Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 2 - Chapter 2: He's Very Interesting

Chapter 2 - Chapter 2: He's Very Interesting

RACHEL TAN POV:

HINDI talaga ako makapaniwala at sobra ang gulat ko ng mapanood ko yung CCTV. Parang gusto kong kainin na ako ng lupa dahil sa kahihiyan na ginawa ko atsaka isa pa ang mas nakakahiya ay yung nasampal ko siya.

Tapos hindi ko pa aakalain na sa pagpasok ko sa Seisen High ay isa rin siya sa mga magiging kaklase ko.

Myghad!!!

Di bale dahil sa mabuting ginawa niya ay magpapasalamat ako at hihingi narin ng tawad dahil sa pagsampal ko sa kanya.

Nang matapos ang klase namin kay Miss Chavez ay agad ng tumunog ang bell kaya naman ay dali-dali na lumapit sakin ang bestfriend kong si Haley ang president ng classroom.

"Rachel!!!!!" malakas na tawag sakin ni Haley kaya agad kong naitungo ang aking ulo at ngumiti sa kanya ng napaka-tamis.

Natawa agad ako ng bigla ako nito hampasin sa braso at ngumuso sa harapan ko na akala mo isang bibe na kakapanganak palang.

"Tigilan mo nga yang pag-nguso mo, Haley." saway ko sa kanya habang natatawa ng mahina.

"Tse! Hindi mo sinabi sakin na dito kana pala magaaral.... Alam mo ba na sa tatlong taon na hindi natin pagkikita ay sobrang namimiss kita?! Tapos... Tapos... Magugulat na lang ako na ikaw yung transferee!!! I hate you na..."

"Hahahaha! Sorry po... Gusto lang sana kita isupresa kaya hindi ko agad sinabi sayo na dito na ako magaaral sa school mo..."

"Hmp... I hate you beri mats!!"

"Well... I love you, bestfriend."

Matapos ko sabihin yon ay agad siyang ngumiti ng napakalawak at agad agad akong niyakap kahit na nakaupo ako. Tinapik-tapik ko naman ang likod niya habang hindi ko narin naiwasan na mapangiti ng sobra.

Hayssttt.... Namiss ko ng sobra si Haley ang babaeng numero uno kong kaibigan na sumuporta at nagmahal sakin ng sobra....

Hindi ko akalain na sobrang laki ng ipinagbago niya dahil gumanda siya lalo at tumangkad sakin ng unti...

Agad narin na bumitaw si Haley sakin sa pagyakap at muling ngumiti.

"Tara lunch na tayo at nagugutom na ako!" saad niya at nakangiting tumango-tango naman ako.

Hinila naman ako ni Haley palabas ng room pero agad din akong huminto kaya napahinto rin siya sa paghila sakin at takang nilingon ako saka nilingon ang tinitingnan ko.

"Hoy... Wag mong sabihin na type mo yang si Zack??"

"Zack?? Ayun ang pangalan niya?"

"Syempre alangan namang Juswa... Kaloka ka din Rachel eh.."

"Hmmmm... Zack, huh?"

"Tara na nga... Panget ng taste mo.."

"Huh??" nagtatakang sabi ko habang patuloy na akong hinihila ni Haley sa hallway.

"Wala!!" napangiwi na lang ito saka ako hinawakan sa wrist at sabay kaming naglakad patungo sa canteen.

Habang naglalakad kami papunta sa uupuan namin ay nilibot-libot ko naman ang mga mata ko sa buong canteen na ito.

Malaki ang canteen nila, Infairness...

Huminto agad si Haley kaya napahinto ako at nabangga pa sa kanyang likod. Nagtataka na nilingon ko naman yung table na hinintuan niya. May tatlong estudyanteng lalaki na nakaupo doon at gulat na tiningala si Haley.

"Table namin yan... Tsupi.. Tsupi.."

Dali-dali na nagsialisan sa table yung tatlong lalaki matapos sabihin yon ni Haley. Sa totoo lang hindi lang abnormal, masayahing tao, madaldal si Haley isa din siyang matapang na tao at siga narin kumbaga.

"Grabe ka naman sa tatlong yon... Bakit mo sila pinaalis eh, pwe-pwede namang maghanap na lang tayo ng ibang upuan." sabi ko sa kanya ng makaupo na kami at tinarayan lang ako nito.

"Eh table ko talaga ito... Tingnan mo may pangalan ko diba?"

Tumingin naman ako sa tinuro niya at nakalagay nga ang buong pangalan saka section niya sa gilid ng table.

HALEY MARIS VILLANUEVA

B-CLASS

THIS IS MINE DUDE SO BACK OFF!!!

Natatawa na napailing na lang ako matapos kong sabihin ang tinuro niya..

"Osya wait lang... Dyan ka muna at bibili lang ako ng pagkain nating dalawa."

"Huh? Sasama na ako sayo."

"Hindi na!! Kaya ko naman eh... Dyan ka lang ha... Lagot ka sakin kapag umalis ka dyan sa table natin."

Gusto ko pa sana umangal pero wala narin akong nagawa ng naglakad na siya paalis at naiwan naman ako dito sa table namin.

Parang tanga na nakapangalumbaba na lang ako habang sinusundan ng tingin ang mga students na dumaraan saka uupo sa kanilang mga lamesa.

Sobrang saya ko dahil pinayagan ako ni mom at dad na lumipat ng school at magaral dito sa pinagaaralan ni Haley.

Nasa middle school palang kami ni Haley ay magkaibigan na talaga kami. Sobrang close namin at kung ituring namin ang isa't-isa ay para kaming magkapatid.

Palaging nasa tabi ko si Haley sa tuwing nabubully ako ng mga kaklase namin noon at halos walang tigil sa pagiyak si Haley ng malaman niyang lilipat na ako ng school at hindi na kami uli magkikita pa.

Tumira kasi kami noon sa province ng grandparents ko pero ng makalipas ang ilang taon ay nabalitaan kong nakahanap na ng bagong bahay sila mom at sobra ang tuwa ko noon ng malaman kong malapit lang ito sa tinitirhan nila Haley.

Bumalik lang ako sa realidad ng makita ng mata ko si Zack na naglalakad patungo sa table niya at dala-dala ang kanyang pagkain.

Unang tingin ko palang sa kanya parang napaka-misteryoso niyang lalaki...

Sobrang tahimik...

Hindi ngumingiti o tumatawa man lang...

Wala akong nakikitang kasama niyang kaibigan....

Weird...

But...

He's very interesting....

Parang tanga na pinapanood ko siya sa malayo habang nagbabasa siya ng libro? What? Libro? As in libro talaga? Nagbabasa siya habang kumakain...

Kumunot naman agad ang noo ko ng biglang may dalawang babae na dumaan sa gilid niya habang nagbubulungan at tumatawa pa habang nakatingin sa kanya.

Bakit sila tumatawa? Bakit nila pinagbubulungan siya? Dahil ba nagbabasa sya habang kumakain? Hmmm....

Halos mapatalon ako sa gulat at mabilisan na umiwas ng tingin ng makita ko siyang lumingon sa inuupuan ko.

Shitt... Muntikan na tayo doon..

"Anong nangyari sayo at mukha kang kamatis?"

Huh???? What????

Napatingin agad ako kay Haley ng nilapag na niya ang pagkain na inorder niya saka siya naupo at taas ang kilay na tiningnan ako.

"Bakit namumula ata buong mukha mo? Nakablush-on kaba ha??" nagtataka nyang tanong na agad ko naman ikinailing. "Kung ganun... Bakit nga namumula ka??"

Bakit nga ba namumula ako?

Namumula ba ako dahil sa kahihiyan ng makita kong lumingon ng biglaan si Zack sa inuupuan ko??

"Eh kasi... Ano.. Kanina pinapanood ko sa malayo si Zack habang kumakain siya eh.. Tapos... Tapos bigla siyang lumingon kaya agad akong napaiwas.."

"Ano? Si Zack? As in si Zack talaga?" tumango-tango naman ako sa sinabi ni Haley. "Alam mo... Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla kang nagulat ng makita mo siya sa room habang nagpapakilala ka tapos..." dagdag niya pa. "Tapos kanina habang hinihila kita tumigil ka at tinitigan siya tapos ngayon naman ay pinapanood mo siya sa malayo... Yung totoo, Rachel... Nakasinghot kaba ng katol?"

"Ano ba pinagsasabi mo dyan! May nangyari kasi bago ako pumasok.."

"Anong nangyaring sinasabi mo?"

Kinuwento ko naman at ipinaliwanag kay Haley yung nangyari samin ni Zack noong nasa tren kami at yung nasampal ko siya saka ng malaman ko ang totoo na hindi siya ang may gawa ng pambabastos.

"Ano?! Sinampal mo siya? Seryoso ka?" hindi makapaniwala nitong sabi sakin at tumango naman ako habang napapakagat sa aking kuko. "Eh abnormal ka naman pala eh... Nag-sorry ka naman sa kanya ng malaman mo ang katangahan mo?"

"Hindi pa... p-pero hihingi ako ng tawad at magpapasalamat sa kanya kapag nag-uwian na."

"Edi maganda kung ganun.."

Siguro kilala naman ni Haley si Zack ng sobra ano? Eh kung tanungin ko kaya siya about kay Zack ng may malaman naman ako sa pagkatao nun dahil sa totoo lang nakukuryosidad ako sa kanya at interesado narin kumbaga.

Habang kumakain ay tinawag ko naman si Haley kaya agad itong bumaling ng tingin sakin habang ngumunguya.

Hanggang ngayon ay nagbabasa parin si Zack sa table niya at mukhang tapos na siyang kumain.

"Haley... Haley..."

"Oh bakit?"

"May alam kaba about sa pagkatao ni Zack o may alam kaba kay Zack??"

"Ano? Hmmm... Meron naman... Bakit mo naitanong? Don't tell me interesado ka sa taong 'yon??"

"Ha? Uhmm... Hindi naman hehe.."

"Aysus... Panget ng taste mo tss."

"Wag kana maingay.. Kwento mo na lang sakin yung alam mo sa kanya..."

At ayun nga.. Inumpisahan na ni Haley na ikwento sakin ang mga nalalaman niya about kay Zack pati narin sa pagbabago nito dahil sa isang problema..

Mas lalo akong kinain ng kuryosidad sa pagkatao ni Zack ng marinig ko ang kwento ni Haley...

"Ayun nga... Alam mo wala ng kumakaibigan kay Zack at isa pa minsan ay pinagbubulungan siya o pinaguusapan dahil nga sa malaki nitong ipinagbago.... Gulat na gulat ang mga teacher namin ng malaman ang totoo kung bakit nagbago si Zack at hindi pumasok ng tatlong buwan... Nagulat din ako doon sa narinig kong kwento ng malaman kong napapabayaan na masyado ni Zack ang kanyang pagaaral at bumaba na ang grado nito dahil dati siya ang numero uno parati sa Ranking/Top dito sa school."

Ayun ang pinaka kumain sa akin sa kuryusidad ng matapos sabihin lahat iyon ni Haley. Ikwento sakin ang lahat ng nalalaman niya tungkol kay Zack.

So ganun pala ang nangyari sa buhay niya?

Sobrang lungkot siguro ng pakiramdam niya ngayon dahil ayun sa sinabi ni Haley ay dala dala parin ni Zack ang problema niya two years ago.

Mas lalo tuloy ako nakonsensya at nahiya dahil sa ginawa ko sa kanya kahit na hindi pala siya yung totoong may kakagawan nun...

Hayst!!! Bobo mo talaga Rachel!!! Hindi bale magpapasalamat naman ako diba at hihingi narin ng tawad...

Kahit na ganun kalungkot yung buhay ni Zack ay humahanga parin ako sa kanya dahil  kahit papano ay hindi niya naisipan magpakamatay. Hindi naman sa sinasabi kong dapat na nagpakamatay na lang siya keysa dalhin niya pa yung problema na yun ha? Hindi... Yung iba kasing tao kapag may problemang dinadala o iniwan lang ng boyfriend/girlfriend eh, halos tumalon na sa matataas na building at maisipang magpakamatay na lang...

Nang matapos kami kumain ni Haley at ng tumunog na uli ang bell ay sabay na kaming tumayo pero bago umalis ay sinundan ko muna ng tingin si Zack ng tumayo ito at naglakad palabas ng canteen.

"Hoy... Sabihin mo nga sakin.." nanliliit ang mata na tanong sakin ni Haley.

"Ano yon??" tanong ko dito.

"May gusto kaba kay Zack kaya ganyan na lang kung tumingin ka sa kanya?"

"Ha?? A-ano bang p-pinagsasabi mo... S-syempre hindi.. Palabiro ka talaga minsan..."

"Sus... Ako pa niloloko mo... Eh bakit namumula ka?"

"Kumain kasi ako ng kamatis kaninang umaga hehe..."

"Edi wow... Isa lang masasabi ko sayo, Rachel... Ang panget ng taste mo sa lalaki..."

"Hindi naman panget si Zack ahh??"

"Alam ko... Pangit parin taste mo.. Tara na nga baka nandoon na si Miss Chavez."

Hindi na kami nagusap pa uli ni Haley ng ilang sandali lang ay nakarating na kami sa room at maupo sa aming sariling upuan.

Agad na pumasok si Miss Chavez sa classroom at agad na naupo saka ngumiti saamin.

"Nabusog ba kayo sa mga baon nyo o kinain nyo kaninang lunchbreak?" tanong ni Miss Chavez sa lahat na agad naman na nagsisagot ng 'Opo'.

Hindi na nakipagkwentuhan pa si Miss Chavez at inumpisahan na nitong magturo sa Mathematics.

Arghh... I hate math... Inaantok lang tuloy ako habang tinuturo ni Miss Chavez yang math..

Habang nakapalumbaba at inaantok ay hindi sadya na napatingin naman ako sa gilid ko kung saan nandoon si Zack at tahimik na nakikinig sa discussion ni Miss.

Hindi naman pangit si Zack ahh... Hindi ko alam kung bakit sinasabi ni Haley na ang pangit ng taste ko sa lalaki... Palibhasa kasi pili siya sa mga ginugusto niya eh...

Hindi naman totally na gusto ko na talaga siya, naiinteresado lang ako sa kanya yon yun.

Matangos ang ilong niya...

Maganda ang mga mata at pilik-mata...

Maputi rin naman siya....

Matangkad din...

At yung labi...

Yung labi....

"Miss Tan?"

"Miss Rachel Tan!!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tinawag ni Miss Chavez ang pangalan ko at nagtataka na nakatingin ito sakin ng lingunin ko siya.

"Nakikinig kaba sa ipinapaliwanag ko, Miss Rachel?"

"Y-yes po, Miss."

"Mabuti naman kung ganun."

Nakahinga ako ng maluwag ng magpatuloy na uli si Miss Chavez sa kanyang discussion at nagulat naman ako ng biglang paglingon ko sa side ni Zack ay nakatingin na ito sakin at halos maramdaman ko ang paginit ng pisnge ko.

Shit.... Alam niya bang tinititigan ko siya kanina pa kaya agad siyang tumingin sakin??

Ipinilig ko ang ulo ko at nakinig na lang ng mabuti sa itinuturo ni Miss Chavez saka ko sinulat sa notebook ko ang mga binibigkas niya at sinusulat sa blackboard.

Ilang oras pa ay natapos narin ang klase at tumunog na ang bell na senyales na oras na ng uwian.

Napaunat-unat na lang ako ng katawan at inalagay ang mga gamit ko sa loob ng bag saka ako tumayo at lumapit sa table ni Haley.

Binalingan ko naman ng tingin si Zack ng nagaayos ito ng gamit niya atsaka niya isinakbit sa likod niya ang bag niya saka ko siya sinundan ng tingin ng lumabas na siya ng classroom.

Bumaling agad ako ng tingin kay Haley...

"Haley... Hintayin mo na lang ako sa gate ha?" sabi ko dito habang sinusuklayan niya ang maikli niyang buhok.

"Ha? At bakit naman? Saan ang punta mo?"

"Susundan ko lang si Zack... Diba sinabi ko naman sayo hihingi ako ng tawad at magpapasalamat narin."

"Ahh osige... Bilisan mo lang ha."

"Oo...Thank youu!!"

Huling sinabi ko sa kanya bago ako tumakbo palabas ng classroom at hinabol ng tingin si Zack. Tumakbo na ako dahil medyo malayo narin siya.

Sinundan ko ng tingin si Zack ng makalabas na ito ng building at naglalakad na patungo sa kabilang building kung saan nandoon ang library..

Ano kaya gagawin niya sa library? Syempre magbabasa ng libro kabobahan mo rin Rachel eh!!

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakalapit na ako sa kanya at tinawag siya kaya agad itong huminto saka seryosong tiningnan ako.

"Zack..."

"Bakit?"

"Gusto ko lang sana magpasalamat sayo..." bitin kong sabi dahil hanggang ngayon ay naghahabol parin ako ng hininga. "Salamat kasi tinulungan mo ako at iniligtas doon sa manyakis..."

"Ahh... Wala yon."

"Atsaka sorry nga pala... Sorry kung nasampal kita.. Sobra lang kasi talaga yung galit ko nun eh... Sorry talaga."

"Wala yon."

Ayon lang? Ayon lang yung sasabihin niya? Wala yon? Akala ko pa naman arghhh!! Sabagay siya si Zack eh!! Yung Zack na walang pakialam sa paligid niya...

"Wala kana ba sasabihin pa?"

"H-ha?"

"Wala kana bang sasabihin pa dahil mauuna na ako at may kailangan pa akong asikasuhin sa library..."

"Ahh...."

Tatalikod na sana siya at maguumpisa ng maglakad ng tawagin ko uli ang kanyang pangalan.

"Zack.... Thank you." sincere kong sabi sa kanya habang matamis na nakangiti.

Napabuka ng unti ang bibig nito habang nakatitig sakin ng matagal, sobrang tagal.

Agad ko rin naman binasag yung momment na yon at agad na nagpaalam sa kanya dahil baka naiinip na si Haley kakahintay sakin sa gate.

"Bye, Zack... See yah."

"O-okay..."

Nakangiti na kinawayan ko siya habang tumatakbo na ako papalayo. Hindi ko agad naiwasan na mapangiti ng sobra habang naglalakad na ako palabas ng school.

"Ang tagal mo." nakangusong sabi ni Haley saka lumapit sakin.

"Sorry hehe!!" nakangiting sabi ko sa kanya at nagumpisa na kaming maglakad paalis.

-Miracle_Gorgeous