Chapter theme: Everybody Hurts - Avril Lavigne
Everybody hurts some days
It's okay to be afraid
Everybody hurts
Everybody screams
Everybody feels this way
And it's okay
Tahimik na sinasabayan ko ang kumakanta sa harap habang nakatitig lang sa monitor ng t.v. Nasa loob kasi kami ng KTV bar ngayon dahil nagkayayaan after class. Kasa-kasama ko sina Elaine, Derek, Jasper at Mitch.
After our groupings sa cooking activity namin last time, naging close na kaming lima. Kapag nag-aya sila na gumala after class, hindi na ako makatanggi dahil ayaw ko namang masabihan na kill joy. Isa pa, masarap naman silang kasama, eh. Kahit paano, nalilibang ako sa kakulitan nila.
Halos magdadalawang linggo na rin kasi mula nang mag-lay low ako sa pag-hang out kasama sina Chianna. Hindi naman sa iniiwasan ko sila. Ayaw ko lang kasi silang pag-alalahanin lalo't dinidibdib ko pa rin ang nangyari noon sa pagitan namin ni Cairo doon sa Vis La Jam.
Oo na, ako na ang balat sibuyas. Sensitive much.
"Tignan mo si Jasper, parang baliw," bulong ni Elaine sa tabi ko kaya napalingon ako sa tinutukoy niya.
Habang kumakanta si Mitch sa harap, panay ang walling ni Jasper sa kulay asul na dingding ng booth na siyang kinaroroonan namin kaya tuloy halos sumakit na ang tiyan naming lahat kakatawa sa kalokohan nito. Noong nagsawa siyang mag-walling, lumapit siya sa harapan ni Mitch at nag-sexy dance naman ang loko. Panay tili tuloy ng girlfriend niya dahil sa matinding pangdidiri. Kulang na lang hampasin na niya ito ng microphone na hawak.
"Mukhang baliw nga," segunda ko saka marahang napailing-iling.
Mabuti na lang at nasa loob kami ng booth. Nakakahiya naman kung may ibang makakakita sa amin. Baka isipin nila may kasama kaming takas sa mental, itatanggi ko talaga na kakilala ko siya.
"Tumawag na kaya tayo sa mental para madakip na 'yan?" sabat naman ni Derek sa kabilang gilid ko.
Nagkatinginan kami ni Elaine saka bahagyang tumawa ulit nang mapansing hawak na ni Derek ang cellphone niya sa isang kamay. Parang may dina-dial na siyang number. Marunong na talagang mag-joke ang isang 'to. Nahahawa na ata siya ng isang porsyentong kabaliwan kay Jasper. Awkward nga lang minsan kasi kapag nag-joke siya, seryoso pa rin ang mukha.
"Oo nga pala, Charmelle! Kwentuhan mo na ako," pag-iiba ni Elaine ng usapan.
I frowned at her. "Kwentuhan saan?"
"Doon sa gig na pinanuod niyo. Anong nangyari do'n? Naalala ko, hindi mo pa pala nakukwento sa akin 'yon. Kamusta naman? Gwapo ba talaga sila sa personal?"
Napangiwi na lang ako sa tinuran niya. Ito talagang si Elaine, hindi marunong makalimot. Kaya nga hindi ako nagkukwento dahil ayaw ko talagang pag-usapan ang mga naganap do'n.
Kinuha ko na lang 'yung song book na nakapatong sa ibabaw ng mahabang mesa. Binuklat-buklat ko 'yon at nagpanggap na naghahanap ako ng kanta.
"Ano na, Charmelle? Gwapo ba sila?" Elaine nudge at me when I didn't answer.
"Gwapo," tipid na sagot ko na lang.
"Talaga?" she clasped her hands as she sigh dreamily. "Alam mo ba lately, nakikinig ako ng mga kanta nila. Grabe, ang ganda ng boses ng vocalist! Nakaka-in love!"
"Maganda nga ang boses, sama naman ng ugali," inis na bulong ko.
"Ha? Bakit? Paano mo nasabing masama ang ugali?" usisa ni Elaine. Ang lakas talaga ng pandinig nito.
Nanatili ulit akong walang imik bago isara 'yung song book. Elaine just stared at my face, as if she was studying it, wondering if she had said something wrong but I just give her a reassuring smile.
"Kanta tayo?" aya ko.
"Ay, bet!" she beamed. Mukhang nakaramdam siya na hindi ako komportable sa pinag-uusapan namin.
Sabay na tumayo kami para magpunta sa unahan dahil tapos nang mag-concert si Mitch. Now, it's finally our turn. Let's sing to your heart's content, Charmelle and maybe after that, you'll feel a lot better.
***
Ayos na ako.
Iyon ang pakiramdam ko kanina matapos naming magpakasawa sa pagkanta sa KTV bar. Pero ngayong nasa tapat ako ng coffee shop ni tita at mula dito sa loob ng kotse ay natatanaw ko ang taong ayaw kong makita, parang nag-back to zero ako.
Mukhang kahit anong iwas ko sa kanya, magku-krus at magku-krus pa rin talaga ang landas namin lalo't nagkakamabutihan na ang mga kaibigan namin — sina Yago at Chianna.
Huminga ako ng napakalalim at bahagyang sumuntok pa ako sa ere habang pinapanatag ko ang kalooban ko.
"Kaya ko 'to!" sigaw ko. "Act normal, Charmelle. Huwag ka magpapekto sa taong 'yon. Sino ba siya, ha?" parang baliw na kinakausap ko ang sarili ko kaya napapalingon tuloy sa akin ang driver namin. "Act normal. Act normal," paulit-ulit na usal ko.
Nang magpasya akong bumaba, inayos ko muna ang sarili ko at taas noong naglakad ako papasok sa coffee shop ni tita. Nadatnan ko pa si Chianna doon sa may pintuan na binabati ang bawat customer na pumapasok.
"Charmelle!" she gasped audibly when she saw me, her jaw almost dropping to the floor. Hindi niya ata inaasahang susulpot ako ngayon. Hindi rin naman kasi ako nagpasabi.
"O? Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ko.
"My God! Buhay ka pa palang bruha ka!"
"Ay, hindi. Multo ko na lang 'to. Awoooo!" biro ko na lang saka inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng coffee shop. "Great! Ang daming customer ngayon, ha!" I said enthusiastically.
Iniiwasan kong mapunta ang mga mata ko sa table nila Cairo, pero parang may magnet na humihila sa atensyon ko patungo do'n. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko. Ang rupok, eh!
Akmang haharangin pa ni Chianna ang view ko, pero huli na siya. Alam ko namang nandito sina Cairo sa labas palang.
"Punta na ko sa kusina, ha? Magbe-bake na ko," paalam ko at nagmamadali akong umalis.
Pagdating ko sa kusina ay walang katao-tao do'n kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na 'yon para makapaglabas ng hinaing. Nagsuot ako ng apron at naghugas muna ng kamay bago ilabas ang mga ingredients na kailangan ko to make a dough.
Gamit ang rolling pin ay gigil na gigil na minasa ko 'yong dough na para bang napakalaki ng atraso nito sa akin. Para pa akong bata na nagpapapadyak sa inis habang kinakausap ko ang dough na ngayon ay flat na flat na.
"Anong nangyari sa pangaral mo kanina na act normal? Bakit hindi ka na naman mapakali diyan, Charmelle? Ano affected ka masyado? Sumagot ka, kundi tutuktukan na talaga kita ng rolling pin!"
"Charmelle!"
"Ay, butiki!" gulat na bulalas ko nang may tumawag sa akin. Muntik ko pang mabitawan 'yung rolling pin.
Agad akong humarap para makita kung sino 'yong bigla na lang pumasok sa kusina. Si Chianna lang pala.
Mabilis itong humakbang palapit sa akin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Mataman niya akong tinignan habang may pag-aalalang gumuguhit sa magandang mukha nito. Her eyes were already brimming with tears. What happened?
"Charmelle, kung may problema ka, huwag mo namang kinakausap 'yang dough na 'yan. Hindi naman magsasalita 'yan eh, saka nandito naman kami. Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung ipagpapalit mo kami sa dough na 'yan? Mas masarap ba 'yang kausap kaysa sa amin? Uwaaaah! Huwag namang gano'n! Ayaw kitang mabaliw!" pagdadrama nito.
Mahinang tinabig ko ang kamay niya at pinitik ko ang noo niya na agad namang namula. "Huwag ka ngang OA," saway ko pero agad din akong natigilan nang may maalala ako. I sighed heavily. "Never mind."
Bumalik na lang ako sa ginagawa ko samantalang si Chianna ay tumabi lang sa akin at pinanuod ako habang himas-himas ang noo niya.
"Okay ka na ba?" she asked hesitantly.
"Oo naman," saglit ko siyang nilingon. "May dahilan ba para hindi ako maging okay?"
"Baka kako nagdaramdam ka pa. Alam mo na, 'yung nangyari sa Vis La Jam?"
"Sus! Wala 'yon. No big deal. Na-shock lang siguro ako sa inasal niya pero wala na sa akin 'yon," giit ko. "Oo nga pala, bakit sila nandito?"
"Wala naman. Sinamahan lang nila si Elena kanina kasi niyaya sila ng mga ito na kumain dito, tapos nagkataong nakita nila ako. Malapit lang pala dito ang studio nila kaya I'm sure mapapadalas sila dito. Nasarapan sila sa cake, eh."
"Babalik sila dito?!" kabadong tanong ko. Hindi ko napansin ang pagtaas ng boses ko kaya tinignan ako ni Chianna gamit ang mapanuri niyang mata.
"Bakit? Bawal ba silang bumalik, especially si Cairo?" nakangising tanong niya na may halong panunukso.
"Hindi no! Wala naman akong sinabi. Lumabas ka na nga!"
"Woah! Defensive. Napaghahalataan ka, Charmelle. Aminin mo na, affected ka sa presence ng isang 'yon."
"Pake ko naman sa kanya? Bumalik siya kung gusto niya, hindi ko naman pag-aari ang coffee shop na 'to."
"Yieeee, gusto niya ring bumalik si boy suplado. Sabi na, eh!"
"Labas!" singhal ko sa kanya pero tumawa-tawa lang ito hanggang sa bigla na lang itong sumeryoso.
"But kidding aside, kung masyado nang mabigat 'yang dinadala mo, nandito lang ako at si Rena. Handa kaming maghintay kung kailan ready ka na mag-open up. You're not alone, okay?" she said as she pulled me in a warm hug.
Napangiti na lang ako. I'm really lucky to have an understanding friends. Iyong hindi namimilit na magsabi ka sa kanila.
"Thank you."
"Don't mention it. Kapag gusto mo nang ipasapak si Cairo, sabihin mo lang. Ready na si Rena, eh."
"Loka talaga kayo," I chuckled softly.
Kumalas naman si Chianna sa pagkakayakap sa akin para pisilin ang magkabilang pisngi ko. "Ayan, natawa ka na. Huwag ka na masyadong magmukmok, nakakamiss ka, eh. Isa pa, si Cairo lang 'yon, si Charmelle Villarico ka, kaya dapat hindi ka nagpapatalo sa isang 'yon. Tarayan mo rin!" she added.
I smiled at her, this time it's genuine. May point si Chianna do'n. Tigilan ko na dapat ang pagmumukmok. Mas malala pa nga ang mga pinagdaanan ko no'n sa ibang tao. I'm done being a softy.
***
Pakanta-kanta ako habang umaakyat sa hagdan patungo sa study room ni daddy. Kahit paano ay gumaan na ang loob ko matapos naming makapagkwentuhan ni Chianna saglit. After ng shift niya ay umalis na rin ako para dumaan kay mommy dahil may ibinilin ito sa akin.
Bitbit ko ang isang violet na paper bag na naglalaman ng box ng sapatos na regalo raw ni daddy para kay mommy, pero pinapasauli niya ito. Baka hindi pasok sa taste ng mommy ko ang binili ni dad. Knowing him, his fashion sense taste so bad. Ako ang laging namimili ng mga damit nito maging ang business suit, neck tie at shoes niya.
Kumatok muna ako sa pinto ng study room bago ako pumasok sa loob. Agad na kumunot ang noo ni daddy nang masilayan ako.
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka galing?" tanong nito. Mag-aalas nuebe na kasi ng gabi.
Lumapit ako sa kanya at nilapag sa table niya ang paper bag na dala ko bago naupo sa silya sa harap niya.
"Galing ako kina mommy kasi pinadaan niya ako saglit para daw maisauli ko 'yan sa'yo. Hindi mo raw siya kailangang padalhan ng regalo," paliwanag ko.
Napasandal si daddy sa swivel chair niya at pinagkatitigan ang paper bag na 'yon. Halata ang panlulumo sa pagbagsak ng mga balikat niya.
Napatingin ako sa maliit na calendar sa mesa niya. Weird. Hindi naman birthday ni mommy para magbigay siya ng regalo.
"Anong meron, dad? Para saan 'yang gift mo?"
"Anniversary," tipid na sagot ni daddy bago bumalik sa pagbabasa ng papeles.
Namilog ang mga mata ko nang muli kong tignan ang kalendaryong hawak ko. Lihim akong napangiti dahil nakabilog ang date ng wedding anniversary nila ni mommy which is on the 4th Sunday of this month, September 26.
Oo nga pala!
Parang tatalon ang puso ko sa sobrang saya. Hanggang ngayon, umaasa pa rin talaga ako na magkakabalikan ang parents ko.
Tinanggal ko ang box ng sapatos mula do'n sa paper bag at binuksan 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako ng marahas nang makita ang laman no'n. Isang pares ng glass transparent heels na sa tantiya ko ay nasa 8 inches ang taas. Kahit ako, baka malula ako kapag sinuot ko 'yon. Kaya naman pala inayawan ni mommy.
"Dad, nakalimutan mo na ba? Ayaw ni mommy ng heels! Yes, she was a model before, but she hates killer heels to the core! Palitan mo. Bilhan mo siya ng iba," utos ko.
"Is that the reason why she returned it to me?" tila nabubuhayang tanong ni daddy.
"Yeah, I think so?"
Sumandal ulit si daddy sa swivel chair niya. This time, nagliliwanag na ang mukha nito. Mukhang may nasabi akong ikinatuwa niya.
"Thanks, bebita," he smiled softly then suddenly become serious, as if he was reminded of something. "Anyway, are you free this Saturday? May lakad ba kayo ng mommy mo?"
Umiling ako. "Wala naman, why?"
"Oh, then, can you meet my friend's son?" he asked.
"Whose friend?"
"Iyong anak ni former secretary, 'yong nakiusap sa'yong tumugtog ka, remember?"
I nodded slowly. "And?"
"He said you caught his son's attention in the charity concert, kaso nahihiya siyang lumapit sa'yo. Bakit hindi ka makipagkaibigan sa kanya? I think his son is nice. He graduated as cumlaude at your university and now he's the youngest executive in their company. He's a good catch," makahulugang wika niya.
I squinted my eyes at my dad. What he said suddenly put me in a foul mood. "You're not setting me up into dating your friend's son to deepened your ties with his family, aren't you?"
He let out a soft chortle. "Of course not! Gusto ka lang niyang yayain lumabas, and I think there's nothing wrong with that."
"Then he should tell me that straight to my face, bakit ikaw ang nagsasabi? Blind date, fix marriage or whatever you call that, you know, I hate it when you're meddling with my life. Mag-aaway talaga tayo, dad," I warned him.
"Come on, it's just a friendly date. Pagbigyan mo na siya."
"No," I said firmly.
"Please? I'll buy you a new phone or a car or anything you want if you grant my request," panunuhol pa nito.
"Anything I want, huh?" paniniguro ko. Tumango-tango naman si daddy. "Then let's make a deal." Umupo ako ng tuwid at seryosong tumitig sa mga mata ni daddy. "I'll meet your friend's son, but in return, you will ask mom to go on a romantic date with you on your anniversary, how was that?"
"Mukhang hindi papayag ang mommy sa ganyan."
"Then, hindi rin ako makikipagkita diyan sa anak ng kaibigan mo," I said with finality. "Goodnight, dad! Balik na ko sa kwarto ko." Tumayo na ako at akmang lalabas na ako ng study room nang marinig kong magsalita muli si daddy.
"Okay, okay. Deal. Aayain ko na ang mommy mo."
"Talaga?" I asked, trying to hide the victorious smile wanting to break across my lips.
"Yes. Just promise me, sisiputin mo ang anak ng kaibigan ko sa Sabado?"
"Oo naman. May isang salita ko, no!" I scoffed and change the topic quickly. "Romantic date dapat iyong sa inyo ni mommy, ha? Iyong hinding-hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya."
"Yeah. I'll do that," he conceded.
"Thanks dad and goodluck!" masayang sambit ko bago tuluyang lumabas sa study room.
Now, I'm more excited with my parents' date. That was a good deal, Charmelle. Ang witty ko talaga.
***
Saturday came and I'm now here at the entrance of the famous high-end restaurant in Mariano, to meet up with the son of my dad's friend. Simpleng striped romper at baby pink, faux suede ankle boots ang napagpasyahan kong suotin ngayon tapos naka-french braid naman ang buhok ko at may kaunting lip gloss lang ang labi ko.
Hindi na ako masyadong nag-ayos tutal simpleng dinner lang naman 'yon. I made it clear to him that I don't like anything fancy, kasi kung tutuusin, para sa akin, pure business lang naman itong pakikipagkita ko. Pinagbigyan ko lang ang mga tatay namin.
"Good evening, ma'am. May reservation po kayo?" magiliw na tanong sa akin ng waitress sa entrance.
I smiled and nodded. "Yes, under Mr. Andrew Ynares."
Tinignan naman nito ang log book at matapos ng ilang segundo ay nag-angat ulit ito ng tingin sa akin.
"This way po, ma'am," magalang na sambit nito kaya hinayaan ko siyang mauna para maihatid niya ako sa kung nasaan man ang Andrew Ynares na 'yon.
Dinala ako ng waitress sa third floor kung saan nakahilera ang tila mga VIP rooms ng restaurant. Huminto kami sa panglimang pinto at nang bumukas ito, nakaramdam ako bigla ng pagkailang.
I told him it's just a plain dinner but this room he reserved was actually meant for couple who wants to enjoy a candle light dinner! Glass wall pa ito kaya kitang-kita mo ang maliit na garden sa labas ng restaurant at fountain sa gitna na unti-unting sumisindi na ang ilaw.
May grand piano naman sa sulok ng room, tapos may babaeng pianist na tumutugtog doon sa saliw ng tugtuging Unchained Melody. Shivers!
Mabagal na naglakad na lang ako papasok sa loob at hindi ko na pinansin pa ang musikang tumutugtog maging ang mga rose petals sa sahig. This is too much.
My eyes then traveled at Andrew Ynares who was sitting at the middle of the room, dressed in his light blue long sleeve and black pants while his hair was in a side slick and combed style. He looked so formal, and infairness, gwapo naman siya.
"Hi!" he greeted as he stood up and pulled out the chair for me.
"Hi and thanks," I smiled as I took a seat across to him.
"You looked gorgeous! Mas maganda ka pala talaga sa malapitan," manghang saad niya nang umupo siyang muli.
I'm not really good at striking a conversation so I could only mumbled 'thanks' or just smiled at him. This is so awkward. Tiis lang, Charmelle.
***
Tahimik ang buong paligid dahil pinaalis na ni Andrew 'yung pianist para makapag-usap raw kami nang maayos. Pero sa totoo lang, mas gusto kong makinig na lang sa pianong tumutugtog kaysa makinig sa kadaldalan ng lalaking ito.
Wala kasi siyang ibang bukambibig kundi ang yaman niya, mga achievements niya sa buhay at mga negosyo niya na siya ang humahawak. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkabagot. Malay ko ba sa mga business niya, business nga namin wala akong alam kaya hindi ako maka-relate sa mga pinagsasabi niya.
Tahimik na nakikinig na lang ako sa kanya o kaya tumatango na lang ako habang kumakain ng steak na in-order niya. Gusto ko na sanang magpaalam umuwi after naming kumain kaso wala pa atang 30 minutes mula nang dumating ako dito. Nakakahiya naman. Sabihin eat and run ako.
Pero ang totoo, medyo sumasama rin ang pakiramdam ko. Okay naman ako kanina, pero nakaramdam ako ng hilo bigla. Kaunting champagne lang naman ang nainom ko at hindi naman nakakalasing 'yon.
"Ahm, sa powder room lang ako," paalam ko matapos kong lagukin ang isang baso ng tubig. Para akong isdang uhaw na uhaw. Malamig dito sa loob pero pinagpapawisan ako ng malapot.
What's wrong with me?
Matamis na ngumiti naman sa akin si Andrew na parang isang anghel. "Sure. Balik ka agad, okay?"
Tumango ako saka maingat na tumayo. Para akong matutumba kaya napahawak ako sa gilid ng mesa at mariing pumikit. Sumirko bigla ang paningin ko sa hindi malamang dahilan.
"You okay?" I heard him ask. "Gusto mong samahan kita?"
"No. I'm fine. Medyo nahilo lang," tanggi ko sa alok niya saka hinilot-hilot ang sentido ko.
Saglit akong nakaramdam ng kaginhawaan sa ginawa ko, kaya dahan-dahan akong lumabas para hanapin ang c.r at makapagpahangin na rin saglit.
Nagpalinga-linga ako sa hallway at may nakita akong sign ng lady's room sa pinakadulo. Hahakbang na sana ako patungo sa gawing 'yon nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Mabilis na humawak ako sa pader para alalayan ang sarili ko. Parang ilaw na aandap-andap ang paningin ko ng mga oras na 'yon.
Shit! Ano bang nangyayari sa akin? I'm not drunk, pero pakiramdam ko langong-lango ako sa alak.
"Charmelle? What happened? You don't look good," rinig kong may nagsalita sa tabi ko pero malabo.
Naramdaman ko na lang na maingat niya akong sinasandal sa pader kaya nakita ko ang mukha ng umaalalay sa akin. Ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naaamoy ko ang alak sa hininga niya. It was Andrew.
He suddenly cupped my face and I could feel his thumb rubbing the corner of my lips. Gusto kong iiwas ang mukha ko sa kanya pero hindi ako makagalaw dahil nanlalambot ako. I don't know why but I suddenly feel unsafe. Kapansin-pansin rin ang pag-iiba ng anyo ng mala-anghel na ngiti ni Andrew, para siyang isang demonyo kung makangisi ngayon.
"Let's go. Doon na tayo sa kotse ko. Nakapag-bill out na ako," he whispered. I could sense the desire dripping from his voice.
My eyes widened in shock when I felt him touch my legs and I couldn't even do anything to voice out my disgust.
Don't touch me!
Gusto ko siyang sigawan pero kahit bumuo ng salita ay hindi ko magawa. Literal na umiikot at bumabaligtad ang buong mundo, pero hindi ako nagpatalo. Gamit ang natitira ko pang lakas ay bahagya ko siyang itinulak para sa isaboses ang pagtutol ko pero hindi nagpatinag si Andrew.
Marahas niya akong itinulak sa pader at impit akong napadaing sa sakit sa pagtama ng likod ko do'n. Akmang bababa ang mukha niya para halikan ako sa labi, pero hindi ito natuloy nang biglang bumagsak na lang ito sa sahig. Narinig ko pa ang pag-ungol nito na tila namimilipit sa sakit.
Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil walang narehistro sa utak ko. Ang tanging nais ko lang ay makaalis na sa lugar na 'to.
Sinubukan kong humakbang muli pero ubos na ubos na ang lakas sa mga binti ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko, ngunit hindi sahig ang sumalo sa akin kundi mga bisig.
Sinusubukan niya akong alalayan pero pinaghahampas ko lang siya sa dibdib niya, sa pag-asang makakawala ako.
"No, don't touch me!" pakiusap ko nang mahanap ko na ang boses ko.
Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang takot pero kahit anong gawin kong pagpupumiglas at pagwawala ay hindi ako makatakas mula sa mga bisig na yumayakap sa akin.
"Shh. You're okay. You're safe now."
Natigilan ako nang marinig ko ang isang boses na tila kilala ng puso ko. Unti-unting natunaw ang takot na lumukob sa buong sistema ko at bahagya akong kumalma.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nanlalabo man ang paningin ko ay tila nagliwanag ang mundo ko nang masilayan ko ang gwapong mukha niya.
"C-Cairo," sambit ko, habang isa-isang pumapatak ang luha sa mata ko.
Tumango ito at ngumiti. Iyong ngiti na nagsasabing 'maayos na ang lahat'.
Malakas akong napahagulgol at ibinaon na lang ang mukha ko sa dibdib niya. Ayaw na ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak pero hindi ko mapigilan.
"Ate Charmelle, tahan na. Kuya save you like a hero, so don't be scared anymore," sambit pa ng isang malambing na boses kaya napatingin ako sa gilid ko.
It was Celine.
"Thank you! Thank you!" paulit-ulit na pasasalamat ko habang patuloy pa rin sa paghikbi.
***
"Kuya! Bakit ang tahimik mo mula nang manggaling ka sa c.r? Natatae ka ba?" pilyang tanong ni Celine kaya hindi tuloy malaman ni Cairo kung matatawa ba siya o ano.
"Celine! Nasa harapan pa tayo ng pagkain, ang bastos ng bibig mo!" bulyaw ng mommy nila habang nanlalaki ang mga mata.
"Nagtatanong lang naman, eh!" humahaba ang nguso na katwiran ng bunso saka bagsak ang mga balikat na bumalik na lang ito sa pagkain ng rocky road ice cream nito.
Napahilot na lang ang mommy nila sa sentido nito bago abutin ang isang baso ng tubig at inubos ang laman nito. Ang daddy naman nila ay hindi na mapigilang matawa kaya nasiko tuloy ito ng mommy nila.
Nagyaya ang daddy nila na kumain sila sa labas ngayon na bihirang-bihira lang mangyari kaya naman agad nila itong pinaunlakan. Kaso, kasama niya nga ang pamilya, pero lumilipad naman ang utak niya sa kung saan lalo nang mahagip ng paningin niya kanina si Charmelle. Narito rin ang dalaga sa restaurant kung saan sila kumakain, same floor as well.
Nahihiya siyang magpakita dito lalo't hindi naging maganda ang huling tagpo sa pagitan nila. He was a jerk to her last time, aminado naman siya at alam niyang maling-mali ang inasal niya dahil wala namang ginawang masama sa kanya ang dalaga.
"Kuya, bakit ka nga tahimik?" rinig niyang bulong ni Celine kaya nagbaba siya ng tingin dito. "Kung dahil lang 'yan kay ate Clarisse, then forget it. Huwag mong sayangin ang oras mo sa taong walang pakialam sa nararamdaman mo," iritadong saad nito.
Pinisil na lang ni Cairo ang pisngi nito at kumuha ng tissue para punasan ang gilid ng labi nito.
"Dalaga ka na pero ang kalat mo pa ring kumain," pang-iinis ni Cairo sa kapatid at gaya ng inaasahan, nakatanggap siya ng matalim na irap mula dito.
"Move on, kuya. Marami pang babae diyan, 'yung hindi nang-iiwan," pangaral pa nito na akala mo ay mas matanda pa sa kanya.
Ang totoo ay hindi naman si Clarisse ang nasa isip niya. Maayos naman silang naghiwalay ng ex niya dahil sa huli ay naunawaan naman nila parehas ang side ng isa't isa. Hindi nga niya inaasahan ang naging desisyon ni Clarisse. Akala niya ipipilit pa rin nito na maging sila pa rin kahit malayo, pero hindi nito ginawa. She easily let him go. Hinatid pa nga niya ang dalaga sa airport nang umalis ito sa pag-asang magbabago ang isip nito, pero mukhang desindido na ito na abutin ang pangarap niya. Wala naman siyang magagawa do'n.
"Tapos na ba kayong kumain? Tara na para makanuod pa tayo ng sine," pagyaya ng daddy nila.
"Tapos na ko," sambit ni Cairo. Hindi naman siya umorder ng dessert, hindi gaya ng bunsong kapatid niya na maraming kinain. "Hala ka, iwan ka na," patawa-tawang sambit ni Cairo kaya mabilis na inubos tuloy ni Celine ang ice cream niya.
"Done!" she exclaimed gleefully, raising her goblet in the air that made the room filled with their laughters.
Lihim na napangiti na lang si Cairo sa nasasaksihan. Matanda na siya para ma-excite pa sa ganitong bagay, pero masaya siya para sa bunsong kapatid. It's their family's first time to experience the drive-in cinema after all. Makakapag-bonding sila kahit paano.
Masyadong kasing abala sa trabaho ang mga magulang nila at sanay naman siya do'n pero ayaw niyang maranasan ito ng bunsong kapatid, kaya heto at bumabawi naman ang mga magulang niya.
Matapos makapagbayad ng bill ay hinila na si Cairo ng kapatid niya palabas ng VIP room para mauna na sa parking lot dahil nagbanyo pa ang mommy nila na sinamahan ng daddy nila. Nagpatianod na lang siya sa kapatid na nagmamadali ang kilos. Kulang na lang ay tumakbo sila sa hallway, ngunit ilang saglit lang ay tumigil si Celine at may itinuro sa kanya.
"Is that ate Charmelle?"
Agad na tinignan ni Cairo ang tinuro ng kapatid. Si Charmelle nga ang nakikita nila. Nasa bandang unahan lang nila ito at may kasamang lalaki. Nakasandal ang dalaga sa pader habang napakalapit ng mukha nung lalaki dito.
"Tsk. PDA," he mumbled bitterly. Hindi niya rin maintindihan kung bakit tila hindi niya nagugustuhan ang nakikita.
"Let's go. Don't watch them," sabi na lang ni Cairo sa kapatid pero umiling ito.
"Look! He was touching ate Charmelle inappropriately! Boyfriend niya ba 'yon?" usisa pa ni Celine.
Binalik ni Cairo ang tingin sa dalawa. Parang may kakaiba nga sa reaksyon at kilos ni Charmelle. Nakita niya kung paanong itulak ng dalaga 'yung lalaki pero napakahina naman ng pwersang nagawa nito. Para itong lambot na lambot.
Wala naman siyang planong makialam pa sa kanila pero nang makita niyang marahas na tinulak nung lalaki si Charmelle sa pader, para siyang sinilaban bigla. Mabilis pa sa kidlat na lumapit siya sa dalawa at nang akmang hahalikan ng lalaki si Charmelle na tila mawawalan na ng ulirat, agad siyang nagpakawala ng malakas na suntok na nagpabagsak sa lalaki sa sahig.
Agad niyang dinaluhan ang dalaga nang bigla na lang bumagsak ito. Gusto niya itong alalayan pero panay ang pagpupumiglas nito sa kanya na tila takot na takot.
"No, don't touch me!" nagmamakaawang usal nito sa mahinang boses.
Nakaramdam ng habag si Cairo para sa dalaga kaya maingat niya itong ikinulong sa isang mainit na yakap. Nagbabaka-sakali siyang kakalma ito sa gagawin niya pero lalo lang nitong gustong kumawala sa kanya.
"Shh. You're okay. You're safe now," he whispered soothingly and his words works like a magic spell.
Saglit na tumigil ang dalaga sa pagtulak-tulak sa kanya para mag-angat ito ng tingin. Parang hindi pa ito makapaniwala habang pinagmamasdan nito ang mukha niya.
"C-Cairo?" sambit nito sa garalgal na boses habang bumabagsak ang luha sa mga mata nito.
Tumango siya at binigyan ito ng maaliwalas na ngiti dahilan para lalong humagulgol ang dalaga sa mga bisig niya. Hinayaan na lang niya itong umiyak nang umiyak habang isinusubsob nito ang mukha sa dibdib niya para doon ilabas ang lahat ng nararamdaman nito.
Sinubukan pa itong patahanin ni Celine pero hindi pa rin tumigil sa kakaiyak ang dalaga hanggang sa mawalan na lang ito ng malay.