Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 6 - Chapter 6: He Hugged Me Tightly

Chapter 6 - Chapter 6: He Hugged Me Tightly

HINDI parin mawala-wala ang ngiti sa labi ko sa sobrang saya dahil ibinigay sakin ni Zack ang kanyang number.

Habang naglalakad ako at medyo malayo-layo na sa Seisen High ay napatigil naman ako ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin.

Lumingon naman ako sa likod ko at sobra ang kaba na bumalot sakin ng makita ko ang lalaking nakasuot ng sumbrerong itim at naka-pamulsa ito habang may nginunguya-nguya sa kanyang bibig.

Napapalunok na minadali ko ang paglalakad ko pero lalo akong kinabahan ng sumunod ito ng sumunod sa paglalakad ko.

Natataranta na lumingon-lingon ako sa paligid kung may maaari ba akong matambayan muna at papalipas ng oras para umalis ang lalaki at hindi na ako sundan pa nito.

Sobra na yung kaba ko!! Natatakot ako at baka kung ano ang mangyari sakin...

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makakita ako ng isang convenience store kaya dali-dali akong pumasok doon.

Nagtago naman ako sa gilid at nilingon ko ang lalaki na sumusunod sakin kanina pa at nakita ko naman siya sa labas nitong convenience store na nakasandal sa isang poste at mukhang hinihintay ako.

Myghad!! Anong gagawin ko ngayon??

Nagmamadali na tinawagan ko naman yung number ni mommy pero ilang tawag na ang ginawa ko pero wala parin sumasagot.

Mom... Nasaan kaba? Need na need kita ngayon....

Nanginginig na napatingin na lang ako sa cellphone ko habang wala parin tigil ang pagsilip ko sa lalaking yon.

Isa lang ang kilala kong tao na maaaring makatulong sakin ngayon....

Sana matulungan niya nga ako...

Dali dali kong tinawagan ang number ni Zack at ng una ay hindi niya ito sinagot pero ng dalawang beses na ay sinagot na niya ito.

"Bakit?" tanong ni Zack mula sa kabilang linya.

"Z-zack... Tulungan mo ako..."

"Huh? What? Anong sinasabi mo?"

"T-tulungan mo ako... Zack... Natatakot ako...."

"Wait.... Nasaan ka?"

"N-nasa convenience store malapit sa Seisen High..."

"Wag kang aalis dyan... Hintayin mo ako."

Matapos niya sabihin yon ay binaba na niya ang tawag at nanginginig na napakagat naman ako sa kuko ko habang nakasilip parin sa lalaking yon. Hanggang ngayon ay hindi parin ito umaalis sa kinatatayuan niya at sobra na ako nababahala lalo.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa sinilip ko muli ang lalaking yon at sobra ang gulat ko ng makita ko siyang nakangisi habang nakatingin sakin. Binalot agad ng takot ang pagkatao ko dahil doon.

Zack... Sana nandito kana please...

Napapikit na lang ako habang patuloy parin sa pagtatago ko. Halos mapasigaw naman ako sa takot ng biglang may humawak sa wrist ko.

Nawala lang ang takot ko ng makita ko si Zack. Salubong ang kilay nito na nakatingin sakin habang nakahawak siya sa wrist ko.

"Okay ka lang?" tanong niya kaya naman ay hindi ko agad naiwasan na maging emosyanal dala ng takot. "Hey... Rachel.. Ayos ka lang ba?"

Tumango-tango naman ako. "Zack... Huhu... Salamat at dumating ka.. Akala ko tuluyan na akong mapapahamak eh..." maluha-luha kong sambit sa kanya.

"Tch... Gaano ka katagal dito?"

"Matagal-tagal na kanina simula ng naglalakad ako nung uwian ay nakasunod na siya sakin..."

"Ano?! Edi stalker ang lalaking yan.."

"S-stalker? Zack... Natatakot ako kasi kanina ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay bigla siya ngumisi..."

"Tch..." sininghalan lang ako ni Zack at ng sundan ko siya ng tingin ay nandoon na siya sa cashier mukhang may binili.

Lumapit naman ako sa kanya at kakalabitin na sana siya ng bigla niya ako hawakan sa wrist.

"Tara..." rinig kong usal niya.

Teka... Saan kami pupunta?

Hindi agad ako nakapagreact ng makalabas na kami ni Zack habang hila-hila niya ang wrist ko. Nakita naman kami ng lalaki kaya agad itong ngumisi ng makita niya ako pero agad din sumimangot ng makita niyang may kasama ako.

Ano ba ginagawa ni Zack???

Parang nakuryente ang buong katawan ko ng bigla akong akbayan ni Zack at hinapit padikit sa kanya.

S-sandali...

Naglakad naman kami pareho ni Zack hanggang sa makalapit na kami mismo sa pwesto ng lalaking stalker ko 'daw'. Kumunot agad ang noo ng lalaking ito ng makita niya ang nakaakbay na si Zack sa akin.

Bakit ganun? Imbis na matakot ako ay kinikilig pa ako sa posisyon namin...

"Za---" tatawagin ko palang sana ang pangalan ni Zack ng hindi ko inaasahan ay hinapit ako nito palapit sa kanya lalo atsaka ako... Atsaka ako niyakap?!!!

N-niyakap niya ako....

He hugged me tighly!!!!! What the...

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ng biglang nagtaasan ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na paghinga ni Zack sa likod ng tenga ko.

"Shhh... Hintayin mo lang na makaalis siya." mahinang bulong ni Zack sakin na mas lalo nagpataas sa balahibo ko.

Parang nanlalambot ang mga tuhod ko at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa mahigpit na yakap ni Zack.

Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to!!! Hindi ko napaghandaan!!

"What the.... Tsk." sininghalan lang kami ng lalaki habang salubong ang kilay na nakatingin samin at maya maya lang ay tinalikuran na kami nito.

Para akong nabunutan ng tinik ng sa wakas ay wala na ang lalaki at binitawan na ako ni Zack mula sa pagkakayakap.

"Rachel..." tawag niya sakin habang blangko ang mukhang nakatingin siya sakin.

"A-ahh.... A-ano.." hindi ko alam kung ano sasabihin ko ano ba naman yan!!

"Okay ka lang?"

"O-oo naman hehehe..." pero hindi talaga ako okay dahil hanggang ngayon ay napaka-bilis parin ng kabog ng dibdib ko.

"Tch.."

Napatingin naman ako kay Zack ng may kinuha siya doon sa plastick na hawak niya. Kinuha niya yung ice cream na binili niya sa convenience store at ibinigay niya sakin yon.

Nakatitig lang ako sa ice cream na nilahad niya sakin at ng mapansin niya ay kumunot agad ang noo niya saka siya bumuntong-hininga. Nagulat ako ng bigla niya kinuha ang kamay ko saka niya pinahawak ang ice cream doon.

"Kainin mo yan ng maging maayos pakiramdam mo."

"O-ohh... Salamat.."

Hindi ko naman naiwasan mapangiti habang nakatingin sa ice cream saka ko ito sinimulan kainin. Gumaan yung pakiramdam ko dahil sa kanya.

Sumabay naman ako kay Zack sa paglalakad habang patuloy lang ako sa pagkain ng ice cream. Seryosong bumaling naman siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya.

"Akala ko ba tawagan kita kapag kailangan ko ang tulong mo? Bakit parang bumaliktad ata.."

"Huh? Ano ibig mong sabihin?"

"Imbis na ako ang tumawag sayo para hingin ang tulong mo, ikaw pa ang tumawag para hingin ang tulong ko tss."

"Ehh... Oo nga 'no? Teka... Salamat nga pala ng marami Zack..."

Tumigil ako sa paglalakad kaya naman ay napatigil din siya saka ako nilingon.

"Thanks for saving me, Zack." nakangiting usal ko habang nakatingin ng deretso sa kanyang mata.

Nagtitigan pa kami ng matagal bago siya na mismo ang umiwas saka tinanguan ako.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa makasakay na kami ng tren. Nakatayo siya habang ako naman ay nakaupo at nakatingin lang sa baba habang nilalaro ko ang paa ko.

Ang sarap sa pakiramdam na niyakap ka ng taong gusto mo. Gusto ko sumigaw sa sobrang saya dahil sa pakiramdam na yon.

Nang makalabas kami ng tren ay sabay parin kaming naglalakad ni Zack. Iisa lang naman ang way ng bahay namin kaya masaya ako na kasabay ko siya sa paguwi.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang naglalakad kami. Nangunguna siya sa paglalakad habang ako naman ay nasa likod niya at pinapanood siya. Napahawak naman ako sa hawakan ng bag ko habang parang tanga na nakangiti.

Nauntog pa ako sa likod ni Zack ng bigla siya huminto kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Bakit ka huminto?" tanong ko habang nakatingala sa kanya.

"Tch... Nandito na ako sa harap ng apartment ko at nandoon pa yung bahay niyo.." blangko ang mukha na sabi nito sakin.

"Ahh... Edi tara umuwi na tayo." sabi ko sabay naglakad ako panguna sa kanya patungo sa apartment niya.

Napatigil lang ako ng bigla niyang hawakan ang likod ng uniform ko. Napahawak naman ako bigla sa noo ko ng malakas niyang pitikin yon.

"Tinitirihan ko yan at hindi dito ang tinitirihan mo tsk..." usal niya at nakanguso naman ako habang hinihimas ko yung noo ko. "Doon ang bahay niyo kaya umuwi kana.." sabay turo niya doon sa way ng bahay namin.

"Sabi ko nga hehe... Hindi mo naman kailangan pitikin noo ko eh.."

"Sorry kung ganun."

Naglakad na ako patungo sa way ng bahay namin habang si Zack naman ay tumalikod na at umaakyat na sa hagdan ng apartment.

Tumigil naman ako sa paglalakad saka tinawag ang pangalan niya.

"Zack!!" sigaw ko at tumigil naman siya sa pagakyat saka binalingan ako ng tingin. "Sobrang salamat sa lahat at sobrang napasaya mo ang nararamdaman ko."

"O-oh.. I see."

"Babye! See you tom!"

Tumalikod na ako at tumakbo hanggang sa makarating na ako sa bahay. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni mom pagkarating ko at mabilis na dumeretso ako sa kwarto ko atsaka patalon na nahiga sa kama.

Pagulong-gulong ako sa kama habang yakap yakap ng mahigpit ang mahabang unan. Nang mapagod naman ako ay nahiga na ako ng maayos at napatingin na lang sa taas ng kisame habang nahawak ako sa dibdib ko na sobrang bilis ng kabog.

Napaupo agad ako sa kama ng biglang pumasok si mommy at nagtataka na tiningnan ako.

"Okay ka lang ba, sweetie??" si mom pagpasok niya sa kwarto ko.

"Uhmm... Opo.. Bakit nga po pala kayo nandito mom?"

"Hmmm... Siguro para tanungin ka kung bakit ka tumawag sa'kin? May nangyari ba sweetie?"

"Ahhh... Wala naman po mom."

"Anong wala... Alam kong nagsisinungaling ka sweetie hmmp... Magtatampo niyan si mommy sayo."

Napabuntong hininga naman ako. "Okay! Okay! Ikwekwento ko po..." at ayun nga kinuwento ko yung nangyari sa akin habang papauwi ako saka yung may sumusunod sakin at sobrang nagaalala naman na tumingin sakin si mom. "Tapos mom... Ang hindi ko po inaasahan yung taong gusto ko po bigla ako yinakap kaya ayun nagalit yung lalaki na sumusunod sakin tapos nag-walk out po siya.."

Naguguluhan na tumingin naman ako kay mom ng bigla siya ngumiti at hamasin ang buhok ko.

"Sino ba ang lalaking 'yan at gusto ko siya pasalamatan dahil sa pagligtas niya sa napaka-ganda kong anak atsaka isa pa gusto

ko rin siya pasalamatan dahil sa wakas ay ang anak ko ay nakita ko ng nagkagusto uli sa lalaki..."

"Mom naman eh... Akala niyo sakin nagkagusto sa babae?"

"Haha! No no sweetie... Hindi yan ang ibig kong sabihin.. Sa wakas ay nagmamahal uli ang anak kong maganda at ayun ang ibig kong sabihin."

Napanguso naman ako doon ng may bigla akong naalala at ayun ay yung nagkaroon ako ng first boyfriend at alam lang ni mom yon.

"Naalala mo siya 'no?" usal ni mom habang may panunukso sa kanyang tingin.

"Mom naman... Past na yon! Ang mahalaga ay nakita ko na uli ang taong matagal ko na talagang gusto.."

"Hayst... Dalaga na talaga ang anak ko... Basta yung paalala ko sayo parati ha? Wag masyado magmahal at wag masyado papabayaan ang sarili kapag naiwanan uli.."

"Aye aye captain! Hahaha."

Hindi na kami nakapagusap pa uli ni mom ng nagpaalam na siya at umalis na ng kwarto ko. Hindi pa daw kasi tapos ang pagluluto niya kaya agad din siyang umalis.

Nakatingin lang ako sa kisame ng bigla kong maalala yung lalaking unang naging kasintahan ko.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sakin. Masaya rin ako dahil sa wakas ay hindi ko na siya nakikita pa at wala na akong alam sa kanya. Pero mas sobra ang saya ko ng matagpuan ko uli ang unang ginusto kong tao.

Sobra ang saya ko Zack kung alam mo lang...

Gustong-gusto kita pero hindi ko kaya sabihin sayo dahil baka masaktan lang ako kapag sinabi mong hindi ako ang gusto mo...

Napahawak naman ako bigla sa tyan ko ng bigla yon sumakit at maluha-luha na lang ako habang pinipigilan ko ang hindi sumigaw dahil sobrang sakit talaga.

Bakit ngayon ka pa umatake?!

Agad agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para kunin ang gamot ko. Halos muntikan pa akong matumba ng bigla ako mawalan ng balanse.

Nilunok ko agad yung gamot at sa sobrang panghihina ay agad na lang ako tuluyan na tumumba at nagdilim ang lahat...

-Miracle_Gorgeous