Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 3 - Chapter 3: Thank You

Chapter 3 - Chapter 3: Thank You

ZACHARY CORPUZ POV:

NANG matapos ang klase ni Miss Chavez at tumunog ang bell ay agad kong isa isa na inilagay sa loob ng bag ko ang mga notebook ko.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nakita ko naman sa gilid ng mata ko yung babaeng yon at nakatingin ito sakin habang hinihila siya palabas ni Haley.

Hindi ko alam na bestfriend niya pala si Haley ang president ng classroom...

Nang mawala na silang dalawa at tuluyan ng makaalis ay saka naman ako lumabas ng room. Ako na lang pala ang naiwan hindi ko man lang napansin.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi naman maiwasan na pagbulungan nanaman. Dinededma ko lang sila dahil kung papatulan ko ang mga pagbubulungan nila sakin ay parang pumatol na rin ako sa mga demonyo.

Magtutungo muna ako sa library dahil may gusto akong libro na heramin doon. Mabait naman sakin yung librarian dahil paminsan-minsan ay tinutulungan ko siyang magayos o magligpit ng mga libro na iniiwan na lang ng mga students sa lamesa at hindi isinasauli.

Tuwing lunchbreak o uwian ay nagpupunta talaga ako sa library hindi lang dahil tutulungan ko magligpit ang librarian kundi ay magbabasa ako hanggang sa umabot na ako ng alas-sais.

Wala naman kasi akong gagawin sa apartment kundi ang manood lang ng balita o kumain magdamag.

Mahilig ako sa libro, mas maganda pa kasi ang libro keysa sa mga gadgets.

Marami naman akong libro sa apartment pero lahat kasing yon ay natapos ko ng basahin at yung iba naman doon ay para sa pagaaral ko.

Pagpasok ko sa library ay agad na ngumiti sakin si Miss Ramos ang librarian. Matanda na siya at walang asawa, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kaya't ayaw niya magasawa.

"Mahal na mahal mo talaga ang libro, Hijo." nakangiting sabi ni Miss Ramos.

"Mas maganda po kasi magbasa ng libro keysa kung ano ano ang atupagin..." kalmadong sabi ko sa kanya at tumango-tango na nakangiti naman siya.

"Kaya ba nandito ka uli dahil heheram ka ng libro? Tama ba ako hijo?"

"Opo.... Isasauli ko rin po paguwian saka tutulungan ko po kasi kayo uli na magligpit ng mga libro dito."

"Ayhay... Salamat, Hijo."

Hindi na nagtagal ang paguusap namin ni Miss Ramos ng magtungo na ako sa mga bookshelf at hinanap ang libro na gusto ko.

Nang matagpuan ko naman yung libro na hinahanap ko ay agad ko itong kinuha saka ako nagpaalam kay Miss Ramos.

Dala-dala ko yung libro habang umoorder ako ng pagkain sa canteen at ng makuha ko ang pagkain ko ay saka ko ito binuhat at naghanap ako ng mauupuan.

Hindi rin nagtagal ay nakahanap na ako ng mauupuan at agad na lumakad patungo doon saka naupo.

Inumpisahan ko ng kumain habang nagbabasa at hindi ko maiwasan matuwa dahil sa wakas ay nabasa ko na rin ang story ni Agatha Christie.

Habang nagbabasa ay may dumaan na dalawang babae sa gilid ng table ko at nakatingin ito sakin habang pinagbubulungan ako.

"Look at him... Napaka weird niya talagang tao 'no? Hahahaha!"

"True... Sayang pa naman itsura tapos weird ang personality ewww..."

"Shhh... Tara na nga hahaha!"

"Okay hahahaha..."

Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang usapan nila at ng makaalis narin sila.

Hindi ko maintindihan ang mga takbo ng utak ng mga tao kung bakit kailangan pa nilang pakialaman ang pagkatao ng ibang tao keysa pakialaman nila yung buong pagkatao nila.

Ang kikitid ng mga utak, tss...

Patuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa matapos na ako kumain. Ramdam na ramdam ko na may nakatingin sakin kahit na hindi ako nakatingin.

Bumuntong-hininga ako saka ako lumingon sa likod ko at hindi na ako nagulat ng makita ko si Rachel na mabilis na umiwas ng tingin.

Bakit ba nakatingin sakin yung babaeng 'yon... Ano ba meron sakin? Dahil ba weird ako tsk... Nakakailang din kaya lalo na kapag may tumititig sayo ng hindi mo alam...

Patuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa lumipas ang ilang minuto at tumunog na ang bell senyales na tapos na ang lunchbreak kaya agad na akong tumayo at naglakad palabas ng canteen.

Kahit hanggang sa paglalakad ko pabalik sa room ay hindi maiwasan na pagtinginan ako at pagbulungan ng mga students na dumaraan.

Nang makabalik sa room ay agad akong naupo sa table ko. Bumalik narin ang ibang mga kaklase ko at saktong pumasok narin si Miss Chavez sa room.

"Nabusog ba kayo sa mga baon nyo o kinain nyo kaninang lunchbreak?" nakangiting tanong ni Miss Chavez sa aming lahat na agad din namin sinagot.

Wala ng sinabi pa si Miss Chavez sa lahat kundi ay inumpisahan na nitong magturo tungkol sa mathematics.

Tahimik na nakikinig lang ako sa dicussion ni Miss Chavez ng makita ko sa gilid ng mata ko si Rachel na humihikab at agad itong tumitig nanaman sakin.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit titig ng titig sakin yung babaeng 'to. Hindi naman sa assumero ako pero nakakailang din lalo na kapag babae pa ang tumititig sayo.

May dumi ba ako sa mukha?

"Miss Tan?" tawag ni Miss Chavez kay Rachel at mukha hindi naman siya narinig nito dahil hanggang ngayon ay nakatingin parin ito sa side ko. "Miss Rachel Tan!!"

Nang tinawag nanaman ni Miss Chavez si Rachel ay agad itong natauhan saka lumingon kay Miss.

"Nakikinig kaba sa ipinapaliwanag ko, Miss Rachel?" kalmadong tanong ni Miss Chavez sa kanya.

"Y-yes po, Miss." sagot nito.

"Mabuti naman kung ganun."

Matapos sabihin yon ni Miss ay pinagpatuloy na niya ang pagtuturo sa pisara. Lumingon naman ako kay Rachel at halos mapatalon pa ito sa gulat ng makita niyang nakatingin ako sa kanya kaya mabilis agad itong umiwas.

Napapailing na ipinagpatuloy ko na lang ang pakikinig sa tinuturo ni Miss at saka ko sinulat sa notebook ang sinusulat niya sa blackboard.

Tiningnan ko naman si Rachel sa gilid ng mata ko at nakita ko siyang nakikinig narin saka nagsusulat sa kanyang notebook.

Hindi rin nagtagal ay natapos na ang klase at tumunog na ang bell. Napabuga na lang ako ng hininga ng sa wakas ay tapos na ang klase at uwian na rin.

Habang ibinabalik ko ang mga notebook ko sa loob ng bag ay napansin ko naman si Rachel na naguunat ng katawan at naguumpisa naring magligpit ng kanyang gamit..

Agad kong isinakbit sa balikat ko ang bag ko saka ako humakbang palabas ng room.

Pagsauli ko ng libro ay tutulungan ko pa si Miss Ramos sa pagliligpit sa library tapos heheram uli ako ng libro na maaari kong maiuwi sa bahay.

Nang makalabas ng building ay naglakad naman ako papunta sa kabilang building kasi nandoon yung library.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng mapahinto ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya agad ko itong nilingon ng seryoso ang mukha.

Si Rachel...

"Zack..."

"Bakit?" tanong ko dito ng tumingin ako sa kanya.

"Gusto ko lang sana magpasalamat sayo..." hinihingal na sambit niya. "Salamat kasi tinulungan mo ako at iniligtas doon sa manyakis..."

Marunong naman pala siya magpasalamat eh... Akala ko yung alam niya lang ay manampal...

"Ahh... Wala yon." walang ganang sagot ko sa kanya.

"Atsaka sorry nga pala... Sorry kung nasampal kita.. Sobra lang kasi talaga yung galit ko nun eh... Sorry talaga."

"Wala yon."

Huminga ako ng malalim atsaka malalim na tumingin sa kanya.

"Wala kana ba sasabihin pa?" tanong ko sa kanya na agad niyang ikinagulat.

"H-ha?"

"Wala kana bang sasabihin pa dahil mauuna na ako at may kailangan pa akong asikasuhin sa library..."

"Ahh...."

Mukha wala naman na siyang sasabihin pa kaya mas magandang magpatuloy na ako sa paglalakad.

Tatalikod na sana ako at mauumpisa ng humakbang ng tawagin niya ako uli kaya agad ako natigilan at humarap sa kanya.

"Zack... Thank you." nakangiting sabi niya na agad kong ikinatigil.

Nakangiti....

Nakangiti siya sakin...

Thank you....

Tama ba yung narinig ko? O baka nagkakamali lang ako...

Napabuka na lang ang bibig ko at hindi ako makapagsalita dahil parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makita ko siyang ngumiti ng napaka-tamis at marinig na nagsabi siya ng 'Thank You'.

Sa ilang taon na lumipas sa buhay ko ay ngayon na lang uli ako nakakita ng taong ngumiti sakin ng ganun katamis at taos sa puso...

Bumalik lang ako sa realidad at agad na ipinilig ang ulo ng bigla siya ulit nagsalita.

"Bye, Zack... See yah."

"O-okay..."

Ayun lang ang natangi kong nasabi sa kanya ng ngumiti nanaman siya saka kawayan ako habang tumatakbo na siya palayo sakin.

Nang tuluyan ng nakaalis si Rachel at hindi ko na siya makita ay naiwan naman ako na nakatulala dito.

Hanggang ngayon ay nakatingin parin ako sa pwesto niya kanina ng ngumiti siya sakin...

Sa buong buhay ko ngayon na lang uli ako nakakita ng ganun ngumiti sakin....

Sa buong buhay ko rin ay ngayon na lang uli ako nakarinig ng 'Thank you' mula sa tao...

Halos mapabuga ako ng hangin ng maramdaman kong uminit ang buong mukha ko at magtaasan ang mga balahibo ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na ako sa library at binati si Miss Ramos.

"Oh... Nandito ka na pala." bungad niya agad.

"Opo... Tulungan ko na po kayo dyan.." sabi ko sa kanya ng makita ko siyang may binubuhat na mga libro.

"Salamat, Hijo." nakangiting sabi niya.

Binuhat ko naman yung mga libro na buhat kanina ni Miss Ramos saka ko ito inilagay sa sari-sarili nilang lagayan.

Ang mga students talaga... Matapos magbasa at gumamit ng libro ay hindi marunong ibalik sa tamang lagayan eh...

Kinuha ko naman sa bag ko yung libro na hineram ko kanina dito atsaka ko ibinalik yon sa lagayan niya.

"Miss Ramos!" tawag ko sa kanya.

"Bakit, Hijo? May kailangan kaba?" rinig kong sabi niya.

"Pwede po ba ako humeram ng libro at isasauli ko na lang po bukas??"

"Hmmmm.... Osige basta ingatan mo ha?"

"Yonnn!! Salamat po, Miss Ramos."

"Walang anuman, Hijo.... Tinutulungan mo kasi ako parati eh.."

Pumunta naman ako sa kabilang bookshelf kung saan nandoon yung libro na heheramin ko.

At nang matagpuan ko siya ay agad ko itong kinuha sa taas saka ako napangisi.

"And Then There Were None, Agatha Christie." basa ko sa libro habang inaalis ko ang alikabok.

Pagkakuha ko sa libro ay agad akong pumunta sa isang table kung saan ko inilapag ang bag ko. Inilagay ko sa loob yung libro saka ako pumunta sa ibang lamesa kung saan nandoon yung mga libro na hindi isinauli ng ilang students na pumunta dito.

Ang gagaling magsigamit ng libro tapos hindi marunong magbalik tss...

Pinagpatong-patong ko yung ilang libro saka ko ito binuhat at nagtungo sa tamang lagayan nito.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa natapos na ako sa pagbabalik ng libro.

"Hijo!!" rinig kong tawag sakin ni Miss Ramos.

"Bakit po?"

"Tapos kana ba sa pagliligpit mo? Kasi ako tapos na at kung tapos kana ay pwede kanang umuwi at isasara ko pa itong library mamaya."

"Okay po."

Nagpunta na ako sa pwesto ni Miss Ramos at naabutan ko siyang nililinis niya ang kanyang salamin...

"Aalis na po ako." sambit ko kaya agad itong bumaling sa'kin.

"Ingat ka, hijo.... Salamat nga pala sa pagtulong mo."

"Wala po 'yon... Sige po sibat na po ako."

Matapos kong sabihin yon ay kinuha ko na ang bag ko na nakalapag saka ko isinakbit yon sa balikat ko atsaka ako lumabas ng library at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakalabas na ako ng gate.

Habang sa paglalakad ko ay hindi ko maiwasan na maalala yung napaka-gandang ngiti ni Rachel. Napatingala na lang ako saka tiningnan ang kulay orange na kalangitan dala ng papalubog na araw.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng makakita ako ng convenience store. Gusto kong bumili na lang ng makakain keysa magluto sa apartment.

Kahit papano ay nagkakapera din naman ako minsan dahil kada-buwan ay nagpapadala ang ama ko ng pera para sa pagaaral ko at sa ikakabuhay ko pero minsan ay hindi ko rin tinatanggap ang pera niya dahil kumukuha rin ako ng trabaho paminsan-minsan.

Kumuha lang ako ng dalawang ramen saka ng softdrinks atsaka ko ito ibinigay sa cashier.

"₱250 po lahat."

Kumuha naman ako ng pera sa wallet ko saka ko ito ibinigay kay ateng cashier. Nagpatuloy uli ako sa paglalakad ng makalabas na ako ng Convenience Store.

Hindi lang nagtagal ay nakarating narin ako sa apartment. Kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso atsaka ko binuksan ang pinto.

Inilapag ko naman yung plastick sa lamesa saka ako nagtungo sa kusina para kumuha ng baso at mainit na tubig para sa ramen.

Kinuha ko naman yung libro sa bag saka ko ito inilapag sa lamesa katabi ng kinakain ko.

Nagbabasa pa ako habang kumakain at halos mapaso yung dila ko ng makalimutan kong mainit pala kaya dali-dali akong kumuha ng yelo sa ref saka ko ito inilagay sa bibig ko.

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa matapos ako. Iniligpit ko muna ang kalat bago ako dumeretso sa banyo para maligo.

Hinayaan ko lang na umagos ang tubig sa katawan ko mula sa shower habang malalim ang iniisip at halos mapabuntong-hininga na lang ako.

Nang matapos ay nagbihis agad ako saka ako sumandal sa kama at ipinagpatuloy ang pagbabasa hanggang sa hindi ko na napansin ang oras at dinalaw na ako ng antok.

-Miracle_Gorgeous