Chereads / A Place in this World (COMPLETED) / Chapter 23 - Special Chapter

Chapter 23 - Special Chapter

Gabi na pero kailangan ko pang tapusin ang Lesson Plan kaya napagdesisyunan kong bumili ng matatamis na pagkain sa kalapit na tindahan. Pinili ko talaga 'yong purong chocolate para hindi ako antukin. Bumukas ako ng isa bago umuwi sa bahay. Natigilan ako nang matanaw ko ang lalaking nakatayo sa gilid ng tarangkahan namin,natanong ko sa sarili ko kung akyat-bahay ba pero malamang hindi dahil maganda at matipuno ang pangangatawan niya. Nagulantang ako nang bigla siyang lumingon sa'kin.

Paanong...kailan pa siya nakauwi rito?

"Wala dito si kuya pero—",hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Ikaw ang sadya ko.",matipid niyang tugon na nakapagpataka lalo sa'kin. Para saan?Sobrang laki na ng pinagbago niya,tumangkad siya,pumuti at naging matikas lalo ang katawan.

"Anong kailangan mo sa'kin?",nagdadalawang isip ako kung dapat ko ba 'yong itanong sa kaniya o hindi. "S-Sa loob na tayo mag-usap .",suggest ko pero tumanggi siya.

"Hindi rin naman ako magtatagal.",saad niya at inabot sa'kin ang isang paper bag.

Wait, parang nangyari na 'to dati,dito rin mismo!

"Ano 'to?",kunwaring walang malisya sa boses ko pero namula sa ideyang nangyari na 'to dati.

" 'Di ko rin alam.",pilosopo pero seryoso ang mukha niya. O-Okay,so anong peg niya ngayon? "Gift ko 'yan sa'yo. Congrats,Ma'am Alyson.",dagdag niya kaya napatingin ako sa kaniya at nakatitig na pala siya sa mga mata ko.

"Thanks.",sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Buksan mo.",utos niya kaya binuksan ko naman habang hawak ang supot ng binili kong  chocolate.

Nang mabuksan ko,hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. "B-bra?!",bulalas ko at napatingin sa kaniya na ngayo'y nagpipigil na sa tawa.

"Terno niyan ng mga panties na binigay ko noon.",natatawa niyang sabi.

"E,halos four years na 'yon masyado na 'tong late! Napaka mo talaga!",sigaw ko at pinaghahampas siya ng paper bag.

"Aray,tama na baka magising ang mga kapitbahay.",saad niya kaya tumigil ako agad. Tinitigan ko siya habang pinipigilan ang pag-iyak,namiss ko siya ng sobra. "Namiss kita,Alyson.", bigla ay iyan ang nasabi niya.

Natigilan ako sandali bago siya yakapin at doon binuhos ang lahat ng mga luhang kanina pa nagbabadya.

"I miss you so much,Maveric.",sabi ko sa pagitan ng aking paghikbi.

"Nandito na ako,Alyson. Patawarin mo ako kung iniwan kita,gusto ko lang bigyan ng oras ang isa't isa para makapag-isip. Akala mo ba madali lang para sa'kin na tiisin ka,sobrang hirap Alyson. Bumalik ako para sabihin sa'yo na mahal na mahal kita. Sana hindi pa huli ang lahat sa'tin.",mahabang litanya niya habang magkayakap kami.

"Kahit naman hindi ka bumalik,hihintayin pa rin kita. Salamat kasi bumalik ka sa'kin,dito ka na lang 'wag mo na akong iiwan.",tugon ko.

Sandali kaming kumalas sa yakap,hinawakan niya ang baba ko at bahagyang inangat upang hagkan ng mabilis ang aking mga labi.

"Nakikita mo ba ang hugis ng buwan? Naalala mo pa ba 'yong sinabi mo sa'kin na kung sino ang taong una mong makakasama at sabay na tumatanaw sa buwan ay silang magkakatuluyan?",tanong niya.

Bumalik sa ala-ala ko ang gabing naroon kami sa parke at tinatanaw ang hugis crescent na katulad ng tinatanaw namin ngayon. Ngumiti ako at tumango bilang tugon.

"Totoo 'yon at tayo ang magpapatunay.",dagdag niya bago ako yakaping muli.

Wala na talaga akong mahihiling pa. I think I found where is my heart's home and it is in his arms.

"Thanks be to God."

I found myself.

I found my home.

I found my place in this world.

-END-

I would like to thank my active and silent readers. Sobrang nakakataba kayo ng puso. Maraming-maraming salamat sa mga nagbasa at patuloy na sumusuporta ng aking mga akda. Ako po ay pansamantalang matatagalan sa pag-update dahil sa nalalapit na naming pasukan.

Inspired sa'kin at sa course ko si Alyson. I'm taking BSED major in English,sana ay ma-conquer ko rin lahat ng mga pagsubok na darating sa buhay ko.

As you can see,Alyson ended her words saying her Glory to God, because in our lives mayroong hindi tayo dapat kalimutan at iyon ay ang Dios.

Another,ispired ang title sa song ni Taylor Swift at kung napapansin niyo ay Alyson ang pangalan niya. Wala lang,share ko lang. Hahahaha.

Nawa'y nagustuhan ninyo ito katulad ng sayang nararamdaman ko na matapos ang A Place in this World.

Maraming salamat muli!

A Place in this World is officially completed.

Date: August 21,2020

Time: 23:00

SALAMAT SA DIOS