PAGKAGISING sa umaga ay tamad na tamad na tumayo ako. Dumeretso na ako sa banyo para maligo at ng matapos ay nagtungo agad ako sa kusina para magluto ng umagahan ko.
Halos mapahikab pa ako habang kumakain at nanonood ng TV. Nang matapos ako sa lahat ay saka ako pumunta sa kwarto at nagsuot ng uniform.
Inis pa na inayos ko ang necktie ko pati narin ang pagsusuot ko ng butones. Ayoko talaga sa lahat ng gumigising at pumapasok ng maaga.
Pagkatapos ko ay agad ko ng kinuha ang bag ko saka ko ito isinakbit sa balikat ko atsaka ako lumabas ng apartment.
Sinigurado ko munang naka-lock ng maigi ang pinto bago ako lumakad paalis.
Habang naglalakad palabas ng street ay halos mapatigil ako sa paglalakad ng makita ko siya na nakasandal sa poste at nilalaro ang kanyang paa.
Ano kaya ang ginagawa ng babaeng 'to dito?
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makalapit na ako sa pwesto niya. Mabilis siyang tumayo ng deretso ng makita niya ako saka siya ngumiti.
"Goodmorning!!" nakangiting bati ni Rachel at hindi ko naman siya pinansin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang presensya niya. Agad agad siyang humabol sakin at sinabayan ako sa paglalakad.
Aishhh....
"Sabi ko... Goodmorning!!"
"Hoy!! Pansinin mo naman ako..."
"Kalalaking tao suplado!"
Hindi parin ito tumigil sa pagsasalita hanggang sa maubusan na ako ng pasensya at pinansin na siya.
"Bakit ba nandito ka?" seryosong sabi ko sa kanya.
"Hmmm... Masama ba?"
"May sinabi ba ako?"
"Haha! Aga-aga ang sungit mo... Kaya ako nandito kasi gusto ko sumabay sayo." nakangiti niyang sabi habang nangunguna sa paglalakad.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"Hmmmm.... Siguro sabihin na nating malapit lang ang bahay ko sa tinitirhan mo?"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ibig sabihin kaya siya sumabay sakin dahil malapit lang ang bahay niya sa apartment ko o dahil wala siyang kasabay?
Matapos niya sabihin yon ay hindi na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.
"Ang tahimik mo naman!!" napalingon agad ako sa kanya at natigilan ako ng makita ko siyang nakanguso.
Ang cute niya....
"Nagagandahan ka sakin 'no? Haha! Alam ko naman na maganda ako kaya ganyan ka makatitig sa mukha ko."
Mabilis na sumeryoso ang mukha ko at agad akong umiwas ng tingin sa kanya ng marinig ko yung sinabi niya.
"Tsk.." singhal ko na agad niyang ikinatawa.
Natigilan naman ako sa paglalakad at agad na napatitig sa kanya ng makita ko siyang tumawa habang nakahawak sa kanyang tyan.
Bakit ganun ang pakiramdam ko? Nang makita ko lang siyang ngumiti at tumawa parang bumibilis ang pagtibok ng puso ko?
Ipinilig ko ang ulo ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad at iniwan siyang tumatawa magisa doon.
Mabilis siyang humabol sakin ng huminto na siya sa pagtawa at nagumpisa nanaman siyang dumaldal.
Kababaeng tao ang daldal...
"Zack! Zack!"
"Oh?"
"Pwede ba kitang yayain kumain sa lumabas?"
Nagtatakang napalingon naman ako sa kanya ng sabihin niya yon. Anong ibig niyang sabihin?
"Ano?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Bingi kaba? Ang sabi ko pwede ba kitang ayain kumain sa labas?" sambit niya at hindi naman ako nakapagsalita. "Teka... Wag mo isipin na gusto kita makasama ahh!! Gusto lang kita yayain kumain sa labas dahil kasama na yon sa pagpapasalamat ko sayo!!"
"Hindi ko naman iniisip na gusto mo ako makasama, tsk." agad naman na namula ang mukha niya ng sabihin ko yon.
"Ahh.... Hehe... Ano ayos lang ba?"
"Sige.... Libre mo naman eh."
"T-talaga? Pumapayag ka?!!" hindi makapaniwala niyang sabi habang nakatingin sakin.
"Sige, hindi na ako papayag."
"Hala!! Parang tanga..." bumagsak ang balikat nito ng sabihin ko yon.
"Nagbibiro lang ako... Pumapayag nga ako."
"Waahh!! Yon!! Thank you!" masayang sabi niya saka nagpauna sakin sa paglalakad habang may ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako tss...
Magkasabay kaming naglakad papasok sa school ni Rachel. Huminto muna ako sa locker at tulad ng palaging ginagawa ay hinubad ko ang suot kong sapatos saka ako nagsuot ng ibang sapatos.
Maglalakad na sana ako sa hallway ng sumabay nanaman sakin si Rachel sa paglalakad kaya hindi agad namin naiwasan na pagtinginan at pagbulungan.
"Bakit sa tuwing makikita ka nila ay pinagbubulungan ka?" nagtataka niyang tanong habang nakalingon siya sakin.
"Hindi ko alam." maikling sagot ko lang sa kanya.
Nagpauna na ako sa paglalakad pero humabol parin siya sakin kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siyang sumabay sakin sa paglalakad.
Nang makarating kaming dalawa sa room ay agad na nagsitinginan samin ang mga kaklase namin at nagtataka na tumingin naman samin si Haley saka mabilis nitong hinila si Rachel.
Hindi ko na sila pinansin pa at tahimik na naupo na lang ako sa table ko saka ako dumungaw sa bintana.
"Bakit mo siya kasama, Rachel??" rinig kong tanong ni Haley kay Rachel.
"Masama ba?" sagot naman ni Rachel sa kaibigan niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at hindi pinansin ang usapan nila.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Miss Chavez at nagumpisa ng magturo.
Tahimik na nakikinig lang ako at sinusulat sa notebook ang mga sinusulat niya sa blackboard hanggang sa may kumalabit sakin.
Blangko ang mukha na lumingon ako kay Rachel ng bigla niya akong kalabitin.
"Meron ka pa bang ballpen?" mahinang sabi niya dahil baka marinig siya ni Miss Chavez.
"Meron."
"Pwede paheram? Naiwan ko kasi yung ballpen ko sa bahay eh.."
"Okay."
Ayun lang ang sinabi ko at agad kong inabot sa kanya ang isa kong ballpen..
"Thank you... Balik ko na lang mamaya." nakangiti niyang sabi at tinanguan ko naman siya.
Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko at pakikinig kay Miss Chavez gayon din si Rachel ng lingunin ko siya.
Nang tumunog ang bell ay agad ko ng isa isa na inilagay sa bag ko ang mga gamit ko at ng matapos ay tumayo na ako atsaka lumabas ng classroom.
Pagkapasok ko sa canteen ay agad akong umorder ng pagkain saka ako naghanap ng mauupuan.
Nang makahanap naman ay agad akong nagtungo doon saka ko inilapag ang pagkain ko at naupo.
Habang kumakain at nagbabasa ng libro ay nakaramdam nanaman ako ng mata na nakatingin sakin.
Pagkalingon ko ay unang nakita ko agad ay si Rachel na ngumiti sakin saka mabilis na umiwas ng tingin.
Yung babaeng talagang 'yon....
Hindi ko maintindihan kung ano nakain ng babaeng yon at naisipan na kausapin saka lapitan ako...
Pero masaya ako dahil kahit papano ay may kumakausap sakin at napapansin ang presensya ko...
Saktong tumunog ang bell kaya agad na tumayo na ako saka deretsong lumabas ng canteen.
Pagkabalik ko sa classroom ay agad na akong naupo sa table ko at doon ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro ni Agatha Christie.
Mamayang uwian ay isasauli ko na ang libro na hineram ko at tutulungan ko ulit si Miss Ramos sa pagliligpit ng libro sa library.
Habang nagbabasa ay agad akong natigilan ng biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya agad ko itong nilingon at halos lumaki ang mata ko sa gulat ng makita ko ang sapatos na lumilipad papunta sa kinaroroonan ko.
"Zackkk!!!!" malakas na sigaw ni Rachel at mabilis itong tumakbo papunta sa pwesto ko saka niya ako hinarangan.
Mas lalo pa akong nagulat dahil sa ginawa ni Rachel o sabihin na natin dahil sa posisyon namin.
Nakaharap siya sakin habang ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa table ko at sa gilid ng table na nasa likod ko. Ang mukha niya ay medyo malayo sa mukha ko pero kitang-kita ko sa mata niya ang pagaalala sakin.
Agad kong hinawakan ang ulo niya saka ko siya hinapit sakin na halos ikinagulat niya. Mabilis na ihinarang ko ang kamay ko sa sapatos na tatamaan sana ang ulo ni Rachel.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sa iba na tumama ang sapatos at hindi din agad na nakagalaw ng matauhan ako sa posisyon ni Rachel sakin.
Ngayon ko lang napansin na nakasandal ang ulo ni Rachel sa balikat ko habang hawak hawak ko ang ulo niya. Naalala ko hinapit ko nga pala siya palapit sakin na halos ikinagulat nito.
Mabilis na lumapit si Haley at hinila si Rachel na hanggang ngayon ay gulat na gulat parin ang mukha at sa totoo lang ay mukha na siyang kamatis dahil sobrang pula ng buong mukha niya.
"Hoy Rachel!!!" sigaw ni Haley sa kanya at inalog-alog pa ito. "Rachel!!!!!"
"Ay butiki!!" mukhang nakabalik na sya sa katauhan niya ng sigawan siya ni Haley ng malakas.
"Ano ba pinaggagawa mo ha? Muntikan kana matamaan ng sapatos sa ulo kung hindi ka lang humarang sa kinauupuan ni Zack tapos ngayon mukha kanang kamatis!"
"H-ha? A-ahh... Anong nangyari?"
"Jusmiyo marimar ka, Rachel!!"
"Ahh... Hehe... Zack!!" agad itong lumapit sakin at tiningnan-tingnan ako. "Ayos ka lang ba? Natamaan kaba ng sapatos?"
"Ikaw na ang muntikan matamaan ng sapatos kung hindi ka lang humarang..."
"A-ano? Teka... Sino yung bumato ng sapatos na yon ha? Babatuhin ko rin!!"
"R-rachel... S-sorry... Nagbabatuhan kasi kami ni Carl tapos hindi ko alam na napabato ako ng malakas at papunta pa sa direksyon ni Zack..." paghingi ng tawad ni Mark isa sa mga kaklase namin.
"Ikaw?! Aish!! Mabuti na lang hindi talaga tumama.." sambit ni Rachel.
"Sorry talaga... Sorry din Zack." sabi ni Mark sakin at tinanguan ko naman siya.
Hindi na nagtagal ang usapan na yon ng biglang dumating si Miss Chavez kaya agad agad na nagsibalikan sa upuan ang lahat.
Napabuga naman ako ng hangin ng sumagi nanaman sa isipan ko yung ginawa ko kay Rachel. Hindi ko inaasahan na gagawin ko talaga yon dahil pati yung ibang kaklase namin ay hindi rin inaasahan ang pangyayaring yon.
Lumingon naman ako sa inuupuan ni Rachel at nakita ko siyang parang tanga na umiiling-iling habang sobrang pula ng buong mukha niya.
Itinuon ko na lang ang sarili sa pakikinig sa discussion ni Miss Chavez at hindi na inisip pa ang nangyari kanina.
Tahimik na nakinig na lang ako atsaka ko sinulat-sulat sa notebook ko ang mga sinusulat niya sa blackboard.
Maya-maya lang ay natapos na ang klase niya at tumunog na uli ang bell senyales na uwian na.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko saka ako tumayo at isinakbit sa balikat ang bag atsaka ako naglakad palabas ng room.
Magtutungo na ako sa library ngayon...
Nang makapasok na ako sa loob ay agad agad na bumungad sakin ang nakangiting si Miss Ramos.
"Oh, hijo!!" nakangiting bungad sakin ni Miss Ramos at lumapit naman ako sa kinauupuan niya.
"Sasauli ko na po yung libro, salamat nga po pala sa pagpapaheram sakin nun."
"Wala yon, hijo... Tutulungan mo ba ako uli?"
"Oo naman po, araw-araw ko po kayong tutulungan Miss Ramos."
"Ayhay! Salamat at merong student na katulad mo, Zack."
Ngumiti lang ako ng tipid kay Miss Ramos saka ako nagpaalam sa kanya. Naglakad na ako papunta doon sa pwesto ng bookshelf at saka ko ikinuha sa bag ko ang libro.
Pagkalagay ko ng libro doon ay saka naman ako nagtungo sa malapit na lamesa kung saan may mga libro nanaman na hindi isinauli.
Ipinagpatong-patong ko ang lahat atsaka ko ito binuhat at naglakad papunta sa bookshelf. Inilagay ko isa isa ang mga libro sa tamang lagayan nito hanggang sa napalingon ako sa gilid ko at kunot noo na napatingin ako kay Rachel na naglalagay din ng libro sa bookshelf.
Nang matapos siya sa ginagawa niya ay agad siyang nakangiti na lumingon sa'kin.
Ano naman ginagawa ng babaeng 'to dito sa library??
Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako doon sa kabilang lamesa saka ko binuhat ang libro at pumunta ako sa kabilang bookshelf.
Habang isinasauli ko yung libro ay napalingon agad ako kay Rachel ng makita ko siyang nakasandal sa bookshelf habang nakatingin sakin.
Napabuntong-hininga na lang ako at bumaling sa kanya ng tingin ng matapos na ako sa ginagawa ko.
"Bakit nandito ka?" blangko ang mukha na tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sakin.
May kinuha siya sa bulsa ng palda niya at saka inilahad sakin ang ballpen ko na hineram niya sa akin. Kinuha ko naman yon sa kanya saka ko ito ibinulsa.
"Salamat sa pagpapaheram!" nakangiti niyang sabi at tumango naman ako.
Maglalakad na sana ako nang agad ako matigilan dahil agad siyang humarang sa daraanan ko.
"What?" naiinip na tanong ko sa kanya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko imbis ay ngumiti lang siya sakin ng matamis at itinulak-tulak ako na agad kong ikinagulat.
Ano ba pinaggagawa niya?
Atras lang ako ng atras dahil sa pagtulak niya hanggang sa wala na ako maatrasan at mapasandal na lang sa pader.
Bumilis ang kabog ng puso ko ng bigla niyang hinawakan ang magkabilaan kong balikat saka siya lumapit sakin ng unti.
"Ano ba ginagawa mo?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Zack.... I.. Want... Your... Pancreas.." seryosong sabi niya na agad na ikinabilis ng kabog ng dibdib ko at halos mapalunok na lang ako.
Ano ba pinagsasabi niya? Gusto niya yung pancreas ko? At bakit naman? Wala ba siyang sariling pancreas?
"Joke lang!! Hahaha!!" nagsalubong agad ang kilay ko matapos niya sabihin yon at ng tumawa-tawa siya na parang baliw.
"Tsk..." sininghalan ko lang siya ng tumigil na siya sa pagtawa niya.
"Sorry kung hinawakan kita at pinakaba ang buong pagkatao mo..." nakangiti niyang sabi ng makalayo na siya medyo sakin. "Gusto ko lang sabihin na sa Saturday yung labas natin at 12:30 pm."
"Pwede mo naman sabihin sakin yan ng hindi ako tinutulak-tulak, tsk." iritado kong sabi sa kanya.
"Sorry po! Osya, uuwi na ako... Pumunta lang talaga ako dito para sabihin sayo yon at syempre para isauli narin yung ballpen mo... Salamat uli at babyee!! Ingat ka sa paguwi mo mamaya."
Ayon lang ang sinabi niya bago siya naglakad na paalis. Halos mapasandal ako sa bookshelf ng mawala na siya at agad na lang na napahawak sa dibdib ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang yung pakiramdam ko ng lumapit siya sakin... Aishhh!!!
Umiling-iling ako ng ilang beses bago ako bumalik uli sa pagaayos ng libro sa bookshelf.
Nang matapos ako ay pumunta agad ako sa pwesto ni Miss Ramos at naabutan ko siyang nagaayos ng libro sa isang bookshelf.
"Tulungan ko na po kayo.." sabi ko at lalapit na sana ng pigilan niya ako.
"Hindi na, hijo... Patapos narin naman ako."
"Ganun po ba... Uuwi na po ako Miss Ramos."
"Ingat ka sa paguwi, hijo.."
"Opo... Salamat po.."
Kinuha ko na ang bag ko saka ko iyon isinakbit atsaka ako naglakad palabas ng library. Habang naglalakad ay hindi naman mawala-wala sa isipan ko yung ginawang katangahan ni Rachel.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng medyo magkalapit ang mukha namin sa isa't isa kanina at halos magtaasan ang balahibo ko ng hawakan niya magkabilaan kong balikat para ako nakuryente ng sobra.
Naglakad lang ako ng naglakad at ilang sandali pa ay nakarating na ako sa apartment kaya bagsak ang katawan na nahiga na lang ako sa lapag habang nakatitig sa taas ng kisame at inalala ang mukha ni Rachel habang nakangiti...
-Miracle_Gorgeous