"Ma'am,magkwento po muna kayo tungkol sa buhay niyo.", sabat ni Dominic na isa sa mga maiingay kong Grade 10 student. Katatapos lamang ng aming discussion para sa lesson ngayong araw.
"Alam ko na 'yan,ayaw niyo lang mag-quiz kaya gusto niyong maubos ang oras ko sa pagku-kwento.", natatawa kong sabi. Mga batang 'to,para namang hindi ako dumaan sa pagiging estudyante.
"Kahit lovelife niyo na lang po.", singit ni Brandon.
"Class,kahit anong sabihin niyo tuloy pa rin ang quiz. I'll give you ten minutes to review.",bilin ko habang inaayos ang mga gamit sa aking table. Napansin ko ang pagkayamot sa mga mukha nila. "I will dismiss you early once we finish the quiz.",dagdag ko kaya agad silang nagsibuklatan ng notes. Napailing na lang ako sa kanila.
Umupo ako habang hinihintay na lumipas ang sampung minuto.
It's been three years. Tatlong taon na akong Licensed Professional Teacher (LPT). Oo,naipasa ko ang Licensure Examination for Teachers mula sa Professional Regulation Commission sa unang take pa lang at sobrang saya ko. Nagawa ko ang pangarap ko at ngayon ay magda-dalawang taon na akong nagtuturo ng English subject dito sa public high school ng bayan namin.
Papa,kung nasaan ka man ngayon, alam kong proud ka sa'kin. Tutuparin ko ang hiling mo para kina mama. Namimiss na po kita,papa.
Masaya ako para kay kuya at ate Zhaira dahil kinasal sila last year at doon ko lang nalaman na kaya familiar si Avery sa'kin dahil kababata siya ni kuya at madalas din niya akong kalaro kaya lang masyado pa akong bata noon kaya hindi ko maalala.
Si Isang naman ay second year college na at Accountancy ang kinukuhang kurso. Matalino kasi sa Math. Biniro ko nga minsan mag BSED na lang siya at mag-Math major pero ang loka maiksi raw ang pasensya sa mga bata.
Si mama naman ay lumalaban pa rin sa sakit niya sa baga pero mas masigla na siya ngayon kaysa dati kahit tumatanda na.
Si Maveric? Natutunan ko nang tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Tuluyan na akong nawalan ng balita sa kanya. Kinukulit nga ako ni kuya na siya na raw ang ko-contact pero hindi ako pumayag. Sinikap kong hindi makarinig ng anumang balita tungkol sa kanya. May mga nanliligaw naman sa'kin pero hindi ko na pinaunlakan dahil priority ko muna sina mama,at isa pa hindi pa ako handang magmahal ulit. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman para sa kanya.
Matapos ang sampung minuto ay sinimulan na namin ang quiz.
Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko sina mama na nagtatawanan at nandito rin pala si kuya. Napangiti ako nang makita silang masaya.
"Isali niyo naman ako sa usapan.", pagpaparinig ko.
"Eh,kasi naman 'tong si kuya,ate halos mabaliw na raw kakahanap ng mga pagkaing gusto ni ate Zhaira.",natatawang kwento ni bunso.
"Wow,magkakapamangkin na pala kami,magkakaapo na si mama,at magiging tatay ka na,kuya!Congrats!",masayang bati ko kay kuya.
"Sabik na akong magka-apo. Wala ng bulilit sa bahay kasi dalaga na si bunso.",biro ni mama sa kanya kaya natawa kaming lahat.
Sobrang saya ko habang pinagmamasdan sila. Mukhang nahanap ko na ang lugar ko dito sa mundong 'to. Wala na akong mahihiling pa kun'di ang kasiyahan ng pamilya ko,bonus na lang kung meron mang dumating para sa sarili ko.
A place in this world I would not ever leave is my family's arms because what matter happens,they're always there for me.
Stepping out from my comfort zone might lead me to hardship and consequences but one thing is for sure,I made it. I conquered those obstacles! I made it,guys!
Selflove and family's love are unconditional and I will live here,forever.