Chapter theme: Bright - Ecosmith
Mag-aalas dos na ng hapon pero nakahiga lang si Cairo sa kama niya habang hawak-hawak niya ang isang A4 size picture frame na naglalaman ng lumang portrait painting ng isang babae. Hindi niya maiwasang mapatulala habang pinagmamasdang mabuti ang babaeng nakaguhit do'n.
Akala niya noong una ay nagkataon lang na kamukha ni Charmelle ang babae dito, pero habang tumatagal, unti-unting lumilinaw ang pagkakahawig ng dalawa.
Nilipasan na ng panahon ang portrait na 'yon, ngunit ang detalye ng bawat guhit ay napakalinaw pa rin. Ang kulay brown na buhok nito ay bumagay sa magagandang kulay ng mga mata nito — a pair of amber orbs. Halata rin sa facial features ng babaeng nakaguhit na may lahi ito.
Kaya nang makita niya si Charmelle sa malapitan, bahagya siyang nakaramdam ng labis na pagkamangha. It was as if the girl had come out straight from this painting and he's finally seeing her in flesh, alive and breathing.
But if Charmelle was really the girl in this painting, isang palaisipan sa kanya kung paano at ano ang naging koneksyon nito sa kanya. He needs to figure it out.
Napabalikwas ng bangon si Cairo nang marinig niyang mag-ring ang cellphone niya. Inabot niya ito mula sa ibabaw ng bedside table at agad niyang sinagot ito nang makitang ang girlfriend niyang si Clarisse ang natawag.
"Babe? Busy ka?" bungad nito.
"Not really," sagot niya. Muli siyang nahiga sa kama habang nakaunan ang ulo niya sa isang kamay habang hawak sa kabila ang cellphone na nakalapat sa kanyang tainga.
"Can we go out on a date today? I have free time too!"
"Sure. Dinner tayo tonight?"
"No! I want it now. Para matagal tayong magkasama. Palagi ka na lang busy diyan sa gig mo. Wala ka nang oras sa akin," pagtatampo nito.
"But babe, nagpapasama rin kasi sa akin si Celine mamaya, eh. Pwede naman tayong magkita mamayang gabi 'di ba? Puntahan na lang kita sa inyo after naming manuod ng sine."
"I told you, gusto ko ngayon na tayo magkita. You promise to me! You said you'll make it up to me, tapos ngayon simpleng request ko hindi mo mapagbigyan?!"
Cairo sighed. By the tone of her voice, he could feel that she's annoyed.
"But babe..."
"Babe naman, eh! Please? Pretty please? Sabi mo ako priority mo. Iyang kapatid mo lagi mo namang kasama sa bahay, eh. Pero tayo bihira lang magkita. Hindi mo ba talaga ako pwedeng pagbigyan ngayon?"
"Okay. Okay. Magkita na tayo," Cairo said, defeated.
Wala talaga siyang magawa minsan kapag umaakto na ng ganito ang girlfriend niya. Mas mabuting pagbigyan na lang niya ang gusto nito, kaysa magtalo pa sila.
"Promise?!" excited na tanong nito.
"Yeah. I'll pick you up. Magbibihis lang ako," sagot na lang ni Cairo.
"Yeeeey! Thanks babe! Sabi ko na hindi mo ako matitiis, eh. See you later! I love you."
Nailing-iling na lang si Cairo nang matapos ang tawag nila ni Clarisse. His girlfriend is really a spoiled brat and he's such an obedient boyfriend. What a combo. Ni minsan ay hindi niya pa magawang hindian ito. Sunod-sunuran na lang siya sa mga gusto nito lalo na kapag nagta-tantrums ito.
Some says she got him wrapped around her fingers but for him, it's not like that. Ayaw lang niya talagang naiipit sa isang argumento dahil hindi niya alam kung paano i-handle ang gano'ng sitwasyon. Isa iyon sa weakness niya 'yon. Ayaw niya ng maraming pinoproblema, kung kaya namang solusyonan agad.
Life's complicated already, and he planned to live his life without any conflict, as much as possible.
Bumangon na lang si Cairo para tawagan ang kapatid niya para ipaalam dito na postpone ang panunuod nila ng sine. And as expected, Celine got mad at him.
"Sabi na, eh! 'Yang Clarisse na naman ang uunahin mo! Ang selfish talaga ng girlfriend mo, kuya! I'm so pissed!" she snarled at him.
Napakamot na lang si Cairo sa gilid ng kilay niya. "Sorry. Bawi na lang ako sa'yo next time."
"No need! Diyan ka na sa magaling mong girlfriend. Huwag mo na rin akong sunduin! Manunuod ako ng sine mag-isa!"
"Celi—"
"Bye! Hindi tayo bati!"
And that's it. His cute little devil just hang up on him. Well, that's understandable. Mainit pa naman ang dugo ng kapatid niya kay Clarisse. Hindi pa man niya girlfriend ito ay hindi na talaga ito kasundo ng kapatid niya. Napagod na lang din siya na paglapitin ang dalawa.
Nasapo na lang ni Cairo ang noo niya. Bibilhan niya na lang ng pasalubong si Celine pag-uwi niya at lalambingin. Madali namang mapaamo ang kapatid niya kapag nabilhan ng favorite food nito.
***
"Babe? Are you listening ba?" tanong ni Clarisse sa boyfriend niya nang mapansin niya itong tila lumilipad ang isip sa kung saan. Kanina pa siya panay kwento rito pero hindi ito kumikibo.
"Ha? Of course, nakikinig ako sayo," sambit ni Cairo kahit ang totoo ay wala talaga siyang maintindihan sa sinasabi nito.
Ang focus niya ay nasa cellphone niyang nasa bulsa ng chest pocket niya na kanina pa nagvi-vibrate. Gusto niyang sagutin kung sino man ang natawag sa kanya pero number 1 rule nila ni Clarisse na bawal mag-cellphone kapag magkasama sila. Selosa kasi ito. Iniisip agad na may ibang babae siyang ka-chat kapag hawak niya ang cellphone.
"So, ayun nga babe. I really hate that woman! She's so clumsy!" pagpapatuloy ni Clarisse habang gigil na hinihiwa ang steak niya.
"Hayaan mo na lang," tipid na sagot na lang ni Cairo.
"What?! Hayaan? Duh! Ang stupid niya! Hindi siya tumitingin sa dinadaanan kaya nabunggo niya ako at natapunan nung ice coffee na iniinom niya! Nadumihan tuloy 'yung favorite kong dress kahapon! And that dress is so expensive! Hindi ko na tuloy magagamit 'yon."
"Clarisse. Lower your voice. Nasa restaurant tayo," nahihiyang suway ni Cairo sa girlfriend nang bahagyang tumaas ang boses nito na ikinatingin sa kanila ng mga tao.
"But babe!" There she goes again, throwing tantrums at him.
"You will stop bad mouthing that woman o uuwi na lang tayo at ihahatid na kita sa inyo? You choose!" iritableng usal ni Cairo. Tumaas na rin ang boses niya na tila napatid na ang pagtitimpi.
Napasandal siya sa upuan niya at napahimas sa magkabilang sentido. Nawalan na siya ng ganang kumain.
Sanay na siya sa ugali ni Clarisse pero may pagkakataon talaga na nauubos ang pasensya niya. Hindi naman ito ganito noong unang nagkakilala sila. She's a brat, pero hindi ganito kalala noon.
"Okay. I'll stop na. I'm sorry," she said apologetically, biting her lower lip.
"I'm sorry too," Cairo smiled softly. He took his girlfriend's hand and kissed the back of her palm. "Sorry. Napagod lang siguro ko sa paggagala natin. I didn't mean to raise my voice."
Tumango naman si Clarisse at ngumiti saka bumalik na ito sa pagkain. Si Cairo naman ay hindi na makatiis. Nangingimi siyang sagutin ang tawag sa cellphone niya nang muling mag-vibrate ito.
"Wait babe. Sagutin ko lang 'to. Baka importante eh," paalam niya bago dukutin ang cellphone sa bulsa.
Aalma pa sana si Clarisse ngunit bigla na lang napatayo si Cairo habang may kausap sa cellphone nito. Hindi na rin maipinta ang mukha nito habang sunod-sunod ang naging pagtatanong nito sa kausap.
"Nasaaan ka?! Bakit ka nandiyan? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"
Tumaas ang isang kilay ni Clarisse nang mahimigan ang pag-aalala sa boses ng boyfriend. May paghihinala sa mga matang pinanuod niya lang ito.
"Sige. Sige. Just wait for me. Papunta na ako." Cairo ended the call and turned to his girlfriend whose face was covered with confusion.
"I'm sorry, babe! I have to go!" Cairo said with urgency.
"What?! Bakit? Sino ba 'yong tumawag?" inis na tanong ni Clarisse.
"It's Celine. Nasa presinto daw siya. Nagpapasundo," paliwanag ni Cairo.
"Sasama ko!" Clarisse stood up.
Mabilis na umiling si Cairo dahil kilala niya ang girlfriend niya. Alam na alam niyang ayaw nito sa mga gano'ng klaseng lugar lalo at presinto ito. Baka umandar na naman ang pagiging taklesa nito. Mahirap na.
"Ako na lang. I'll just call a cab, mauna ka na munang umuwi."
"No! Hindi ako uuwi na hindi ka kasama!" pagmamatigas nito.
Napahilamos na lang si Cairo sa mukha gamit ang palad niya saka umalon mula dibdib niya ang isang marahas na bumuntong-hininga. Wala naman siyang ginawa ngayong araw pero pagod na pagod na siya agad. Ayaw na niyang makipagtalo pa.
"Okay! Just come with me! But please, behave," buong pusong pakiusap na lang niya.
***
Nakaupo si Charmelle sa tabi ni Celine sa loob ng presinto sa may departamento ng Women and Children's Protection Desk. Sinamahan niya muna ang estudyanteng ito, dahil kanina pa nitong hindi ma-contact ang kapatid niya. Siya na muna ang naging pansamantalang guardian nito habang kinukuhanan ito ng statement.
Nakapaghain na ng reklamo si Charmelle laban sa lalaking nanggulo sa coffee shop kanina, and it turns out, may criminal record na pala ang lalaking 'yon. Kakalaya lang rin nito sa kasong pangmomolestya sa mga bata noong isang buwan. Kung hindi siya nakialam kanina, baka napahamak na rin ang estudyanteng ito. Mabuti na lang talaga, malakas ang pakiramdam niya.
Matapos kuhanan ng statement si Celine ay sinubukan ulit nitong tawagan ang kapatid para magpasundo, at sa wakas ay sumagot na rin ito.
"Kuya! Come and pick me up here! I'm scared!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Celine habang nanginginig ang labi.
Agad namang hinawakan ni Charmelle ang isang kamay nito para mapanatag ito.
"Nasa presinto ako. May bad guy kanina, pinipilit niya akong sumama sa kanya...No, kuya. Hindi naman ako nasaktan."
"Sige. Sige. Just wait for me. Papunta na ako."
Naririnig ni Charmelle ang malakas na boses ng kausap ni Celine sa kabilang linya kahit hindi naman ito naka-loudspeaker. Halatang natataranta ito kaya siguro napapasigaw na ito.
"Pupunta na si kuya. Salamat sa pagsama, ate." Baling ni Celine sa kanya nang matapos ang tawag.
Charmelle smiled and nodded. "Okay ka na ba? Gusto mo ba ng maiinom? Ibibili kita."
Umiling si Celine. "Dito ka lang, ate." Lumingon-lingon ito sa paligid bago ibinalik ang tingin sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "I'm scared, eh."
"Huwag kang matakot. Nakakulong na 'yung bad guy saka maraming pulis dito. Nandito lang din ako sa tabi mo, hanggang dumating ang kuya mo," she said reassuringly.
"Thank you ulit, ate!" Celine smiled genuinely. May pagka-chinita ito kaya halos mawala na ang mata nito dahil sa pagngiti.
Sa hindi malamang dahilan, biglang sumagi sa isip ni Charmelle ang mukha ni Cairo habang pinagkakatitigan si Celine. Mahinang natawa na lang siya sa sarili. Hanggang dito ba naman ay ginugulo ng lalaking 'yon ang utak niya?
Humilig si Celine sa balikat niya na bahagyang ikinagulat ni Charmelle pero hinayaan na lamang niya. Marahil napagod ito dahil kanina pa sila dito sa presinto. Pasado alas-sais na rin ng gabi. Maging siya ay nakakaramdam na rin ng antok.
Lumipas pa ang halos bente minutos ay nakatanggap ng tawag si Celine mula sa kuya niya. Hinahanap kung nasaan ito dahil nakarating na rin ito sa presinto, sa wakas.
"Celine!" tawag ng isang pamilyar na boses.
"Kuya!" Agad na tumayo si Celine at yumakap sa bagong dating na humahangos.
"Bakit ang tagal mo, kuya?! Kanina pa kita tinatawagan, eh! Takot na takot ako kanina!"
"Sorry! Sorry! Nandito na si kuya, don't be scared," pang-aalo ng binata.
Napatanga na lang si Charmelle habang nakatitig sa kanyang harapan. Kumurap-kurap ang mga mata niya nang masilayan niya ang buong pigura ng binatang yakap-yakap ni Celine. Nakasuot ito ng kulay maroon na polo at itim na pants habang may suot na Avengers beanie sa ulo nito.
Kinusot-kusot pa ni Charmelle ang mga mata ng maraming beses para makasiguro kung tama ba ang nakikita niya. Nang mapatingin ang binata sa direksyon niya at umalpas sa mga labi nito ang pangalan niya, doon niya nakumpirma na si Cairo nga ang kuya ni Celine.
She sighed. Why does they keep on crossing paths?
"Magkakilala na kayo ni ate Charmelle, kuya?" curious na tanong ni Celine.
"Sort of," tipid na sagot ni Cairo.
"Sir, kaano-ano niyo ho ang biktima?" biglang singit ng babaeng police officer na umasikaso kina Celine kanina.
Lumapit naman si Cairo dito at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Charmelle. Nasa tabi niya ang kapatid na mahigpit na nakayakap sa bewang niya.
"I'm her brother," pakilala niya. "Ano po bang nangyari?" alalang tanong niya na palipat-lipat ang tingin mula sa police officer patungo kay Charmelle.
"May nang-harass daw po sa kapatid niyo. May ebidensya naman po kaming nakalap mula sa cctv ng coffee shop nila ma'am, kaya madali naman po silang nakapaghain ng reklamo," paliwanag ng police officer.
Nagtagis naman ang bagang ni Cairo sa narinig at mariing naikuyom niya ang kamao. "Nasaan ang lalaking 'yon?!"
"Nakakulong na siya kuya. Ate Charmelle help me," si Celine ang sumagot.
Cairo's face softened as he turned to Charmelle. "Thanks."
"No problem," nakangiting sagot ng dalaga. "I already charge that guy with civil harassment pero pwedeng makapagpyansa ang lalaking 'yon. So, I suggest, file a protection order just to be safe," dugtong niya.
Tumango-tango naman si Cairo. "I'll just call our family lawyer para siya na ang bahala sa lahat."
"Okay sir," sambit naman ng police officer.
Bumaling muli si Cairo sa kapatid para suriin ito. "Nasaktan ka ba?"
Inangat naman ni Celine ang kanang braso at pinakita ang pulsuhan na kanina ay pulang-pulang. "Ang sakit ng wrist ko kuya. Napilayan ata."
Maingat na hinawakan naman ni Cairo ang pulsuhan ng kapatid at hinamas-himas 'yon gamit ang hinlalaking daliri, kapagkuwa'y pinatakan ito ng mumunting halik.
"Ayan. Gagaling na 'yan," Cairo said softly while Celine just let out a cute giggled.
Hindi magawang alisin ni Charmelle ang mga mata sa magkapatid. Natutuwa siya na pagmasdan ang mga ito. Siguro kung may kapatid siya, baka ganito din sila ka-sweet.
"Can we go home now?" tanong pa ni Cairo sa pulis.
"Opo sir. Naasikaso na po ni ma'am ang lahat ng kailangan naming malaman kanina," tinuro nito si Charmelle.
"Salamat ulit," he smiled.
Charmelle give him a nod then stood up to excuse herself. "Sige, mauna na ako sa inyo."
"Wait ate! Sabay ka na sa amin!" alok ni Celine.
"Hindi na. Nandiyan lang driver ko sa labas."
"Ay. Sayang naman," malungkot na saad ni Celine ngunit agad ding umaliwalas ang mukha nito sa ideyang naisip. "Pwede kitang puntahan sa building niyo sa school, ate?"
"Oo naman! Anytime."
"Yehey!"
"Tara na rin sa labas. Baka naiinip na si Clarisse," sabat ni Cairo. Nagpaiwan sa loob ng kotse niya si Clarisse na siyang ipinagpasalamat niya.
"Bakit kasi sinama mo pa 'yang maarte mong girlfriend, kuya?" ungot ni Celine. Napansin ni Charmelle na mukhang nawala ito sa mood. "Kay ate Charmelle na lang ako sasabay!"
"Celine!" suway Cairo pero binelatan lang ito ng kapatid saka tumayo ito at yumakap sa braso ni Charmelle.
"Ate, pwede magpahatid? Kahit sa tapat lang ng subdivision namin? Ayaw kong kasama ang girlfriend ni kuya saka naalala ko, hindi pala kami bati ng kuya ko."
Nag-aalangan man ay hindi naman magawang tanggihan ang request ni Celine lalo't napaka-cute nito habang naka-puppy dog face. Sa huli, wala ring nagawa si Cairo sa katigasan ng ulo ng bunso at hinayaan na lang itong sumabay kay Charmelle.
Sabay-sabay silang naglalakad papalabas ng presinto. Mahigpit pa siyang nagbilin kay Celine na huwag itong maglikot lalo't makikisakay lang ito kay Charmelle pero hindi siya nito pinakinggan at nauna pang sumakay sa backseat ng kotse.
Papasakay na rin sana si Charmelle sa backseat nang biglang pigilan ni Cairo ang pagbukas ng pinto ng kotse nito.
Kunot-noong nilingon siya ng dalaga. "Bakit?"
"Salamat ulit," napakamot siya sa batok niya. "Pasensya na rin sa abala."
"Don't mention it," she said sincerely as she looked intently at him. "Iyon lang ba?"
"Ahm. Ano...may gig kami sa katapusan ng buwan. Baka gusto mong pumunta? Sa Vis La Jam. Kung gusto mo lang naman."
"Pupunta ko!" masayang sagot niya ngunit agad rin niyang binawi saka pinababa ang boses. "I mean, 'yung kaibigan ko pupunta, nagpapasama siya sa akin."
"Sasama ka?"
She shrugged. "I don't know. Siguro kapag hindi busy."
Ayaw niyang ipahalata kay Cairo na nasa plano na talaga niyang manuod sa gig ng banda nito hindi lang dahil sasamahan niya si Chianna. Pupunta siya dahil sa binata.
"So, see you then?"
Tumango si Charmelle at pigil ang sarili na ngumiti. "See you again."