Chereads / A Place in this World (COMPLETED) / Chapter 18 - Seventeenth

Chapter 18 - Seventeenth

"Aly, may ginagawa ka ba?", tanong ni mama nang  makapasok siya sa kwarto ko.

"Wala naman po,ma. Bakit po?"

"Dalhin mo ito kay tita Ines mo. Nagluto ako ng kaldereta para sa kanila.", sabay abot sa'kin ng plastic na naglalaman ng ulam na nasa baunan.

"Si kuya po ba?", tanong ko dahil siya muna sana ang pakikiusapan kong magdala nito dahil hindi ko pa kayang makita si Maveric.

"Siya nga sana ang uutusan ko kaya lang nandoon na siya kina tita Ines mo.", sagot ni mama. Tumingin ako sa wall clock, 6:00 pm na.

Si kuya nandoon sa kanila? Inuman ba ulit silang magbabarkada? May pasok pa si kuya bukas,ha.

"Ganoon po ba,sige po aalis na po ako.", pagpapaalam ko habang sabay kaming lumabas ng aking kwarto. Tama,tatawagin ko na lang si kuya mula sa bakuran nila tita para siya na lang ang mag-abot nito.

"Gago ka,Maveric! Tinuring kitang kaibigan at utol pero ganito pa ang gagawin mo sa'kin,hayop ka!", sigaw ni kuya at sinikmuraan si Maveric. Lalapit na sana ako upang awatin sila nang maunahan ako ng isang babae.

"Ate Zhaira?",hindi makapaniwala kong saad."Nandito siya?".

"Allan, calm down! It's all my fault so please,babe stop it already!", pakiusap ni ate Zhaira ngunit binawi ni kuya Allan ang braso niya.

Ano bang pinag-aawayan nila?

"Ako,kakalma?! Nakita ko kayong naghahalikan ng gagong 'yan tapos ngayon sasabihin mo sa'kin na dapat akong kumalma?!", singal niya kay ate.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. Nahuli ni kuya na naghahalikan ang dalawa? Tama ba ako ng narinig? Hindi ba ako nagha-hallucinate?

"Sorry,tol pero magpapaliwanag—", hindi natapos ni Maveric ang sinasabi niya nang bigla siyang kwelyuhan ni kuya Allan.

"Wala kang dapat ipaliwanag,Maveric! Nakita ng dalawa kong mata kaya wala kang lusot! Walang hiya ka!", sigaw ni kuya sa kanya.

"Babe, please stop it. I'm really sorry I can explain,please listen to me first.", nagmamakaawang sabi ni ate Zhaira ngunit tinulak lamang siya ni kuya.

Para akong nasa live show at dalang-dala sa mga eksena pero narealize kong hindi ito palabas lang, totoo 'to! Nanginginig ang aking mga tuhod habang pinipigilan ang aking paghikbi sa pagitan ng aking pag-iyak. It kills me now.

Kukwelyuhan na sana ulit ni kuya si Maveric nang biglang lumabas sa terrace si tita Ines at sumigaw,"Dios ko! Ano 'tong nangyayaring kaguluhan?!", nag-aalalabg tanong ni tita. "Allan, bakit kayo nag-aaway ng anak ko? Maveric, anong nangyari sa'yong bata ka! Ang tatanda niyo na pero nakikipagbasag-ulo kayo sa isa't isa!", sermon ni tita Ines sa kanila habang tinutulungan niyang makatayo si Maveric.

"Pasensya na po,ninang pero hindi naman po yata tamang makipaghalikan ang anak niyo sa girlfriend ko.", galit ngunit may paggalang pa rin sa boses ni kuya.

Nagsalubong ang kilay ni tita at tiningnan si Maveric."Totoo ba 'yon?",tanong niya ngunit yumuko lang si Maveric.

Umaasa akong hindi siya sasang-ayon ngunit halos mawalan ako ng balanse nang dahan-dahang tumango ito. So,he admit it? For real?!

Maging si tita ay hindi makapaniwala sa naging sagot ng anak. "Ngunit paano nangyari? Paano si Alyson? Akala ko ba si Alyson ang napupusuan mo?", naguguluhang tanong ni tita ngunit tahimik lang si Maveric at nakayuko pa rin.

Hearing my name,akala ko nga rin ako ang mahal niya pero hindi pa pala siya nakaka move-on sa kanyanh first love. Totoo nga siguro ang sinasabi nila na first love never dies.

How about me? Maveric is my first love,anong mangyayari sa'kin?

"Mabuti na lang hindi kanpa sinasagot ni Alyson. Ramdam kong mahal ka niya pero mabuti na lang dahil naunahan kong maisalba ang kapatid ko sa sakit na maaari mong idulot sa kanya.", galit na sabini kuya habang dinuduro niya si Maveric.

Kuya Allan is right, mabuti na lang hindi pa kami nagkaka-label pero sobrang sakit lang 'cause I almost do.

Inangat ni Maveric ang kanyang ulo at tumingin ng diretso kay kuya. "Mahal din ako ni Alyson?", magkahalong saya at lungkot sa kanyang boses.

Bago pa man magsalita si kuya ay agad na akong lumabas sa pinagtataguan kong bush ng santan na tanim ni tita. Nagulat sila nang makita ako ngunit imbes na sabihin ang hinanaing ko, mas pinili kong tumahimik at takpan ang aking emosyon.

"K-Kanina ka pa ba riyan?", gulat na tanong ni kuya ngunit hindi ko siya sinagot bagkus, hinawakan ko ang braso niya nang hindi tumitingin sa kanyang mga mata.

"Gabi na,kuya kailangan na nating umuwi." Hinila ko na si kuya paalis doon nang hindi nililingon ang isa sa kanila,mabuti na lang dahil nagpatangay si kuya at hindi na nagsalita pa.

Narinig kong tinawag ni Maveric ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon at pinigilan din siya ni tita nang magtangkang sumunod sa'kin. Madiin ang hawak ko sa plastic bag na naglalaman ng ulam na dapat kong ibigay kay tita ngunit hindi na natuloy.

"Babe!", parehas kaming napatigil ni kuya. Ang babaeng 'to... wala na siyang ibang ginawa kun'di paglaruan ang damdamin ng kuya ko.

Hinihingal siya nang makalapit sa'min."Babe,let me explain—", pinutol ko ang dapat niyang sabihin.

"Ate,kung may natitira ka pang kahihiyan sa'min pwede bang umuwi ka muna at hayaan mo muna ang kuya ko? Kung pwede lang naman,kung may hiya ka pa.",naiinis kong tanong sa kanya.

"But let me explain first.", pagpipilit niya.

"Tama si Aly,Zhaira. Umuwi ka muna,masyadong masakit ang ginawa niyo sa'kin ng gago mong ex-boyfriend.",ani kuya.

Parehas kaming natigilan ni ate Zhaira. So he knew it. Alam na rin ni kuya na first love ang dalawa. How?

Bago pa man ako makapag-react ay hinila na ako ni kuya at umuwi na kami sa bahay ng walang imikan.

Dumiretso si kuya sa kwarto niya sa taas habang ako ay nanatiling nakatayo sa tapat ng aking kwarto.

"Oh,nariyan ka na pala,tamang-tama nakahain na ang hapunan—", hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si mama.

"Kailangan ko na pong magpahinga. Wala po si tita kaya hindi ko po 'to nabigay.", walang gana kong inabot kay mama ang hawak ko at iniwan siya sa tapat ng aking kwarto.

Nagtanong pa siya kung anong nangyayari sa'kin pero hindi na ako sumagot. Nagmukmok ako sa sulok ng aking kwarto at hinayaan ang aking mga luha.

Ngayon na nga lang ako unang nagmahal pero bakit ang sakit ng pa-buena sa'kin? Hindi ko na alam kung anong dapat na maramdaman dahil namamanhid na ang buo kong katawan. I'm tired physically,emotionally ang mentally. Mas lalo pang nadudurog ang puso ko na makitang nasasaktan din si kuya. Parehas pa kaming broken ngayon.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na may kasamang basa ang nagmumula sa bintana kaya agad ko itong sinara. Napangiti ako ng mapait dahil sa pagdamay ng kalangitan sa'kin nararamdaman.

Itutulog ko na lang sana ang bigat ng kalooban ko nang marahas na pagkatok ang nagpagising sa'kin kaya nagmamadali ko itong bunuksan.

"Ate,nasagasaan daw si papa!", naiiyak nga bungad sa'kin ni Isang. "Ate,punatahan natin si papa,nasa ospital daw siya. Tumawag sa'kin 'yong tumulong sa kanya. Ate,please puntahan natin si papa.", ngayon ay umiiyak na siya at hapos magmakaawa sa'kin.

"Kaya na ni papa ang sarili niya.", mahina kong tugon kaya natigilan siya. Hindi ko gustong saktan ang kapatid ko pero hindi ko na kakayanin kapag dinagdagan pa ni papa ang papasanin nilang paghihirap.

"Ate, ganyan ba katigas ang puso mo? Hindi ako makapaniwalang mataas pa rin ang pride mo kahit nasa peligro na ang buhay ni papa.", may galit at pagkadismaya sa boses niya.

Nanatili lang akong nakatitig kay Isang,nasasaktan ako sa ginagawa ko sa kanya pero wala akong choice.

Malakas pa rin ang ulan at hindi maririnig ang pag-uusap namin ni Isang na halos magsigawan na. Napapikit ako ng mariin,"Isang,hindi mo alam kung gaano kasakit ang dinulot ng taong 'yon sa pamilya natin lalong lalo na kay mama. Malubha na ang kalagayan ni mama dahil sa kagagawan ng taong 'yon!".

"Pero tatay pa rin natin siya! Ate, nag-aral ka,nakapagtapos ka na sana naman alam mo na kung paano magdesisyon ng naaayon sa sitwasyon kasi hindi sa lahat paiiralin ang pride!".

Tagos sa dibdib ang sinabi niya na hindi ko inakala pero wala na akong ibang maramdaman kun'di pagkamuhi sa ama ko.

"Tatay lang pero hindi siya nagpakatatay at nagpaka-asawa kay mama! Wala siyang magandang idinulot sa pamilya natin dahil pinili niya ang kabit niya,alam mo 'yan!", galit kong sigaw sa kanya.

Natigilan kami nang bumukas ang pinto sa kwarto ni mama katapat ng kwarto ko,mukha siyang nagmamadali.

"Nasagasaan ang tatay niyo! Aly,tawagin mo si Allan at ihatid tayo sa ospital.",hindi mapakali habang sinasabi ni mama. Si Isang na ang nagpresintang puntahan si kuya sa kwarto niya.

"Ma,pati ba naman kayo?",hindi makapaniwala kong tanong.

Nagtaka si mama sa sinabi ko. "Anong pati ako?".

"Nalaman niyo lang na nasa ospital si papa, nakalimutan niyo na agad kung anong ginawa niya sa'tin. Halos magkumahog kayong lahat para lang makita ang kalagayan niya.", naging kalmado ang pananalita ko ngunit nasasaktan ako.

Sumama ang expression ni mama at humarap siya sa'kin. "Ano bang sinasabi mo?".

"Hindi po ba tama lang ang nangyari sa kanya? Karma niya 'yon—", hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil isang malakas na sampal ang iginawad sa'kin ni mama.

"Mama! Alyson!", rinig kong sigaw ni kuya na siguradong nagulat sa nasaksihan. Tinanong niya kung anong nangyayari ngunit hindi na ako sumagot.

"Hindi kita pinalaking bastos na pati buhay ng ama mo wala kang pakialam. Tandaan mo,Alyson kung wala ang tatay mo,wala ka rito ngayon.", huling sinabi sa'kin ni mama bago niya hilain sina kuya at Isang palabas ng aming bahay.

Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto,humina na ang ulan. Napaupo na alng ako sa sahig at hinayaang kumawala muli ang mga luha ko.

Saan ba ako lulugar sa mundong 'to? Lagi na lang akong nasasaktan,laging ako ang dehado,laging ako ang may kasalanan. Mahal na mahal ko sina mama at mga kapatid ko kaya nga nasasaktan ako ng sobra sa ginawa sa'min ni papa. Natatakot lang naman akong maulit ang lahat dahil hindi ko kakayanin na mawala sa'min si mama.

Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit nagsabay-sabay na? Iniwan kami ni papa,niloko ako ni Maveric, nagkasagutan kami ni Isang, tapos ngayon masama na rin ang tingin sa'kin ni mama.

Ano ba? Saan ba talaga ako lulugar? Tulungan niyo naman ako oh!