Chapter theme: You're No One 'Til Someone Lets You Down - John Mayer
From the very beginning, she was there. Secretly watching over them. Patiently waiting for the perfect time to finally appear in their lives again. No one knows if she will be a friend or a foe. Everything about her is still a mystery.
***
Nakaupo ang isang babae sa kabilang dako ng Vis La Jam bar habang sumisimsim ng brandy sa kanyang baso. Palihim lamang siyang nagmamasid mula nang magsimulang tumugtog ang bandang Cross Symphonia.
"Sila pala ang bandang tinutukoy mo?" pukaw sa kanya ng lalaking kaibigan na nasa tabi niya. He was also her assistant sa itinayo niyang talent agency dito sa Pilipinas gamit ang perang ipinamana sa kanya ng ama.
A michievous smile stretched across her lips as she nodded her head slowly. There was a visible glint in her eyes as she continued watching the band from afar.
"Magagaling sila, hindi ba?" she stated proudly. "Ang laki na rin ng in-improve nila mula nang umalis ako. I'm really happy for them. Sana pwedeng ibalik ang oras, para sana ako ang kasama nila ngayon at hindi ang ibang tao," dugtong niya. Bakas na bakas ang labis na pagsisisi sa tono ng boses niya.
"That was all in the past. Huwag mo nang balikan. They've all move on, you should do that too," pangaral ng kaibigan.
"You're wrong!" asik niya sa kasama saka muling tumungga ng alak. "Hindi gano'n kadaling kalimutan ang lahat. Kaya nga ako bumalik dito kasi gusto ko silang makasama ulit. Gusto kong bumawi sa kanila...gusto kong bumawi sa kanya." Napadako ang mga mata niya sa vocalist ng banda habang sinasabi niya 'yon.
Matagal niya itong pinagkatitigan ng mga mata niyang punong-puno ng samu't-saring emosyon. She missed him so much. Gusto niyang tumakbo paakyat sa stage para yakapin ang lalaking minamahal niya mula pa noon pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Masisira lang ang plano niya, kung magpapadala siya sa bugso ng damdamin niya.
"Kamusta na pala 'yong pinagawa ko sa'yo?" baling ng babae sa assitant niya.
"Nagawa ko na gaya ng inutos mo. She accepted the scholarship we offered nang walang pag-aalinlangan. Sa susunod na linggo na ang flight nito palipad ng London," imporma nito na nagdulot ng ngiti sa labi niya.
"Good. Maasahan talaga kita," she said. Sinalinan niya ng alak ang baso ng assistant niya, kapagkuway inangat niya ang kanya para ipag-umpog 'to. "Cheers!" she said gleefully.
There are so many reasons for her to celebrate tonight. Mapapatalsik na niya sa buhay ni Cairo ang girlfriend nito kaya nalalapit na ang panahon para muli siyang umeksena. Everything is going according to her plan at walang makakahadlang pa sa kanya. Kaunting-kaunti na lang ang gagawin niyang paghihintay.
Pinanuod niyang muli ang banda na patuloy lang na tumutugtog hanggang sa magkaroon na ng kaunting hidwaan sa pagitan ng mga nanunuod. Nasaksihan niya ang lahat, maging kung paano libakin at batuhin ng kung ano-ano ang gitarista ng bandang iyon.
"I think we need to get out of here," bulong sa kanya ng kanyang assistant nang magsimula nang sumiklab ang tensyon sa loob.
Imbes na sumunod ang babae sa kanyang assistant, ay nanatili lamang siyang nakaupo na tila naaaliw pa sa nakikita. Para siyang nanunuod ng isang munting palabas. Napailing-iling na lang siya nang biglang hinalikan ng gitarista ang isang babaeng nagtanggol dito.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Euclide," komento niya.
Sunod na tinignan naman niya ang drummer ng banda na kalmado lang sa kabila ng nangyayaring gulo.
"Ariz, you're still a responsible guy, just like before. Mukhang mas lalo ka ring nagmature," naibulalas niya na may halong paghanga para sa dating kaibigan.
"Cai," she whispered nang masilayan niya ito kahit sa malayo. "Bumalik na ako, Cairo. Konting hintay na lang, itutuloy natin ang ating sinimulan. Gagawin ko ang lahat para maging akin ka ulit," she promised. And with that, she gave him one final glance bago nagpasyang lisanin ang lugar na 'yon.
Pagkatayo niya mula sa pwesto niya ay hindi sinasadyang nabangga siya ng isang babae.
"Sorry," agad na paghingi ng tawad sa kanya nung babae. Ngumiti na lang siya.
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ba kita?" tanong nito.
Umiling siya. "I'm fine. Hindi naman gano'n kalakas ang banggaan natin."
Ngumiti ang babaeng nakabangga sa kanya na tila nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ang sagot niya. Bahagya pa itong yumukod bago magtatakbo papalabas ng bar. Saglit niya lang itong sinundan ng tingin bago bumaling sa kasama niyang nakaalalay sa likod niya.
"Lets go," aya niya bago suotin ang itim na bullet cap niya upang kahit papaano ay walang makakilala sa kanya.
Hindi siya maaaring makita ng mga dating kaibigan niya, dahil hindi pa ito ang nakatakdang panahon para sa muli nilang pagtatagpo.
Because in every story, there are many more chapters yet to be told. She was a fraction of their past, a past that will always haunt them.
***
Charmelle
Patakbo akong lumabas ng bar nang may nabangga akong isang babae. Muntik pa siyang mabuwal pero mabuti na lang ay nakaalalay sa likod niya ang lalaking kasama niya.
"Sorry," agad na paghingi ko ng dispensa.
Ngumiti naman 'yung babae sa akin kaya hindi ko maiwasan na saglit siyang pagmasdan. She's a bit taller than me. Maganda at mukhang fashionista nito. May pagka-blonde ang medyo kulot na buhok nito.
"Ayos ka lang? Nasaktan ba kita?" tanong ko.
Umiling ito. "I'm fine. Hindi naman gano'n kalakas ang banggain natin."
Ngumiti na lang din ako sa kanya saka yumukod nang kaunti bago nagtatakbo ulit para sundan na si Chianna. Nang makalabas ako ng bar ay naglakad-lakad ako sa sidewalk habang lumilinga-linga sa paligid.
"Chianna nasaan ka?!" sigaw ko ng ubod lakas, hindi alintana ang pagtingin sa akin ng mga taong nakakasalubong ko.
Diretso lang akong naglakad kahit pa hindi ko kabisado ang lugar na ito. Umihip ang malamig na hangin kaya napatigil ako sa paghakbang at napayakap ako sa sarili ko. Medyo aandap-andap pa ang ilaw sa kalsadang nilalakaran ko kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba. Wala naman sigurong mga bad guys sa paligid, no? Isa pa may cctv naman ata sa bawat sulok ng lugar na 'to. Safe naman siguro dito.
Hahakbang na sana akong muli nang bigla na lang may humawak sa balikat ko. Sa sobrang nerbyos ko, napapikit ako at napatili ako ng husto para makuha ang atensyon ng kahit na sino lalo na nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa balikat ko.
"Aaaah! Don't touch me! Help!" paulit-ulit na pag-eeskandalo ko.
"Hey! Hey! It's me. Hindi ako masamang tao," wika ng kung sinumang Pontio Pilato na bigla na lang humawak sa akin.
Iminulat ko ang mga mata ko at agad itong nanlisik nang bumungad sa harapan ko si Yago. Nakataas na sa ere ang dalawang kamay nito.
"Where's your friend. Is she okay?" tanong niya sa akin.
"Ninakawan mo ng halik ang kaibigan ko, sa tingin mo, okay lang 'yon?!" singhal ko sa kanya saka siya nilampasan.
"Tulungan ka na naming maghanap!" pahabol na sigaw nito pero hindi ko siya nilingon.
Bahala siya. Ayokong makipag-usap sa kanya dahil baka sa kanya ko maibunton ang lahat ng inis ko at masabunutan ko lang ang hanggang leeg na buhok nito.
Bumalik ako sa kung saan naka-park ang kotse namin, nagbabaka-sakaling nando'n lang pala si Chianna, kaso pagbukas ko ng pinto sa backseat, wala rin siya do'n. Saan kaya siya nagsususuot? May lahing ninja ba si Chianna at may pag-disappearing technique pang nalalaman ang bruhang 'yon?
"Manong, nakita niyo ba si Chianna?" tanong ko sa driver namin.
Nilingon niya ako na nakakunot ang noo. "Si Chianna? Hindi ho, Miss Charmelle. Hindi ba't magkasama ho kayo sa loob?"
"Opo eh, kaso may nangyari kasi. Bigla na lang siyang umalis," nanlulumong tugon ko. "Sige po, hanapin ko lang muna siya tapos uwi na po tayo."
Isinara ko ang pinto ng kotse at dinukot ang cellphone sa pouch ko. Wala na akong maisip na gawin kundi ang humingi ng tulong kay Rena. Sana gising pa siya. Alas-onse na pala ng gabi.
I dialed Rena's number and to my relief, Rena answered the call after one ring.
"Kamusta kayo diyan? Enjoy ba?" bungad niya na tila may nginunguya pa. Naririnig ko kasi ang paglagutok ng kung anumang kinakain niya sa bibig niya.
"Bru, si Chianna, hindi ko makita," I informed her trying my best to keep calm.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Chianna nawawala."
"Ano?! Paano nangyari 'yon, eh magkasama kayo?" takang tanong nito.
Napapadyak na lang ako dahil nagpipigil akong maiyak sa sitwasyon na 'to. "Ang gulo. Hindi ko ma-explain. Pumunta ka na dito, please? Alam mo naman na mahina ako sa ganito. Hindi ko kayang mag-ayos ng gulo."
"Sige! Papunta na ko. I'll be there in 10 minutes. Keep me posted, okay? Ingat ka rin diyan," bilin niya bago ibaba ang tawag.
Sunod na tinawagan ko naman si Chianna pero panay lang ang ring ng cellphone niya. Nang may mahagip akong parang may umiilaw sa loob ng backseat, napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok.
Walang hiya ka, Chianna?! Bakit hindi mo bitbit ang cellphone mo?!
"Chianna naman, bakit mo ba ako pinapahirapan?" kagat-labing sambit ko habang naluluha na.
Abot-abot na ang kaba sa dibdib ko dahil sa labis na pag-aalala. Baka mamaya, may nangyari nang masama do'n. Hindi pa naman kami pamilyar sa lugar na to. Iilan lang pati ang poste ng ilaw sa kalsada na gumagana.
"Are you okay?"
Napalingon ako sa gilid ko nang maramdaman kong may lumapit sa akin. Bahagya pa akong natulala dahil hindi ako makapaniwala na kinakausap na ulit ako ni Cairo matapos niya akong iwasan ng tingin buong gabi.
"Ayos ka lang?" tanong niya ulit. Tipid na tumango na lang ako bago siya talikuran.
Naglakad-lakad akong muli para hanapin ulit si Chianna. Mula sa likod ko ay naririnig ko ang mga yabag ni Cairo na tila sinusundan ako.
"Hindi ba parang ang OA ng kaibigan mo para umiyak ng gano'n? To think na may gusto naman siya kay Yago, 'di ba? Maswerte nga siya at may pa-fan service si Yago sa kanya," biglang bulalas ni Cairo na sinundan niya ng mahinang tawa kaya napatigil ako sa paglalakad para pumihit paharap sa kanya.
"Excuse me?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Parang hindi ko ata nagugustuhan ang tabas ng dila niya.
"O, mukhang ikaw lang 'yung OA at hindi 'yung kaibigan mo. Hindi naman na bata 'yon para maligaw," dugtong niya saka isiniksik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.
Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko dahil sa mga binibitawan niyang salita. May sapi ba ang isang 'to? Para kasing ibang tao ang kaharap ko ngayon.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Unfortunately, si Cairo nga 'to. I laughed bitterly. I never thought that he's some kind of a jerk. What a real let down.
"So, OA na palang mag-alala sa kaibigan ngayon?" pasaring ko.
Ayoko nang aksayahin pa ang oras ko sa kanya kaya nilayasan ko na siya at mabibilis ang mga hakbang na ginawa ko makalayo lang sa kanya. Pero ang walang hiyang Cairo ay sinundan-sundan pa rin ako. Malakas ata ang trip nito ngayong Gabi
"Wait!" pigil niya sa akin at hinarangan pa ang dinaraanan ko.
"Ano ba?!" bulyaw ko sa kanya. My patience is wearing so thin this time.
"Bumalik ka na lang sa kotse niyo. Kami na ang maghahanap sa kanya," he commanded in his most icy voice. "Nagmumukha ka na kasing stupid sa ginagawa mo," he tsked before he walk away, leaving me dumbfounded.
Ang ewan niya na talaga!
"Huwag mo kong inuutus-utusan! Gagawin ko kung anong gusto ko!" naiinis na sigaw ko sa papalayong bulto niya.
Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali niya! Magsama-sama sila ng kabanda niya. Sarap nilang pagbuhulin!
That's it! Mukhang hindi ko na pala siya kailangang kaibiganin at kilalanin ng husto. Ngayon palang, nakikita ko na kung ano ang tunay na kulay niya. Color black, kasi maitim ang budhi niya! Hindi ko matanggap ang mga pinagsasabi niya sa amin ng kaibigan ko.
Bakit ko nga ba napagkakamalan na si Moonlight ang lalaking 'yon? Napakasama naman pala ng ugali niya. Si Moonlight, mabait at gentleman. He never treated me this way unlike that annoying Cairo.
"Oo nga pala—"
"O, bakit bumalik ka?" pagtataray ko habang nakapamewang.
He just let out a tired sigh as he looked at me with those unexpressive eyes. And somehow, it sent shivers down my spine. Ayoko ng paraan ng pagtitig niyang 'yon. Parang surang-sura siya sa presence ko. And it hurts. Ano bang nagawa kong masama sa kanya para magbago bigla ang trato niya sa akin?
"Nakita na ni Yago, 'yung kaibigan mo. Magkasama sila do'n sa park na malapit lang dito. Sumunod ka na lang sa akin kung gusto mo."
Wala na akong ibang choice kundi ang sumunod na lang sa kanya kahit pa hindi na ako komportable na makasama siya. Tinext ko na lang muna si Rena para ipagbigay alam dito na natagpuan na namin si Chianna habang tahimik na sinusundan ko si Cairo.
***
"Chianna! Bwisit ka! Pinag-alala mo ko. Akala ko kung saan ka na nagpunta!" bulyaw ko sa kaibigan ko nang madatnan ko ito sa park na sinasabi ni Cairo. Kasama nga nito si Yago at mukhang okay naman 'yong dalawa.
Napatayo si Chianna sa kinauupuan para salubungin ako nang maglakad ako palapit sa kanila. Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa mga oras na 'yon dahil sa pagod at idagdag mo pa ang labis na pag-aalala ko para sa kaibigan kong may pag-run away na drama.
Kinulong naman ako ni Chianna sa isang mahigpit na yakap nang mapansin niya ang nangingilid kong luha. Naiiyak na kasi talaga ako mula pa kanina, pero hindi ko magawang ilabas.
"Charmelle! Sorry kung bigla na lang akong umalis. Huwag kang magalit sa akin, please?" paglalambing nito habang yakap-yakap ako.
Mahina ko siyang itinulak palayo sa akin para sermonan siya. "I'm not mad! Pero sa susunod, huwag kang bigla-bigla na lang nawawala. Alam mo bang nataranta ako? Pati tuloy si Rena naistorbo ko dahil sa labis na pag-aalala ko sa'yo! Kainis ka!" humahangos na saad ko at tuluyan na talaga akong napaiyak sa harapan nilang lahat.
"Don't cry, please. Sorry talaga."
"Lagot ka kay Rena, akala mo diyan!" sumisinghot-singhot na pananakot ko sa kanya habang nagtataas-baba ang balikat ko.
"Balik na tayo do'n?" aya nito kaya tumango na lang ako at sumunod na ako sa kanya nang igiya niya ako pabalik ng Vis La Jam.
Tahimik na nakasunod naman sa likuran namin sina Cairo at Yago. Kumunot ang noo ko nang masilayan ko rin si Ariz. Hindi ko na napansin na kasama na rin pala namin ang isang 'to.
Walang nagsasalita sa amin kahit nang makarating na kami ulit sa tapat ng entrance ng bar.
Ilang saglit pa ay may mabilis na motor na dumaan sa gilid namin at bigla itong tumigil sa harapan namin na tila hinaharangan kami. Lahat kami ay gulat na gulat habang nakatitig lang do'n sa motor. It was a Ducati Panigale V4 R! Wow!
Bumaba ang tingin ko sa taong lulan ng astig na motor na yon. Nakasuot ito ng pajama na pinatungan niya lang ng leather jacket niya.
At sinong matinong tao kaya ang magda-drive ng ganitong klaseng motor na naka-pajama lang at pupunta sa ganitong lugar? Kaloka siya.
And as if on cue, hinubad ng taong lulan ng motor ang helmet niya para masagot ang katanungan ko. Halos malaglag ang panga naming lahat nang sumambulat sa amin ang mukha ni Rena.
"Anong nangyari dito?" alalang tanong nito nang makababa siya sa motor niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya pero mukhang wala siyang pakialam do'n.
"Rena! Buti naman dumating ka na!" salubong ko sa kanya nang makabawi ako sa labis na paghanga ko sa kanya.
"Tinatanong ko kung anong nangyayari dito?!" galit na tanong nito.
Hindi kami makaimik ni Chianna sa takot dahil para niya kaming lalamumin ng buhay. Ugh! Bakit pati ako? Wala naman akong kasalanan!
Nang walang makuhang sagot ay tinapunan niya ng masamang sulyap 'yung tatlong lalaki na kasama namin. Sabay-sabay namang napalunok ang mga ito dahil sa nerbyos at hindi rin nila magawang magsalita.
"Chianna! Charmelle! May kausap ba ko dito o wala? Ano ba?! Isa pa, what the hell is happening here?!" sigaw ni Rena na parang mala-kulog kaya napaigtad kami ni Chianna.
"Si Yago kasi! B-Biglang hinalikan si Chianna! Tapos umiyak si Chianna at ang loka biglang tumakbo na lang sa kung saan! Akala ko nawawala na siya kanina," mabilis na sagot ko dahil baka maging halimaw na talaga si Rena kapag naubos ang pasensya nito.
Lalong uminit ang namumuong tensyon sa pagitan namin. Tinignan ni Rena si Yago mula ulo hanggang paa. Agad naman itong napataas ng dalawang kamay na parang isang pulis ang kaharap niya at sumusuko na siya.
"I'm sorry it's my fault I suddenly kiss—"
Yago was cut off from his explanation when Rena suddenly punch him straight in the face! Kanya-kanya kami sa paghiyaw dahil hindi namin inaasahan ang ginawa ni Rena.
Tutop ko ang sarili kong bibig habang pinapanuod ko lang sina Chianna at Rena na nagbabangayan. Chianna wants Rena to apologized, but Rena was so stubborn.
"Woaaaah! Pare, okay ka lang?" Dinaluhan nina Cairo at Ariz si Yago para tulungang tumayo ang kaibigan nila nang mahimasmasan sila.
Sa lakas ba naman ng sapak ni Rena, bumagsak si Yago sa semento. Medyo nagdudugo rin ang gilid ng labi nito.
"Yeah, ok lang ako. Ang lakas mo sumuntok, Miss," patawa-tawang saad ni Yago na napapangiwi naman.
Well, I can't blame Rena. May kasalanan rin naman talaga si Yago. Hindi dapat siya basta-bastang nanghahalik kung walang permiso. Mali 'yon. Pero kung kay Chianna na mukhang head over heels na kay Yago, iba ang paniniwala nito.
Susugod pa sana ulit si Rena pero humarang ang kaibigan namin sa harapan niya at itinago sa likod nito si Yago.
See? Iba talaga ang dulot ng pag-ibig sa babaeng 'to.
"Rena! Stop it!" mariing utos nito. "Magsorry ka sa kanya!"
"What?! Hoy Chianna! Are you out of your mind?" Napahilot si Rena sa batok niya na parang puputok na ito. "No. You're really insane! Bakit ako magsosorry sa kanya? Binastos ka ng lalaking yan!"
"Ah, basta magsorry ka! Tignan mo, paano na lang kung nasira mo ang mukha niya? Kawawa naman siya," pagtatanggol ni Chianna kay Yago. Humarap pa talaga siya sa lalaking 'yon para punasan ang nagdurugong labi nito.
Eh, 'di kayo na ang sweet.
"Hoy, Chianna! Ako pa mali ngayon?! The hell! Bakit ako magsosorry?! Binastos ka ng lalaking 'yan! Kaya tama lang sa kanya 'yan!" singhal ni Rena na halos napapapadyak na sobrang inis.
Maging ako ay napapailing-iling at napapa-face palm na lang sa diskusyon nila.
"Say sorry to him na bru, hindi naman din kasi tama na bigla kang nananapak eh," pagpapakalma ko na lang kay Rena para matapos na ang lahat ng 'to. Uwing-uwi na ko!
"No!" pagmamatigas niya, as usual.
"Okay lang. Nag-alala lang siya para sa inyo. Wala lang 'to," nakangiting sambit ni Yago.
Rena tsked as she throw a deadly glare at Yago. If looks can kill, paglalamayan na talaga ang isang 'to.
"Okay lang pala, eh! Kung baliin ko na rin kaya 'yang braso mo? Ang bilis, ah! Akbayan agad?"
"Rena naman!" suway ni Chianna. Kilig na kilig ang loka dahil ang lapit nila ni Yago sa isa't isa.
I can't help but smile at them. To be honest, they looked good together.
Biglang dumako ang tingin ko kay Cairo. Huling-huli ko na nakatitig pala siya sa akin kaya medyo na-conscious ako. Akala ko mag-iiwas siya ulit ng tingin pero parang naka-glue ang mga mata niya sa akin na tila may gusto siyang sabihin. Hinintay ko ang pagbuka ng bibig niya pero sa huli ay nagkamot lang ito sa batok niya at tumingala na lang sa langit.
Ano ba talagang problema ng isang 'to? Para siyang hangin, pabago-bago ang ihip.
"Ugh! Bahala kayo! Mababaliw ako sa inyo!" napabalik ako sa wisyo nang magsisisigaw si Rena. Mukhang na-stress siya kay Chianna.
Nagprisinta si Yago na ihatid si Chianna kaya hinayaan na lang namin ito. Si Ariz at Cairo naman, naglakad na rin paalis. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko ng sandaling 'yon. Parang may sariling buhay ang mga paa ko at naglakad ito pasunod kina Cairo.
"Cairo!" tawag ko sa kanya.
Wala na akong pakialam kung anong isipin nilang lahat. Gusto ko lang siyang makausap kahit saglit lang, kahit hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya.
Tumigil si Cairo sa paghakbang para lingunin ako. Gaya kanina ay wala akong mabasang kahit na katiting na emosyon sa mukha niya at para naman akong napipi. Walang lumalabas na boses sa bibig ko, kahit anong gawin ko.
"Bakit? May sasabihin ka pa ba, miss?" tugon nito na siyang nagpabigat sa kalooban ko.
Miss talaga? Not Charmelle? Oo nga pala. Hindi naman kami close. Pwede niya akong tawagin sa kahit anong gusto niya. Wala akong karapatan na magreklamo.
Kahit na-offend ako, pinilit ko na lang na ngumiti. "Ahm. Nothing."
"Tsk. Wala ka naman palang sasabihin. Inaksaya mo pa ang oras ko," iritableng wika nito bago ako talikuran.
Biglang nanghina ang tuhod ko sa narinig at akmang babagsak ako pero maagap akong nasalo ni Rena. Nabasa niya ang sakit na gumuhit sa mga 'to at alam na alam ko kung anong pumapasok sa isip niya. Humawak ako sa kamay niya at umiling para pigilan siya sa gagawin niyang pagsugod kay Cairo.
"Rena, hayaan mo na. Ayos lang," I said reassuringly.
Rena's face soften as her hand reach for my cheeks, wiping away my tears. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Iniiyakan ko ang lalaking 'yon na hindi naman mahalaga sa akin.
"You're not okay," she whispered softly, worried evident in her eyes.
"Sira. Okay lang ako. Sanay na ako sa mga taong mabilis magbago. Maliit na bagay," I said jokingly. Idinaan ko na lang sa isang biro ang lahat pero tuloy-tuloy naman ang pag-agos ng luha ko.
Marahas ko itong pinunasan at taas noong hinarap ko si Rena na parang hindi nangyari ang naganap sa pagitan namin ni Cairo. Sa ganito naman ako magaling eh, ang magpanggap na walang masakit.
"Ah! What a long night! Uwi na tayo. Pagod na ako, eh." pag-aaya ko na lang, pilit na iwinakli sa isipan ko ang lalaking 'yon.
He's a jerk, Charmelle. Mas makakabuti nga talagang iwasan ko na lang ang isang tulad niya.