Chereads / A Place in this World (COMPLETED) / Chapter 17 - Sixteenth

Chapter 17 - Sixteenth

Halos tatlong linggo ang lumipas nang malaman ko ang rebelasyong 'yon. Halos tatlong linggo ko na ring hindi kinikibo si Maveric,madalas siyang nagtetext sa'kin ngunit hindi ko nirereplyan at hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Napapansin na rin ni kuya Allan ang mga kinikilos ko nitong nakaraang linggo ngunit hindi na siya nag-abala pang magtanong,hindi ko rin naman sasabihin sa kanya ang dahilan.

Buwan na ng Hunyo ngayon kaya naman unang araw ng pasukan sa paaralan ni Isang. "Ate,mauna na ako sa'yo ha baka kasi ma-late ako sa usapan namin nina Jenna", paalam sa'kin ng aking magaling na bunso.

"Ingat ka ha.'Wag na gagala,diretso na dito sa bahay after class,ha.",bilin ko sa kanya pero ang loko,tinawanan lang ako. "Naku!'Wag kang tumawa 'dyan,lagot ka kay kuya Allan kapag gagala ka pa.",dagdag kong bilin.

"Don't worry,ate. Sige na po,mauna na ako sabihin mo kay mama kapag nagising na siya.", bilin niya bago lumabas ng bahay.

Naiwan naman akong nag-aayos ng aking sarili sa sala nang marinig ko ang pagtawag siya sa'kin.

"Bakit po,mama?", agad kong tanong nang marating ang kwarto niya.

"Nakalimutan ni bunso ang baon niya.", sagot ni mama habang nagtitiklop siya ng kanyanh higaan.

"Binigyan na po siya ni kuya kaninang madaling araw. 'Yon pa,ma hindi niya makakalimutan ang pera kapag lalabas ng bahay.", natatawa kong sabi habang tinutulungan siya sa pagliligpit ng higaan.

"Sabagay, halos lahat ng gusto niya ay nabibigay.", natatawa rin niyanh segunda sa sinabi ko.

Ngayon ko alng ulit nakitang tumawa si mama. Dalawang linggo na ang nakararaan nang ma-discharge si mama at gaya pa rin nv bilin ng kanyang doktor,mananatili lamang magpahinga at iwasan muna ang mabibigat na gawain at lubos na iwasang ma-stress si mama. Naging maayos na ang kanyang lagay ngunit kailangan niya pa ring i-take ang kanyang mga gamot sa takdang oras. Ako na ang gumagawa ng gawaing bahay sa umaga para para hindi na kumilos pa si mama dahil minsan matigas ang kanyang ulo. Sinabihan ni kuya si tita Ines na kung maaari ay tingnan-tingnan si mama at pumayag naman si tita.

"Nakahanda na ang agahan mo,ma. Papasok na po ako sa trabaho,tawag lang po kayo sa'min kung may kailangan kayo.", bilin ko kay mama para masigurong magiging maayos ang lagay niya.

"Kaya ko naman ang sarili ko,anak.", saad ni mama.

"Ma,huwag na pong makulit. Hindi po namin kakayanin nila kuya kapag nawala kayo sa'min.", paliwanag ko kaya wala nang ibang nagawa si mama kun'di ang pumayag.

Paglabas ko ng aming gate,napapikit ako ng mariin nang makita si Maveric na naghihintay sa gilid. Katulad ng nakagawian ay lalampasan ko lang siya,bibilisan ang lakad at kunwaring hindi nararamdaman ang presensya niya ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. Nanatili akong nakatalikof sa kaniya. "Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa'yo pero kausapin mo naman ako,Alyson. Hindi na ako makapagpigil pa kaya nakikiusap ako sa'yo,huwag naman ganito.", mararamdaman ang lungkot sa kanyang boses.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya  dahil nahihirapan din naman ako sa sitwasyon namin.

"Sabihin mo lang kung hindi mo na ako gustong manligaw sa'yo,tatapusin ko 'to at uulit ako sa simula. Sabihin mo lang lahat gagawin ko para sa'yo.". Nakikiusap siya ngunit napapikit lamang ako sa sakit ng kalooban. Masakit sa feeling na makikita mong nasasaktan ang taong mahal mo pero wala kang magawa.

"Bitawan mo ako,Maveric may pasok pa ako.",malamig kong sabi sa kanya ngunit hindi niya ako binitawan. "Maveric,please.", dagdag ko ngunit hinihiling ko na sana huwag niyang gawin kaya lang agad na niyang binitawan ang braso ko.

"Masyado na akong nahihirapan dahil bigla ka na lang naging ganiyan sa hindi ko malamang dahilan pero kung paghihirap ko ang makapagpapasaya sa'yo, tatanggapin ko just don't go away from me.", he said into his broken voice.

Isanh hakbang palayo sa kanya abg naging tugon ko,sinundan pa ng ilang hakbang hanggabg sa namalayab kong nasa labasan na ako ng aming kalye habang pigil ang aking pag-luha.

I'm sorry,Maveric...

****************

"Are you okay,Alyson?", nag-aalalang tanong sa akin ni Avery. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian dito sa canteen ng aming building. "These past days, napansin kong marami kang iniisip. Does it bothers you a lot? I'm worried,you know.", dagdag niya.

Itinigil ko na ang aking pagkain dahil wala akong gana. Kung nandito lang si mama tiyak na pinagalitan na niya ako. "Nabasa mo na ba 'yong novel about the girl who's trying to find a place in this world?",tanong ko.

"Well,it seems familiar but I haven't read it yet.". Uminom siya ng tubig bago nagsalitang muli. "What happened to the girl? Did you finished it? What did she found out? Where?", sunod-sunod niyang tanong.

Mapait akong ngumiti dahil hindi ko rin alam ang sagot. The novel ended there so I have no idea where did the girl found her place in this world. "I don't know, either but it seems like that girl and I are the same. Saan nga ba ako lulugar dito sa mundong 'to?", malungkot kong sabi sa kanya.

Why do I often speaking in English recently? Ganito ba kapag broken at maraming iniisip?

Hindi ko namalayang babalik na pala kami sa trabaho. Kung hindi pa ako tinapik ni Avery ay hindi pa ako matatauhan. "You know what,Alyson if you want to share your problem I'm here. I'm not just a friend but also an adviser angel!", masaya niyang sinabi and for a moment I remember someone from my past.

"I'm here not just a friend but also an adviser angel!"

"Oh? Bakit ganyan ka makatitig sa'kin?", naguguluhan niyang tanong.

"Nagkita na ba tayo dati? Parang familiar ka kasi,your presence,'yang sinabi mo parang narinig ko na noon.", diretso kong sagot sa kanya.

Sandali siyang natigilan at biglang ngumiti. "Just think that I was your adviser angel before.", natatawa niyang sabi at hinila na ako patungo sa aming working area.

Hindi ko maalis sa aking isipan ang katanungan kung sino ba si Avery at kungvmay kinalaman ba siya sa ala-ala ko o coincidence lang ang lahat. Minsa'y napapalingon ako sa gawi niya upang alalahanin kung saan ko ba siya nakita o nakasama noon pero sapilitan kong itinigil dahil nawawalan ako ng pokus sa aking trabaho. Napailing na lang ako sa iniisip.

*************

Halos isang buwan na ang nakararaan nang mauwi si mama dito sa bahay. Regular naman ang pag-inom ni mama ng kanyang mga gamot pati na rin ang pagkonsulta sa kanyang doktor. Kung minsa'y salitan kami ni kuya sa pagsama kay mama. Hindi kami dapat makampante dahil wala raw kasiguraduhan hanggang malubha ang lagay ni mama.

"Isang,napapadalas na yata ang panonood mo sa phone mo,ha. Baka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo.", sita ko sa kanya nang madatnan ko siya sa sala,galing sa aking trabaho.

"I know my limitations,ate. Nagawa ko na po lahat ng assignments ko kanina pa po.",sagot niya habang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Si mama?",tanong ko habang patungo sa aking kwarto para magpalit ng damit.

"Nagluluto ng hapunan,ate. Nga po pala tumawag si kuya na pupunta raw dito si ate Zhaira mamaya.", sandali akong natigilan ngunit iwinaksi ko na lang kung ano man ang aking iniisip.

Tinulungan ko si mama sa paghahain dahil dumating na si kuya kasama si ate Zhaira.

"First time ko pong makatikim nito. Ano pong tawag dito,tita?", tanong ni ate Zhaira.

Hindi ko maiwasang titigan sina ate Zhaira at kuya dahil para kay ate wala lang 'yong naging tagpo nila ni Maveric noon samantalang walang kaaalam-alam si kuya sa naging past nina ate at Maveric. Hindi ko alam kung may balak pa ba nilang ipaalam 'yon.

"Laing ang tawag diyan. Naku! Gusto mo bang mag-ulam ng munggo sa susunod na pagbisita mo rito?", magiliw na saad ni mama.

Napangiti ako ng palihim dahil marunongnang makisama si ate sa pamilya namin. Sana hindi siya mapagod at bumalik sa dating bad girl at sana rin ay wala na siyang feelings kay Maveric. Sana naguluhan lang siya that time.

Sana lahat ng sana ko ay matupad.