Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 19 - Chapter 17 - Suspicious

Chapter 19 - Chapter 17 - Suspicious

Chapter theme: Trouble - Krisha Chu

"Okay! Done with oreo cheesecake! Now, strawberry milkshake naman!" I mumbled to myself while preparing all the ingredients for the strawberry milkshake.

Request ito ng dalawa kong kaibigan na nakatambay dito sa bahay. Sana naman huwag na silang maglikot sa taas. Nang silipin ko kasi sila saglit, naabutan kong magulo ang kwarto ko na akala mo dinaanan ng delubyo. Naghabulan ba naman ang dalawa at naghampasan ng unan.

Palibhasa, nagkataon na pare-parehas maaga ang uwian namin kaya dito muna nagpalipas ng oras 'yung dalawa.

Problemado rin itong si Chianna dahil nga sa issue ng Yago na 'yon. Hindi ito mapakali mula nang magtagpong muli ang mga landas nilang dalawa. And guess what? Nawiwindang ang utak ng babaeng 'yon dahil iniisip niya sa mga nalaman.

Pero baka naman na-misunderstood lang ni Chianna ang nangyari. Lalaking-lalaki ang dating ng guitarist na 'yon, eh, hindi gaya ni Cairo. He has a childish air around him kaya aakalain mong totoy pa ito. Siguro dahil palagi itong nakabungisngis kaya gano'n ang dating niya.

Okay, bakit naisingit ko ang Cairo na 'yon? Erase. Erase.

Nilabas ko na lang ang lahat ng gagamitin kong ingredients para sa strawberry milkshake na gagawin ko, nang biglang dumating si ate Grace.

"Charmelle, kailangan mo ng tulong?"

Banayad na ngumiti ako nang lumapit ito sa akin.

Anak si ate Grace ng kaibigan ni Manang Lydia, ang dati naming kasambahay. Nagretiro na kasi ito, tatlong taon na ang nakakalipas.

Ayaw ni daddy na basta kumuha na lang ng kapalit kaya si Manang Lydia ang nagpasok dito kay ate Grace. Halos nasubaybayan niya rin kasi ang paglaki nito. 27 years old na itong si ate Grace.

"Naku ate, pahinga ka na lang po. Kaya ko naman na 'to," tugon ko bago bumalik sa paghihiwa ng strawberries. .

"Ako na ang maghihiwa diyan," alok niya. "Baka masugatan ka."

"Ate Grace naman, tinatrato na naman akong bata. Promise! Kaya ko na po 'to. Magmeryenda ka na lang po. I also baked a banana cake. Kuha ka na lang po sa ref."

"Hindi ba para sa mga kaibigan mo 'yon?"

Umiling ako. "Para sa inyo 'yon ni daddy. Oreo cheesecake 'yung para do'n sa dalawa kong maligalig na bisita."

"Sige, kuha na ako, ha? Salamat," she smiled.

"Welcome!" I beamed.

Nang makaalis si ate Grace sa kusina, binilisan ko na ang paggawa ng strawberry milkshake dahil baka mainip na 'yung dalawa kong bisita, kakahintay sa akin. Kapagkuwa'y kinuha ko na ang isang buong oreo cheesecake na pinalamig ko muna sa ref at inilagay iyon sa tray kasama ang tatlong baso ng strawberry milkshake.

Dahan-dahan akong umakyat pabalik sa kwarto ko.

"Here's the cheesecake and strawberry milkshake. Made with love!" I announced the moment I entered my room, a wide grin plastered on my face.

Lumapit ako sa pabilog na table sa kwarto ko at nilapag ang tray na naglalaman ng meryenda namin. Doon ko lang napansin na suot ko pa rin pala ang pink na apron ko. Hayaan na nga.

Humarap ako sa dalawang feel at home na feel at home.

"Akala ko wala ka nang balak iakyat dito 'yan eh," sambit ni Rena saka bumangon sa pagkakahiga sa kama.

Umupo na ito sa harapan ng bilugang mesa at walang sabi-sabing sumubo ng maliit na piraso ng oreo cheesecake.

Si Chianna naman na nasa harap ng vanity mirror ay umalis na rin sa pwesto niya para umupo sa tabi ni Rena.

"Ang sarap talaga ng oreo cheesecake, Charmelle! The best ka talaga!" puri ni Chianna nang simula na niyang kainin ang cheesecake niya. She also gave me a thumbs up.

"Mukha nga, eh. Kinuha mo nga 'yung kalahati, samantalang kami ni Rena tig-1/4 lang," kantyaw ko habang nakatayo lang sa tapat niya at nakapamewang.

"Alam mo naman 'yan, basta sa paborito niyang pagkain, gahaman," biro ni Rena.

Hindi kami pinansin ni Chianna dahil busy ito sa cheesecake niya. Her comfort food.

Kinuha ko na lang ang laptop ko bago maupo nang makapagmeryenda na rin.

"Guys, can I ask for a favor?" I asked shyly.

"Ano 'yon?" tanong ni Chianna.

Rena looked at me and just give me a slight nod.

"Uhm...can you help me find his facebook account?"

"Sino? Si Cairo?!" Chianna blurted out through mouthful of cheesecake.

Mind reader ba ang babaeng 'to? Bakit alam niya agad? Napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"At bakit? Don't tell me tinamaan ka na rin sa lalaking 'yon?" usisa ni Rena habang nakaarko ang isang kilay.

I instantly shook my head, crossing my arms in front of my face. "Hindi no! Gusto ko lang siya makilala ng kaunti, para naman matahimik ako. May isang bahagi kasi sa utak ko na nagsasabing siya si Moonlight," pag-amin ko.

Mas lalo namang tumaas ang kilay ni Rena dahil sa sinabi ko, samantalang si Chianna ay walang imik na nakain habang nakikinig lang sa akin.

"His eyes looked familiar as well, parang nakita ko na ang mga matang 'yon dati. Hindi ko lang matandaan kung saan," I added.

"At kung siya nga si Moonlight, anong gagawin mo?" Rena asked.

"Hihingi ng closure, perhaps?"

"Bakit, naging kayo ba?" panggigisa pa nito.

Natameme ako at hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Minsan talaga mapanakit din itong babaeng 'to.

"He cut ties with you and just disappear into thin air a long time ago. He didn't just leave you hanging, he broke your heart. For the past 5 years, he didn't even bother to communicate with you, and that's a closure already. Forget about the guy, huwag mo siyang hanapin sa ibang tao," pangaral nito saka mataman akong tinignan.

"At kung si Cairo nga si Moonlight, napaka-gago naman niya na humarap sa'yo na parang walang nangyari. Kung ako sa'yo, huwag mo na lang pag-aksayahan ng panahon ang taong 'yon."

"Rena naman!" suway ni Chianna at bigla na lang sinubuan si Rena ng malaking piraso ng cheesecake.

Pinanlakihan naman siya ng mga mata ng huli. "What?!" singhal nito matapos manguya ang cheesecake.

"Hindi pa naman natin alam kung si Moonlight nga siya kaya chill. Isa pa, alam mo naman 'yang si Charmelle, she's as soft as tofu, so I can't blame her if she couldn't feel any hatred towards the person who hurt her."

"Sa sobrang bait nga, nate-take advantage," Rena reminded.

Napangiwi na lang ako. Mang-real talk daw ba?

"Pinagsasabihan ko lang kayo dahil sobra ko kayong pinapahalagahan, kaya huwag niyo sanang masamain," Rena continued. "Ayoko kasing makita na masaktan kayo sa huli ng dahil lang sa isang lalaki. Kasi kapag nasaktan o umiyak man kayo, hindi lang doble 'yung sakit sa akin, triple pa."

"Aww. Ang sweet ng nanay namin!" kantyaw ni Chianna na mahigpit na yumakap sa braso ni Rena.

"Ano ba?! Huwag ka ngang dumikit!" reklamo ni Rena. Tinulak-tulak niya pa si Chianna, kaso para itong tuko kung makakapit sa kanya.

I smiled softly while watching their quirky banters. Swerte ko talaga sa dalawang 'to.

"Wait, anong balak mo pala kay Yago?" pag-iiba ko ng usapan.

Tumigil si Chianna sa pangungulit kay Rena at biglang tumayo para kunin ang i-pad sa ibabaw ng kama ko.

Nang bumalik ito sa harapan namin, may nakakalokong ngiti ito sa labi.

"Watch me!" she said. She has a serious look on her face while typing something on the i-pad. Ilang saglit pa, natapos din ito sa ginagawa.

"Done! Na-post na!" energetic na sambit nito.

Nagkatinginan naman kami ni Rena.

"Na-post na ang alin?" takang tanong ko.

"What's with that smile?" Rena frowned.

"Basahin niyo na lang," Chianna winked and smiled goofily.

Agad namang napabalik ang tingin ko sa laptop habang inagaw naman ni Rena ang i-pad mula kay Chianna.

"OMG! Bru! Panalo 'tong pinost mo sa page nila!" I gasped, amusement dancing in my eyes.

"I know. Sabi ko naman sa inyo, gagawin ko ang lahat, mapansin lang ni Yago," she stated proudly.

"The things we do for love," Rena mumbled, shaking her head in pure disbelief.

Ibang klase talaga ang confidence nitong kaibigan ko. Sana all.

***

"Dito na rin kaya kayo mag-dinner? Tamang-tama, nakapagluto na rin naman si ate Grace," pamimilit ko sa dalawa habang bumababa kami ng hagdan.

Marahas na umiling si Chianna na nasa unahan lang namin ni Rena. Yakap-yakap niya ang bag. "Naku, huwag na. Baka hindi ako makakain dahil sa pangangatog, no? Takot ko lang sa daddy mo."

"Mabait naman si dad, strict lang talaga sa ibang bagay. Nakakatakot lang ang aura niya para sa iba kasi hindi naman talaga siya palaimik," pagtatanggol ko.

"Gabi na rin. Baka hinahanap na ko sa amin. Alam nila maaga uwian namin ngayon," sabat naman ni Rena.

"Sige na nga. Baka mapagalitan ka pa," sambit ko na lang.

Nasa pintuan na kami nang bigla naming makasalubong si daddy na kauuwi lang. Agad na kumunot ang noo nito nang madatnan niya ang dalawa kong kaibigan.

"G-Good evening, sir!" Chianna greeted while slightly hiding behind my back.

Natawa na lang ako. Takot talaga siya kay daddy kahit wala naman itong ginagawa sa kanya.

"Good evening, sir." Rena acknowledge, bowing her head a little bit.

Matamang tinignan lang sila ni dad kaya mas lalong nagtago si Chianna sa likod ko. Parang may dumaang anghel din sa pagitan namin dahil biglang tumahimik ang buong paligid.

Tumikhim na lang si daddy saka marahang tumango bilang pagbati sa dalawa. Kapagkuwa'y dire-diretso na itong naglakad patungo sa study room sa taas.

"See? Ang snob talaga niyang daddy mo. Parang ayaw niya sa amin," bulalas ni Chianna.

I turned to my friends, a bit embarrassed. "Sorry. Baka pagod lang si daddy."

"Hayaan mo na." Mahinang tinapik ni Rena ang balikat ko at matamis na ngumiti. "Uwi na kami."

Pinagmasdan ko na lang ang pag-alis ng mga kaibigan ko dahil hindi na sila nagpahatid sa akin hanggang sa gate. Nang mawala na sila, agad akong umakyat sa taas para puntahan si daddy sa study room. As usual, subsob na agad ito sa sandamakmak na papeles sa mesa niya. Ni hindi man lang ito nagbihis. Naka-business suit pa rin.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng mesa niya at nangalumbaba. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago bumalik sa ginagawa.

"Why?" he asked.

"Ayaw mo ba sa mga kaibigan ko?" Hindi ko mapigilang itanong.

Kapag nadadatnan niya kasi ang mga kaibigan ko dito sa bahay, he will always give them a silent treatment, kagaya kanina.

"Si Rena. Kamusta siya bilang kaibigan?" tanong ni daddy na hindi inaalis ang mga mata sa binabasang papeles.

"She's nice."

"Nakakausap mo ba ang mga magulang niya?"

"Hindi," sagot ko.

Come to think of it, sa tagal naming magkaibigan ni Rena, hindi pa namin name-meet ang parents niya ng face to face. Though nakikita ko naman sila sa mga importanteng okasyon na dinadaluhan namin ni daddy, pero hindi ko naman sila nakakasalamuha. They were always present on my birthdays as well, pero hindi ko talaga sila nakakakwentuhan man lang. Si daddy kasi ang laging humaharap sa kanila.

"Good. Mas mabuting hindi ka naglalalapit sa kanila, lalo sa tatay niya," makahulugang wika ni daddy na siyang ipinagtaka ko.

Inilagay ko ang mga braso ko sa ibabaw ng mesa niya at ipinatong do'n ang baba ko.

"You don't like Rena as my friend?" I concluded, tilting my head to the side, so I could study my dad's face.

Dad heave a sigh as he leaned his back on his swivel chair. The worry dripping in his light brown eyes was pretty palpable.

"It's okay to be friends with her, just don't get too close with her family."

"Why? Best friend kayo ng daddy ni Rena, since college kayo 'di ba? Anong masama kung maging malapit ako kay Governor?"

Natigilan si daddy dahil sa tinuran ko. The muscle in his jaw tightened while his hands were balling into a fist and it didn't escape from my eyes too. His reaction is a bit odd. Did I say something wrong?

"Dad?" I called him.

I saw him flinched as if he was pulled out from his trance.

"Are you okay?"

"Yes. May naalala lang ako." Huminga ito ng malalim at niluwagan ang suot na necktie na para siyang na-suffocate. "Sige na, mag-dinner ka na. Huwag mo na akong hintayin," sambit niya.

For some unknown reason, I could feel that he's not comfortable talking about Rena's dad. Bakit kaya?

Nagkibit-balikat na lang ako. Well, ganyan naman talaga ang mga adult and I guess, it's none of my business.

***

"Okay class, lahat na ba kayo may group para sa activity natin bukas?" tanong ni Ms. Cruz sa amin.

"Yes ma'am!" sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko.

Last subject na namin at katatapos lang ayusin 'yung groupings para bukas. Two consecutive days na kaming panay pagluluto ang ginagawa at pasalamat na lang ako dahil medyo matino ang mga kagrupo ko.

Hindi na rin nananabotahe ng luto si Vienna, mukhang nagtino na. Aba, dapat lang kasi kapag ako napikon, pakukuluan ko na talaga siya.

"Charmelle," rinig kong bulong ni Elaine sa tabi ko.

Nagpanggap akong hindi ko siya naririnig dahil alam kong kukulitin niya lang ako.

"Charmelle, sige na, tanungin mo naman kung anong facebook account ni Derek. Hindi ko kasi mahanap, eh. Naka-private ata," pagmamakaawa nito sa mahinang boses.

"Ayoko," mariin kong tanggi. "Ikaw na, tutal kagrupo naman natin siya."

"Nahihiya ako, eh. Ikaw na lang. Ikaw naman leader, eh. Kunwari need mo lang ng contact sa mga ka-group natin."

Napasandal ako sa upuan at pasimpleng tinignan siya ng masama. Siya itong may crush doon sa perfectionist na 'yon, ako itong kinukulit niya nang kinukulit. Gagawin pa akong tulay.

"Kaya mo 'yan. Hindi ka naman kakainin ng buhay no'n. Cheer kita sa buhay pag-ibig mo, promise!" pang-aasar ko.

Bumuntong-hininga na lang ito ng malalim bilang pagsuko, saka nagtaas ng kamay.

"Yes, Ms. Topacio?" tanong ni Ms. Cruz.

"Ma'am, ano pong lulutuin namin bukas? May theme po ba?" tanong niya.

"Oh, about that!" Bumalik si Ms. Cruz sa table niya at itinaas ang fish bowl na may lamang mga nakatuping papel. "Asian cuisine tayo tomorrow. You have to present me three dishes - side dish, main dish at dessert. So, group leaders, please come here in front para bumunot," she explained.

Nagsitanguan naman kaming mga leader ng bawat group.

"For group 1, Ms. Ayie Jacinto."

Tumayo si Ayie at excited na lumapit ito kay Ms. Cruz. Matapos niyang bumunot, binuksan niya ang nakatuping papel para basahin ang nakasulat do'n.

"What is it?" tanong ni Ms. Cruz.

Napangiti naman si Ayie ng napakalapad. "Chinese cuisine po, ma'am!"

"Xie xie!" sigawan ng mga ka-group niya sa bandang likod.

"Okay. Next for group 2, Ms. Christina Guevarra."

Nagtungo naman agad si Christina sa harap at bumunot sa fish bowl. "Filipino Cuisine po kami," basa niya sa papel na nakuha.

"Adobo na lang lutuin natin!" her groupmates suggested.

"Okay, next. Group 3. Charmelle Villarico, come here."

Tumayo na ako para magpunta sa harapan. Habang bumubunot ako, panay sigawan ng mga kagrupo ko.

"Ayusin mo 'yung bubunutin mo, Charmelle, ah! Dapat maganda mapunta sa atin," sigaw pa sa akin ni Elaine.

"Ikaw na kaya dito?" sarkastikong tugon ko. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.

Matapos kong bumunot, binasa ko agad kung anong nakasulat sa papel na hawak ko.

"Korean Cuisine!" I beamed to my groupmates. Nagpalakpakan naman ang mga ito na akala mo nanalo kami sa raffle.

"Ang daya naman!"

"Palipat sa grupo niyo!" kantyawan ng mga kaklase ko habang bumabalik na ako sa upuan ko.

"Yes! Ang galing mo Charmelle!" puri ni Elaine. She raised her hand for a high-five kaya nakipag-apir na lang ako sa kanya.

Nagtuloy-tuloy si Ms. Cruz hanggang sa makabunot na ang lahat. Sakto namang tumunog ang bell, hudyat na uwian na.

"And we're done for today! Goodbye class and goodluck for tomorrow!"

Paglabas na paglabas ni Ms. Cruz ng room ay agad na pinalibutan ako ng limang kagrupo ko. Umupo si Derek sa arm desk ni Elaine kaya kulang na lang maputol na ang paghinga ng babaeng 'to. Namumula rin ang mukha niya at hindi makapag-focus ang mga mata niya kung saan ba siya titingin. Obvious naman masyado ang babaeng 'to.

"Sinong bibili ng ingredients? Pass ako, kailangan ako ni mommy sa bahay, eh." bulalas ni Mitch na nakatayo sa harapan ko. Nakaakbay naman sa kanya si Jasper. Balita ko sila na raw.

"Hindi ka namin ka-grupo, bakit nandito ka?" sita ko kay Jasper at bahagya siyang pinaningkitan ng mata.

"Nakipag-switch ako. Pumayag naman si Miss," pagmamalaki nito. "Siyempre kung nasaan ang honey bunch ko, nando'n ako."

"Eh, di kayo na may lovelife," Elaine mumbled bitterly.

"Honey bunch?" Derek cocked an eyebrow, his arms folded across his chest. "Cringe," dugtong niya. He looked like he's fighting the urged to throw up.

"Inggit ka lang. Wala ka kasing honey bunch," Jasper retorted. May nakakainis na ngisi pa ito sa labi.

"Magluluto tayo bukas, ha? Ayokong may naghaharutan. Aalisin ko talaga kayo sa group ko," seryosong banta ko.

"Promise! Behave kami!" patawa-tawang saad na lang nila.

Bumaling ako kina Derek at Elaine. Mukhang itong dalawa lang ang maaasahan ko. "Kayong dalawa na lang ang mamili ng ingredients." Nilabas ko ang wallet ko at inabutan ng pera si Elaine. "Ako na muna ang bahala sa gastos tapos bukas niyo na lang ako bayaran. Kailangan din kasi ako sa coffee shop ni tita."

"Sure. Just leave everything to us," sagot ni Derek.

"A-Anong lulutuin natin?" utal na tanong ni Elaine.

Pigil kong matawa sa pagiging tensyonado niya. Gano'n ba talaga kapag katabi mo ang crush mo?

"Since three dishes ang kailangang lutuin, iyong madali na lang ang gawin natin para hindi tayo ma-hassle bukas," I suggested.

"Gaya ng?" tanong ni Jasper na ngayon ay nakayakap na sa likod ni Mitch at nakapatong ang baba sa balikat nito.

Talaga namang sa harap pa namin naglambingan ang dalawang 'to.

I got distracted for a moment there so it was Elaine who supplied them. "Braised baby potatoes na lang ang lutuin natin for side dish, galbi-jjim naman for main dish at hottoek sa dessert. What do you think?" she asked, as if asking for my permission.

"That's nice! Mukhang nakapag-research ka na, ha?" I complimented.

"Hindi naman. Nahihilig lang ako sa korean drama ngayon dahil sa impluwensya mo kaya may alam na rin ako sa mga dishes nila."

I clapped my hand. "Okay! Ako na ang bahalang magluto ng main dish. Jasper and Mitch, kayo nang dalawa ang bahala sa side dish. And please, huwag puro harot bukas, ha?" pagbibilin ko.

"Roger, ma'am!" Jasper jokingly saluted. I just ignored his crazy antics.

"Elaine and Derek, kayo naman sa dessert," pag-a-assign ko naman sa dalawa.

"Kaya mo bang ikaw lang mag-isa ang magluluto ng main dish bukas? Tulungan na lang kita," Elaine volunteered but I turned her down.

"Kaya ko na 'yon, ako pa ba?" I said reassuringly.

"So, okay na? Tapos na ba ang meeting natin? Pwede na kaming umuwi?" atat na tanong ni Mitch na binuntutan niya ng bungisngis.

I just nod at them and gave a dismissive wave of my hand. Dali-dali namang umalis 'yung love birds. Inayos ko na rin ang gamit ko sa loob ng bag ko saka tumayo.

"Kayo na bahala, ha? Chat niyo na lang ako sa messenger or viber kapag may tanong kayo sa akin."

"I don't have any of those. Kayo na lang ni Elaine ang mag-usap," Derek said.

I frowned at his statement. "Weh? How about line, instagram or telegram?"

He lifted his shoulder, giving me a half shrug. "Wala rin. Not into sns."

"Tao ka ba?" pabiro kong tanong.

"Do I have to make one para lang masabing tao ako? I don't think so."

Elaine and I exchanged an amuse look with our mouth hanging open. May mga katulad pa pala niyang walang hilig sa social media. Kaya naman pala hindi siya mahanap ni Elaine.

Nilabas ko na lang ang phone ko at inabot 'yon kay Derek. "Let's exchange numbers, kung okay lang?"

Tumango naman ito saka nagtipa na sa cellphone ko para ilagay ang number niya.

"Magpalitan rin kayo ng number ni Elaine para may contact kayo," utos ko pa.

"Okay," tipid na sagot na lang ni Derek kahit pa bumakas ang pagtataka sa mukha niya.

Pasimple akong kumindat kay Elaine na unti-unting pinupunit ng malapad na ngiti ang labi nang mapagtanto niya ang ginawa ko. Patago pa itong nag-thumbs up sa akin at nagpasalamat.

Bye Cupid, I'm gonna take your job from now on.

***

Pasado alas-singko na ng hapon nang matapos ako sa ginagawa ko dito sa kusina ng main brain ng Coffee Brew. Paminsan-minsan kasi tumutulong rin ako dito sa pamamagitan ng pagbe-bake ng mga cake na tinitinda. Itinuro na kasi sa akin ni tita ang secret recipe nila.

Kapag busy si tita doon sa bagong branch, ako muna ang nagtitingin-tingin dito sa main branch. Maaasahan naman ang mga staff niya dito kahit wala siya kaya naman wala rin akong inaalala masyado.

Matapos kong linisin ang mga kalat ko sa kusina, hinubad ko na ang suot kong apron at lumabas na ako para magpunta sa counter. Abala ang mga tao do'n dahil dagsa ang mga customer kapag ganitong oras.

"Boss! Uuwi na kayo?" bati ni Vikki nang mamataan niya ako. Isa sa mga matatagal nang barista dito.

Ngumiti na lang ako at tumango. Ilang beses ko nang sinabi sa mga tauhan ni tita dito na huwag akong tatawaging boss, kaso makulit talaga sila at ayaw nilang makinig. Pamangkin naman daw ako ni tita kaya parang boss na rin daw nila ako. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nila. Doon sila kumportable, eh.

"Una na ako," paalam ko.

Aalis na sana ko para kunin sa locker area ang bag kong iniwan do'n pero bigla na lang akong nakarinig ng malalakas na sigawan. Napasilip ako sa dulong bahagi ng coffee shop kung saan nanggagaling ang mga boses at napansin ko ang isang matangkad at payat na lalaki na tila sapilitang hinihila ang isang babaeng estudyante.

"Bitawan mo ko! Hindi nga kita kilala! Ayokong sumama sa'yo!" sigaw nung estudyante na pilit nagpupumiglas doon sa lalaki.

"Sumunod ka na lang sa akin!" sigaw nung lalaki. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga customer at inaawat dahil mukhang nasasaktan na ang estudyante sa paghila ng lalaki sa kanya.

"Alert the guard, parang may mali do'n, eh." utos ko kay Vikki na agad namang tumalima.

"Help! Ayoko sumama sa'yo! Bitaw! Nasasaktan ako!"

"Tumahimik ka!" singhal muli ng lalaki.

Naalarma na ako sa naririnig kaya dali-dali ko silang pinuntahan para mamagitan.

"Sir, may problema po ba dito?" magalang kong tanong sa lalaki.

Mukhang nagulat ito sa pagsulpot ko kaya agad namang iwinakli nung estudyante ang kamay nito saka nagtago sa likuran ko.

"Pasensya na miss sa ingay. Anak ko ang batang 'yan. Pasaway kasi at ayaw makinig sa akin. Kanina ko pa siya pinapauwi," nakangiting paliwanag ng lalaki sa akin pero hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi niya.

He's so suspicious.

"No! Hindi ko siya kilala! He's not my dad! Ang kapal ng mukha niya, gwapo ang daddy ko!"

"Naku miss, huwag kang nakikinig sa batang 'yan. Sinungaling talaga 'yan." Tumiim ang bagang ng lalaki saka sapilitang hinila na naman sa braso ang estudyanteng nagtatago sa likod ko pero pinigilan ko ito.

"Mawalang galang na po, but can I see your i.d? Gusto ko lang ng proof na anak niyo nga ang batang 'to." I said cautiously.

"I'm not a kid! 17 na ako! Kinulang lang ako sa height!" angal nung estudyante.

Sa kabila ng tensyong lumulukob sa amin, hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi nito. Hinarap ko siya at pinag-aralan ko itong mabuti. Mukhang mayaman ang batang ito dahil sa kilos at ayos. Mestisa rin dahil mamula-mula ang pisngi nito.

Doon ko lang napansin na nakasuot ito ng uniform ng school namin, which is plain black skirt at light shade of yellow na blouse. Means she's in senior high dahil kulay gray ang blouse at polo sa aming college student.

"Daddy mo ba talaga 'tong lalaki?" paniniguro ko.

Sunod-sunod ang naging pag-iling nito. "Hindi! Makinis ang mukha ng daddy ko. Walang mahabang peklat sa mukha. Siya, pangit siya! Kanina niya pa ako sinusundan mula sa mall hanggang dito. He's a stalker!"

I turned my attention back to the guy and eyed him suspiciously. Bahagya itong umatras at ibinaba ang suot niyang cap na tila tinatago ang mukha dahil kinukuhanan na rin siya ng picture at video ng mga customers na nanunuod sa amin.

"Pakelamera!" inis at dismayadong usal nito. Nagmamadali itong umalis para lumabas ng coffee shop pero naharang na ito ng guard namin.

Sa prisinto ka ngayon magpaliwanag.