Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 28 - Chapter 26 - The Devil Incarnate

Chapter 28 - Chapter 26 - The Devil Incarnate

Chapter theme: Bad - The Cab

Charmelle:

Where are you? Malapit nang mag-start. Nasa backstage na si Chianna.

Yago:

Kaka-park lang. Nahirapan kasi akong maghanap ng parking space.

Charmelle:

Okay. Nandito lang kami ni Rena nakaupo sa bandang unahan ng stage. Fourth row.

Yago:

Noted! Thanks.

"Sinong ka-chat mo?" sita sa akin ni Rena sa tabi ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at itinago na rin sa pouch ko ang cellphone ko.

"Si Yago. Nandiyan na raw siya."

"Supportive, ha? Talagang pumunta?"

"You know that guy. Lahat gagawin para kay Chianna. Lakas tama talaga sa friend natin."

"Siguraduhin niya lang na hindi masasaktan si Chianna, kundi makakatikim ulit siya ng suntok sa akin."

"Ikaw talaga. Umiral na naman 'yang pagiging overprotective mo. Mukhang matino naman si Yago so let's just root for them, okay?" pagtatanggol ko.

Lalaban kasi si Chianna ngayon sa Mr. and Ms. Campus dito sa university nila at nadulas ako kay Yago. Bilang suporta niya sa babaeng sinisinta niya ay talagang nagpunta siya ngayon. Dapat nga may gig sila sa araw na ito pero nagawan nila ng paraan para i-move na lang 'yon sa ibang araw. A for effort.

Hindi kasi nabanggit sa kanya ni Chianna ang pagsali nito sa pageant kaya ako na ang nag-invite kay Yago para mapanuod niya ito. Iyong gagang 'yon kasi nahihiya pa kay Yago kaya hindi niya masabi. Nangialam na tuloy ako sa kanila.

"Oh, speaking of the devil. Nandiyan na siya. May bitbit pang dalawang devil din," ngumuso si Rena sa likuran ko kaya napalingon ako sa tinutukoy niya.

Naglalakad si Yago palapit sa amin at nang magsalubong ang mga mata namin ay kumaway-kaway ito sa akin pero inirapan ko lang siya. Paano ba naman? Nakasunod lang sina Ariz at Cairo sa likuran niya.

Hudas talaga 'to. Hindi man lang nagsabi sa akin na isasama niya 'yung dalawa, eh siya lang naman ang inimbitahan ko. Wala na ring bakanteng upuan dahil isa lang naman ang ni-reserved ko. Puno na ang auditorium.

Okay lang sana kung si Ariz lang ang bitbit niya, walang kaso sa akin iyon. Pero 'yung isa, may malaking atraso sa akin. Baka hindi ako makapagpigil, itong inuupuan ko naman ang maihampas ko sa kanya.

Nakakalimutan ko na nga ang ginawa niya sa akin dahil abala ako nitong nakaraang araw sa pagtulong kay Chianna dito sa pageant niya, pero ngayon bumalik na naman ang pagkulo ng dugo ko dahil nasilayan ko na naman ang pagmumukha niya.

Oh, good Lord! Give me some strength and patience.

"Yo! Long time no see!" Yago greeted me casually but I just ignored him.

"Punta lang ako sa backstage," iritableng paalam ko kay Rena saka tumayo at bumaling kay Yago. "At ikaw! Maghanap kayo ng mauupuan niyo. Kung wala kayong mahanap, mangisay kayo diyan! Tse!" singhal ko saka nag-walk out.

"Anong nangyari do'n?" rinig ko pang tanong ni Yago kay Rena bago pa man ako makalayo.

"Mukha raw kasi kayong demonyo," bagot na sagot naman ng huli.

Right! One of Yago's friend is a devil incarnate.

***

"Bru..." tawag ko kay Chianna habang nakasilip mula sa labas ng backstage.

Abala ito sa pakikipag-usap kay James pero nang makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin. Hindi ko maiwasang pagmasdan na naman siya kahit ako naman ang nag-ayos sa kanya kanina.

Napakaganda niya kasi sa suot niyang royal blue, beaded halter dress. Ako rin ang pumili ng dress na 'to para sa kanya. Bagay na bagay sa kanya.

"Nandiyan na si Yago?" tanong nito kaya napabalik ako sa wisyo at napasimangot.

"May problema tayo. Tatlo sila. Kasama ni Yago 'yung dalawa."

"Uupakan ko na ba si Cairo?" she said jokingly.

Of course, my friends know the beef between Cairo and I. And I can't help but rolled my eyes in pure annoyance just hearing his name. Kung noon, kinikilig ako sa presence niya, ngayon pagkasuklam ang nararamdaman ko. Bwisit sa buhay, eh.

"Walang upuan 'yung dalawa," I informed Chianna, ranting at the same time. "Isang upuan lang naman ang ni-reserved ko! Nakakainis! Bakit kasi nandito sila?!"

Hinintay kong magkomento si Chianna pero hinayaan niya lang akong maglabas ng sama ng loob kaya walang preno tuloy ang ginagawa kong pagrereklamo sa kanya.

"Walang hiyang Yago na 'yon! Siya lang naman ang sinabihan ko, tapos magsasama pa siya ng asungot! Nakakairita!"

"Sinong asungot?"

Nanlaki ang mga mata ko at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng lalaking kinaiinisan ko mula sa likuran ko. Pakiramdam ko ay napakalapit niya lang sa akin dahil tumatama ang hininga niya sa batok ko. Nakapusod pa man din ang buhok ko.

"Bye! Balik na ko kay Rena!" sambit ko na lang saka kumaripas na ng takbo. Naramdaman ko pang tila may pares ng mga matang nakatitig sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang pagbalik sa upuan ko.

"Anong nangyari sa'yo? Parang nakakita ka ng multo diyan?" usisa ni Rena sa akin nang balisang naupo ako sa tabi niya. "Okay ka lang ba?"

"Naiinis ako!" sigaw ko kaya napalingon sa amin ang mga tao sa unahan. Mabilis na napatakip ako sa bibig ko at ibinaon ko ang mukha ko sa balikat ni Rena. "Kasi naman, bru! Bakit nandito siya?! Nakakasira ng araw!"

I felt her shrugged. "Huwag ka kasing magpaapekto. Kunwari na lang invisible siya."

"Uwi na ko," I mumbled.

"Sapak, gusto mo? Hindi lang naman ikaw ang naiipit sa sitwasyon, kaya umayos ka diyan. Huwag mo kong iwan ulit mag-isa dito, kundi sasamain ka rin sa akin."

Nag-angat ako ng tingin kay Rena. My eyes twinkled with suspicion. "Hindi ka rin ba comfortable sa presence ni Ariz?"

"Tatahimik ka ba o patatabihin ko si Cairo sa'yo? Choose."

I sit up straight fixing my maroon button down dress, smiling nervously as I tried to divert the topic. "May upuan na sila?"

"Meron. Nauto nila 'yung dalawang babae diyan sa tabi mo kanina kaya ayun, binigay na sa kanila 'yung upuan. Sisiw."

Wow! Iba nga naman ang nagagawa ng kagandahang lalaki nila, maraming nabibighani. Iyong dalawa lang ang gwapo ha, cross out Cairo.

Hindi siya gwapo. Mamaw siya.

***

"Good evening ladies and gentlemen! Tawagin na natin ang mga kalahok sa Mr. and Ms. Campus mula sa iba't ibang department. Let's start with the handsome guys," anunsyo ng host saka isa-isa nang tinawag ang mga estudyanteng magre-represent sa department nila.

Tahimik na nanunuod naman kaming lima habang hinihintay ang pag-akyat sa stage nila Chianna at James. Thanks God, katabi ko si Yago kaya bahagyang napanatag ang kalooban ko. Akala ko talaga itatabi sa akin ni Rena ang hudas na Cairo na 'yon.

"And lastly, Mr. James Cuevas."

Biglang umingay ang auditorium dahil sa malakas na hiyawan ng Tourism Department. Halos mabingi ako dahil nakakabasag talaga ng eardrums ang mga sigawan nila habang rumarampa si James sa stage.

Gwapo ng loko, infairness. Kaya naman pala nababaliw si Jazz.

Matapos rumampa ng mga lalaki ay ang mga babaeng kalahok naman ang tinawag ng host. Hindi ko na mapigilan ang excitement ko dahil konting sandali na lang ay masisilayan na rin namin si Chianna. I'm sure she will burn the stage. Si Chianna pa ba?

"Heads up for our last female contestant who will represent the Tourism Department, Ms. Chianna Jimenez."

Malakas na pumalakpak kami ni Rena nang lumabas na si Chianna sa stage. And like what I've said, she's really stealing the show because you could hear everyone gasping as if she was taking their breath away.

Napatingin ako saglit kay Yago para tignan ang reaksyon nito. Hindi ko maiwasang matawa dahil nakanganga rin ito dahil sa labis na pagkamangha kay Chianna. Napatayo pa ito habang walang sawang pumapalakpak. Agaw pansin tuloy siya dahil siya na lang ang gumagawa ng ingay samantalang tahimik na ang lahat.

Binalik ko ulit ang tingin kay Chianna na ngayon ay nasa tabi na ni James at magkahawak-kamay ang dalawa. Oops! Lagot.

"Upo na Yago, mangalay ka diyan," rinig kong suway ni Cairo sa kaibigan.

Pabagsak na umupo naman si Yago sa tabi ko kaya muli ko siyang nilingon. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at hindi na maipinta ang mukha niya. Selos ba siya kay James?

May sinabi pa sina Cairo at Ariz pero hindi ko na maintidihan dahil nagbubulungan silang tatlo. Mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" singhal sa akin ni Cairo nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanila.

"Ikaw ba ang tinitignan ko?!" bulyaw ko pabalik.

Magtataray pa sana ako sa kanya pero bigla akong natigilan. That conversation feels like a déjàvu.

And for some unknown reason, the scene around me suddenly changes and all I could see was the younger version of me, riding on a carousel.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" a young boy shouted irritably.

"Ikaw ba ang tinitignan ko?!" inis na ganti naman ng batang ako.

Gusto kong pagmasdan pa sana iyong batang lalaki, pero agad na naglaho ang eksena sa harapan ko na para bang nilipad ito ng hangin.

"Wow. All of them are really beautiful and handsome. But as usual, we can only choose 1 pair to reign as Mr. and Ms. Campus. So, let's start with the talent portion," masiglang anunsyo ng babaeng host kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Hey! Okay ka lang?" siniko ako ni Rena kaya bumaling ako sa kanya. 

"Yeah. May naalala lang ako."

"Akala ko naman nanuno ka na diyan. Bigla ka kasing natulala na lang."

Mahinang sinabunutan ko na lang siya dahil sa tinuran niya. "Lokaret ka talaga."

***

Lahat ng gumugulo sa utak ko kanina ay panandalian kong nakalimutan dahil binuhos ko ang atensyon ko sa pagpapakita ng suporta kay Chianna. Hindi ko na nga namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil aliw na aliw ako sa panunuod sa kaibigan ko. Confident na confident si Chianna sa bawat ginagawa niya lalo na sa pagsagot sa Q and A kaya malakas ang pananalig ko na mananalo itong kaibigan namin.

"And the winner is...ang tatanghaling Mr. and Ms. Campus ngayong gabi ay mula sa..." pambibitin ng host.

H

alos maputol na ang paghinga namin ni Rena habang magkahawak ang kamay. Mukhang kami pa nga ang mas kinakabahan kaysa kina Chianna.

"And the winner is..." hirit ulit ng host saka panandaliang tumigil. Konti na lang mauubusan na kami ng pasensya sa pambibitin niya.

"And the winner is from the Tourism Department! Mr. James Cuevas and Ms. Chianna Jimenez!"

Muling dumagundong ang sigawan sa loob ng auditorium at nangingibabaw ang mga boses ng ka-department nila Chianna. Pati tuloy kami ni Rena ay napapasabay na rin sa pagtili habang nakatayo at nagyayakapan sa sobrang galak. Maging 'yung dalawang kaibigan ni Yago ay pumapalakpak na rin habang si Yago ay nananahimik lang habang titig na titig kay Chianna.

"In love ka na kay Chianna namin, no?" biglang bulalas ko.

Rena tsked when she heard my remarked. "Hindi pa ba? Eh, kung maka-akbay nga siya kay Chianna no'n—"

Maagap na tinakpan ko na lang ang bibig ng kaibigan ko dahil baka kung ano na naman ang masabi nito. Mahirap na.

"Yago, pwede bang ikaw na ang sumundo kay Chianna sa backstage? Masyado na kasing crowded do'n eh. Hintayin na lang namin kayo sa parking lot," pakiusap ko habang sumisilay ang isang pilyang ngiti sa labi ko.

"Sure. It's my pleasure," parang wala sa sarili na tugon nito.

"Thank you! Tara na, bru." Hinila ko na si Rena palabas ng auditorium pero panay reklamo naman nito sa akin.

"Bakit tayo aalis? Paano si Chianna? Ipagkakatiwala mo siya sa lalaking 'yon?"

"Ikaw naman, bru! Moment nila 'yon kaya huwag nating sirain. Napansin ko rin kasi na mukhang wala sa mood si Yago, nagselos ata kay James? Hayaan na nating makapag-usap 'yung dalawa. Huwag tayong epal, okay?"

"Oo na lang!" ismid nito saka nauna nang maglakad.

Hinabol ko naman siya at ikinawit ang kamay ko sa braso niya. "Kapag nagka-lovelife ka na rin, huwag kang mag-alala. Isu-support din kita like this," pang-iinis ko pa.

"Hindi ko kailangan ng lovelife. Sakit lang sa ulo 'yan."

"Sus! May fiancé ka na nga, eh."

"Wala akong pake."

"Bigyan mo lang ng chance si Denz, malay mo naman, okay pala siya. I think he's a nice guy naman."

"Ni hindi mo pa nga nakikita 'yung tao kaya paano mo nasabing nice guy, aber?!"

"Instinct ko lang. At palaging tama ang instinct ko."

Rena just heave a tired sigh as if I drained all her energy but I just keep on talking and talking until we arrived at the parking lot. Wala kaming kamalay-malay na sumunod pala sa amin sina Ariz at Cairo and the most akward moment happened between the four of us.

Parang may tumambay na anghel sa parking lot dahil napakatahimik talaga ng buong paligid. Wala talagang nag-iimikan sa aming apat habang naghihintay kina Chianna na parang hindi namin kilala ang isa't isa.

***

Hindi kami nakapag-celebrate kagabi para sa pagkapanalo ni Chianna dahil umuwi rin kami ni Rena matapos makapagpaalam dito. Sinabi rin ni Yago na hindi sila natuloy kumain sa labas dahil nakatulog na si Chianna habang nasa biyahe na sila. Dumiretso na raw sila sa condo niya nang sa gayon ay makapagpahinga na rin ito.

Bilang pagbawi ay nagpasya kami ni Rena na ngayong araw na lang mag-celebrate dahil pare-parehas naman kaming hindi busy ngayon. Pumayag rin si tita Alice na dito gawin sa coffee shop niya ang celebration kaya nakasarado ito ngayon.

Nandito rin sina James at Jazz dahil hiningi ko ang tulong nila. Hindi kasi namin kakayanin kung kaming dalawa lang ni Rena ang magtutulong-tulong sa pagdidisenyo nitong coffee shop. Nakakahiya rin kasing abalahin iyong mga katrabaho ni Chianna. Sila na kasi ang nakatoka sa kusina.

Alam din ni Yago ang tungkol dito sa plano naming surpresa kay Chianna at ang loko-lokong 'yon ay pinagkanulo na naman ako for the second time around! Akala ko tapos na ang awkward moment namin nila Cairo doon sa parking lot kagabi, pero mali ako dahil may continuation pa pala.

Pinapunta ba naman ng magaling na Yago sina Cairo at Ariz dito sa coffee shop para tumulong daw. Hindi ko naman sila magawang ipagtabuyan, dahil may pakinabang naman ang dalawa. Tiisin ko na lang for the sake of this surprise party for our friend.

Katatapos lang namin magsabit ng paper streamers sa kisame at maglagay ng puti at sky blue na lobo sa paligid ng coffee shop kaya ngayon ay inaayos naman nila Ariz at Cairo ang pagkakadikit ng banner sa pader at the right side of the coffee shop.

Nakatuntong sila sa upuan para medyo nasa taas na bahagi 'yung banner. Para naman kitang-kita talaga siya kapag pagpasok ni Chianna ng coffee shop mamaya.

Kaming tatlo nila Ariz ang magkakasama dito sa first floor samantalang nasa second floor sina Rena, Jazz at James. Pinabayaan nila ako dito kasama ang dalawang kolokoy. Mga traydor.

"Okay na ba 'to?" pukaw ni Cairo sa atensyon ko habang hawak ang kabilang dulo ng banner na may nakasulat na 'Congratulations to our Mr. and Ms. Tourism'.

"Itaas mo pa ng kaunti," walang buhay na sagot ko.

Nakasuksok ang isang kamay ko sa bulsa ng suot kong gray na jumper dress habang ang malaya kong kamay naman ay nilalaro ang dulo ng buhok kong naka-ponytail.

Sinunod naman ni Cairo ang utos ko kahit pa mukhang naalibadbaran na ito. "Ayan, ayos na?"

"Sumobra naman ang taas. Ipantay mo kay Ariz," utos ko na bahagya pang humikab-hikab.

Ibinaba kaunti ni Cairo 'yung banner. Tinignan niya pa 'yung kabilang dulo na hawak ni Ariz para i-check siguro kung pantay na ito.

"Pantay na, 'di ba?" he asked.

"Hindi pa rin. Iurong mo ng kaunti sa kanan, tapos itaas mo ng mga one centimeter pa."

I heard him groaned, but still, he obeyed. I can't help but smirk seeing his irritated face. Akala mo, ha.

"O, ayan! Baka naman sabihin mo hindi pa rin 'yan pantay! Pantay na pantay na 'yan!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Galit ka?"

"Hindi! Malakas lang talaga boses ko!" 

"Good," I tilted my head to the right, studying the banner for a bit before facing Cairo again. "Tabingi pa rin 'yung banner. Ayusin mo naman."

"Ano ba?! Nangangalay na ko!" bulyaw niya sa akin na tila napatid na ang pasensya.

Binitawan niya ang banner at hinubad ang suot niyang asul na polo at itinapon iyon sa sahig na parang nagdadabog. Puting sando na lang tuloy ang suot niya na pang-itaas.

"What?! Akala ko ba hindi ka galit?"

Tumalon ito upang makababa sa upuan na tinutuntungan niya para lapitan ako. Pigil ko ang sarili na matawa dahil basang-basa ko ang inis sa pawisang mukha nito.

"Ginagantihan mo ba ako?"

"Bakit kita gagantihan? May kasalanan ka ba sa akin?" I asked sarcastically.

Natahimik naman si Cairo ng ilang segundo bago niya ibukang muli ang bibig niya. "Napakaisip bata mo, alam mo 'yon?"

Sa pagkakataong ito, ako naman ang nakaramdam ng inis sa kanya. Bwisit talaga ang lalaking ito! Expert manira ng mood.

"Napakasama ng ugali mo, alam mo ba 'yon?!" I fired back. "Ang sarap sarap sarap mo talagang tadyakan!"

Mabilis na umatras palayo sa akin si Cairo na tila kinabahan dahil sa sinabi ko. "W-walang tadyakan! Masakit!"

"Then, umayos ka!"

"Oo na, madam!" nagkakamot sa batok niyang tugon saka bumalik sa pag-aayos ng banner. Si Ariz naman ay pasimpleng tumatawa lang sa isang tabi dahil iyong itsura ni Cairo ay parang tutang nabahag ang buntot.

Huh! Takot ka pala sa sipa ko, eh.

***

"Congratulations, Chianna!" sabay-sabay na bati ng mga katrabaho ni Chianna nang pumasok siya sa coffee shop kasama si Yago.

Nagtatago silang lahat sa kusina samantalang kami ni Rena ay nasa likod ng malaking bear na nakapatong sa mesa. Bahagya akong sumilip para tignan ang reaksyon ni Chianna at kita ko naman ang saya sa mukha niya.

"Congrats, bru!"

Bigla kaming lumabas ni Rena sa pinagtataguan namin, kasabay ng pagpapaputok ng party poppers. Nasapo tuloy ni Chianna ang dibdib niya dahil sa labis na gulat.

"Anong pakulo 'to?" she asked in disbelief.

"Surprise party for you. Hindi tayo naka-pagcelebrate kagabi, kaya ngayon na lang namin ginawa," paliwanag ni Rena.

"Yep. Tumulong rin si tita dito," I added then pointed at my tita Alice at the counter.

Lumingon naman si Chianna kay tita. She mouthed a 'congrats' to her and Chianna smiled at her as response.

"Congrats Chianna!"

Sigawan naman nila Jazz mula sa itaas habang nagpapaulan ng asul na confetti. Napatingala naman doon si Chianna at namamanghang pinagmamasdan niya ang mga tao do'n.

Ilang saglit pa ay bumaba rin sina Jazz mula sa second floor na agad namang sinalubong ng yakap ni Chianna.

"Jazz! Thank you!"

"Naku. Huwag mo kong pasalamatan," ani Jazz saka itinuro kami ni Rena. "Iyang mga bru mo ang may pakana nito, kakuntsaba lang nila kami."

"Don't mention it. Si Chianna pa ba? Eh, ang lakas niyan sa amin," sabad ni Rena.

"Oo nga. And she deserves this after all, so let's celebrate! Come on!" I said, clasping my hands. I couldn't hide the excitement in my eyes knowing everything we've done today was all worth it. We made Chianna happy.

"Thank you," baling naman ni Chianna kay James.

James only gave her a meek nod and two thumbs up. Bigla namang tumikhim si Yago kaya agad siyang nilapitan ng kaibigan ko. There's something in the way he look at James. Nangangamoy selos ata?

"Alam mo ang tungkol dito?" rinig kong tanong ni Chianna kay Yago.

"Yep. Humingi ng tulong sa akin si Charmelle para hindi mo mahalata ang surpresa nila kaya kinulong muna kita sa condo ko."

Tila nasiyahan si Chianna sa narinig kaya yumakap ito kay Yago na sinuklian naman agad ng huli. Nakalimutan ata nilang nasa paligid nila kami dahil wagas ang paglalambingan nila.

"Wooooh! Ang tamis-tamis naman, pero pwedeng mamaya na 'yan? Baka nakakalimutan niyong nandito kami? Respeto naman sa mga single," reklamo ni Cairo.

Napatango-tango naman ako. For the first time, I found myself agreeing with him.

"Pero hindi pa naman sila 'di ba? So, they're both single din," saad ni Ariz.

"Boom! Basag! Nice one, A!" kantyaw ni Cairo. Inangat niya ang kamay niya at sapilitang kinuha ang kamay ni Ariz para mag-apir sila.

Kakaiba talaga ang lalaking 'to. Sana ganyan din siya kaligalig kapag ako ang kaharap niya.

***

Mag-isang nakasandal lang ako sa railing ng second floor habang nakatunghay sa baba. Tumutugtog ang kantang Destiny at nagsasayaw naman sila Chianna at Yago sa gitna. Parang may sariling mundo talaga sila kapag magkasama sila. Hinayaan na lang namin, tutal mga lasing na rin naman ang mga kasama namin. Hindi na nga makatayo, makapag-sweet dance pa kaya?

Saglit akong napatingin sa relo ko para tignan ang oras. Malapit na palang mag-alas diyes ng gabi. Halos apat na oras na rin pala kaming nagkakasiyahan. No wonder mga lango na sa alak ang iba, maliban siguro kina Rena at sa ibang lalaking katrabaho ni Chianna. Nandoon sila sa sulok na tila ayaw magpaawat sa inuman.

Habang nagmumuni-muni ako ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil abala ako sa pagmamasid sa baba at baka kagaya ko, gusto rin niyang mapag-isa kaya siguro umakyat siya dito.

Mayamaya pa ay may malamig na dumampi sa pisngi ko kaya muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat. Mabilis din naman akong nakabawi lalo pa nang mapagtanto kong si Cairo pala ang kasama ko ngayon. Hawak niya ang malamig na bote ng beer na nilapat niya sa pisngi ko. Iyong gulat ko kanina, napalitan agad ng inis.

Tinalikuran ko na lang siya para lumipat sana ng ibang pwesto pero hinawakan niya ang braso ko upang pigilan akong makaalis.

"Ayaw mo ba kong makasama?" tanong niya.

Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at hinarap siya. "Are you drunk?"

He slightly frowned. "Ha? Hindi, ah! Ngayon nga lang ako iinom mula kanina. Dinaya ko lang sila para kunwari, umiinom din ako," he smiled sheepishly. The smile that I adore before. "Ang galing ko, no?"

"Kung hindi ka lasing, ano na namang trip mo? O, baka may sapi ka na naman kaya kinakausap mo ako ngayon nang maayos? May split personality ka ba?" sunod-sunod na tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na sinasamahan niya ako ngayon dito.

Pero ang loko-loko ay nginitian na naman ako. Akala niya ba madadala niya ako diyan?

"Bati na tayo. Peace!" bungisngis niya.

Napairap na lang ako sa hangin saka siya pinamewangan. "Hindi talaga kita ma-gets. Mabait ka sa akin nung una, tapos biglang sinungitan mo ako. Magiging okay ka sa akin, pagkatapos biglang mag-iiba na naman ang pakikitungo mo. Kinakausap mo ako ngayon, and then what comes after? Aawayin mo na naman ba ako? Sabihin mo lang para i-ready ko naman ang sarili ko."

"Sorry," he mumbled. The smile in his face instantly vanished as it was replaced with seriousness.

"Sorry? And then what? Ipapahiya mo na naman ako pagkatapos?"

He shook his head, looking directly into my eyes. "I didn't mean it. Everything that I did to you, every hurting words that came out from my mouth, I didn't mean all of them," he said. I could feel the sincerity in his voice, catching me off guard.

I stared at him a bit dumbfounded, waiting for his further explanation, why he's behaving different right now.

"Ang totoo, hiyang-hiya na ako sa'yo dahil sa mga inaasal ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Nalilito na rin ako, eh. Pero alam kong mas nalilito ka kaysa sa akin. I'm sorry."

Humugot siya ng malalim na hininga na parang may mabigat siyang dinadala. Ang mga mata niya ay hindi niya inaalis sa pagkakatitig sa akin. Gustuhin ko mang umiwas ay hindi ko magawa.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin, Charmelle. Ako lang din naman ang nagpakomplikado ng mga bagay eh, kaya siguro ako nahihirapan ngayon. Pero kailangan kong gawin, eh. I need to push you away."

"Why?" I demanded. "Bakit kailangan mo akong ipagtulakan? May nagawa ba akong mali?"

Imbes na sagutin ni Cairo ang tanong ko ay lumapit lang ito sa railing saka tinungga ang laman ng bote ng beer na hawak niya. Naghintay pa ako ng ilang minuto, nagbabaka-sakaling ibibigay niya ang sagot sa tanong ko, pero nanatili itong walang imik.

Akmang tatalikod na sana ako para tuluyan nang bumaba, pero hindi ko na ito nagawa pa nang punuin ng malungkot na boses niya ang tainga ko.

"Alam mo ba 'yung feeling na parang wala kang karapatang sumaya?" tanong niya. "Buong buhay ko kasi, iyon ang nararamdaman ko. Kung sumaya man ako, saglit lang. Iyong hindi ko pa nga nalalasap, tapos biglang babawiin," mahina siyang natawa bago lingunin ako. "Ang unfair, no?"

Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko. The pain in his voice was stabbing me right through my chest, because somehow, I can relate to him. Naramdaman ko na rin ang gano'ng klase ng pakiramdam. Na parang pinagkakaitan ako ng mundo na sumaya.

Mariin akong pumingit bago huminga ng malalim. Iyong distansyang naglalayo sa amin ni Cairo kanina ay unti-unting lumapit sa bawat paghakbang na ginagawa ko hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakasandal na sa railing — katabi ng lalaking gusto ko. Magkadikit ang mga braso namin at para akong nakukuryente sa bawat pagtatama ng balat namin.

Oo. Inaamin ko na. Gusto ko ang lalaking 'to. Gusto ko pa rin ang lalaking 'to kahit marami siyang katangian na ayaw ko. Kahit nakakairita siya, kahit napaka-bugnutin niya, kahit nakakaubos na siya ng pasensya.

At marahil gugustuhin ko pa rin siya kung sakaling uulitin ko 'yung araw na nakilala ko siya. Iyong kahit alam kong masasaktan ako sa pagtatagpo ng landas namin noong araw na 'yon, hindi pa rin ako lilihis at mag-iiba ng daan. Dahil gusto ko ang daan kung nasaan siya, kahit alam kong malayo at mahaba pa ang tatahakin ko para maabutan siya.

"What made you think that you're not allowed to be happy?" tanong ko habang diretsong nakatitig lang sa kanya. Tumingin naman siya sa baba na parang iniiwasan niyang magtagpo ang mga mata namin.

"I'm a worthless person, kaya nga parati na lang akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa akin. Hindi pa ba sapat na patunay 'yon na wala akong karapatang sumaya?"

"Natanong ko rin 'yan sa sarili ko dati. Wala ba akong karapatan na sumaya? Puro bullshit kasi ang nangyayari sa buhay ko noon, hanggang ngayon pa rin naman. Siguro kung bibilangin ko mga pangit na nangyari sa akin, baka abutin na tayo ng bukas," I said jokingly to brighten up the mood. "But you know what, I've learned something from all those misfortune that happened in my life."

Nilingon ako ni Cairo na tila nakuha ko atensyon niya sa mga pinagsasasabi ko. "Ano naman ang natutunan mo?"

"Na kahit paulit-ulit kang ginagago ng mundo, kailangan mo pa ring magpatuloy. Kasi kung hindi mo 'yon gagawin at tuluyan kang tumigil sa pag-abante, ikaw lang rin ang matatalo. Hindi mo makikila ang mga taong pwedeng baguhin ang tingin mo sa nakakagagong mundo, kung hihinto ka sa paghakbang. You won't be able to find your salvation and that sucks."

"Salvation, huh?" he repeated. "Have you found yours?"

"Yep! My friends," tinuro ko ang mga kaibigan ko na nasa baba kaya napatingin doon si Cairo. "They are my salvation. They save me when I'm at my lowest point. But then, saving must always come to yourself first. Kasi paano ka mai-sasalba ng mga tao sa paligid mo kung hindi mo rin naman tutulungan ang sarili mo na umahon. Am I right?"

Tumango lang si Cairo saka pinagmasdan sina Chianna at Rena sa baba na ngayon ay parang mga batang naglalaro ng patintero doon. Niloloko ata ni Chianna si Rena dahil pagewang-gewang na ito kung lumakad. May amats na ang bruha.

Narinig ko namang mahinang tumawa si Cairo dahil sa kalokohan nung dalawa sa baba.

"Don't push people away," I continued. "Because you'll definitely regret it someday."

"I'm regretting it already," bulong niya saka tumungga ng beer sa boteng hawak pero naibuga niya rin 'yon dahil masama na ata ang lasa. Hindi na kasi malamig.

"Bastos ka talaga, Cairo!" hiyawan ng mga tao sa baba habang nakatingala sa amin. Nabasbasan ata sila ng laway ni Cairo.

Nagkatinginan naman kaming dalawa at sabay na natawa na lang. Loko talaga.

"Sorry ulit sa lahat ng ginawa ko sa'yo," biglang bulalas niya kaya natigil ako sa pagtawa.

I thought he's a devil incarnate but tonight I realized that he's actually a lonely angel. That maybe just like me, he's broken inside.

"Pasalamat ka, hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob," biro ko na lang saka nag-inat. "Let's just forget it and perhaps let's start anew. What do you think?"

"Let's be friends, for real." he smiled. It was so bright, making my inside feels so warm.

"Hmm. I like that!" I beamed. "Kapag pinasama mo na naman ang loob ko, hindi lang sipa ang aabutin mo sa akin, makikita mo!"

"Malakas kang sumipa. Baka malumpo na ako kapag naulit, so I promise I will be nice to you from now on. I won't push people away anymore."

"Good!" I giggled softly. I'll hold on to that promise.