"Charmelle, tapos ka na bang mag-ayos? Pinapatawag ka na ng daddy mo sa baba," imporma ni ate Grace habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko.
"Just a moment ate Grace! Naghahanap pa ako ng susuotin!" tugon ko habang isa-isang tinatanggal ang mga dresses sa closet ko. "Bakit kasi late na siyang nagsabi sa akin? Nangangarag tuloy ako," reklamo ko pa. Katatapos ko nga lang maligo kaya may towel pang nakapulupot sa ulo ko.
I heard ate Grace let out a soft chuckle. "Nawala raw sa isip niya. Mabuti na lang at pinaalala sa kanya ng personal assistant niya. Hindi ka pa nasanay diyan sa daddy mong mahilig sa biglaan?"
"Mabuti sana kung simpleng event lang ang pupuntahan namin ngayon, kaso hindi, eh." Humaba na lang ang nguso ko dahil sa inis.
For sure, puro matataas na tao sa lipunan na naman ang makakadaupang palad ko ngayong gabi. I don't really need to impressed them, the hell I care about their opinion, but for my dad's sake, kailangang maging presentable ako sa paningin nilang lahat. Marami pa namang imbitadong reporter sa event na 'yon. Isang maling galaw ko lang, magre-reflect 'yon sa iniingatang image ni daddy. Ayoko namang pagpiyestahan nila kami. I should behave myself tonight.
Inilipat ko ang mga mata ko sa puting sobre na nasa ibabaw ng kama ko. It was an invitation for that charity concert, organized by the former secretary of Social Welfare and Development. The said event will held at the Mariano Hall and it will start at exactly 8 in the evening. Iyong pera na kikitain sa concert na 'yon ay para sa mga batang cancer patient.
"Tulungan na kitang mag-ayos," prisinta ni ate Grace habang nakatuon ang mga mata sa mga nagkalat kong damit sa sahig at kama.
"Mabuti pa nga ate Grace. Baka mag-ala dragon na naman si daddy dahil ayaw na ayaw niyang nale-late," sambit ko na lang. Pasado alas-sais na kasi ng gabi.
Agad namang lumapit si ate Grace sa akin para tulungan akong maghanap ng dress na susuotin ko ngayong gabi.
"Ang dami mo namang mga damit. Nagagamit mo ba ang lahat ng 'to?" namamanghang tanong niya habang iniisa-isang tignan ang iba ko pang dresses na naka-hanger sa loob ng closet.
"Hindi nga, eh. Baka ipamigay ko na lang din. Kung may gusto ka ate, kuha ka na lang."
"Naku, huwag na! Ang mahal mahal ng mga 'to. Hindi bagay sa katulad ko."
"Ate, walang mayaman at walang mahirap pagdating sa pananamit. Nasa pagdadala 'yan," kontra ko.
Ayoko talaga sa lahat ay 'yung minamaliit nila ang sarili nila dahil sa antas ng pamumuhay nila. Ano ngayon kung hindi sila nakakaangat sa buhay? Nakalagay ba sa batas na bawal kang magsuot ng magagarang damit kapag mahirap ka? I don't think so.
Kinuha ko na lang ang isang maroon na v-neck high waisted dress na nahagip ng mga mata ko. Maluwag sa akin ang damit na 'to kaya hindi ko ito nasusuot. Isa pa, masyadong revealing. Not my style. Pero kahit naman suotin ko ito ay wala namang makikita sa akin. I'm not gifted on that department.
"Ate Grace! Try this! Kapag kasya sa'yo, bigay ko na lang," nakangiting bulalas ko dahilan para mamilog naman ang mga mata niya.
"Ang ganda naman 'yan. Sigurado kang ibibigay mo sa akin 'yan?"
"Yep! Sayang naman kung itatambak ko lang diyan."
Napailing na lang siya. "Ikaw na bata ka. Ikaw itong hinahanapan natin ng susuotin, tapos ako itong bibihisan mo. Unahin mo muna ang sarili mo, anong oras na," litanya niya.
"Oo nga pala!" bungisngis ko. Inilapag ko na lang sa kulay gray na ottoman sa paanan ng kama ko ang maroon dress na hawak ko.
"Sa'yo na 'to ate, ha? Huwag mong kalimutan."
"Oo na po, mahal na prinsesa," nakangiting wika niya.
Bumalik na kaming dalawa sa paghahanap ng dress na susuotin ko para sa event at sa wakas ay may nakita rin ako. It was a violet maxi dress with a square neck and lantern sleeves. Perfect!
Dali-dali akong nagbihis sa loob ng banyo at nang lumabas ako ay hinila na ako ni ate Grace paupo sa harap ng dressing table ko. Nagliliwanag ang buong mukha ko dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa bilog na salamin.
"Ang ganda mo talaga. Kailangan mo pa bang ayusan?" puri ni ate Grace habang hawak ang blower at pinapatuyo na ang mahaba kong buhok.
"Ate naman, nambola pa," natatawang tugon ko na lang. Abala ako sa paghahanap ng necklace at earrings sa jewelry box ko na babagay sa suot kong dress.
"Ikukulot ko pa ba ang buhok mo?"
"Huwag na ate, baka magahol na tayo sa oras. Hayaan mo na lang na nakalugay."
"Okay," pinatay niya ang blower at inilapag 'yon sa dressing table ko saka nagpaalam paalis. "Baba na ako para sabihan ko ang daddy mo."
"Thanks ate Grace!"
"Welcome!"
Nang makalabas siya ng kwarto ko ay bumalik na ulit ako sa pag-aayos sa sarili ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at hinati 'yon sa gitna bago suotin ang swarovski crystal bow headband na regalo pa sa akin ni mommy. Bagay na bagay ito sa sinuot kong swarovski infinity set necklace and earrings.
After I dabbed a light make up on my face, I instantly headed to my shoe rack cabinet and search for a pair of shoes that will suit perfectly on my violet maxi dress. Napangiwi na lang ako dahil sa sobrang dami ng mga sapatos ko, nahihirapan na akong mamili.
How about a Stewart Weitzman platinum gold stilletos? Regalo ito ni daddy sa akin last year on my birthday at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nasusuot. Mabinyagan na nga.
Naupo ako saglit para maingat na suotin ang stilletos saka tumayo at naglakad paroon at parito. Tinatantya ko kung hindi ba ako mahihirapan buong gabi kung suot-suot ko ito. Mukhang hindi naman. Komportable naman siyang ilakad kahit mataas ang heels o baka sa umpisa lang?
Well, uupo lang naman siguro ako do'n.
I checked myself on the mirror for one last time. There's a satisfied smile stretching across my rosy lips, amazed at my on my own reflection. I looked so elegant tonight.
"You're so beautiful, Charmelle." I mumbled at myself and laughed playfully after. Purihin ba ang sarili? But there's nothing wrong at loving yourself, right?
Feeling contented with my look, I grabbed my Hermes birkin bag and hurriedly went downstair. And there, I saw my dad, waiting for me in the living room. He's looking grumpy as ever as he eyed me up and down, his arms folded across his chest.
"Mana ka talaga sa mommy mo. Parehas na parehas kayong matagal mag-ayos," nabubugnot na bungad niya sa akin.
Lumapit naman ako kay daddy at inayos ang bow tie niya na medyo tabingi. He's wearing a green tuxedo and his hair was in an ivy league haircut. Singkwenta na siya, pero ang gwapo pa rin ng daddy ko. He really aged like a fine wine.
"Your fault, dad. You told me on a short notice na may pupuntahan pala tayong event ngayon. It's Saturday and you know that I always spend my weekends with my mom but we have to cancel our plans on the last minute because of you," I confronted him, trying my best not to roll my eyes in 360 degrees.
"Pwede ka namang humindi kung ayaw mo akong samahan."
"As if naman papayag ka," I mumbled underneath my breath. "Ngayon ka na lang naman ulit pumunta sa ganitong klaseng event kaya wala namang masama kung pagbibigyan kita. And it's a concert for a cause after all. May magandang patutunguhan naman ang event na 'to kaya sumama na ako."
His face suddenly lit up. "Thanks, bebita."
"Let's go? Baka ma-late na tayo. Ayaw mo no'n, 'di ba?"
Napasulyap naman si daddy sa relo niya saka bumuntong-hininga. "Yeah, right. It's past seven already."
I smiled sheepishly. "Hindi naman siguro traffic ngayon?"
"You hope so," he grunted.
***
The Mariano Hall is located in the heart of this city. It is the biggest multi-purpose event hall in the country build in 1980's and was renovated in year 2000. And to tell you frankly, ma-traffic talaga sa gawing ito kaya saktong alas-otso na nang makarating kami sa venue.
Thankfully, mukhang hindi pa nagsisimula ang mini-concert dahil may mga tao pa dito sa mahabang hallway sa labas lang ng event hall. Nakatambay sila sa bawat poseur table na nakahilera sa gitna. They were all sipping some red wine while listening to the classical music that was softly playing from the event hall.
Pagpasok namin sa loob ay agad na sinalubong kami ng personal assistant ni daddy na si kuya Jervis. Nauna na ito at mukhang kanina pa siya naghihintay sa amin.
"Good evening Miss Charmelle. You looked gorgeous as ever," bati nito sa akin. Sinuklian ko na lang siya ng matamis na ngiti.
"Are the executives already here?" tanong ni daddy. Tumango naman si kuya Jervis saka iginiya kami sa nakareserbang table para sa amin.
Kumapit na lang ako ng mahigpit sa braso ni daddy nang maglakad kami patungo sa pwesto namin habang inililibot ko ang tingin sa paligid. The whole place was packed with guest and as usual most of them were politicians and powerful families, iilan lang pala ang mga celebrity na imbitado. Iyong iba sa kanila ay mga kaalyado ng politiko noong nakaraang eleksyon.
Hindi pa kami nakakaupo ni daddy nang bigla na lang may lumapit sa amin kaya nalipat sa kanila ang atensyon ko. May kaedaran na 'yung lalaki at babae at mukhang mag-asawa ata sila. Kakilala siguro sila ni daddy dahil nakipagkamay siya sa mga ito at nakipagkwentuhan saglit na parang wala ako sa tabi niya.
Pasimpleng pinagmasdan ko na lang ang dalawang kausap ni daddy. The man was wearing a royal blue tuxedo while the woman was wearing a black cut-out maxi dress and her hair was in a perfect high-sleek ponytail. Sa tindig at postura palang, nag-uumapaw na ang pagiging maotoridad nila. They are definitely a power couple. Mukhang matatakot ang kahit na sino na banggain sila.
"Oh, by the way. This is my lovely daughter, Charmelle." Dad introduced me proudly after their little catch up.
The man looked at me with his sharp eyes, as if he was studying me from head to toe. I just gave him a nervous smile as I took a little step backward to simply hide myself at my dad's back.
"What a lovely lady! You looked exactly like your mom," he said casually, quickly melting away my fear of him. Bahagya pa akong nakahinga ng maluwag nang mahimigan ko ang saya sa boses nito, na tila naaaliw siya sa akin.
"You know my mom?" I asked, looking over my dad's shoulder, like a turtle drawing out its head from the shell.
The man nodded and smiled. "Of course. Your mom and I attended the same university. And she's a bit popular there," pagkukuwento nito. "Just call me tito Alfred. I'm glad to finally meet you."
Inabot ko na lang ang kamay niya nang ilahad niya ito sa harap ko para makipag-handshake. Kahit paano kapag nangiti ito, nawawala ang pagka-istriktong ekspresyon sa mukha niya.
"And this is my wife, Monique." He introduced his wife.
Dumako naman ang tingin sa akin nung ginang. She was smiling at me but I felt something at the way she stare. Magkatulad sila ni tito Alfred, parang kinikilatis at sinusukat niya ang buong pagkatao ko sa mga tingin niyang 'yon. Nakaka-intimidate!
Nakipagkamay lang sa akin 'yung asawa ni tito Alfred at tipid na ngumiti na lamang ako. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na sila para bumalik sa table nila. I let out a sighed of relief the moment they disappeared from my sight. Para akong na-suffocate bigla sa presence ng mag-asawang 'yon.
"Who are they? Business partner mo?" usisa ko kay daddy nang makaupo na kami sa table namin na puro mga executive at director ng kompanya ni daddy ang nakaupo. Kilala na nila ako kaya hindi na namin kailangan ng bonggang introduction.
Dad shook his head as he aid to my inquiry. "No. But Alfred is a good friend. Ngayon lang siya nagpunta sa ganitong klaseng event kaya siguro ngayon mo lang din siya nakilala. He owns a car manufacturing here in the Philippines."
"I see," I frowned a little bit when a gush of familiarity suddenly hits me. "Parang may kahawig si tito Alfred pero hindi ko matandaan kung sino."
"Hmm. Have you met his son or his daughter? Sa pagkakatanda ko, kay Alfred nagmana ang dalawang anak niya at kamukha niya ang mga ito. Baka nakita mo na sila?"
Sinubukan kong alalahanin kung nakasalamuha ko na ba sila pero wala talaga akong matandaan. Pero sigurado ako na may kamukha talaga si tito Alfred, eh. Nagkibit-balikat na lang ako. Marami namang magkakahawig sa mundo.
"I don't think I've met his son or his daughter. Hindi naman ako mahilig makipag-socialize sa mga anak ng mayaman," tugon ko na lang.
Tumango-tango na lang si daddy saka bumaling na sa mga kasama namin sa table. Ako naman ay muling iginala ang mga mata ko at isa-isang sinuri ang mga bisita dito sa loob ng event hall. Nagbabaka-sakali ako na matatagpuan ko si Rena, pero hindi ko siya mahagilap. Kahit ang parents niya wala rin. Hindi ba sila nagpunta? Imposible naman. Always present si Governor kapag may ganitong klaseng event. First time na hindi ko siya makikita.
***
30 minutes na lang at malapit nang mag-alas nuebe. 8 p.m ang start ng mini-concert pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisimula. Nagkakaroon na nga ng commotion sa loob kaya lumabas muna ako para magtungo sa powder room.
Papaliko na sana ako sa kanang pasilyo nang may matanaw akong pamilyar na pigura ng isang lalaki sa may lobby. Ramdam ko ang kakaibang saya na nagsusumiksik sa puso ko nang masilayan ko ang gwapong mukha nito. Para siyang isang prinsipe sa suot niyang puting tuxedo.
Naimbithan rin pala siya dito?
Bahagyang bumuka ang bibig ko para tawagin si Cairo pero natigil ako nang mapagtanto kong hindi pala siya nag-iisa sa lobby. Hinarap niya ang kasama niyang nakaupo sa mahabang sofa. Nakatungo 'yong babae pero nasisiguro kong girlfriend ni Cairo ang kasama niya.
"Talagang ngayon mo pa napiling sabihin sa akin 'yan, Clarisse?! Alam mo ba kung anong araw ngayon?!" sigaw ni Cairo kaya napaigtad ako dahil damang-dama ko ang galit niya.
Dapat ay umaalis na ako, pero heto ako at nagtatago sa likod ng malaking pintuan ng lobby at nakikinig sa usapan nila. Napaka-tsismosa mo talaga Charmelle!
"Why can't you just support me? Alam mong matagal ko nang pangarap 'to, Cairo. I can't turn it down!" pasigaw na tugon ni Clarisse.
"Pwede mo namang tuparin ang pangarap mo, kahit nandito ka! Kailangan mo ba talagang umalis?"
"Cairo naman, eh. Walang opportunity dito para sa akin pero sa London, marami." Tumayo si Clarisse para abutin ang kamay ni Cairo pero winakli ito ng huli. Kitang-kita ko ang gumuhit na sakit sa mata ni Clarisse, but at the same time, may determinasyon sa mga mata niyang 'yon. "Kahit sa ayaw at sa gusto mo, aalis pa rin ako. Buo na ang desisyon ko!"
Cairo only looked at her in disbelief. He opened his mouth, but no words were coming out so he just bit his quivering lips.
"You know how many times I got rejected, pero ngayon ito na. Finally, makakapasok na ako sa dream school ko sa London. Kung papipiliin mo ko between my dreams and you, I'm sorry but I will choose this." Clarisse continued, like Cairo's feelings didn't matter to her at all. "May isang artist na nagustuhan ang mga gawa ko at susuportahan niya ako hanggang sa maging sikat na painter na ako. Hindi ba, pangarap mo din 'yon noon? Kaya dapat naiintindihan mo ko."
"Naiintindihan ko," Cairo sighed heavily and there's a long pause after that. "Gawin mo kung anong gusto mo, pero sa oras na umalis ka, tapos na rin tayo."
"Cairo! You're being unfair!" frustrated na sigaw ni Clarisse pero hindi umimik si Cairo. "Sinuportahan kita sa pagbabanda mo, kaya dapat suportahan mo rin ako sa gusto ko!"
"Pero umalis ba ako?" malamig na tugon ni Cairo.
"Dalawang taon lang, Cairo." Clarisse mumbled. "I know you hate long distance relationship, but we will make it work, right?" she begged but Cairo didn't listen.
Pumihit lang ito patalikod para layasan na si Clarisse kaya agad akong humakbang ng mabilis paliko sa pasilyo patungo sa c.r sa takot na baka makita niya ako. Nakakahiya naman kapag nangyari 'yon.
***
Nagtagal ako ng ilang minuto sa c.r kaya nang bumalik ako sa event hall ay pasado alas-nuebe na pala. Rinig na rinig ko ang kanya-kanyang reklamo ng mga bisita dahil inip na inip na sila. Panay rin ang pagtatanong nila kung anong oras ba talaga magsisimula ang concert.
Pagbalik ko sa table namin ay nadatnan ko si daddy na nakatayo at kausap niya ang former secretary ng Social Welfare and Development. Mukhang problemado ito kaya masinsinan ang naging pag-uusap nila ni daddy.
"Anong nangyayari? Bakit hindi pa rin nagsisimula?" pabulong na tanong ko kay Jervis sa tabi ko.
"Wala daw 'yung pianist, hindi nila mahagilap kaya hindi pa makapagsimula," he supplied.
Napasandal na lang ako sa upuan ko at bumuntong-hininga. It's getting late already, baka sa sobrang pagkainip, mag-alisan na ang mga tao.
Napatingin akong muli kina daddy dahil naririnig ko ang pag-uusap nila. They were looking for a pianist, on the spot, pero walang may gustong tumugtog sa mga bisita. Nang dumako ang mata ni daddy sa akin, biglang kumislap ang mga mata nito na tila may naisip itong idea.
I quickly averted his gaze and gulped nervously like I could read what's going on inside his head.
"My daughter can play any instruments. Siya na lang kaya ang gawin mong pianist ngayong gabi?" Dad suggested and I instantly stood up to turn him down.
"No! Ayoko! Baka magkalat ako, nakakahiya! Isa pa matagal na akong hindi tumutugtog ng piano tapos—"
"Please?" The former secretary cut me off and looked at me with his hopeful eyes. "Kahit isang piyesa lang. May natawagan na ako para humalili kaso mayamaya pa siya darating dahil traffic," paliwanag nito. "Pwede bang ikaw na lang muna ang tumugtog? Baka kasi mag-alisan na ang mga bisita, masayang lang ang event na pinaghirapan ko," pangongonsensya pa nito.
And being the kind hearted person that I was, I found myself granting his selfless request. "Fine. Ano po bang tutugtugin?"
"Moonlight Sonata." It was my dad.
I can't help but rolled my eyes infinity times at the first word that came out from his lips. Oh, God! Not that!
***
"Ayos ka lang? Kinakabahan ka ba?" tanong sa akin ng isang staff habang nakaupo ako sa makeup chair sa backstage.
Napansin niya siguro ang maya't maya kong pagngiwi habang hawak ko sa isang kamay ko ang music sheet ng Moonlight Sonata para pag-aralin ito saglit. Saulo ko naman ang piyesang ito, kaso matagal na panahon na talaga akong hindi nakakatugtog ng piano tapos first time na tutugtog ako sa harap ng napakaraming tao. Nakakatakot magkamali.
"I'm fine, pero pwedeng humingi ng tubig? Parang matutuyuan na ata ako ng lalamunan, eh." pakiusap ko.
Ngumiti naman 'yung babaeng staff saka tumango bago magtungo sa may water dispenser para maikuha ako ng maiinom. Nakamasid lang ako sa kanya hanggang sa mapatingin ako sa lalaking bagong dating sa backstage na may hawak-hawak na violin case sa kanang kamay nitong may suot na puting gloves. He was wearing a white tuxedo and a golden mask that's why I could't see his face clearly.
"May pianist na ba?" tanong nito.
"Meron na. Bakit kasi ngayon pa kayo nag-away ng girlfriend mo? Ayan tuloy nilayasan tayo," sermon ng isang staff na kausap nito.
The guy chuckled as he rubbed the back of his head. "Sorry," he whispered.
That voice and gesture, parang kilala ko ito.
Pinagmasdan ko itong maigi. Parang ibinalik ako sa nakaraan ng sandaling 'yon dahil sa alaalang biglang sumagi sa isip ko. Saglit akong napatulala lang sa kanya. That white tuxedo, that golden mask, they were all the same. Ito ang suot-suot ni Moonlight noong unang beses ko siyang makita.
Wala sa sariling tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Kahit natatakpan ng maskara ang kalahati ng mukha niya, napansin ko pa rin ang pamimilog ng mga mata nito nang bigla na lang akong huminto sa harapan niya.
"C-Charmelle?" My name escaped from his lips, sounding a bit baffled.
Parang mapapatid ang paghinga ko dahil sa samu't saring emosyong nararamdaman ko, pero higit na nangibabaw ang labis na kalituhan sa isip ko. Kusang umangat ang kamay ko para hubarin ang maskarang suot niya at nang masilayan ko ang mukha ni Cairo sa likod ng maskarang 'yon, apat na salita ang lumabas sa bibig ko na nagdulot rin ng kaguluhan sa sistema niya.
"Sino ka ba talaga?"