Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 23 - Chapter 21 - Chaotic Night

Chapter 23 - Chapter 21 - Chaotic Night

Chapter theme: Unwell - Matchbox 20

Cairo De Guzman (Nobody)

"The other me is gone. Now, I don't know where I belong."

Add friend.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang nakatitig lang ako sa facebook profile ni Cairo. Ang weird lang kasi. Pangatlong beses na akong nag-send ng friend request sa kanya, pero sa tuwing binibisita ko ang profile niya, laging bumabalik sa add friend.

Is he deleting my friend request? Why? He was the one who offered me his friendship, so why is he ignoring me? Galit ba siya? O baka nagbago na ang isip niya? Ayaw niya na bang makipagkaibigan sa akin? Maybe, I really got on his nerves last time and he realized that I'm really annoying!

Oh, God!

Mahinang nasampal-sampal ko ang magkabilang pisngi ko nang maalala ko na naman ang kagagahang nagawa ko doon sa charity concert. Ikaw kasi, Charmelle! Napakamaligalig! Ipagpilitan mo ba namang siya si Moonlight? Malamang nainis 'yon.

"Ugh! What should I do?" I gasped audibly as I panicked a little bit but then I realized that I'm not alone in this car.

I looked at Chianna who's sitting next to me here on the backseat. She's busy in her own little world kaya hindi niya napapansin ang pag-eemote ko dito. Buti na lang.

"Ano na, Chianna? Dito na lang ba tayo? Wala nang balak pumasok?" pukaw ko sa atensyon niya pero iniling niya lang ang ulo niyang nakadungaw sa bukas na bintana.

"Naiinip na ako dito. Baka naman nauna na si Yago sa loob kaya hindi natin siya makita?" reklamo ko saka naglaro na lang ng candy crush sa phone ko.

"Hindi 'yan. Wala pa siya talaga, kaya mamaya na tayo pumasok," sambit naman niya.

Loko kasi 'tong si Chianna. Kanina pa kasi kami dito sa tapat ng bar nakapark, pero hindi pa kami pumapasok sa loob dahil sina Ariz at Cairo palang ang nakita naming dumating kanina.

"Eh, paano nga kung nasa loob na pala siya?" giit ko.

Tumingin ito sa akin kaya pinagsalubong ko ang dalawa kong kilay.

"Ang ganda mo talaga Charmelle," bulalas nito.

Kinurot ko na lang siya sa tagiliran dahil sa pambobola nito. "Ikaw! Ikaw! Ang galing mong mang-uto! Okay, sige maghihintay tayo dito hanggang dumating 'yang Yago mo!" I pouted.

Ilang sandali pa ay napangiti na rin ako habang pinagpapatuloy ang paglalaro sa cellphone ko. Panay din ang pasimpleng pagsulyap ko sa rearview mirror para tignan ang ayos ko.

I was wearing a baby pink boho dress with an adorable cut and off-shoulder sleeves that hugging my slim body. My hair was pulled in a messy bun kaya naman litaw na litaw tuloy ang braso at collar bone ko. Hindi naman masyadong obvious na pinaghandaan ko ang araw na 'to, no?

Kailan ka pa nagpa-impress, Charmelle? Umayos ka nga!

Sumandal na lang ako sa upuan at tahimik na naghintay. Pagkalipas ng 30 minutes na walang kibuan, nagsalita ulit ako.

"After 5 minutes, pasok na tayo."

Nanlulumo namang tumango si Chianna dahil hindi pa rin lumilitaw si Yago hanggang ngayon. Baka late?

"Yago! Dumating ka na please? Sayang naman ang ayos ko ngayong gabi kung hindi ka darating."

Malakas na lang akong natawa dahil sa pagdadrama ni Chianna. Ang lakas talaga ng tama nito kay Yago.

"Bakit?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Chianna, okay ka lang? Hindi ka maririnig ni Yago kahit na magwala ka pa diyan," I shook my head in so much amusement. "Hay! Nagagawa nga naman ng in love."

"Tse!" pagsusungit nito saka binalik ang tingin sa sidewalk. Napikon ata dahil panay tawa lang ako sa kanya.

Sayang wala si Rena. Hindi niya masasaksihan ang kabaliwan ni Chianna sa lalaking 'yon.

Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa cellphone ko. Mayamaya pa ay bigla na lang sumigaw sa galak si Chianna kaya napaigtad ako sa gulat.

"Charmelle! Si Yago ko!"

"Huh? Who? Si Yago? Where?"

"Ayun, o!" turo niya sa lalaking kalalabas lang mula sa kotseng nakaparada sa harap.

Hindi na maawat ang ngiting kumakawala sa mapupulang labi ni Chianna lalo na nang bumaba mula sa kotse na 'yon ang isang lalaking may bitbit na guitar case.

"I told you! It's my Yago!"

"Your Yago talaga? Pag-aari mo, te? Kailan pa?" kontra ko kaya napaismid na lang ito.

"Tara na nga!"

Agad naman kaming lumabas mula sa kotse at nagpatianod na lamang ako sa kanya nang hilahin niya ako sa right side ng bar para magtago muna.

"Dito muna tayo," she whispered.

"W-What? Nandiyan na si Yago. Hindi pa ba tayo papasok?"

"Mayamaya na. Baka makita niya tayo. Nahihiya ako."

"Ay, wow! Big word! Marunong ka palang mahiya?" pang-aasar ko kaya nahampas niya ako sa braso.

"Aray! Masakit, ha!" singhal ko dahil medyo napalakas ang hampas niya. Exposed na exposed pa naman ang braso ko. Lokang 'to!

Dahil sa ginawa kong pagsigaw, naagaw tuloy namin ang atensyon ni Yago kaya napatingin ito sa amin. Kilig na kilig naman si Chianna nang ngumiti ito sa kanya. Sana all, nginingitian ni crush.

Dumako ang tingin ko kay Cairo, nakatingin din pala ito sa direksyon namin, pero nang magtama ang mga mata naming dalawa ay bigla itong umiwas at nakipag-usap muli kay Yago. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil sa ginawa niya. Ayaw niya ba akong makita?

"Cairo," wala sa loob na bulalas ko.

Tama bang nagpunta pa ako ngayon? I want to wish him luck, but it feels like he doesn't want me to be here.

Hindi naman siguro. Baka paranoid lang ako.

***

I can't focus that night. I could feel that Cairo was avoiding me, making me a bit upset. I was here to support him, but he never even looked at my way. Alam kong maraming tao sa lugar na ito pero imposible namang hindi niya ako makita lalo't nasa pinakaharapan nila kami nakapwesto. Sobrang obvious tuloy na iniiwasan niyang tumingin sa direksyon namin. Lagi siyang sa left side tumitingin. Galit nga siguro siya sa akin dahil sa nagawa ko.

Maingay sa paligid dahil sa cheer ng mga tao pero natigil 'yon nang magsalita si Cairo.

"Check mic, 123."

Ayaw ko man siyang tignan ay otomatikong lumipad ang mga mata ko patungo sa kanya. He looked like a boy next door in his checkered polo shirt with white sando underneath, black pants and black sneakers. Nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang suot na retro glasses na walang lenses. Sa tuwing hinahawi niya rin ang middle-part bangs ng buhok niya kapag tumatabing ito sa mukha niya, ay hindi na magkamayaw pa ang mga tagahanga niya sa pagtili. Gwapo niya talaga.

"Good evening! Our next song is Unwell by Matchbox Twenty. Sana magustuhan niyo!" Cairo announced gleefully.

Hindi ko na alam kung pang-ilang kanta na nila ito kaya pumalakpak na lang ako. I will support him even if he hates my presence now.

Nanlulumong kinuha ko na lang ang cellphone ko nang magsimula nang kumanta si Cairo. Hindi ko na kinakaya ang bigat na nararamdaman ko. Bakit ba sobrang affected ako pagdating sa kanya?

Ka-text ko lang si Rena the whole time na tumutugtog ang banda. Mabuti gising pa itong si Rena kaya kahit papaano ay may napagbabalingan ako ng atensyon ko.

Matagal pa ba 'tong matatapos? Umuwi na lang kaya ako? Pero hindi ko pwedeng iwan si Chianna sa lugar na 'to.

"Good evening everyone. I'm Yago, the charismatic guitarist of Cross Symphonia."

Doon lang ako nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pagpapakilala ni Yago kasabay ng pag-ugong ulit ng hiwayan ng tao. Some of them we're cheering for him, but some were bashing him and I could see that he's bewildered by it, but he's trying so hard to cover up his dismay.

"Booo!"

"Bakla naman 'yan!"

Napatingin ako kay Chianna sa pag-aalala na bigla na lang itong magwala. Knowing her, baka makipag-away ito, lalo't hinahamak sa harap niya ang crush niya. Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang mapansin kong nakokontrol pa naman niya ang inis niya. Tinatapunan niya lang ng masamang tingin ang mga nagbabato ng masakit na salita kay Yago.

"Kyaaaaah!"

"Akin ka na lang!"

"Go Yago! I love you."

"No! He's mine!" Buong lakas na sigaw ni Chianna at napatayo pa ang gaga.

We heard Yago chuckled on the mic at Chianna's remark. Tuwang-tuwa rin naman ang bruha dahil napansin siya ng sinisinta niya.

"Go! Yago! Wooooh!" sigaw pa nito lalo. Nagtitinginan na tuloy sa amin ang ibang fangirls ng Cross Symphonia.

"Chianna! Maupo ka nga!" Hinila ko ang braso niya at sapilitan itong pinaupo. Nakakahiya dahil agaw atensyon na kami.

"Hi! Ariz is my name! The handsome drummer of Cross Symphonia," pagpapakilala naman ng drummer ng CS. Pinaikot-ikot niya pa sa kamay niya ang hawak niyang drumstick. Nagpapakitang gilas.

"Woooooh!"

"GO! GO! GO!"

"Akin ka na lang Mr. Drummer boy!"

Nag-ingay muli ang mga tao sa loob ng bar na parang hindi na sila napapaos. Masakit kaya sa lalamunan ang pagsigaw nila.

"I'm Cairo! The cutie vocalist of Cross Symphonia. Cute man ako sa inyong paningin, ako'y hot din!" he winked.

I'm glad that he's enjoying the night. That all that matters for me.

"Agree!!"

"Oo, gwapo ka!! Gwapo kayo!"

"More!!"

Malakas na sigawan ulit ng mga nanunuod ang nangibabaw. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Cairo nang sandaling 'yon. Nang mapatingin siya sa direksyon namin at sa wakas ay nagtamang muli ang mga mata namin, kahit paano ay gumaan-gaan ang loob ko nang magtagal ang mga titig niya sa akin.

He didn't say anything nor smile at me, but knowing that he's finally looking at my way that night, I feel happy. Mababaw lang naman talaga ang kaligayahan ko.

"Bago ko kantahin ang 3rd to 4th song, nais ko lang sabihin na open po kami sa song request para sa huling kakantahin namin ngayong gabi. Sad to say, limang kanta lang ang pwede naming kantahin ngayon," paliwanag ni Cairo.

"Kahit huwag na! Umuwi na kayo!" reklamo naman ng isang grupo na nakaupo sa right side namin.

Mukhang sila 'yung kanina pa naninira ng gabi nila Cairo. Puro kalalakihan ang mga nando'n at iilan lang ang babae. Sa tingin ko nagpunta lang talaga sila dito para manggulo. Haters ata sila ng Cross Symphonia.

"Boo kayo nang boo! Kayo ang umuwi!!!" sigaw naman ng isang grupo ng mga kababaihang may hawak-hawak na cheering towel. Nakaprint doon ang mga mukha nila Yago, Cairo at Ariz.

Mga fangirls siguro ng CS. Ang cool naman! Parang gusto ko din tuloy mag-collect ng merch nila.

"This song is for all the people who's still supporting our band at patuloy na nagtitiwala sa amin," panimula ni Cairo habang nagsimula namang mag-strum si Yago.

After the long intro, Cairo's soulful voice once again filled our ears. May pagpikit pa ito na tila dinadama ang bawat liriko ng kanta.

A love I thought would be eternal

Drew to a close

And even all the many friends I had

Nakatunghay lang ako sa kanya habang nakikinig ako sa mala-anghel na boses niya.

Are leaving me

I've gotten older so I

Guess I become an adult

Why am I so anxious

Napapapikit na rin ako dahil para akong idinuduyan sa alapaap ng malamyos na tinig nito. Nang hindi na ako makatiis ay sinasabayan ko na rin ang pagkanta niya.

Again today, people

Stay in the past

The world goes on just fine

Napamulat ako at tumingin ulit ako sa stage nang mag-iba na ang boses ng kumakanta. Si Yago na pala. Isa rin 'tong napakaganda ng boses eh, kaya naman in love na in love si Chianna.

Without me

I'm still young so I

Guess I'm still immature

Why am I so stupid

Napangiti na lang ako nang masundan ko ang direksyon ng mga mata ni Yago. Nakatingin siya sa kaibigan kong pinagpala sa lahat.

Nice one. Mukhang may kahahantungan ang buhay pag-ibig ng isang 'to. I'm rooting for them.

***

I never thought that this night we we're supposed to chill will turn into a chaotic one. During their last song, nagkagulo na ang lahat dahil pinagbababato na si Yago ng itlog at kamatis habang nakanta ito. Maging si Chianna ay nakisali na rin sa away. Ilang beses ko siyang sinaway pero hindi na talaga ito nakinig sa akin. Sumugod na ito sa mga grupo ng lalaki na kanina pa nanggugulo.

"Hoy, kayo! Anong ginagawa niyo?! Ang babastos niyo, ha! Itigil niyo 'yan!" Matapang na sambit ni Chianna. May pagtaas pa siya ng manggas ng t-shirt niya na parang nanghahamon ng away.

Jusko! Sinapian ata ni Rena 'to.

"Wala kang pake, miss!" sabi ng isang lalaki na mukhang lasing na lasing na.

"Pwede ba miss, tumabi ka diyan?" sabi naman ng isang lalaking kasamahan din nila. Pulang-pula na ang mga mata nitong nanlilisik.

Yikes! Katakot!

"Ayoko! Anong karapatan niyo para batuhin ang Yago ko, ha? Itlog at kamatis pa ginamit niyo? Wow! Ang cheap niyo! Bakit? Naiinggit ba kayo dahil gwapo ang Yago ko? Well, hindi niya kasalanan kung pinanganak kayong mukhang bisugo!"

"Pwede ba miss? Maganda ka sana kaya lang uto-uto ka. Bakla 'yang pinagtatanggol mo, kaya pwede lumayas ka na sa harapan namin. Baka hindi kami makapagtimpi, sa'yo namin ibato lahat ng hawak namin," paninindak pa ng mga ito.

Hinila ko na si Chianna dahil mukhang hindi talaga siya sasantuhin ng mga ito.

"Chianna, tara na!" pagpupumilit ko pero hindi ito gumalaw sa pwesto niya.

She turned to me and gave me a reassuring smile. "Balik ka na sa upuan mo. I got this."

Eh, kung sinasabunutan ko kaya siya ng bongga at kaladkarin na palabas? Tapang-tapangan ang gaga. Nanginginig na nga siya.

Imbes na sundin ko siya ay tumayo na lang ako sa likuran niya para alalayan siya anuman ang mangyari. Ready na rin akong makipagbakbakan if ever. I know a little self-defense naman.

Hinarap ulit ni Chianna 'yung mga nanggugulo. "Sige! Sa akin niyo na lang ibato 'yan, huwag niyo lang sasaktan ang Yago ko. At kung maaari itigil niyo na ang mga pinaparatang niyo kay Yago dahil hindi totoo 'yun! He's not gay!"

"Owws talaga? Hindi kami naniniwala, kaya lumayas ka diyan!" singhal sa kanya muli nung mukhang lasenggo at tinulak-tulak pa ang kaibigan ko.

Aba! Sumosobra na sila!

Naikuyom ko ang kamao ko at akmang papalitan ko si Chianna para sugurin na 'yung lalaki pero may humawak sa braso ko.

Napalingon ako sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Yago pala. Kasama niya sina Ariz at Cairo.

"Don't. Kami na ang bahala dito," he smiled reassuringly.

Dapat lang naman, no!

"Go, save your damsel in distress," I said, putting my trust on him. I also took a little step to give way to them.

Si Chianna naman ay hindi naramdaman ang presence ng prince charming niya dahil busy ito makipagtalo.

After Yago went to Chianna's side to rescue her, everything happens so fast. Yago claimed that Chianna was his girlfriend shocking everyone who was watching them, including me! And the next thing I knew, Chianna was already crying as she run away from Yago when he kissed her.

Yes! He kissed my friend! That asshole! How could he take advantage the situation?!

Akmang susundan ni Yago si Chianna pero hinarangan ko na siya bago pa man niya magawa 'yon.

"Don't move!" Pinanlisikan ko siya ng mga mata kaya naman napaatras siya. "Huwag mong susundan ang kaibigan ko! You moron! Magnanakaw ka ng first kiss!"

"Hala ka, Yago! Magnanakaw ka pala ng halik. Tsk! Tsk!" sabat ni Cairo kaya pati siya ay sinamaan ko rin ng tingin bago ko sila tuluyang layasan.