Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 5 - Chapter 5: You Can Call Me, If You Need My Help

Chapter 5 - Chapter 5: You Can Call Me, If You Need My Help

RACHEL TAN POV:

HANGGANG ngayon ay hindi mawala-wala sa isipan ko yung kabaliwan na ginawa ko kay Zack. Kumakain ako ng umagahan ngayon sa lamesa habang kasabay ko sila mom and dad.

Hindi ako masiyado nakatulog kagabi kakaisip sa kabaliwan na pinaggagawa ko kahapon. Una ay yung muntikan na matamaan si Zack ng lumilipad na sapatos kaya mabilis akong tumakbo sa kanya at hinarangan siya. Pangalawa ay yung nangyari sa library, tinulak-tulak ko siya tapos hinawakan ko pa sa magkabilaang balikat tapos nagsabi pa ako ng isang kabaliwan!

Paano na lang kaya kung makita ko na siya mamaya sa school o hindi kaya ay sumabay nanaman ako sa kanya papasok.

Pero ang pinaka matindi talaga na nangyari ay yung muntikan na siya matamaan ng sapatos tapos ako naman itong si tanga na nagkukunwaring super hero ay hinarangan siya tapos sa huli ay ako pa itong kikiligin na parang tanga.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng hinapit ako ni Zack at hinawakan niya pa ang ulo ko tapos napasandal pa ako sa balikat niya. Yung amoy niya sobrang nakakabaliw. Ang bango-bango at napaka-sweet!! Tapos malalaman ko na lang wala na ako sa katinuan sa sobrang gulat at kilig.

Arghhhh!!! Bakit ba ganito yung nangyayari sakin!! May lakas pa kaya ako ng loob kapag nakita ko na siya mamaya? Meron naman siguro... Makapal yung mukha ko eh.

"Rachel... Anak, Okay ka lang ba?" natauhan lang ako ng tanungin ako ni dad.

"O-oo naman po, Dad." naiilang kong sagot saka ipinagpatuloy ang pagsubo ng kanin.

"Are you sure, sweetie?" nagaalala naman na tumingin sakin si mom ng balingan ko siya.

"Opo... Super duper na okay lang po ako." malaki ang ngiti na sabi ko na agad din naman ikinangiti ni mommy.

"Kamusta naman yung school mo, Rachel?" si dad.

"Uhmm... Ayos naman po."

"Nakakaramdam ka pa ba ng sakit, sweetie? Sabihin mo lang kay mommy dahil ayoko na may mangyari nanaman sayo ng hindi mo sinasabi sa amin.." nagaalalang wika ni mom habang nakatingin sakin.

Bumuntong-hininga naman ako. "Wala na po akong nararamdaman na sakit.... Sasabihin ko rin naman po agad sa inyo kapag umatake nanaman po siya.." nakangiting sambit ko sa kanilang dalawa. "Atsaka mom and dad huwag po kayo masyado mag-alala sakin dahil umiinom naman po ako parati ng gamot."

Guminhawa naman ang mukha ni mom gayon din si dad saka sila sabay na ngumiti sakin ng matamis.

"Kain ka pa, sweetie. Ito oh gulay..." saad ni mom habang nilalagyan niya ako ng mga masusustansyang gulay sa plate ko.

Sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng magulang na tulad nila. Isang ubo mo lang o dapa mo lang ay ubod na agad ang pagalala. Susuportahan ka sa lahat ng bagay at palagi silang nandyan sa'yo kapag kailangan mo sila kahit gaano pa sila ka-busy sa trabaho nila.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na agad ako kila mom na babalik na ako sa kwarto dahil maliligo na ako.

Nakangiti na pinagmamasdan ko ang mukha ko sa salamin dito sa banyo atsaka ko binuksan ang salamin at kinuha doon ang isang maliit na lagayan ng gamot ko.

Kumuha ako ng tatlong capsule at saka ko ito nilunok sabay inom ng mineral na tubig. Kumuha naman ako ng dalawang puting bilog na gamot din sa isa pang lagayan atsaka ko ito nilunok habang umiinom ng tubig.

Nagumpisa na akong maligo at ng matapos ay agad din akong nagbihis ng uniporme. Nang matapos ko na ang dapat kong gawin ay bumaba na ako dala-dala ang bag ko saka ako nagtungo sa living room para magpaalam kay dad na nagbabasa ng dyaryo sunod naman na tinungo ko ay yung kitchen para magpaalam kay mom na papasok na ako.

"Ingat ka, sweetie!!"

"Be careful, Rachel."

Rinig kong sabay na sabi nila mom and dad. Ngumiti lang ako sa kanilang pareho saka ako lumabas ng bahay.

Medyo malapit-lapit lang ang tinitirhan ni Zack sa bahay namin. Hindi nga ako makapaniwala eh, noong gabi kasing yon ay nakadungaw ako sa bintana ng bahay hanggang sa namataan ko sa malayo si Zack na naglalakad tapos ayun nakita ko na siyang pumasok sa apartment o sa tinitirhan niya.

Mabuti na nga lang ay malapit lang bahay niya sa bahay namin eh... Para naman kahit papano ay may makasabay ako sa pagpasok dahil kahit na malapit lang din ang bahay ni Haley sa amin ay hindi ko naman siya nakakasabay dahil sobrang aga niya kung pumasok.

Ikaw ba naman kasi ang president...

Minsan ay hindi ko rin nakakasabay sa paguwi si Haley sapagkat ay inaaya siya ng iba niyang friends na mag-karaoke o kumain sa labas kaya sa huli ay magisa lang akong umuuwi pero hindi naman ako nagtatampo kasi naiintindihan ko rin si Haley dahil hindi lang naman ako ang kaibigan niya para unahin niya rin 'no.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Zack at nang makita din ako nito. Hindi ako pinansin nito imbis ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad niya.

Napaka-snobber talaga ng lalaking yon! Kung hindi ko lang siya gusto...

Wait.... what? Sinabi ko bang gusto ko siya? Ha? Teka.... Hindi pa ako sigurado doon..

Mabilis na humabol naman ako sa paglalakad ni Zack at saka ko siya hinarap at binati siya ng 'goodmorning'.

Pero hindi parin ako nito pinansin at patuloy lang siya sa paglalakad niya hanggang sa tumigil ako sa paglalakad na agad niya naman ipinagtaka kaya nilingon niya ako at tinaasan pa ng isang kilay.

"Sabi ko 'goodmorning' pero hindi mo naman pinansin... Napaka-suplado mo talaga kahit kailan.." nakangusong sabi ko sa kanya na agad na kinakunot ng kanyang noo.

"Ano? Tss..." sininghalan lang ako nito at nagpatuloy uli siya sa paglalakad niya kaya naman ay bagsak ang balikat na nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad. "Goodmorning din, Rachel."

Halos napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi makapaniwala na napalingon naman ako kay Zack habang naglalakad na.

Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko.... Ayun ang pinaka-una-unahan na narinig ko siya na tinawag niya ako sa pangalan ko mismo..

Rachel...

Parang baliw na napahawak na lang ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok nun. Bakit ang ganda pakinggan kapag siya ang tumatawag sa pangalan ko? Why?!!!

"Anong ginagawa mo at parang tanga na nakatunganga kana lang dyan??" seryosong sambit ni Zack habang nakatingin siya sakin.

"Ahh... Natuwa lang ako ng binati mo rin ako ng 'goodmorning' at tinawag mo ako sa pangalan ko mismo." hindi ko napagilan mapangiti habang nakatingin ng deretso sa kanya.

Natigilan naman siya at napabuka nanaman ang bibig ng sabihin ko yon at ngumiti ako sa kanya ng parang tanga...

Sobrang nakakalambot ng puso...

"O-oh... Tsk." agad siyang tumalikod sakin at nagpatuloy uli sa paglalakad kaya naman ay nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad.

Sana balang araw ay makita ko naman na tumawa o ngumiti man lang si Zack... Hindi kasi bagay sa kanya ang seryoso ang mukha..

Sabay kaming nakasakay ni Zack ng tren at isa lang ang masasabi ko sobrang nakakairita kasi siksikan nanaman at medyo bumabangga sakin yung iba dahilan para matapakan nila yung paa ko..

Ganun ba ako kaliit medyo??

"Aray huhuhu..." mahinang sabi ko habang iniinda yung sakit na pagkakatapak sakin ng isang lalaki.

Bakit naman kasi sa araw na ito ay maraming sumakay ng LRT kakabwesit naman oh...

"Naaapakan kaba uli?" nabigla naman ako sa tanong yon ni Zack kaya agad ko siyang tiningala at grabe ang gulat ko ng makita kong hinaharangan ng kanyang braso ang mga tao na nasa gilid ko na kanina pang umaapak sa paa ko.

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko at ang alam ko lang ay bigla na lang uminit ang pisnge ko kaya dali-dali akong umiwas ng tingin sa kanya.

"A-ahh... S-salamat.." naiilang na sagot ko.

"Okay." tugon niya.

Ilang beses na napabuga ako ng hangin ng makalabas na kami sa tren. Sobra ang pagpaypay ko sa sarili ko habang naglalakad.

Woohh... Grabe hindi ko kinaya... Sobra ang bilis ng puso ko doon ahh...

"Sandali lang!! Hintayin mo ako!!!" sigaw ko kay Zack ng makita ko siyang nangunguna na sa paglalakad palabas.

Humabol naman ako sa kanya at sumabay uli sa kanya sa paglalakad. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Seisen High. Mabuti na lang ay hindi kami nalate kahit na sobrang daming tao kanina sa LRT.

Nang makarating kami sa room ay nauna ng naupo si Zack sa table niya habang ako naman ay mabilis na nilapitan ni Haley.

"Ikaw ha..." nanliliit ang mata na tumingin sakin si Haley habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa'kin.

Nagtataka na lumingon naman ako sa kanya habang nakaturo ako sa sarili ko.. "Ako? Bakit?"

"Napapadalas ata ang pagsabay mo kay Zack, Rachel?" nakataas ang kilay na bigkas niya.

Umupo naman ako sa table ko. "Wala naman kasi akong kasabay sa pagpasok dahil maaga ka palagi pumapasok... Eh, saktong malapit lang ang tinitirahan ni Zack sa bahay namin kaya sa kanya na ako sumasabay.." mahabang paliwanag ko sa kanya at naupo naman siya sa lamesa ko.

"Okay... Okay... Hindi na rin ako magugulat kung malaman ko na lang na may gusto ka sa lalaking 'yan.. Psh.."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Haley kaya hindi ko napansin na biglang namula yung mukha ko kaya mas lalo lumalim ang pagtitig ni Haley sa akin..

"Haynako, Rachel.." napapabuntong-hininga na sabi ni Haley habang nakahawak siya sa aking ulo at ginulo-gulo ang buhok ko.

Bumalik na sa upuan si Haley ng dumating na sa classroom si Miss Chavez at nagumpisa ng magturo.

Nakapangalumbaba naman ako habang malalim ang iniisip. Wala akong gana na makinig sa discussion ni Miss Chavez.

Wala naman masama kung magkagusto ako sa tulad ni Zack, hindi ba? Kahit naman na ganun kalamig ang pakikitungo ni Zack alam ko sa sarili ko na may tinatago din na kabaitan si Zack kahit papano...

Gusto ko pa siyang makilala lalo...

Gusto ko pa malaman kung ano ang parating iniisip niya...

Gusto ko mabasa ang loob ng isip niya..

Gusto ko malaman kung ano ang dahilan kung bakit ganun siya...

Gusto ko malaman lahat...

Gustong-gusto ko...

Kasi...

Gusto ko ang tulad niya...

Habang malalim ang aking iniisip ay hindi sadya na napatingin naman ako kay Zack at nakita ko siyang nagsusulat habang nakikinig ng mabuti sa tinuturo ni Miss Chavez.

Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay ganyan ka parin kasipag sa pagaaral mo, Zack...

Noong unang kita ko saiyo noong nasa middle school palang tayo. Sobra na ang hanga ko sa'yo dahil sobrang sipag mo magaral at kapag nakikita ko parati ang pangalan mo sa pinaka-unahan ng bulletin board hindi ko maiwasan mapangiti ng sobra...

Isang batang katulad mo ay parating TOP 1 so sino ang hindi hahanga nun? Sana noong bata pa lang tayo ay nagpakilala na ako sayo at nakipagkaibigan kaso hindi ko akalain na magkakaroon ng problema kaya mabilisan na lumipat kami ng province..

Gusto ko magpasalamat sayo ng sobra noong nadapa ako at tinulungan mo tapos nakakatawa pa ay binigyan mo pa ako ng band-aid at sinabihan mo pa ako ng "crybaby" bwesit...

Umiwas na ako ng tingin kay Zack at nakinig na lang din ako ng mabuti sa tinuturo ni Miss Chavez.

Nang tumunog na ang bell ay saka na ako tumayo at lumapit kay Haley na nagaayos ng kanyang gamit.

"Tara.. Gugutom na ako grabe.." nakangusong sabi ni Haley habang hinihimas ang kanyang tyan at natawa naman ako ng mahina.

"Palagi ka naman talagang gutom, Haley."

"Tse!! Porke mas mapayat ka sakin hmp."

"Hahaha!"

Hindi ko na lang naiwasan matawa ng mahina dahil sa itsura ni Haley. Tumataba kasi unti si Haley kumpara sakin na kahit anong kain ko ay mapayat parin ako. Siguro sabihin na natin na kaya ako parati mapayat at hindi tumataba dahil kasama yon sa sakit na meron ako.

Nang makaupo kami ni Haley sa table namin ay siya nanaman ang nag-prisinta na bibili ng aming kakainin kaya wala na ako nagawa kundi ang mapanguso na lang at maiwan dito.

Napaupo naman ako ng deretso ng makita ko si Zack sa hindi kalayuan at maupo ito sa table saka nagumpisang kumain.

Bawat pagsubo niya ng pagkain ay nakatitig parin ako sa kanya... Hindi ko keri na nakikita siyang magisa.. Gusto ko palagi siyang masaya...

"Alam mo... Kung nakakatunaw lang ang titig siguro kanina pang-natuwa si Zack sayo.."

"H-haley!!" nagugulat na sabi ko ng makita ko siya na nakapamewang habang nakatingin sakin.

Umupo naman siya sa kabila saka ibinigay sakin ang pagkain ko.

"O-oh.. Thank you.." naiilang na sambit ko.

Hindi ko matingnan ng deretso si Haley kasi pakiramdam ko ay tutuksuin ako nito at panigurado na namumula nanaman ang buong mukha ko..

"Iba talaga pag-inlove 'no?" napatingin naman ako agad sa kanya at mabilis din umiwas.

"U-uhuh? H-hindi ko alam pinagsasabi mo, Haley..." naiilang na sagot ko sa kanya at napataas naman siya ng kilay.

"Talaga? Hindi pala alam ha... Eh bakit parang namumula ka yata?"

"Kumain ako ng kamatis kaninang umaga..."

"Talaga? Kumain ka uli? Hindi ko alam na kapag kumakain pala nun ay namumula ang pisnge..."

"Panibagong kaalaman yon... Hehe.."

"Weh? Ang pagkakaalam ko walang ganun eh..."

"A-ahh.. Hahahaha..." napakamot na lang ako sa ulo ko habang kumakain.

"Puro pa-deny... Halatang-halata ka naman.."

"Ahehehe..."

"Osya.. Kain na lang tayo."

"Mas mabuti pa nga hehe.."

Hindi na kami nagusap ni Haley ng magumpisa na kaming kumain. Habang kumakain ay hindi ko parin maiwasan na mapatingin sa kinauupuan ni Zack.

Inlove na nga ba talaga ako? Arghh!!!

Nang matapos ang lahat ay bumalik na uli kami sa room at saktong pumasok naman si Miss Chavez.

Tahimik na nakikinig na lang ako habang nagdidiscuss naman si Miss. Paano ba malalaman kapag inlove kana sa tao? Hindi din kasi ako sigurado kung inlove ba ako o gusto ko na ba talaga siya...

Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos na ang klase ni Miss Chavez kaya agad na inayos ko na ang gamit ko at isinakbit ko sa balikat ko ang bag saka ako lumapit kay Haley.

"Haley... Sabay ba tayo?"

"Hmmm... Pasensya kana, Rachel ha? Hindi ako makakasabay sayo kasi inuutusan ako ni Miss Chavez na pumunta sa office ng mga teacher eh.. May kailangan daw kasi ako i-report sa kanila."

"Ganun ba? Ayos lang... Magiingat ka sa paguwi mo ha? Atsaka wag ka magpapagabi masyado.."

"Yes ma'am haha! Ikaw din ingat ka."

Nagpaalam na ako kay Haley at sa ngayon ay naglalakad na lang ako nang hindi sa kalayuan ay makita ko si Zack na naglalakad patungo sa library.

Humabol naman ako sa kanya at ng makalapit ay tinawag ko siya...

"Zack.." tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sakin.

"Bakit??"

"Pupunta ka uli sa library??"

"Oo.. Why?? May kailangan ka?"

"Ahh.. Wala.. Wala..."

"Oh... Kung ganun... Aalis na ako."

Tatalikod na sana siya ng bigla ko hawakan ang manggas ng kanyang uniform na agad na kinagulat niya at nilingon ako nito.

"Uhmm..." umpisa ko.

Paano ko ba sasabihin ito... Gusto ko malaman kasi yung number niya para naman ay makausap ko siya paminsan-minsan...

"What???" seryosong tanong niya.

"May cellphone kaba?"

"Hmmm... Meron bakit? nanakawin mo?"

"Psh... Hindi noh! Gusto ko lang sana makuha number mo.."

"Number? Hmmm... A.. Y.. O.. K.. O."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingala sa kanya at masama na tiningnan siya na agad na ikinataas ng kilay niya.

"Damot... Hindi bale... Here!" bigkas ko saka ko inilahad sa kanya ang papel kung saan nandoon yung number ko. "You can call me, if you need my help.."

Kinuha naman niya sakin yon at seryoso na tinitigan lang yon kaya naman napangiwi na lang ako...

Hindi niya ba i-sasave? Psh!

Agad siyang may kinuha sa bulsa niya at natigilan naman ako ng makita kong cellphone niya yon. Nagpipindot-pindot siya doon at mukhang sinave niya nga ang number ko.

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay agad siyang seryoso na lumingon sakin.

"Isesend ko na lang sayo ang number ko... Una na ako..."

Matapos niya sabihin yon ay tumalikod na siya saka nagumpisa ng maglakad at naiwan naman akong nakatulala sa kinatatayuan ko.

Hindi pa nagtatagal ay naka-receive na ako ng text sa unknown number kaya dali-dali ko sinave yon. Hindi ko naman naiwasan na mapangiti ng patago.

Lumakad na ako paalis hanggang sa makalabas na ako ng school. Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti sa sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon.

Nakangiti na naglalakad ako habang pinagmamasdan ko ang number ni Zack sa cellphone ko...

-Miracle_Gorgeous