"Bukas ha,day off natin bibisita ako sa bahay niyo.", paalala ni Avery. Matagal na rin niya kasi akong kinukulit na bibisita siya sa'min kaya wala akong nagawa kun'di pumayag.
"Sige,kita na lang tayo sa kanto namin alam mo naman doon.",nakangiti kong saad bago kami naghiwalay ng landas.
Napatigil ako nang maalala na dito sa pwestong 'to madalas kong nakikita si Maveric na naghihintay sa'kin para sunduin o kaya kumain muna ng streetfoods sa bayan. Huminga ako ng malalim at umiling. "Lagi na lang,gusto ko nang makalimutan.",malungkot kong sabi bago nagpatuloy sa paglalakad patungong sakayan.
Pag-uwi sa bahay,nadatnan ko si papa na nakaupo sa labas ng aming bahay. Nagtaka ako dahil madilim na pero nandoon pa rin siya. Agad akong nagmano paglapit sa kaniya,sign of respect kahit pa may kaunting sama pa rin ng loob sa ginawa niya. Papasok na sana ako sa bahay nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Alam mo,anak natutuwa akong nakatapos ka na at heto nakikita kong pumapasok at umuuwi mula sa trabaho mo. Ito lang kasi ang kaya naming ipamana ng mama niyo sa inyo,ang pag-aralin kayo.",malungkot niyang sabi.
Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa'kin 'to gayong alam naman niyang hindi ko pa siya lubusang natatanggap ulit. Oo,nakakausap minsan pero hindi sa bagay na 'to kasi nandito pa rin 'yong sakit.
"A-Ano pong sinasabi niyo?",nagtataka kong tanong. Bahagya akong lumapit sa kanya habang siya'y nakatingin sa kawalan.
"Anak,sana bago man ako mawala ay mapatawad mo ako. Ikaw na lang ang hinihintay ko,anak. Ang pagpapatawad sa'kin ang huli kong kahilingan kahit alam kong hindi na mangyayari.",mangiyak-iyak niyanh sabi.
Pinipigilan kong hindi maiyak dahil nasasaktan ako habang nakikita siyang nahihirapan at nawawalan ng pag-asa habang sinasabi 'yon.
"Papa.",may pagbabanta sa boses ko dahil mukha siyang nagpapaalam.
Lumingon siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko,hindi ako kumibo.
"Alam mo bang sobrang saya ko nang ipanganak ka ng mama mo? Gusto ko kasing magkaroon ng munting prinsesa sa pamilya natin. Kamukhang kamukha mo ang mama mo,ilong lang ang namana mo sa'kin.",mapait na natawa si papa sa sinabi niya.
Hindi ko na talaga gusto ang naririnig ko. "Tatawagin ko lang po si mama.".
"Hindi na."madiin niyang hinawakan ang kamay ko. Madilim na ang paligid at tanging ilaw mula sa bintana ang nagsilbing liwanag namin. "Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo,Alyson. Hindi ko man lang nasubaybayan ng maayos ang paglaki ng prinsesa ko.",tumingin siya sa kawalan at hawak pa rin ang kamay ko habang nanatiling nakatayosa gilid niya."Kung hindi lang ako naging gago noon sigurado akong hindi kayo nahihirapan,siguradong hindi mahihirapan ang mama niyo.".
"Papa,nangyari na po ang mga 'yon,hindi na po maibabalik ang lahat,hindi na mababago ang kapalaran.", hindi ko na napigilang hindi magsalita.
"Yon na nga,mahal na mahal ko kayong lahat,anak. Kayo ang una at huli kong kahilingan.",tuluyan nang umiyak si papa base sa boses niya. Yumuko siya at pinunasan ito habang ako,pinipigilang maiyak. Nanatili pa rin siyang nakayuko. "Alyson, tulungan mo ang mama at mga kapatid mo ha. Magtulungan kayong magkakapatid para sa mama niyo,kahit ito na lang ang tuparin mo. Mahal ko kayo,mahal kita,Alyson,anak ko.",saad ni papa sa pagitan ng kanyang pagluha.
Naramdaman ko ang paglalim ng kanyang hininga at ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Natulala ako sa kawalan nang maramdaman ang pagluwag ng hawak niya hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang kanyang kamay.
Dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan."Papa,pinapatawad na kita. Patawarin mo ako,papa. Mahal na mahal ko kayo.",bigkas ko sa hangin.
Unti-unting namanhid ang buo kong katawan hanggang sa ang huling naalala ko na lang ay nagkagulo sina Isang at mama sa harap ko.
*****************
Labis ang pagluluksa namin at ng mga kamag-anak namin sa pagkawala ni papa. Lalong naging matamlay si mama at si Isang ay hindi matigil sa pag-iyak habang kami ni kuya ay napapatulala na lang. Napagdesisyunan naming cremation ang manguari sa bangkay ni papa para lagi pa rin namin siyang kasama sa bahay kahit wala na siya physically.
Isang linggo ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa ala-ala namin ang nangyari pero kailangang magpatuloy. Hindi mawala sa paligid ang tsismis na karma ni papa ang nangyari at kami ang sumasalo,umano. Nalulungkot ako sa tuwing naaalalang hindi man lang niya narinig sa'kin ang kahilingang mapatawad siya.
Ngayon ko napagtanto ang kahalagahan ng buhay at ng pamilya. Nagawa mang ipagkait ni papa ang kahulugan ng pamilya ngunit sa mga hiling sandali ng kanyang buhay ay naituwid niya ito. Hindi ko man nasabing pinatawad ko na siya,alam ng Dios kung gaano ko kamahal si papa. Nabulag ako ng galit ay hindi ko man lang naisip na kung ang Dios ay pinapatawad ako,higit kong dapat patawarin ang ama ko.
******************
Maliwanag na nangmagising ako kaya nagmadali akong magbihis dahil mahuhuli na naman ako sa trabaho.
"Aly,mag-almusal ka muna.",saad ni mama.
"Sorry po pero kailangan ko na pong umalis. Mahuhuli na po kasi ako.",pagtanggi ko at lumabas na ng bahay. Napansin ko ang mga usual na titig ng mga kapitbahay namin habang naglalakad ako. Hindi ko maiwasang lumingon sa bahay nila tita Ines pero agad akong umiling at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakapulot ako ng note sa daan at binuksan ko 'yon para basahin,ganito ang nakasulat;
Hello there!
I'm pretty sure you might think that this is coincidence but it's actually your chance to change yourself for the better. Alam mo, 'di mo kailangang magbago para sa iba 'no. Magbago ka para sa sarili mo you know....'yong mga bagay na gusto mo talaga basta hindi nakakasakit sa ibang tao. You have to explore yourself,you have to build your own,you have to put walls around your world but never put walls around your heart. No more words na kasi nauubusan na 'ko ng english words kaya gagawin ko lang comprehensive ang message ko na 'to, change for yourself and not for others. Today is your time so grab it!
Have a pleasant day,sweetie!
Tinupi ko na ang papel at isinilid sa bag ko dahil makakatulong sa akin ang bagay na 'to at isa pa, male-late na naman ako sa trabaho ko!
Pagdating sa working area ko,sinalubong ako ni Avery. "Buti on-time ka pa,akala ko male-late ka na naman.".
Nginitian ko siya,"Buti na lang talaga.",natatawa kong sabi. "Oh,bakit natulala ka diyan?",nagtataka kong tanong sa kaniya.
"OMG!Oh My God,Alyson! You're back! You're finally back!",nagtitili niyang bulalas at agad akong yinakap. Sinita kami ng workmate namin,mabuti na lang wala pa ang supervisor.
"Ano bang sinasabi mo?",naguguluhan kong tanong.
"Bumalik na 'yong Alyson na kaibigan ko! Oh My God~",natutuwa niyang sabi pero mahina lang.
Napangiti ako sa sinabi niya. Bumalik na ba ako sa dati o kailangang magbago ako for the better? Nang dumating na ang supervisor ay agad kaming nag-focus sa monitor. Naalala ko ang sulat na napulot ko kanina kaya muli ko itong binasa.
Hello there!
I'm pretty sure you might think that this is coincidence but it's actually your chance to change yourself for the better. Alam mo, 'di mo kailangang magbago para sa iba 'no. Magbago ka para sa sarili mo you know....'yong mga bagay na gusto mo talaga basta hindi nakakasakit sa ibang tao. You have to explore yourself,you have to build your own,you have to put walls around your world but never put walls around your heart. No more words na kasi nauubusan na 'ko ng english words kaya gagawin ko lang comprehensive ang message ko na 'to, change for yourself and not for others. Today is your time so grab it!
Have a pleasant day,sweetie!
Napangiti akong muli. Sa tagal ng panahon na nagkubli ako sa aking comfort zone,siguro panahon na para gawin ko naman 'yong dapat para sa sarili ko.
Sige na,susubukan ko na!
************************
Pag-uwi sa bahay ay nadatnan ko sina mama,kuya Allan at ate Zhaira sa sala. Napatigil sila sa pag-uusap nang makita ako. Nagkatinginan kami ni ate Zhaira. Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang lahat at madalas ko siyang hindi kausapin at pansinin kahit nilalapitan ako.
Ngumiti ako sa kaniya na ikinagula niya,ngumiti rin siya pabalik.
"Pwede ka bang makausap,Alyson?",seryosong tanong ni mama.
"Oo naman po. Ano po bang pag-uusapan?",masigla kong tanong nang makaupo sa tabi ni mama.
Nagkatinginan silang tatlo bago nagsalita si kuya."Sinabi ko na kay mama ang lahat ng nangyari,Alyson.",nawala ang ngiti sa labi ko.
Bakit sinabi ni kuya? Anong iniisip ngayon ni mama? Hindi ba dapat magalit na siya kay ate Zhaira ngayon kasi niloko niya si kuya, niloko niya kami.
"Alyson,minsan na ng nabulag ng galit dahil sa nagawa ng papa mo at saka mo lang naunawaan nang pakinggan mo ang paliwanag niya. Sana bigyan mo ng pagkakataong magpaliwanag si Zhaira.",masinsinang pakiusap ni mama sa'kin.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil naalala ko ang pagkabulag ko dahil sa galit,dahil hindi ako marunong makinig ng paliwanag pero ano pang ipapaliwanag ni ate Zhaira?
"Ate,sabihin mo sa'kin ang sinabi mo kay kuya at mama para paniwalaan ka.",hamon ko kay ate Zhaira.
"Alyson.",warning ni mama pero hindi ko pinansin.
"Alyson,I'm sorry if I did mistake but believe me,Maveric loves you so much.",panimula niya. Nanatili ako sa kinauupuan ko habang pinapakinggan ang paliwanag niya. Nang matapos niyang ipaliwanag lahat ay hindi pa rin rumehistro sa isipan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o mananatiling sarado ang puso ko. "I'm not expecting anything from you basta maluwag na sa aking binigyan mo ako ng chance to explain. Thank you for that.", dagdag ni ate Zhaira.
Matapos ang pag-uusap na 'yon ay nagmukmok ako sa aking kwarto. Ngayon palang nag-sink in sa akin ang lahat ng mga sinabi ni ate Zhaira. So,all this time,ako itong hindi marunong makinig,ako itong may kasalanan kung bakit tuluyang lumayo si Maveric.
Pinunasan ko ang mga luha kong hindi na maawat sa pagbagsak. Bakit? Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit hinayaan ko siyang lumayo sa'kin? Nawala ko ang papa ko dahil sa galit,ayaw kong pati ang taong mahal ko. Hindi pwede!
Kinaumagahan ay agad akong nagtungo sa bahay nila tita Ines. Wala akong pakialam kung naka-pantulog ako basta ang mahalaga sa'kin ngayon ay makausap si Maveric at pakinggan ang side niya. Gusto kong maging tama na ang desisyon ko ngayon.
"Oh, napadaan ka,ija?", gulat na tanongvni tita Ines habang nagwawalis sa tapat ng tarangkahan nila.
"Tita,si Maveric po?", agad kong tanong na nakapagpatigil sa ginagawa niya.
"H-Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?", nagtataka niyang tanong kaya naguluhan ako. "Matagal nang umalis ang anak ko dito.",dagdag niya.
"A-Ano pong ibig niyong sabihin?". Kinakabahan ako sa magiging sagot ni tita.
"Noong bago pa pumanaw ang papa mo lumipad na siya pa-Thailand dahil tinanggap niya ang offee ng kumpanya doon bilang marketing director. Naku! Pasensya ka na,Alyson akala ko kasi nasabi niya sa'yo.", paghingi niya ng paumanhin. Halos mawalan ako ng balanse sa narinig.
"Kailan po kaya ang balik niya?",may kung anong bara sa lalamunan ko.
"Tatlong taon yata ang kontrata niya pero itatanong ko sa kaniya kapag tumawag siya sa'kin. Malilintikan sa'kin 'yon dahil hindi nagpaalam sa'yo.".
" 'Wag na po,tita! Please,huwag niyo na po akong banggitin sa kaniya.",saad ko.
"Sige,ija. Pero kung gusto mo siyang makausap—",hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin.
"Hindi na po kailangan,uuwi na po ako.",paalam ko at nagmamadaling umuwi ng bahay.
Tinanong ni mama kung saan ako nanggaling pero agad akong dumiretso sa kwarto ko at doon binuhos ang lahat ng panghihinayang ko.
Iniwan na talaga niya ako,lumayo na talaga siya sa'kin. Kasalanan ko 'to. Iniisip ko pa lang na sa Thailand siya makakahanap ng bago, nasasaktan na ako.
Maveric,bakit? Mahal na mahal kita...sana ako na lang.