Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 22 - Chapter 20 - Complicated

Chapter 22 - Chapter 20 - Complicated

Chapter theme: Complicated - Avril Lavigne

"Magaling ka palang tumugtog ng piano? Wala pang practice 'yon, but you nailed every note! Wow!" namamanghang puri ni Cairo kay Charmelle nang makabalik sila sa backstage matapos nilang tumugtog.

Naghintay siya ng tugon nito ngunit parang pumasok lang sa tainga ng dalaga ang lahat ng magandang komento niya at lumabas 'yon sa kabila. Kanina niya pa napapansin na balisa ito at hindi rin magawang makatingin sa kanya ng diretso. Naisip niya na baka dahil lang sa kaba kaya ganito ang kinikilos nito, pero ngayong tapos na itong tumugtog ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagiging tensyonado nito.

"Charmelle?" he called out trying to get her attention.

Narinig niya ang paghugot nito ng isang malalim na buntong-hininga bago siya nito harapin. Kung kanina lang ay hindi makatingin sa kanya ang dalaga, ngayon naman ay diretsong nakatitig ito sa mga mata niyang nakakubling muli sa suot niyang maskara.

May kakaibang emosyon siyang nababasa sa magagandang mata nito, ngunit hindi niya matukoy kung ano ang mga ito.

"May problema ba?" may pagtatakang tanong ni Cairo nang mapansin niya ang pagiging seryoso ng mukha ng babaeng kaharap.

"Why are you wearing that mask?" she asked and Cairo was taken aback by her inquiry. "Sino ka ba talaga?" pag-uulit nito sa tanong na hindi niya nagawang sagutin kanina dahil pinaakyat na sila ng stage para makapagsimula na ang charity concert.

Hinubad ni Cairo ang mask na suot at napakurap-kurap siya ng maraming beses habang pinagmamasdan lang ang mukha ng dalaga na nababalot ng matinding kalituhan.

"Ikaw si Moonlight, 'di ba? Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Ha?" Gumuhit ang malalim na gitla sa noo ni Cairo lalo na nang mahimigan ang desperasyon sa boses ni Charmelle. Tila marami pa itong katanungang nakahanda para sa kanya, ngunit may pag-aalinlangan pa ito.

"Ano bang sinasabi mo? Of course, kilala kita. Ikaw si Charmelle."

"Where did we first met?"

"Sa Skinz Bar," walang kagatol-gatol na sagot niya.

"No! I mean, before that!" giit nito. "Sa debut ni Cindy, doon tayo nagkakilala, 'di ba? Kinalimutan mo na ba? Pati 'yung pag-iwan mo sa akin sa ere, hindi mo na rin ba maalala? O nagpapanggap ka lang para makaiwas ka sa kasalanan mo sa akin?" mahabang litanya ni Charmelle na tila nauubos na ang pasensya.

Marahas na umiling si Cairo. Gaya ng dalaga ay nalilito na rin siya sa mga pagtatanong nito. Wala siyang makuhang sagot para dito. "Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi mo, Charmelle. I'm sorry."

"Imposible!" Charmelle snapped at him. She was mad and he can sense it. But why? He didn't do anything to her!

"Bakit ang dami niyong similarities?" He heard her mumbled under her breathe. Nakagat na lang ng dalaga ang ibabang labi saka napayuko na parang nanlulumo.

"Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ng binata dahil kakaiba ang kilos nito. "Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi mo, but I think you've mistaken me for someone else?"

"Really?" Charmelle spat sarcastically, as if she's not convinced with his answer.

Cairo just heaved an exasperated sigh. Hindi niya alam kung paano makukumbinsi ang dalaga na hindi siya ang taong tinutukoy nito, kaya naman inilahad niya ang kamay sa harapan ni Charmelle para ipakilalang muli ang sarili dito.

Nag-angat ng tingin sa kanya ang dalaga. Ang mga mata nitong kumikislap na dahil sa nangingilid na luha ay napalitan ng gulat.

"What are you doing?" tanong nito habang nakatitig lang sa kanya.

Cairo sent her a warm smile. "Hindi pa tayo masyadong magkakilala kaya siguro napagkakamalan mo akong ibang tao. Kung sino man siya, I swear to my soul, hindi ako 'yon," he said reassuringly.

"I'm Cairo De Guzman, vocalist ng Cross Symphonia." Inangat niya ang maskarang hawak niya sa isang kamay at pinakita 'yon sa dalaga. "You asked me, why I'm wearing this, right? Masyadong personal ang sagot sa tanong na 'yon kaya hindi ko pa masasagot. So, if you want to know more about it, then let's be friends?"

Charmelle stared at him in great disbelief. May parte sa utak niya na gustong maniwala, pero may makulit na damdamin na patuloy pa ring umaasa na maaaring si Moonlight ang taong kaharap. Hindi pwedeng coincidence lang ang lahat.

Mariin siyang pumikit para pakalmahin ang sarili. Wala namang mangyayari kung ipagpipilitan niya pa ang kutob niya. Baka nga mali talaga siya. Ilang segundo siyang hindi umimik. Nang magmulat siyang muli, ay sinalubong niya ang mga mata ni Cairo na mukhang hindi na umalis sa pagtitig sa kanya.

"Sorry sa inasal ko," sambit ni Charmelle nang mahimasmasan. "Baka nga hindi ikaw 'yon," pagsuko niya.

Tumango-tango na lang si Cairo bilang tugon na nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng dalaga.

"Malinaw na ba ang lahat?" paniniguro niya. Charmelle nodded and smiled at him, apologetically.

"I'm Cairo and I'm not Moonlight, okay?" may diing paalala niya pa ngunit hindi niya ipinahalata sa dalaga.

Because at the back of his head, he already had an idea, who was that Moonlight, Charmelle was pertaining.

***

"Yo! Wazzup?"

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Cairo nang marinig niya ang boses ni Ariz. Agad siyang bumangon sa kinahihigaang sofa at tinapunan ng iritableng tingin ang bagong dating.

"Kanina pa ba kayo?" inosenteng tanong ni Ariz sa kanila.

"What do you think?" Cairo asked in his most sarcastic tone but Ariz just ignored him.

Lumapit ito kay Yago at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Malakas na hinampas pa nito ang hita ng binata na nakapatong sa ibabaw ng mesa para umayos ito ng upo.

"Kamusta ang deal?" Yago asked him, worry was written all over his face. Kabado ito dahil sa kinasasangkutang issue. Kumalat ba naman ang rumor tungkol sa sexual preference nito.

Nang ilang minutong nanahimik si Ariz, tumindi ang kaba sa dibdib ni Yago. "Wait. Hindi ba pumayag? Ayaw ba nila tayong tumugtog do'n sa bar?"

"What? Hindi pumayag 'yung may-ari ng bar?" Cairo asked dramatically, trying his best to show them his cheerful front, as always. Kinalimutan niya muna ang lahat ng bagay na bumabagabag sa kanya, tatlong araw na.

Lumapit siya sa dalawang kabanda at umupo na rin sa tabi ni Yago upang pagitnaan si Ariz.

"Hindi," tipid na sagot ni Ariz sa tanong ng dalawa.

Napatayo naman si Cairo at napahampas sa mesa. "What? Hindi sila pumayag?! Patay tayo diyan!"

"Pwede ba Cairo? Hindi pa ako tapos magsalita. Manahimik ka muna diyan," Ariz retorted coldly.

Umangat naman ang sulok ng labi ni Cairo at handa nang mang-asar. He really loves goofing around with them. Tuwang-tuwa talaga siya kapag napipikon niya ang mga kaibigan. Stress reliever niya ang pangbubwisit sa mga ito.

"LQ kayo ng girlfriend mo, no? Init ng ulo mo, eh."

Sinamaan ng tingin ni Ariz si Cairo. Iyong tingin niya ay kasing-talim ng kutsilyo. "Shut up!"

Cairo just raised his two hands in the air. May nakakalokong ngiti sa labi nito nang muli siyang umupo. "So, ano ngang nangyari sa lakad mo?" pagliligalig niya.

Napahilamos na lang si Ariz ng mukha gamit ang palad niya. Ang bilis maubos ng pasensya niya kapag si Cairo na ang nangungulit na parang kiti-kiti.

"Ang sabi ko, hindi raw nila matatanggihan ang banda natin na tumugtog sa bar nila. Kasi kahit daw may issue kay Yago, ang dami pa rin daw nagre-request sa atin," paliwanag ni Ariz. Tumayo na ito at nagtungo sa minamahal niyang drum set.

"That's great!" Iyon na lamang ang nasabi ni Cairo.

"Alam mo Cai, may napapansin ako sa'yo," biglang sambit ni Yago.

Kunot-noong tumitig lang si Cairo sa kaibigan. Naghihintay sa sunod nitong sasabihin.

"Pansin ko, these past few days, madalas kang tulala. May problema ba?" alalang tanong ni Yago.

Natameme lang si Cairo na siyang napansin din ni Ariz. Wala talaga siyang maitago sa mga ito kahit pa galingan niya ang pagpapanggap.

"Wala. May pinag-awayan lang kami ni Clarisse," pagdadahilan na lang niya.

Sinubukan pa siyang usisain ng mga kaibigan niya, ngunit nililihis niya lang ang usapan. Hirap talaga siyang mag-open up kahit sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. And he felt guilty somehow. Alam niya ang sikreto ng mga kaibigan niya, pero pagdating sa kanya, marami silang hindi alam, tungkol sa kanya.

***

"Ah! Nakakahiya talaga! Ayoko na magpakita sa kanya, bru! Nakakahiya talaga 'yung inasal ko nung Sabado! Shemay!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Charmelle kay Rena na tahimik na nakikinig sa kanya mula sa kabilang linya. Kanina niya pa ito kinakausap at dito siya naglalabas ng kahihiyang sinapit niya noong nakaraang araw.

Martes ngayon kaya parehas maaga ang uwian nila ni Rena. Si Chianna naman ay hindi niya ma-contact. Marahil ay nasa kalagitnaan pa ito ng klase kaya ayaw na niya muna itong gambalain.

"Parang ayoko na tuloy sumama kay Chianna sa gig nila Cairo sa katapusan. Ayoko talaga muna siyang makita!" she continued.

Rena on the other hand just laugh out so loud at her foolish misery.

"Rena! Sige! Tawa ka pa diyan!" singhal niya sa kausap. Imbes na tumigil sa pagtawa ay mas lalo lang itong humalakhak na parang demonyong naaaliw pa sa kagagahan niya. "Bru, say something naman! Huwag kang tumawa lang diyan!"

Rena cleared her throat to finally get serious this time. "Ano bang dapat na sabihin ko sa'yo? Eh, 'di ba napagsabihan na kita last time, na huwag mong hinahanap si Moonlight sa ibang tao, nakinig ka ba?"

"I just ask him! Iyon lang naman. Wala namang masama sa ginawa ko. Gusto ko lang naman malinawan, eh." katwiran niya.

"Naliwanagan ka ba? O kumakapit ka pa rin sa kasagutan na gusto mo? He told you already, he's not Moonlight, so stop the fuss. You're just making him uncomfortable, Charmelle! Do you think hindi siya na-offend sa pag-giit mo na siya si Moonlight?"

Natigilan si Charmelle dahil sa narinig at saglit na napaisip. Inaalala niya ang reaksyon ni Cairo noong mga sandaling 'yon at tanging ang matamis na ngiti lang nito ang rumehistro sa utak niya.

"Hindi naman siya na-offend. Nakikipag-kaibigan pa nga siya sa akin. So, I guess it doesn't matter to him," kompyansang tugon ni Charmelle sa kaibigan na may malapad na ngiti sa labi.

But she was wrong. Unbeknownst to her, everything she told him that time, it does matter to Cairo and he was extremely bothered by it, until now.

***

Pagod na pagod na umuwi sa Cairo matapos ang practice nila. Imbes na dumiretso siya sa kanyang kwarto ay nagtungo na lang siya sa attic ng kanilang bahay upang doon muna magpalipas ng oras. Wala pa siyang ganang kumain ng hapunan, dahil bumabalik sa isipan niya ang mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa kanya.

Nang makarating siya sa attic ay kinapa niya ang switch ng ilaw para buhayin ito, ngunit kamalasan ay hindi ito sumindi. Matagal na nga palang pundido ang mga ilaw dito at hindi na napalitan dahil wala namang nagagawi sa parteng ito ng bahay nila.

Dinukot na lang niya ang cellphone sa kanyang bulsa at binuksan ang flashlight nito para sumabog ang liwanag sa paligid. Nang may sapat na ilaw nang nakatanglaw sa kanya ay sinuyod ng mga mata niya ang bawat sulok ng attic. Hinanap niya ang box na naglalaman ng mga lumang gamit nila, sa pag-asang doon matatagpuan ang sagot sa mga tanong niya.

Nang mamataan ito sa itaas ng isang lumang cabinet, kinuha niya ang nakita niyang kahoy na silya na nakahiga lang sa isang tabi para gamitin 'yon bilang tuntungan.

Maingat niyang inabot ang box saka ito binuhat para maibaba sa sahig. Napaubo-ubo pa siya nang pagpagan niya ang itim na takip nito na nababalot ng makapal na alikabok.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang takip ng box na halo-halo ang laman, karamihan ay mga laruan nila ng kapatid niya noong bata pa sila. Sa hindi malamang dahilan ay abot-abot ang kaba niya nang tanggalin niya isa-isa ang mga laman no'n.

Unang sumambulat sa paningin niya ay ang isang pambatang cat ears headband. Napangiti siya nang maaalala niya na napulot niya ito noong nagpunta sila ng buong pamilya sa amusement park at hindi na niya nahanap pa ang may-ari. Isa iyon sa mga masasayang alaala niya kasama ang pamilya niya, na hindi na muling mauulit. Maulit man ay hindi na sila katulad ng dati.

"Tumangkad na kaya ang batang 'yon?" he chuckled as he stared at the headband in his hand before putting it aside to search for that thing he was looking for.

When Cairo finally removed all the contents of the box, his heart started to hammered in his chest so loud that he could hear it. His eyed stay glued at the familiar journal lying at the bottom of the box. Maingat niya itong kinuha dahil nanginginig ang kamay niya sa maaari niyang madiskubre.

The journal was covered in a fabric that was painted with a night sky and a crescent moon reflecting on the water at the fountain. He remembered it clearly, he was the one who painted it.

Dumako ang mga mata niya sa bandang ibaba ng journal kung saan nakasulat ang pangalan ng may-ari. Marahan niyang hinaplos 'yon gamit ang hintuturo saka mabibigat ang paghingang binuklat niya ito.

Isa-isa niyang nilipat ang mga pahina para basahin ang bawat nilalaman nito. Para siyang mauubusan ng lakas sa katawan at sa isang iglap ay nakaramdam siya ng pagkirot sa puso niya habang unti-unti niyang napagtatagpi-tagpi ang lahat.

The painting, the journal, everything was connected to Charmelle.

Nasapo na lang niya ang noo na ngayon ay tagaktak na ng pawis. Hindi niya maiwasang makaramdam ng labis na lungkot habang tumatatak sa isip niya ang laman ng journal. Nasasaktan siya sa mga nababasa niya.

Tumingala siya sa madilim na kisame. Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin lang sa kadiliman.

"So, she was that girl, huh?" wala sa sariling usal na lamang niya habang unti-unting nabubuo ang isang desisyon sa isip niya.

He needs to stay away from her, or else, everything will get complicated.