Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 26 - Chapter 24 - The Decision

Chapter 26 - Chapter 24 - The Decision

Chapter theme: Try - Colbie Caillat

Nagising ako dahil sa malakas at galit na boses ni mommy mula sa baba. Mula noong bata ako, bibihira ko lang itong naririnig na nagtataas ng boses kaya naman bahagya akong nakaramdam ng kaba lalo pa't nababanggit niya ang pangalan ni daddy.

Kahit pa namimintig ang ulo ko dahil sa matinding sakit ay pinilit ko pa ring bumangon mula sa higaan ko. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo dahil sa ginawa ko kaya naupo na lamang muna ako at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama at mariing pumikit.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi. Ang natatandaan ko lang, nakipagkita ako doon sa anak ng kaibigan ni daddy at biglang sumama ang pakiramdam ko kaya nagpaalam ako na pupunta akong powder room. Everything that happened after that was a bit hazy. Para akong nasa pagitan ng panaginip at reality. Hindi ko alam kung nangyari nga ba talaga ang mga malabong alaala na naglalaro sa utak ko ngayon o nagpapantasya lang ako.

Whatever. I'll just asked my mom what really happened last night.

Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago ako muling magmulat ng mga mata. Nang maramdaman kong hindi na umiikot ang buong paligid ay dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko. Habang bumababa ako ng hagdan ay palinaw nang palinaw ang mga boses na tila nagtatalo. Those voices belong to my mom and dad.

Nasa sala sila habang prenteng nakaupo lamang si tita Alice sa mahabang sofa na nanunuod pa ng palabas sa t.v na wala namang tunog. Tila wala itong pakialam sa bangayan ng dalawa.

My heart suddenly felt heavy the moment I realized that I am the reason why they were having an argument right now.

"Kahit kailan talaga, hindi ka marunong pumili ng kakaibiganin. Look what happened! Ipapahamak mo pa ang anak mo dahil diyan sa kagagawan mo!" nanggagalaiting bulyaw ni mommy kaya bahagya akong napaigtad.

"I told you! Hindi ko rin naman ginusto na mangyari 'yon! Sino bang magulang ang gustong mapahamak ang sariling anak?"

"Ikaw!" Dinuro-duro ni mommy si daddy kaya napayuko na lang ito at hindi na makuhang umimik pa dahil sunod-sunod ang naging litanya ni mommy. "Ikaw lang naman ang mahilig magpahamak sa amin ng anak mo! Mula noon hanggang ngayon, hindi ka na talaga nagbago, Sergio. You promised me, no harm shall fall with our daughter, but what are you doing right now? I told you to stop making connections with those people who will just use you for their own gain, but you never listen! Hindi ka na ba natuto sa mga nangyari noon?"

Naguguluhang napatitig na lamang ako sa namumulang mukha ni mommy. Parang hindi lang tungkol sa nangyari kagabi ang ikinagagalit niya. Parang meron pa siyang malalim na pinaghuhugutan at may isang bahagi sa utak ko nag-uudyok sa akin na alamin kung ano 'yon.

"Enough," pakiusap ni daddy na halos bumulong na lang sa hangin. Sa hindi malamang dahilan, nahihimigan ko ang takot at guilt sa boses niya.

Sobrang bigat ng atmosphere na bumabalot sa kanila at hindi ko na ito makayanan kaya pumagitna na ako sa kanila bago pa man sila magkasakitan.

"Mom, dad. Please, stop." malumanay na awat ko sa dalawa.

"C-charmelle!" malakas na singhap ni mommy. "Kanina ka pa ba diyan?"

Basa ko ang pangamba at pagkagulat sa mga mata niya pero pilit niyang itinago 'yon sa isang pekeng ngiti.

Tinapunan ko naman ng tingin si daddy at gaya ni mommy ay medyo balisa rin ito at hindi nito makuhang tumingin sa mga mata ko. Marahas na bumuntong-hininga na lang ako.

Just when I thought everything is going well between him and my mom, this shit happens. Parang ayaw ata ng langit na maging masaya ang pamilya ko.

"Stop fighting because of me, please?" muling sumamo ko. Hurt was lingering in my low voice.

I don't want to cry in front of them, but all of my emotions that I bottled up inside of me suddenly burst out. Parang may nagtanggal ng takip na matagal kong hinigpitan ang pagkakasara at umagos ang lahat ng laman nito palabas.

Agad naman akong niyakap ni mommy ng mahigpit habang masuyong hinahaplos ang buhok ko at pinapatahan. Para akong isang bata na sinusuyo-suyo niya.

"I'm sorry, baby. Nadala lang ako ng galit ko dahil sa mga nangyari kagabi. Paano na lang kung napahamak ka dahil sa kagagawan ng ama mo? Ikamamatay ko 'yon, Charmelle."

I shook my head and stared at my mom's face. "It's not his fault. Ako naman ang nagdesisyon na makipagkita do'n, eh. Parehas naman naming hindi alam ni daddy na gano'n ang magiging outcome so please, don't blame him anymore, hmm?"

"Still, he's the one who set you up to meet that guy! Kung pinipili lang sana niya ang mga taong nakakasalamuha niya, hindi sana nangyari 'to," she pointed out.

"It's me who agreed to meet him, mom. Ayoko naman talaga. Hindi rin naman ako pinilit pa ni daddy but I made a deal with him. So, kung may sisisihin ka, isama mo ako doon."

"Deal? What deal?" mom asked with an arch eyebrow.

I heard my dad cleared his throat as if he was silencing me. I guess he doesn't want my mom to know about our secret plan just to save his face.

"Nevermind," sambit ko na lang. "Basta huwag na kayong mag-away ni daddy. Look, okay naman ako, eh. Wala namang nangyaring masama sa akin."

"Well, nakapagdesisyon na rin naman ako," mom said firmly, ignoring my request.

Kumalas ako ng yakap sa kanya dahil hindi ko nagugustuhan ang determinasyon sa mga mata niya ng sandaling iyon.

"Kunin mo na ang lahat ng gamit mo sa bahay ng daddy mo. Starting from this day, dito ka na titira sa akin."

"You can't do that, Aira." kontra ni daddy pero hindi nagpatinag ang mommy ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nasaksihan ko ang pagiging mabagsik ng mala-anghel na mukha ng mommy ko. Na parang ibang tao na ito.

"Of course, I can!" Tumalim ang mga titig niya kay daddy, may paghahamon. "Kaya kong protektahan ang anak ko, Sergio kahit ako lang mag-isa at hindi ka namin kakailanganin pa. Kaya umalis ka na sa pamamahay ko pati na rin sa buhay naming mag-ina!"

"At sa tingin mo papayag ako ng gano'n na lang? Sa akin pa rin titira si Charmelle whether you like it or not!" giit naman ni daddy na nagtaas na rin ng boses.

"Can we just calm down, once and for all!" I snapped at them making them bit their lips to stop themselves from arguing again. "Hindi na ako bata para pag-agawan kaya pwede ba, hayaan niyong ako mag-desisyon sa buhay ko?!"

"My God!" biglang sabat ni tita Alice na kanina pa nanunuod sa amin. Napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya. "Gusto ko lang naman mag-netflix and chill pero nai-stress ako sa inyo. Diyan na nga kayo," iritang usal nito saka tumayo at lumayas.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero dahil sa ginawang pag-eksena ng lokaret kong tita, kahit paano ay bahagyang kumalma na ang sigalot sa pagitan ng parents ko.

"Uuwi na muna ko. Let's talk some other day, kapag malamig na ang ulo mo," pagsuko ni daddy.

"Whatever," mom said, rolling her eyes. Parang mga bata talaga ang mga ito kung minsan.

Hindi na lang pinansin ni daddy ang paghihimutok ng nanay ko at lumapit ito sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap.

"I'm sorry for always failing as a father," he whispered softly.

I hugged him tight, giving him the comfort that he needed. "Don't beat yourself up too much. It's not your fault," I said, pausing for a bit just to bring my lips near his ear. "Don't worry about mom, ako na ang bahala sa lahat."

He kissed my forehead gently and I could feel that he's smiling. "Thank you."

***

"What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Charmelle? Susuwayin mo na ba ako?!" naghuhuramentadong sigaw ni mommy habang palakad-lakad siya sa loob ng kwarto ko.

Nakaupo naman ako sa paanan ng kama ko at hinihintay ko munang kumalma siya bago ako magpatuloy sa dahilan ko. Pinagpipilitan kasi ni mommy na umalis na ako sa puder ni daddy para dito na tumira sa kanya. I turned it down, kaya naman heto at sumama ang loob niya.

"Hindi ba ito ang gusto mo mula noong bata ka? Ang makasama ako sa araw-araw? Ngayong may pagkakataon na, ayaw mo naman. Mas gusto mo na ba talaga diyan sa daddy mo, kaysa sa akin?" paghihinanakit niya.

Tumayo ako at yumakap mula sa likuran niya. I put my chin on her shoulder rocking her body back and forth to calm her down. "Mommy naman, siyempre gusto rin naman kitang kasama palagi."

"Then, what's holding you back?"

"You and dad are not getting any younger. Ayoko naman na iwan siya na mag-isa," paliwanag ko saka pinihit si mommy paharap sa akin at kinuha ang kamay niya para igiya paupo sa kama.

Hinayaan ko muna na balutin kami ng nakakabinging katahimikan habang pinag-aaralan ang mukha ng isa't isa. May pagtutol pa rin sa mga mata niya but at the same time, pilit na inuunawa niya ang nais ko.

"Dad needs me. Ako na lang ang meron siya. Kung aalis ako, wala nang matitira pa sa kanya."

"But I need you too," she croaked.

I hold her hands, gently squeezing it, trying my best to keep it warm. "I know, mommy. At nandito lang naman ako, eh. Nandiyan din si tita Alice sa tabi mo. Panatag ako na kapag wala ako, may tita Alice ako na titingin at mag-aalaga sa'yo. Pero si daddy, wala siyang ibang taong masasandalan dahil kaaway ang turing sa kanya ng mga kamag-anak niya lalo na ang mga kapatid niya. He may always looked so tough, like he doesn't need anyone by his side, but I know deep down, he badly wants some support. And I am the only one who can give that. Because I am his daughter, that's why I just can't leave him alone."

I've waited mom to say something but she remained silent, so then, I continued.

"Noong bata ako, hindi ko pa naiintindihan ang lahat. Wala akong ibang hangad noon kundi ang mabuo tayo ulit pero ngayon alam kong imposible nang matupad ang hiling ko. Unti-unti kinailangan kong tanggapin ang pagbabago sa buhay ko kahit masakit. Kahit ang hirap hirap magsimula ulit. Hindi ko man alam ang dahilan, pero alam kong ito ang makakabuti para sa ating lahat, kasi kayo ang nagdesisyon no'n.

Naging okay naman tayo sa ganitong set up, 'di ba? Malaya na kitang nakakasama kahit kailan ko pa gusto at kuntento na ako doon mommy. Kaya kong gawin lahat ng hilingin mo, pero ang iwan si daddy, iyon ang bagay na hindi ko magagawa. I'm sorry, mommy."

"No, I'm sorry." she conceded as she smiled softly at me. "Tama ka. Hindi ka na bata. Kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo at irerespeto ko 'yon. Gawin mo kung anong sa tingin mong tama."

"Hindi ka na magtatampo?" paniniguro ko.

"Magtatampo pa rin, pero konti na lang," she chuckled.

"I love you, mommy!" paglalambing ko.

"I love you too, baby." she cupped my face, staring at me lovingly. "Go on. Do whatever you want."

***

"To Cairo, thank you for saving me the other tim—"

"Tsismoso ka talaga!" bulyaw ko kay Jasper na nakasilip pala sa likuran ko at binabasa ang sinusulat ko sa maliit na card.

Katatapos lang namin mag-bake ng 6 by 3 na round cake sa subject namin na Fundamentals of Baking and Pastries. Dalawa ang ginawa kong mini strawberry shortcake. Isa para kay Cairo at iyong isa ay para naman kay Celine. Isang linggo na ang lumipas at hindi ko pa rin sila napapasalamatan.

I learned from my mom that they were the one who saved me from Andrew last Saturday. Means, hindi nga ako nananaginip. Si Cairo nga ang nakita ko no'n bago ako mawalan ng malay. Ang pamilya niya ang naghatid sa akin sa bahay nang masagot ni Cairo ang tawag ni mommy sa cellphone ko. He's really a savior.

"Sino ba 'yang Cairo na 'yan? Boyfriend mo?" usisa ni Mitch na nakibasa na rin sa sinusulat ko. Mabilis ko naman itong ibinulsa at pinanlisikan sila ng mata.

"Iyan ata 'yung knight in shining armor niya. Iyong tumulong sa kanya noong nakaraang Sabado. Ayieeeee," gatong pa ni Elaine sa tabi ko.

Nakakapangsisi tuloy na nagkwento ako sa kanya. Nalaman din tuloy nila Mitch.

"Tigilan niyo na si Charmelle. Baka buhusan kayo ng harina niyan kapag 'yan nainis," sabat naman ni Derek mula sa kabilang table.

Agad na sumunod naman 'yung tatlo sa inutos niya kaya nag-thumbs up ako sa kanya.

Sa circle of friends kong ito, thankful ako na may isang matino sa kanila. Iyong circle of friends ko kasi outside the university, wala ring matino doon. Si Rena? Medyo lang. Busy kaming tatlo sa buhay college kaya itong sina Elaine ang madalas kong kasama ngayon and little by little, I am learning to be more open with them.

"Ngayon na ba natin gagawin 'yung plano natin? Excited na ko!" pag-iiba ni Elaine ng usapan.

"Ipagpapaliban pa ba natin? Kailangan na nating gantihan ang gagong 'yon para kay Charmelle, no." sagot ni Jasper. "Ready na ang lahat. Nando'n na sa kotse ko ang mga gagamitin natin."

"Hindi ba tayo mapapahamak diyan?" nag-aalangang tanong ni Derek na lumapit na sa table namin.

"Hindi 'yan! Magtiwala ka sa akin. Ako pa ba?"

"Mukha mo palang hindi na katiwa-tiwala," seryosong wika ni Derek kaya natawa na lang ako. Savage talaga ng lalaking 'to.

"Are you okay with it?" Elaine asked, as if looking for some assurance.

"Oo naman, as long as hindi naman makakasakit ng tao ang gagawin natin, game ako. Gusto ko rin namang maturuan ng leksyon ang Andrew na 'yon."

"Dapat nga sa lalaking 'yon pinuputulan ng ano! Kaso mukhang wala rin naman siyang balls kaya walang mapuputol."

"Honeybunch, stop talking about other guy's balls in front of me," suway ni Jasper sa girlfriend. "I'm jelly jelly," arte pa nito na nakasapo sa dibdib.

"Don't worry, honeybunch! Balls mo lang naman ang gusto ko," nakakalokong saad naman ng huli.

Nakangiwing lumayas tuloy si Derek sa harapan namin dahil sa pag-uusap nung mag-jowa samantalang napa-sign of the cross na lang si Elaine at tahimik na umusal ng dasal. Ako naman ay napatakip na lang sa magkabilang tainga ko.

Ugh, my ears. Tama ba talaga ang desisyon kong makipagkaibigan sa dalawang 'to? Masisira ata ang dignidad ko kakasama sa kanila.