Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 7 - Chapter 7: Saturday

Chapter 7 - Chapter 7: Saturday

ZACHARY CORPUZ POV:

PAGKAUWI ni Rachel ay pumasok na ako sa apartment saka ako tumungo sa kwarto. Pabagsak na nahiga ako habang nakatunganga sa taas ng kisame at iniisip ang mga kahihiyan na ginawa ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko at nagawa kong yakapin si Rachel ng walang pagaalinlangan. Ramdam na ramdam ko ang gulat niya nang oras na yon kahit ako ay nagulat sa ginawa ko pero ayun lang naman kasi magagawa ko para lubayan ng lalaking yon si Rachel.

Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko at ayun ang hindi ko maintindihan ng sobra. Sa buong buhay ko ay ngayon na lang uli ako nakisama sa tao, nakayakap o nakahawak ng tao.

Bumangon naman ako atsaka umupo sa kama at kinuha ang cellphone ko. Pagbukas ko no'n ay bumungad agad sakin ang naka-save na number ni Rachel. Napasinghal naman ako at bigla kong pinatay ang cellphone ko ng makita ko na tumatawag si papa.

Ayoko siya kausapin... Wala naman akong dahilan para kausapin pa ang taong yon...

Lumabas ako ng kwarto ng matapos kong magpalit ng damit saka ako nagluto ng makakain sa kusina.

Nang matapos ako kumain ay pumunta muna ako sa altar kung saan nandoon yung picture ng mama ko at ang kanyang abo.

Nagdasal muna ako bago ako dumeretso sa kwarto ko para matulog. Wala naman kaming pasok bukas kaya wala akong gagawin buong magdamag kundi ang matulog at kumain saka magbasa ng kung ano ano.

Siguro sa linggo ko na lang gagawin ang pinaiwan na homework ni Miss Chavez sa mathematics.

Pinatay ko muna ang ilaw bago ako nahiga sa kama. Habang nakapikit at pinipilit matulog ay hindi parin mawala-wala sa isip ko ang ngiti sa labi ni Rachel.

Bakit ba ayaw niyo akong patulugin?! Argh!!

Hanggang ngayon ba naman siya pa rin iniisip ko? Ano ba naman itong nangyayari sakin? Gusto ko ng iuntog yung ulo ko sa pader eh nang mawala lang yung pagmumukha ng babaeng yon sa isipan ko.

Pinilit kong matulog hanggang sa dinalaw na talaga ako ng antok at tuluyan nang nakatulog.

**TENENTENENTENEN** (alarm clock yan wag kang atechona)

Kinapa-kapa ko naman yung maingay na alarm clock na yon saka ko ito pinatay. Dinilat ko naman ang mata ko saka ako nagunat ng katawan. Humihikab pa ako ng bumangon na ako saka dumeretso sa banyo para maligo.

Nang matapos ako ay nagsuot lang ako ng simpleng white t-shirt saka ng pajamas atsaka ko naman inilagay ang towel ko sa basa at magulo kong buhok. Napatingin naman ako sa labas ng kwarto ko ng marinig kong may nag-doorbell.

Wala naman akong bisita at lalong wala naman akong pinapapunta hmm...

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ko ang pinto. Bago ko buksan yon ay sinilip ko muna sa maliit na bilog kung sino ang taong yon.

Kumunot agad ang noo ko ng bigla kong makita si Rachel. Ano naman ginagawa ng babaeng ito dito? Hayst.

Napabuntong-hininga naman ako saka binuksan ang pinto. Pagbukas ay bumungad agad sakin ang malawak na ngiti ni Rachel.

"Goodmorning!!" nakangiti nitong pagbati.

"Mmm... Morning.." maikling sagot ko sa kanya habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. "Bakit ka nandito saka saan ang punta mo at nakasuot ka ng ganyan?"

"Hmm... Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin??"

"Ano ba! Saturday ngayon!!"

"Oh? Ano ngayon kung saturday? Ano kinalaman ng saturday sayo?" napasapo naman siya sa noo niya dahil sa sinabi ko saka ako seryosong tiningnan.

"Duh! Nakalimutan mo na bang aalis tayo today?"

"Aalis?? Hmmmm...." inalala ko naman lahat lahat hanggang sa mapakunot na lang ang noo ko ng maalala ko ang napagusapan namin ng inaaya niya ako. "Oo nga 'no? Sorry nakalimutan ko agad."

"Yown! Ano pa hinihintay mo?"

"Huh? Wala naman akong hinihintay ah?"

"Ano ba Zack! Magpalit kana ng damit doon at hihintayin na lang kita dito sa labas."

"Hmmm okay... Dito kana maghintay sa loob mamaya may makakita pa sayo tss." para namang bata na lumiwanag ang mukha niya ng sabihin ko yon.

"Talaga?! Pwede ako pumasok sa loob ng apartment mo?"

"Ayaw mo? Madali lang naman ako kausap."

"No! No! Gusto ko nga eh! Tara!" sobra ang tuwa niya ng pumasok siya sa loob at ako naman ay nababagot na nakatingin sa kanya.

"Hintayin mo ako dyan.." iniwan ko na siya saka ako pumasok sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Hindi ko talaga alam na aalis kami ngayong saturday. Atsaka isa pa inaamin ko na nagulat ako ng makita ko si Rachel na nakasuot ng simpleng dress at bagay na bagay pa sa kanya.

Nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at pinatungan ko yun ng hoodie saka nagsuot ako ng gray na jeans.

Nakita ko naman si Rachel na nakatayo sa harap ng altar at pinagmamasdan niya ang picture ng mama ko.

"Ehem..." sinadya ko yun para makuha ko ang atensyon niya at ayun nga nilingon niya ako habang may gulat sa kanyang mukha.

"Z-zack... O-oh.. Sorry kung pinagmasdan ko ang picture ng mama mo." nakayuko ang ulo niya habang sinasabi niya yon at napabuntong-hininga naman ako.

"Ayos lang yon... Tara na?" tumingin siya sakin saka nakangiting tumango kaya naman ay binuksan ko na ang pinto.

"Wait.." maglalakad na sana kami palabas ng pinto ng bigla siya tumigil at mabilis na tumakbo sa altar ng mama ko saka siya nagdasal.

Habang ginagawa yon ni Rachel ay hindi ko naman maiwasan na mapatitig sa kanya at nang matapos siya sa ginawa niya ay nakangiting lumingon na siya sakin kaya mabilis agad akong umiwas.

Nang makaalis na kami sa apartment at naglalakad na lang kami ngayon ay wala parin tigil sa pagdadaldal si Rachel. Hindi ba siya napapagod sa kakakwento ng kung ano ano?

"Hindi ka ba napapagod sa kakadaldal mo?" usal ko habang nakapamulsang nangunguna sa kanya sa paglalakad.

Nanguna naman siya sa paglalakad saka nakangiting humarap sakin habang ang mga kamay niya ay nasa likod niya.

"Hinding-hindi ako mapapagod kakadaldal kung ikaw ang kausap ko araw-araw." napatigil naman ako sa paglalakad ng sabihin niya yon.

Hindi ko ipinahalata na bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya sapagkat ayoko naman na mahalata niya talaga yon dahil nakakahiya at nakakailang din.

Imbis ay ang ginawa ko na lang ay kundi ang singhalan siya saka magpatuloy sa paglalakad.

"Oyy! Hintayin mo ako Zack!!" sigaw ni Rachel atsaka mabilis na hinabol ako sa paglalakad.

Akala ko tatahimik na si Rachel pero akala ko lang pala dahil nagumpisa nanaman siyang magdaldal...

"Zack!!" tawag niya sakin at hindi ko naman siya nilingon. "Zack!!!!"

"Hmm?"

"Masaya kaba ngayon?" napalingon naman ako agad sa kanya nang may pagtataka.

"What do you mean?"

"Aish!! Ibig kong sabihin ay masaya kaba ngayon? Masaya kaba ngayon na kasama mo ako at aalis tayo?" napaisip naman ako sa sinabi niyang yon. Masaya nga ba ako?

"Hmmm... Siguro, kasi ngayon na lang naman ako uli nakisama sa tao."

"Mmm... Ganun ba?" tumango naman ako sa kanya at ngumiti naman siya ng matamis. "Ako kasi sobra ang saya ko ngayon."

"Bakit naman?"

"Kasi kasama kita."

Matapos niya sabihin yon ay nanguna na siya sa pagpasok sa train at mabilis na naghanap ng mauupuan habang ako naman ay napatigil pero agad din lumakad at naupo sa tabi ni Rachel.

Masaya siya ngayon dahil kasama niya ako? Hmmm....

Palihim naman na hinawakan ko ang dibdib ko ng bigla nanaman bumilis ang tibok non.

"Anong ginagawa mo??" halos magulat naman ako ng biglang tumingin sakin si Rachel kaya dali dali na umayos ako ng upo saka seryosong bumaling sa kanya.

"Wala tss." singhal ko saka umiwas ng tingin.

Ilang sandali pa ng kinausap uli ako nito...

"Zack." tawag niya sakin at lumingon naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Gisingin mo ako kapag nandoon na tayo ahh." tumango naman ako atsaka naman siya umayos ng upo saka sumandal sa gilid niya na salamin at doon umidlip.

Isinuot ko ang hood atsaka ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng hoodie. Napatingin naman ako agad sa mahimbing na natutulog na si Rachel sa tabi ko. Mukha siyang anghel kapag natutulog pero kapag gising mukha parin namang anghel.

Napangiwi naman ako ng bigla kong marinig na humilik siya. Kababaeng tao mas malakas pa ang hilik keysa sa mga lalaki. Mabilis na bumaling uli ako sa kanya ng makita kong nauuntog siya sa salamin.

Napabuntong-hininga naman ako saka ko itinaas ang kamay ko atsaka ko iniharang sa ulo niya para hindi na siya mauntog pa sa salamin. Maya-maya pa ay para akong nakuryente ng bigla kong maramdaman ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko.

Aalisin ko na sana ang pagkakahiga niya sa balikat ko ng makita kong sobrang himbing ng tulog niya at masarap ang pagkakahiga sa akin.

Wala naman na akong magagawa kaya hinayaan ko na lang na mahiga siya sa balikat ko at inilagay ko uli sa bulsa ang mga kamay ko.

Tahimik na nakatingin lang ako sa paanan ko hanggang sa mapatingala ako at mapatingin doon sa dalawang matanda na magasawa ng marinig ko ang pinaguusapan nila.

"Romel... Tingnan mo ang magkasintahang iyon." sabi ng matandang babae sabay turo sa amin kaya naman ay napabaling sa kanya ang asawa niya.

"Anong meron sa kanila Mahal?" tanong sa kanya ng matandang lalaki.

"Ano kaba Romel! Naaalala mo noong mga dalaga't binata pa tayo? Ganyan tayo noon kung maglambingan."

"Tama ka nga..." sabay nagkatinginan naman silang dalawa sabay ngumiti sa isa't isa.

Mali ata ang pagkakatingin nila samin... Bakit ko ba kasi hinayaan pang matulog sa balikat ko ang babaeng ito? Tuloy napagkamalan pa kaming magkasintahan hayst.

Tumagal-tagal pa ang pagtakbo ng train hanggang sa tumigil na ito sa pupuntahan namin.

Mabilis na ginising ko naman si Rachel na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog sa balikat ko.

Inalog-alog ko siya hanggang sa naalimpungatan na ang kanyang mata at gulat na gulat ng malaman niyang nakahiga siya sa balikat ko.

Hindi na ako nagsalita pa at hinila na siya palabas ng train dahil baka maiwan pa kami dito.

Nang naglalakad na kami paalis doon ay parang nahihiya naman na tumingin siya sakin.

"Sorry nga pala Zack kung nakatulog ako sa balikat mo..." sambit niya habang naiilang na tumingin sakin.

"Hmmm... Ayos lang.. Ang mahalaga ay hindi mo ako nalagyan ng laway sa damit ko."

"Tse!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Rachel hanggang sa nakarating na kami sa isang mall.

Mall of Asia (MOA)

Dito niya pala naisipan pumunta...

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Rachel ang kamay ko saka niya ako hinila papasok sa loob nitong mall.

Hindi ko naman naiwasan na mamangha ng makita ko ang loob nitong mall. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong pasyalan.

Tumigil na sa paghila sakin si Rachel at parehas na lang kami ngayon na naglalakad. Nakasunod lang ako sa paglalakad niya dahil ngayon lang naman ako nakapunta dito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at nakangiti na lumingon naman siya sakin.

Palagi na lang siya ngumingiti...

"Hmmmm... Siguro kakain muna tayo! Nagugutom na kasi ako eh... Sandali, mayroon akong alam na masarap na kainan."

Hindi na ako naka-angal ng bigla nanaman niya akong hawakan saka hinila. Hinihingal na napatingala naman ako sa pangalan ng pagkakainan namin.

Yabu... Yabu Restaurant??

"Dito ang mayroon na masarap na putahe!" parang bata na masayang sabi ni Rachel saka kami pumasok sa loob.

Binati naman kami agad ng isang staff doon at iba ang lenggwahe na binanggit niya.

"Yabu resutoran e yōkoso!" nakangiting bati samin ng babaeng staff.

Nagtataka na tumingin naman ako kay Rachel ng makita kong ngumiti siya sa staff saka hinila uli ako para humanap ng mauupuan.

Nang makaupo kami ni Rachel ay agad kong tinanong naman sa kanya yung sinabi ng isang staff pagpasok namin.

"Ahh... Ayun ba? Ang sabi niya "Welcome to Yabu Restaurant" at ang lenggwaheng binanggit niya ay Japanese." nakangiting paliwanag niya sakin at tumango-tango naman ako.

Agad na may lumapit sa amin na staff saka niya kinuha ang order namin at pumipili naman ng pagkain si Rachel sa hawak niyang menu.

"Hmmm... Two Rosu and Prawn, one Chicken and Menchi, two Tofu Katsu with Uni, two Sushi, and last two Regular Coke... Thanks." matapos sabihin yon ni Rachel ay agad naman na inilista ng staff yon saka siya umalis.

Tahimik na inilibot ko naman ang mga mata ko sa paligid at isa lang masasabi ko nakakamangha ang design ng restaurant na ito.

Natigilan lang ako ng bigla ako tawagin ni Rachel kaya agad ko siyang binalingan ng tingin.

"What do you think? Ang ganda dito diba?" nakangiting sabi niya habang nakapangalumbaba.

"Hmmm.... Oo." sagot ko.

"Siguradong magugustuhan mo ang pagkain dito kapag natikman mo na!!"

"Magkano nga pala yung inorder mo sakin?"

"Mmmm... Bakit?"

"Babayaran ko malamang tss."

"No.. No.. No.. Sabi ko naman sayo na libre ko dahil sa pasasalamat ko sayo diba?"

"Ahh... Okay."

Hindi na kami nagusap pa ng dumating na ang pagkaing inorder ni Rachel. Bigla agad ako nakaramdam ng gutom ng matakam ako sa masasarap na pagkain na nasa harapan ko.

First time ko lang makakain ng japanese food, masarap kaya?

"Itadakimasu!" usal ni Rachel kaya naman ay kunot noo na napatingin ako sa kanya. "What? May dumi ba ako sa mukha o nagagandahan ka lang sakin?"

"Tss... Nagtaka lang ako sa sinabi mong Itadachumasi??" naguguluhan kong sambit at natawa naman siya ng mahina.

"Haha! ITA-DA-KI-MASU!! Ibig sabihin nun ay "Let's eat" or "Thanks for the food" alam mo na?"

"Hmmm yeah." nayayamot kong sagot sa kanya at wala naman siya tigil sa pagtawa. "Tsk."

"Hahaha! Okay! Okay! Ang cute mo kasi eh hahaha!" natigilan naman ako sa sinabi niya at nang marealize niya ang sinabi niya ay natigilan rin siya saka mabilis na umiwas ng tingin. "Uhmmm... E-hem.. Kain na tayo hehe."

Nagumpisa na kaming kumain at sobrang sarap niya. Sunod-sunod ang kain ni Rachel hanggang sa mabalaukan siya kaya agad ko naman na inabot sa kanya yung tubig na agad din naman niyang kinuha at nilagok.

Nang makahinga siya ng maluwag ay agad siyang nagpasalamat sakin at tinanguan ko naman siya saka nagpatuloy uli sa kain.

Natigil naman ako sa pagsubo ng magsalita nanaman siya.

"Masarap diba?" tanong niya at tumango naman ako. "Hayst... Namiss ko ang kumain ng ganito.. Noong nasa province kasi ako hindi nila ako pinapayagan na kumain ng japanese food."

"Why?" tanong ko at napatingin naman siya sakin na parang natataranta. "May problema ba?"

"Ahh... W-wala haha." matapos niya sabihin yon ay agad akong nagtaka ng hindi na siya muling nagsalita pa.

Ipinagpatuloy ko na lang ang kain ko gayon din siya at hindi na kami nagkwentuhan pa. Maya-maya lang ng matapos kami kumain ay nagsalita agad siya kaya naman ay napabaling ako sa kanya.

"You know Zack.." umpisa niya.

"What?"

"May tanong lang naman ako hehe." tumaas naman ang kilay ko sa kanya at sinasabi kung ano yung itatanong niya. "Uhmmm.."

"What? Ano ba yon?"

"Nagkaroon kana ba ng girlfriend?"

Bigla naman ako natigilan doon sabay napabuntong-hininga.

"Girlfriend, huh?"

"Oum... Nagkaroon kana ba nun?"

"Wala nga akong kaibigan, girlfriend pa kaya." natigilan naman siya sa sinabi ko saka biglang nalungkot habang nakatingin sakin. "Tss... Wag mo nga akong tingnan ng ganyan na para bang kaawa-awa akong tao."

"O-oh.. Sorry..." paumanhin niya.

"Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend at isa pa wala rin naman akong oras para doon."

"Talaga? Sayang naman may itsura ka pa naman tapos wala kang girlfriend."

"Wala nga kasi akong oras doon at wala rin naman akong nagugustuhan o nagugustuhan ako."

"Gusto kaya kita...." hindi ko naman narinig yung sinabi niya kaya agad akong nagtaka.

"Huh?? hindi kita narinig ang ingay kasi ng kumakanta doon." usal ko at napatikom naman siya ng bibig.

"Ahh wala! Wala! Sabi ko ang lungkot naman kung ganun hahaha.. wooh.."

"Hmmm okay? Ikaw ba nagkaroon kana ba ng boyfriend?" para naman siyang nakakita ng multo nang tanungin ko yon.

"A-ahh... Uhmm.. Yes haha." naiilang niyang sagot at napatango-tango naman ako. "Ano kasi bata pa ako nun! Atsaka isa pa niloko ako ng lalaking yon eh kaya ngayon single ako hehe."

"Ahh... Mabuti kung ganun."

"Bakit? Liligawan mo ba ako?"

"What?! What the... Hindi ahh!"

"Ahh hehehe sabi ko nga... joke lang eh!"

Hindi na kami nagkwentuhan pa ni Rachel ng lumabas na ako sa restaurant na yon. Sa ngayon ay hinihintay ko na lang siya na lumabas dahil hindi pa siya tapos magbayad. Hindi rin nagtagal ng makita ko na siya at lumabas na ito ng tuluyan saka nakangiti na lumapit sakin.

"Tara?" nakangiting usal ni Rachel.

"Huh? Saan?"

"Basta! Masaya ang sunod na pupuntahan natin!"

Hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla niya hawakan ang kamay ko saka ako hinila at patakbo na tuloy kami papunta sa direksyon ng pupuntahan namin.

-Miracle_Gorgeous