Chapter theme: I Hate You But I Love You - Russian Red
Pinauna ko na sina Elaine sa parking lot dahil dumaan muna ako sa building ng Senior High School. Bitbit ko sa magkabilang kamay ang box ng strawberry shortcake na gawa ko habang umaakyat ako sa second floor. Ang alam ko kapag Wednesday ay same lang na alas-tres ng hapon ang uwian naming college students sa mga senior high. Sana nga at maabutan ko pa si Celine sa room niya.
Nakapagtanong-tanong na rin ako kaya alam ko kung saan ito nagkaklase. Kilala pala ang batang 'yon dito sa senior high dahil palaging top 1 ito hindi lang sa klase niya kundi sa buong section nila.
Pagdating ko sa room nila Celine ay saktong papalabas na ito na sukbit ang backpack sa balikat niya. Humarang ako sa pinto ng room nila na siya namang ikinagulat niya.
"Ate Charmelle!" she squeaked, her eyes were sparkling as if she's happy to see me. "What are you doing here, ate? May hinahanap ka?"
"Yep! I'm looking for you. Gusto ko kasing mag-thank you sa'yo personally," I smiled. "Para sa inyo nga pala ng kuya mo. It's a strawberry shortcake. I bake it for you and for your brother," inabot ko 'yung dalawang box ng cake na hawak ko na malugod niya namang tinanggap.
"Naku, ate! Nag-abala ka pa. At dahil food 'to, hindi ko na 'to tatanggihan!" she beamed. "By the way, are you okay na ba?"
"I'm perfectly fine now. Maliit na dosage lang naman ng party drug ang nilagay niya kaya hindi naman grabe side effects na naramdaman ko bukod sa tulog lang daw ako buong araw tapos medyo groggy lang paggising ko."
"I'm glad to hear that. Mabuti na lang talaga nakita ka namin no'n kundi baka kung saan ka na dinala nung manyak na lalaki," natigilan siya saglit at biglang sumama ang timpla ng mukha niya. "Ano palang nangyari do'n? Nakulong na?"
"Hindi nga, eh. Nakapagpyansa. First offense lang naman daw."
"I doubt it! Eh, sa itsura niyang 'yon, mukhang maraming beses na siyang nang-harass ng babae. Dapat napaparusahan ang mga gaya niya."
"Hayaan mo na. Parating na rin naman ang karma niya," makahulugang wika ko.
"Tara na pala sa parking lot, ate. Tamang-tama nando'n si kuya kasi siya ang sundo ko ngayon."
Bigla namang nag-init ang mukha ko dahil sa narinig lalo pa nang sumagi sa isip ko ang malabong eksena noong Sabado habang nakakulong ako sa bisig ni Cairo at umiiyak sa dibdib niya. Ugh! Nakakahiya! Nakita niya ang vulnerable side ko. Paano ko siya haharapin ngayon?
Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko na napansin na pinag-aaralan na pala ni Celine ang reaksyon ko at hindi nakatakas sa mapanuring mata niya ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Ngumiti ito sa akin na may halong pang-aasar habang nagtataas-baba ang dalawang kilay.
"You like my brother, no?"
"Hindi, ah!" mariing tanggi ko at wala sa loob na pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko dahil na-tense ako sa tanong niya.
"Obvious ka, ate. Huwag mo na i-deny," natatawang saad niya saka hinila na ako. Wala sa sariling sumunod na lang ako sa kanya kung saan man niya ako dadalhin. "Don't worry ate Charmelle, secret lang natin na may gusto ka sa kuya ko," dugtong niya.
Kokontra pa sana ako pero nagsalita pa ulit si Celine. "I like you too for my brother. Kung magkaka-girlfriend man siya ulit, sana ikaw na 'yon."
"G-girlfriend?" Ang advance naman mag-isip ng batang 'to.
"Yes! You're a girlfriend material, so why not? Sa lahat ng babaeng may gusto sa kuya ko, ikaw lang talaga ang bet ko. So, win his heart, okay?" she winked.
Napalunok na lang ako ng sarili kong laway dahil hindi ko alam anong isasagot ko. Gusto ko nga ba talaga si Cairo?
I guess, yes?
***
I keep on fidgeting on the hem of my white chef's coat as Celine and I walked in a bit hurry towards the parking lot. My heart instantly races with so much excitement and nervousness at the same time especially when I saw Cairo from a distance. He's leaning on the bumper of his black Ford mustang with his arms folded across his chest, looking so grumpy as ever. Mukhang nainip na ata sa paghihintay sa kapatid niya.
"Kuya!" tawag ni Celine kaya nag-angat ito ng tingin.
Umaliwalas ang mukha ni Cairo nang magtatakbo si Celine palapit sa kanya, pero agad ding dumilim ang anyo niya nang masilayan niya akong nakasunod dito.
Mukhang hindi niya ata gustong makita ako? Hula ko base sa pagkawala ng ekspresyon sa mukha niya. Ano na naman bang ginawa ko?
"Kuya, look! Nag-bake si ate Charmelle ng cake for us. Hindi ba favorite natin ang strawberry shortcake? Ang galing ni ate Charmelle, no?" pagmamalaki ni Celine kaya tinamaan ako ng hiya.
Ang totoo kay Yago ko nalaman ang favorite ni Cairo. Friend na kasi kami sa facebook tapos nagkaka-chat rin kami paminsan-minsan lalo na kapag nagtatanong ito patungkol kay Chianna. Nanliligaw na kasi siya sa kaibigan ko kaya kinikilatis ko rin ito.
"Hindi ka na dapat nag-abala," walang buhay na sambit ni Cairo kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya. Kinuha niya ang cake na inabot sa kanya ni Celine at binasa ng malakas ang nakasulat doon sa card na siyang ikinagulat ko.
"To Cairo, thank you for saving me the other time. Hope you'll have a great day," he recited before throwing me a short glance. "Really? Ang korni mo naman," he added and laughed mockingly.
Parang gusto ko na lang mawala na parang bula nang mga sandaling 'yon dahil pahiyang-pahiya ako. All my efforts were fruitless dahil hindi naman pala maa-apprecciate ng taong ito ang pasasalamat ko.
"Kuya! Why did you do that?!" sigaw ni Celine sa kapatid. Gaya ko ay hindi rin siya makapaniwala sa inasal sa akin ni Cairo.
I was hurt, pero mas nangingibabaw ang pagkairita ko at hindi ko na magawang kontrolin pa ang emosyon ko. I'm tired emotionally these past few days at gusto ko 'yong mailabas kahit panandalian lang. Siguro dala na rin ng labis na pagsabog ng emosyon ko, pati ang katawan ko ay hindi ko na rin makontrol.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinablot ang box ng cake mula kay Cairo. Tinignan lang niya ako ng buong pagtataka habang binubuksan ko 'yung box at inilalabas 'yung cake na gawa ko. Ang sunod na pangyayari ay mas lalong hindi niya inasahan. Tanging malakas na pagsinghap na lang ang lumabas sa bibig niya nang malakas na isampal ko sa pagmumukha niya 'yung cake na kanina lang ay hawak ko.
Akala ko magagalit si Celine sa ginawa ko pero humalakhak lang ito na tila aliw na aliw. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa parking lot pero hindi ko sila binigyan ng pansin.
"I think that's the right way to say thank you," matabang na sambit ko at pekeng nginitian si Cairo na hindi pa rin nakakabawi sa gulat niya. Nakatitig lang siya sa akin na nakaawang ang mga labi.
Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko kaya sinipa ko naman siya sa tuhod niya dahilan para mapaluhod siya sa isang paa at mapahiyaw sa labis na sakit.
"Langgamin ka sana, bwisit ka!" bulyaw ko sa kanya bago siya tuluyang layasan nang hindi na lumilingon pa.
***
"Iyon pala 'yung Cairo? Anong nagustuhan mo do'n? Eh, mas gwapo kami ni pareng Derek do'n."
"Pwede ba, Jasper! Hindi ko nga siya gusto! Ang sama-sama ng ugali niya kaya uncrush ko na siya!" paghihimutok ko habang nakaupo sa backseat ng kotse ni Jasper na pinagigitnaan nila Mitch at Elaine.
"Eh, di inamin mo rin na gusto mo nga ang lalaking 'yon. Deny ka pa diyan tapos may pag-uncrush naman," pang-aasar ni Elaine kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Chill lang. Marami pa namang lalaki diyan. He's not worth of your time," pagpapakalma naman sa akin ni Mitch na kanina pa hinahagod ang likuran ko.
Habol-hininga kasi ako kanina dahil galit na galit talaga ako dahil sa kabastusan ng Cairo na 'yon. Tapos nasaksihan pa nila Elaine ang nangyari sa parking lot dahil nakatanaw lang sila sa amin mula sa malayo. Mga tsismoso at tsismosa talaga nitong mga kaibigan ko. Mabuti na lang at hindi nila narinig ang pag-uusap namin dahil malalaman nila na ako talaga iyong napahiya kanina. Kawawa naman ang pride ko.
"Awat na. Kay Andrew mo na lang ibuhos lahat ng galit mo. Don't hold back," sabat naman ni Derek na nakaupo sa front seat.
"Mabuti pa nga," nakangusong sambit ko na lang saka sumandal sa upuan matapos akong abutan ni Mitch ng bote ng mineral water. Agad kong naubos ang laman no'n dahil tuloy-tuloy ang paglagok ko ng tubig.
"Elaine," tawag pa ni Derek sa kaibigan namin na bahagyang may paglingon pa sa likod.
"Bakit?"
"Akin na 'yang bag. Mabigat 'yan," he said as he reach out his hand to Elaine.
Nakapatong kasi sa mga hita ni Elaine 'yung malaking bag na may laman na spray net at kung ano-ano pa. Mukhang mabigat nga 'yon.
"Sweet naman ni class president. Ayaw nahihirapan si Elaine," nangingiting sambit ni Mitch na naging dahilan para mamula iyong dalawa.
"Sana all, sweet." gatong ko naman para malipat na kina Elaine ang asaran namin.
Mukhang type rin naman ni Derek itong si Elaine. Madalas ko kasing nahuhuli ito na sumusulyap sa kaibigan ko. Siyempre tahimik lang ako. Ayaw ko naman silang pakialaman sa buhay pag-ibig nila. I'm sure, pinapakiramdaman lang din nila ang isa't isa.
"We're here! Get ready!" anunsyo bigla ni Jasper nang huminto ang kotse niya.
Sabay-sabay na napatingin naman kami sa labas ng bintana. Nasa tapat kami ng isang mataas na building na siyang kinaroroonan ng kompanya ni Andrew dito sa Kinley Business Park — the southern part of Mariano city. Medyo kinakabahan ako sa gagawin namin, pero wala nang atrasan ito.
"Hindi ba tayo mahuhuli?" nangangambang tanong ni Elaine.
"Hindi 'yan. Kaya nga tayo magsusuot ng mask, para matago identity natin," Jasper replied confidently.
Sabagay, nakapagpalit na rin naman kami ng suot. Lahat kami naka-black pants, black shirt at black rubber shoes.
"Paano 'yung kotse mo? Baka makilala sa cctv?" tanong ko.
"Don't worry, dito naman tayo sa blind spot nakaparada. Siyempre bago ako gumawa ng kalokohan, pinag-aaralan ko muna kung sasabit ba tayo o hindi. Iyong plate number ng kotse na 'to? Fake 'yan kaya walang makakahuli sa atin. Tapos susunugin din natin lahat ng ginamit natin ngayon para wala talagang traces."
"May future ka palang maging sindikato, no?" komento ni Derek na tila hindi malaman kung mamamangha ba siya o matatakot kay Jasper.
Nag-pogi pose na lang ang huli. Proud pa ang loko.
"Pati ba itong kotse mo, susunugin mo rin?" usisa pa ni Derek.
"Gago! Walang gano'n, pre. Patay naman ako sa erpats ko niyan. Baka ako ang sunugin niya ng buhay kapag nagkataon."
***
"Anong kulay ng kotse niya Charmelle?" tanong ni Mitch sa akin habang nagsusuot na kami ng maskara ni Joker.
Saglit na kinuha ko ang phone ko at tinignan 'yung picture ng kotse ni Andrew na kuha ko noong magharap-harap kami sa presinto last week. Nakikipag-areglo ito sa akin, pero hindi ako pumayag. I filed a case, pero useless din pala dahil hindi naman nakulong ang hayop. Nagmalaki pa nga.
Sa galit ni daddy, nasapak niya tuloy ito kaya ayun, friendship over na rin sila ng tatay ni Andrew. Good riddance.
"White Bentley Continental GT. Plate number FOL 341," dikta ko sa mga kaibigan ko.
Tumango-tango naman sila habang isa-isang kumukuha ng spray paint. Si Jasper naman ay baseball bat ang kinuha mula sa bag na hawak ni Derek.
"Are you ready to rumble?" sigaw ni Jasper na may pag-drumroll pa.
"Ready!" sabay-sabay naming hiyaw. Our voice were a bit muffled because of the mask that we were wearing.
That's good. Walang makakakilala sa boses namin, if ever.
***
Para kaming sira na nagtatawanan habang binababoy namin ang kotse ni Andrew dito sa underground parking lot gamit ang mga spray paint na iba-iba ang kulay. Kanya-kanya kami sa pagsulat ng kung ano-ano na parang graffiti wall itong kotse.
Si Jasper naman ay mukhang nalibang din dahil wala siyang awat sa pagyupi ng bumper at trunk lids ng kotse. Basag-basag na rin ang lahat ng bintana nito maging ang head lights at tail lights dahil walang habas na pinaghahampas niya ito ng baseball bat. Pati ulo niya sumasabay sa paghampas. Naghe-headbang kasi siya kahit walang tugtog.
"Gusto mong i-try?" tanong ni Jasper nang mapansin niyang pinapanuod ko siya sa ginagawa.
Tumango ako kaya agad niyang inabot sa akin ang baseball bat na hawak.
"Go, Charmelle!"
"Good girl gone bad! Wohooo!"
"Ilabas mo diyan ang galit mo kay Andrew pati sa Cairo na 'yon!" pagche-cheer sa akin ng mga kaibigan ko.
Huminga muna ako ng malalim bago bumwelo sa paghampas.
"Itong bagay sa'yo! Yah!" pinagpapalo ko ang pinto ng kotse ni Andrew hanggang sa ito naman ang mayupi. Minsan lang naman maging bad girl kaya naman nilubos-lubos ko na ang pagsira sa kotse niya.
Tumigil lang kaming lahat sa ginagawa namin nang may marinig kaming malakas na pito mula sa guard.
"Hoy! Kayo diyan? Anong ginagawa niyo?" Bahagyang madilim dito sa underground parking lot kay tinapatan kami ng manong guard ng flashlight.
Gaya ng napagplanuhan, mabilis na kumaripas kami ng takbo papalabas ng building. Sinuwerte pa ata kami dahil matanda na 'yung guard na sumita sa amin kaya hindi na kami nito nahabol. Sorry, po.
Pagbalik namin sa loob ng kotse ni Jasper ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan niya. Hinintay muna naming makalayo kami ng kaunti bago namin pikawalan ang tawang kanina pa namin pinipigilan. Suot-suot pa rin namin 'yung maskara.
"Shit! Kinabahan ako! Akala ko mahuhuli na tayo," kabado ngunit patawa-tawa na bulalas ni Mitch.
"Ako rin! Parang nakalimutan ko ngang huminga kanina," Elaine muttered, her hand on her chest.
"Sabi naman sa inyo, hindi tayo mahuhuli dahil ako ang nagplano," pagyayabang ni Jasper habang nagda-drive. "At kung pumalya man, pulis naman ang tatay ni Derek tapos maraming koneksyon ang tatay ni Charmelle, kaya safe pa rin tayo."
"Okay lang kung mahuli tayo, at least naiganti natin si Charmelle. Ah! Ang sarap sa pakiramdam!" dugtong pa ni Elaine.
"Unforgettable experience din! The best!" Jasper beamed.
"Thank you, guys! Basta talaga sa kalokohan, maasahan ko kayo," biro ko. Bahagyang nakalimutan ko rin ang inis ko Cairo dahil sa ginawa namin.
"Of course, we're friends, eh!" Napangiti naman ako dahil sa tinuran ni Mitch. "Hindi naman kami papayag na makalusot na lang basta ang Andrew na 'yon sa ginawa niya sa'yo. I'm sure, ngawa hard 'yon kapag nakita niya ang kotse niya."
We all laughed just imagining that loser's face. Sayang, hindi namin makikita nang malapitan ang itsura niya.
"So, saan na tayo ngayon after nating masunog 'yang mga ginamit natin?" Derek inquired when we got tired from laughing our ass off.
"Sa bahay ni mommy," I smiled at my friends. "Doon na raw tayo mag-dinner. She knows what we did and she wanted to tell you personally that..." I trailed off before giving them a rocker hand sign. "You guys rock!"