Chereads / A Place in this World (COMPLETED) / Chapter 20 - Nineteenth

Chapter 20 - Nineteenth

MAVERIC's POINT OF VIEW

"Tol,una na ako!",paalam ni Mike sa'kin kaya binato ko sa kanya ang folder na walang laman. "Aray! Biro lang naman,e!",sabi niya habang umiiling.

"Tapusin mo 'yong sales data sa first quarter kung ayaw mong ikaw ang ireport ko.",pagbabanta ko sa kanya nang pabiro.

"Ito na,boss,tatapusin ko na po,boss.", sarkastiko niyang sabi habang inaayos ang mga files sa kanyang laptop.

Napailing na lang ako sa ugali ng lalaking 'to. Kasalukuyan kaming nandito sa sala ng bahay. Siya ang assistant manager ko at nandito kami pata tapusin 'yong sales report na kailangang ipasa sa main bukas.

Napasandal ako sa kinauupuan ko habang hinihintay ang data mula kay Mike. Nitong mga nakalipas na araw masyadong maraming nangyari pero wala,e kailangan talagang magpatuloy.

Hindi ko inakalang dadating ako sa puntong 'to ng buhay ko. Simula noong kinausap ako ni Alyson,tinigilan ko na ang pangungulit sa kanya. Kasalanan ko rin naman pero sana may chance pa akong magpaliwanag sa kanya. Hindi rin ako mapanatag kay Allan kung anong gagawin non sa'kin. Matagal na kaming magkaibigan pero mauuwi pa sa wala.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang gabing pinuntahan ako ni Zhaira dito sa bahay.

Flashback

"Mukhang problemado ka,anak. Dahil ba sa trabaho?",tanong ni mama nang mag-mano ako sa kaniya.

"Hindi po,wala lang po 'to.May hapunan na po ba?",saad ko habang nagtatanggal ng sapatos.

"Inaantay ko 'yong nilulutong kaldereta ni tita Agnes mo. Binilin niya kasi kanina na ipagluluto raw tayo.",masayang sagot ni mama.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig saka ako napahinga ng malalim. Naguguluhan ako sa kinikilos ni Alyson,akala ko noong una may personal problem siya kaya hinayaan ko lang siyang hindi ako pansinin kahit pa nakakapanibago pero lumipas pa ang ilang araw gano'n pa rin siya iaya hindi ko na napigilang magtanong pero wala akong nakuhang sagot,sobrang nakakabaliw.

"Anak,may bisita yata tayo!Tara dito!.",narinig ko ang sinabi ni mama kaya agad akong nagtungo sa sala kahit hindi pa ako nakakapagpalit ng damit.

Nagulat ako nang madatnan ang isang babae na nakatayo sa terrace namin at kausap si mama. "Oh,anam high school classmate mo raw.",sabi ni mama nang makita niya ako sa kanyang likuran."Sayra,tama?",tanong ni mama sa kaniya at tumango siya. "Sige,maghahanda ako ng meryenda. Pasok muna kayo sa sala habang hinihintay ang meryenda.",sabi ni mama kaya wala kaming nagawa kun'di ang pumasok sa loob.

Mula rito ay tanaw pa rin sa labas kaya malaya kaming nakikita ng mga dumaraan.

Nagtataka ako sa biglaang pagpunta ni Zhaira dito. Paano niya nalaman na dito ako nakatira e hindi ko pa siya nadadala rito sa bahay? Baka nalaman niya kay Allan dahil  halos magkapitbahay lang kami. Sige,sariling tanong sarilig sagot.

"I'm sorry to bother you pero ito lang 'yong oras ko para makausap ka ulit.",panimula niya.

"Nag-usap na tayo sa ospital,Zhaira kaya wala na tayong dapat pag-usapan ulit.", pagpapaintindi ko sa kanya.

"I'm really sorry for everything,Maveric. Please give me time to explain.",pagpipilit niya.

"Zhaira,please. Ayaw kong saktan si Alyson at ayaw kong traydurin ang kaibigan ko.",sabi ko at tumayo na para hilain siya palabas ng aming bahay."Ayaw ko ng gulo,Zhaira. Please lang,patahimikin mo na ang buhay ko.'Wag kang makasarili.",dagdag ko nang makarating na kami sa terrace. Nagulat ako nang agad niyang binawi ang braso niya.

"I miss you and its been years,I couldn't forget you. I never heard anything about you.Hear me,'cause I miss you so much. I really do!", madiin niyang sabi. Agad niya akong hinila sa damit ko at biglang hinalikan.Dahil sa gulat hindi ako naka-react agad. Bago pa man ako humiwalay sa halik niya, may sinong marahas na humila sa braso ko. Bago ko pa man makita kung sino siya, malakas na suntok ang tumama sa pisngi ko dahilan ng pagputok ng labi ko.

"Hayop ka!",sigaw niya sapat na para makilala ko siya,si Allan. Hindi ako nakagalaw habang sapo ang labi ko. "Gago ka,Maveric! Tinuring kitang kaibigan at utol pero ganito pa ang gagawin mo sa'kin,hayop ka!",dagdag niya bago ako sikmuraan. Napadaing ako sa sakit at napaupo sa sahig.

End of flashback.

Hindi ko alam kung anong sadya ni Allan noon pero lubos kong pinag-alala nang makita ko sa mga mata ni Alyson ang galit,sakit,at pagkadismaya. Malamang narinig niya ang dahilan ng away namin ng kuya niya at sobrang sakit dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag sa kanila. Sinayang ko 'yong babaeng pinaghirapan kong maabot. Lalo pa akong nanghinayang nang sabihin ni Allan na posibleng mahal na rin ako ni Alyson. Sinira na ako ni Zhaira noon,hanggang ngayon ba naman?

Nagbalik lang ako sa katinuan nang batukan ako ni Mike. "Pre,lagi ka na lang lutang. Nasaan kako 'yong files ng sales sa first week ng February?",pag-uulit niya sa tanong na hindi ko narinig kanina.

"Wait lang ha,ikaw kasi ang mas mataas sa'tin kaya wait lang.",pang-aasar ko sa kanya habang hinahanap sa files ko ang kailangan niya. "Oh,ayan na feeling close ka.",dagdag ko pa habang binibigay sa kanya ang flash drive.

"Salamat,boss! Malapit na ako,umuwi!", masaya niyang tugon habang pabalik sa pwesto niya. Napailing na lang ako sa kababawan ng kaligayahan niya.

Hindi ko pa rin maiwasang malungkot at manghinayang lalo pa na nakatitig ako ngayon sa wallpaper ng laptop ko,si Alyson. Selfie namin 'yan noong nasa park kami,medyo madilim pero maliwanag ang mga ngiti niya.

Siguro nga masyadong nasaktan si Alyson at ayaw kong nang dagdagan pa ang nararamdaman niya,pero kung sana lang ay makapagpaliwanag ako pero tingin ko sukang suka na siya sa'kin sa pag-aakalang pinaglalaruan ko ang damdamin niya. Ayaw ko ring dagdagan pa ang iniisip ni Allan,ayaw kong makasira ng relasyon. Mahirap pero kailangan kong gawin,kailangan niya ng oras para palipasin ang lahat pero kung handa na siyang makinig nandito lang ako.

Hay,bakit ba ang drama ko? Pero seryoso,sana mapatawad nila ako at sana hindi pa huli ang lahat para kay Zhaira at Allan,gano'n din sa amin ni Alyson. Kung sana lang ay sapat na bawiin ni Zhaira ang lahat ng nagawa niya,handa akong makipagtulungan pero ayaw kong  makita si Zhaira dahil siya ang may kasalanan nito! Pero nangyari na,ang hirap lusutan.

Ang pakinggan ni Alyson ang paliwanag ko ang pag-asa ko. Tama na nga,Maveric! Bumalik ka na lang sa dating seryosong ikaw para hindi na malaman ng iba na broken ka na naman. Nagawa mo naman na 'to dati,gawin mo na lang ulit.

"Tol,tapos na! Makakauwi na ako!",masaya niyang sabi at inabot sa'kin ang flashdrive.

"Sige,umuwi ka na pero siguraduhin mo lang na tama lahat ng data dito.",malamig kong tugon habanh ini-insert sa port.

"Luh! Sinapian ka ba? Ang seryoso mo naman.",nagtataka niyang sabi pero hindi ko siya pinansin. Mas mabuti na siguro 'to. "Ewan ko sayo, mas moody ka pa sa girlfriend ko. Sige na,tol kita na lang tayo bukas.", paalam niya bago lumabas ng aming bahay. Narinig ko pa ang pagharurot niya ng motor,makasagasa ka kulong ka.

Pabagsak kong sinandal ang sarili sa upuan.Ilang taon naman akong naging tahimik at nagkunwaring walanh emosyon sa harap ng ibang tao kaya magagawa ko ulit.

"Mas mabuti na 'to.", walang gana kong bulalas sa hangin bago pinagpatuloy ang pag-finalize ng sales data.

*****************

ALYSON's POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong bumibili ng pang-gisa dito sa tindahang malapit sa'min nang marinig ko ang bulungan ng mga tsismosa sa 'di kalayuan.

"Naku! Alam niyo ba,'yang babaerong asawa ni Agnes nandiyan sa bahay nila.",rinig kong sabi ng babaeng hindi ko kilala.

"Ay,talaga?",gulat namang tugon ng isa, 'yong ina ni Bebang na bayaran sa kabilang bayan.

"Ano ba kayo,hindi niyo alam? Nasagasaan daw 'yonh asawa niya tapos iniwan ng kabit kaya ayan bumalik sa pamilya. Karma niya 'yon. Ito namang sila Agnes,bukas palad. Kung akp asawa niyan hinayaan ko nang mamatay.",natatawang kwento ng isa pa.

"Kinarma talaga siguro,e 'yan ba namang si Alyson nakapagtapos ng maestra hindi naman makapasa-pasa sa board exam kaya call center ang bagsak.",dagdag na tsismis ng isa.

Naikuyom ko ang mga kamao ko at basa ang perang hawak ko. Bakit ba kasi ang tagal ni Inday kumuha ng bawang at sibuyas? Nagtungo pa siguro sa kusina nila,hay!

Mga tsismosa talaga walang dulot sa lipunan. Ako raw hindi makapasa-pasa sa board exam kaya ako nag-call center? For their information,hindi ko pa nasusubukan pero gagawin ko rin 'yon at huwag nga nilang maliitin ang pagiging call center agent. 'Di nila punahin 'yong mga anak nilang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil puro pag-aasawa ang inatupag. Nakakahiya naman sa'kin 'no?

"Pero 'yong si Allan nakabingwit ng mayaman! Lagi kong nakikita 'yong mamahaling sasakyan diyan sa bakuran nila.",sabi ng isa.

"Hay,salamat naman dumating ka na,Inday! Kanina ko pa kasi gustong igisa 'yong tatlong lantang gulay sa gilid ng kalsada.", pagpaparinig ko saka binayaran ang bawang at sibuyas.

Napatingin ako sa mga nagtitsismisan, magulat sila dahil ngayon lang nila ako napansin. Agad silang tumakbo nang iangat ko ang hawak ko.

Bakit? Tinaas ko lang naman e,problema nila? Napailing na lang ako at umuwi na sa bahay.

"Bakit ang tagal mo?",tanong ni mama. "Sunog na 'yong mantika wala ka pa.",dagdag niya.

"Sorry po,ang tagal kasi ni Inday. Kayo naman,excited kayong ipagluto si papa ng paborito niyang tinola.",pang-aasar ko kaya  agad umiwas sa pagpalo ni mama sa pwet ko.

"Hahaha. Loko talaga si ate, nang-aasar.", saad ni Isang. "Pero excited ka talaga,mama.",pang-aasar din niya kaya agad  kaming pinalayas sa kusina,kami ni Isang tawa ng tawa.

"Ate,bati na tayo,ha. Sorry kung 'di kita pinapansin.", singit niya nang humupa na ang aming pagtawa.

"Oo,bati na tayo. Sorry din,pagpasensyahan mo na si ate,masyado lang maraming iniisip.",tugon ko."Halika nga rito.",tinawag ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Nga po pala nasaan na si kuya Maveric? LQ po ba kayo?",bigla niyang tanong kaya napakalas ako ng yakap sa kanya.

"Gusto ko lang munang mapag-isa kaya nagdecide muna akong itigil na niya ang paglapit sa'kin. Ah,basta! Hayaan mo muna siya.", pagtatapos ko sa usapan. Pinili na lang naming ilihim ni kuya ang pagitan sa aming apat. Mas mabuti na rin 'yong ganito pata hindi na mag-alala sina mama at Isang.

Kinahapunan at bumisita si tita Ines kay mama. Inutusan ako ni mama na kunin sa taas ang hinihiram ni titang mahabang extention wire na gagamitin daw sa barangay oata sa Zumba. Pagbaba ko,narinig ko ang pinag-uusapan nila sa terrace kaya hindi muna ako nagpakita agad. Alam kong masamaang nakikinig sa usapan ng iba pero narinig ko ang pangalan namin ni kuya.

"Naku! Mare,hindi ko alam 'yan. Walang nababanggit sa'kin 'yon magkapatid.",rinig kong saad ni mama.

"Hala,akala ko nga alam mo kaya isa pa 'to sa sadya ko ngayon,ang humingi ng tawad sa nagawa ng anak ko.", gulat na sinabi ni tita.

Patay!Nalaman na ni mama ang totoo. Lagot tayo,kuya!

"Malalaki na ang mga anak natin,kumare. Sila ang dapat magdesisyon sa buhay nila,sila lang din ang makakaayos nito. Nandito tayo para gabayan sila. Labas na tayo sa usaping puso ng mga bata.",malumanay na paliwanag ni mama.

"Kaya nga,kumare. Nag-aalala lang talaga ako sa anak ko kasi lagi siyang—Oh,Alyson nandiyan ka na pala!", biglang pagbabago ni tita sa sinasabi niya nang makita ako.

Nagpakita na ako agad dahil ayaw kong makarinig ng anuman tungkol sa kanya. Ngimiti ako kay tita at inabot sa kanya ang  kailangan niya. Umalis din ako agad para magsaing.

Nawawalan ako ng gana sa tuwing naaalala ang lahat tungol sa lalaking 'yon. Hindi na nga nagparamdam samantalang sina kuya at ate Zhaira masaya na ulit. Ewan ko,niinis din ako kay kuya dahil pinatawad niya 'yong babaeng 'yon kahit na hindi naman nito deserve!