clinic.
Nagaalala na nakatingin naman ako kay Rachel habang buhat buhat ko siya. Sana okay lang siya. Hindi rin nagtagal nang makarating kami sa clinic. Agad kaming sinalubong ng nurse at inayos ang higaan doon para doon ko ihiga si Rachel.
Chineck naman ng nurse ang lahat kay Rachel at nang matapos siya ay kumuha siya ng tubig saka ng isang gamot at inalagay niya yon sa table na katabi ng hinihigaan ni Rachel.
"Nurse Iyah, Okay lang po ba si Rachel?" nagalalang tanong ni Haley at nakangiting tumango naman si Nurse Iyah.
"Ayos lang siya Haley... Siguro ay dahil sa pagod o baka nagpalipas siya ng pagkain kaya naman ay nahimatay siya." usal ni Nurse Iyah at nakahinga naman kami ng mabuti ni Haley.
"Mabuti naman po hayst..." nakangiting sagot ni Haley habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Isa lang ang maaaring magbantay sainyo sa kanya at ako ay may pupuntahan lang sandali." saad ni Nurse Iyah at bigla naman kami nagkatinginan ni Haley pero mabilis din itong umiwas.
Nang lumabas si Nurse Iyah ng clinic ay naiwan naman kaming dalawa ni Haley at parehas sa aming dalawa ay walang kumikibo. Pinanood ko naman si Haley ng lumapit siya kay Rachel at himas-himasin ang buhok nito.
"Ikaw na muna ang magbantay kay Rachel at pupuntahan ko lang si Miss Chavez para ibalita na ayos lang siya." napatingin naman ako kay Haley ng sabihin niya yon.
"A-ahh... Sige." sagot ko.
"Hmmm okay." ayun lang ang sinabi niya saka siya lumabas ng clinic.
Kumuha naman ako ng upuan saka ko yon ipinuwesto malapit sa kama ni Rachel. Pagkaupo ko ay napatitig agad ako sa mahimbing na natutulog na si Rachel. Tiningnan ko naman ang mukha niya hanggang sa buong katawan niya. Parang namamayat talaga siya, yung tipong parang akala mo hindi na kumakain. Hindi naman yung buto't balat na talaga.
Tumakbo ang ilang oras hanggang sa hindi ko napansin ay nakatulog na ako. Nagising lang ako ng bigla kong maramdaman na parang may humawak sa pisnge ko at hinimas ang buhok ko. Gulat na napatingin naman ako kay Rachel ng pagdilat ko ay nakita ko siyang nakangiti at nang makita niyang nagising ako ay agad agad siyang umiwas ng tingin habang napapalunok.
"G-gising kana pala.." naiilang na usal niya.
"Oo... Gising kana rin pala dapat ginising mo ako para mapainom ko na sayo yung gamot na iniwan ni Nurse Iyah."
"Sobrang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi kita ginising."
"Ahh... Hindi mo ako ginising kasi mahimbing tulog ko? O ayaw mo lang ako gisingin kasi alam mong hindi ako magrereklamo kapag hinawakan mo ang pisnge ko." bigla naman siyang namula sa sinabi ko kaya naman ay hindi ko naiwasan matawa ng mahina.
"W-wag mo nga akong tawanan!! Tsk! Nasaan ba yung gamot at ng mainom ko na?" ibinigay ko naman sa kanya yon at ininom niya rin naman agad.
"Okay kana ba?"
"Oo... Okay na okay naman ako ehh."
"Ahh... Kaya pala nahimatay ka.. Hindi kaba kumakain?"
"Kumakain ako 'no! Siguro pagod lang kaya ganun."
"Napansin ko..."
"Ano yon?"
"Parang namamayat ka ata..."
"H-huh? A-ahh... Diet kasi ako eh hehe." naiilang na sabi niya at tumango-tango naman ako.
Tumayo naman ako at nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya agad akong natigilan at napatingin sa kanya.
"Saan ka pupunta?" parang bata na sabi niya at napailing naman ako habang may kaunting ngiti sa labi ko.
"Mag-ccr lang ako tss."
"Ahh hehehe..."
Nang bitawan niya ang kamay ko ay saka ako nagtungo sa cr nitong clinic. At pagkabalik ko ay nakita ko na siyang tahimik na nakatingin sa bintana habang nakaupo at nakasandal siya sa kama.
"Naaalala ko lang ang hospital sa tuwing nandidito ako sa clinic." nagtaka naman ako sa sinabi niyang yon.
"Ano?" nagulat naman siya ng tumugon ako sa sinabi niya.
"A-ahh... Wala wala haha." bumalik naman ako sa pagkakaupo at nakangiti na tumingin naman siya sakin. "Binantayan mo'ko dito magdamag?" tumango-tango naman ako. "Aww... pwede na ba ako kiligin non? Hahaha!" napasinghal naman ako doon saka bumuntong-hininga. "Salamat, Zack."
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko naman siyang nakangiti ng sobrang tamis habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko at nakangiting tumango naman ako.
"Kailan mo kaya ako uli bubuhatin ng parang pang-kasal 'no..." napangiwi naman ako doon at bigla naman siya natawa.
"Tss..."
"Hahaha! Joke lang... Siguro bubuhatin mo ako ng ganun uli kung ikakasal na ako sayo." bigla naman akong natigilan doon at parang nangangarera naman sa sobrang lakas ang tibok ng puso ko.
"Ano ba pinagsasabi mo dyan tsk." naiilang na usal ko habang hindi siya matingnan-tingnan.
"Hahahaha! Biro lang naman eh!" sabi niya sabay tawa at binigyan ko naman siya ng nakakamatay na tingin.
Biro yon?! Pinalakas niya kaya ang tibok ng puso ko doon!!
Ilang sandali pa ng siya'y tumigil sa pagtawa at bumalik na uli sa kalmado niyang itsura. Bigla naman akong nagtaka ng inalis niya ang kumot na nakapatong sa kanya saka siya umalis sa kama.
"Oh? Saan ka pupunta?"
"Maboboring lang ako kung magtatagal pa ako dito, mas maganda siguro kung bumalik na lang tayo sa classroom."
"Ha? Bakit okay kana ba??"
"Duh!! Sobrang okay na okay ako!! Tara na bumalik na tayo sa classroom baka namimiss na ako ni Haley!"
"O-okay..."
Sabay kaming lumabas ni Rachel ng clinic at habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong pa namin si Nurse Iyah. Tinanong niya lang kung maayos na ba ang pakiramdam ni Rachel at hindi rin nagtagal ay nagpaalam na siya.
"Teka nga Zack... Bakit ikaw ang nagbantay sakin doon sa clinic?" nagtatakang tanong ni Rachel habang naglalakad kami.
"Bakit ayaw mo?"
"Huh?! Wala naman akong sinabing ayaw ko na ikaw ang nagbantay sakin! Ang ibig ko lang sabihin bakit ikaw? Nasaan si Haley?"
"Hmmm... Sinabihan kasi ako ng bestfriend mo na ako muna magbantay sayo at pupuntahan niya lang daw si Miss Chavez para sabihin na okay lang ang kalagayan mo."
"Ganun ba? Hmm okay!"
Hindi na kami nagusap pa ni Rachel ng makarating na kami pareho sa classroom. Agad siyang dinumog ng mga kaklase namin ng pagpasok namin at puro sila tanong na kung okay na ba daw siya. Dumeretso naman ako sa table ko at ng bumaling ako kay Rachel ay kausap na niya si Haley habang nakayakap ito sa kanya ng pagkahigpit-higpit.
Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa tumunog na ang bell kaya naman ay tumayo na ako at binit-bit ang bag ko saka ako lumabas ng classroom.
Pagkadating ko sa library ay bumungad agad sakin ang nakangiti na si Miss Ramos habang nakaupo siya sa librarian's desk. Nakangiti na lumapit naman ako sa kanya at hindi na ako nagulat ng bigla niya ako pukpokin ng hawak niyang ruler sa ulo.
"Ikaw na bata ka! Ilang araw ka hindi nagpakita sakin!" nakasimangot niyang usal.
"Sorry po!!" sabi ko at napabuntong-hininga naman siya.
"Tutulungan mo ba ako uli na magasikaso dito, hijo?" tanong niya at nakangiting tumango-tango naman ako.
Hindi na ako nakipagusap pa kay Miss Ramos at nagpunta na ako sa mga libro na nakalapag lang sa lamesa. Isa-isa kong inilagay ang mga libro doon sa isang pa-box at hinihila-hila ito patungo sa iba pang lamesa.
Nang matapos kong isauli sa tamang lagayan ang mga libro ay napalingon naman ako sa isang lamesa at nakita ko doon si Rachel na nakaupo habang nakapangalumbaba at nakangiti na nakatingin sakin. Lumapit naman ako sa kinauupuan niya.
"Ginagawa mo dito? Akala ko umuwi kana." usal ko.
"Psh! Hindi ko kaya umuwi ng magisa nakakatakot na 'no! Mamaya maulit nanaman sakin yung nangyaring paguwi ko magisa dati." nakasimangot niyang sabi at napangiwi naman ako doon.
"Nasaan si Haley? Bakit hindi ka sumabay sa kanya??"
"Nauna na siya kasama yung isa niyang friend dahil mag-kakaraoke daw sila."
"Oh.. Eh, bakit hindi ka sumama?"
"Eh sa ayoko eh! Mas gusto ko pa makasabay ka keysa sumama doon! Ma-oop lang ako kung sasama pa ako sa karaoke nila."
"Okay."
Hindi na ako nakipagusap pa kay Rachel at kinuha ko na ang bag ko na nakalagay sa upuan saka ko yon isinakbit sa balikat ko.
Nagtungo naman ako sa desk ni Miss Ramos. Nagpaalam na ako na uuwi na ako at sinabi ko na rin na tapos ko na asikasuhin yung mga libro. Nakangiti na nagpasalamat naman siya sakin bago siya bumaling sa ginagawa niya.
"Tara na." aya ko kay Rachel na nakaupo parin.
"Sandalii.." sagot niya saka siya nagmadali tumayo at sumabay sakin palabas ng library.
Tahimik lang na naglalakad kami hanggang sa makalabas na kami ng tuluyan ng school saka kami nagpatuloy uli sa paglalakad.
Tumigil kami sandali ng makakita siya ng convenience store. Hindi na ako nagreklamo pa ng bigla niya ako hilahin papasok doon.
Nang makita ko siyang bumili ng maiinom ay bumili na rin ako tutal nauuhaw na rin kasi ako. Matapos namin bayaran yung binili namin ay saka kami sabay na lumabas.
Nagpatuloy uli kami sa paglalakad habang iniinom namin ang binili namin sa convenience store.
-Miracle_Gorgeous