Umaga nang makauwi sina mama galing sa ospital kung saan na-confine ang magaling kong tatay. Ako naman ay naghahanda ng agahan para sa kanila,napagdesisyunan kong hindi muna ako papasok sa trabaho para makapagpahinga ang isip at katawan ko dahil kulang ako sa tulog.
"Magandang umaga po,nakahain na po ang agahan sa kusina.", mahina kong sabi dahil nahihiya ako sa kanila.
"Kumain na kami sa labas,ikaw na lang.", malamig na pagtanggi ni mama bago pumasok sa kwarto niya. Napatingin ako kay Isang,nagkibit-balikat siya bago umakyat sa taas. Napayuko na lang ako dahil sa sakit.
Masama na ako ngayon sa paningin nila.
Naramdaman ko ang yakap ni kuya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak sa dibdib niya. "Shhh. 'Wag ka nang umiyak,nandito si kuya para sa'yo. Naiintindihan kita pero kailangan mo ring intindihin sitwasyon.", pagpapatahan niya sakin. Nanatili kaming magkayap ng ilang minuto bago naghiwalay. "'Wag ka nang umiyak,ha. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari,kaya natin 'to ha.", saad niya at hinaplos ang aking buhok.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman,kuya kayang-kaya natin 'to tayo pa ba.", niyakap ko ulit siya bago ayaing magtungo sa kusina para mag-almusal.
"Kumusta pala si papa,kuya?", nagulat ako sa sarili ko nang 'yan ang lumabas sa bibig ko.
"Okay na si papa,mabuti na lang dahil hindi gano'n ka-critical ang natamo niya."
Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Nang matapos kami ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan. Naabutan kong nagbibihis si kuya sa sala,sa harap ng salamin.
"Saan ka pupunta,kuya?",nagtataka kong tanong.
Sandali siyang natigilan bago humarap sa'kin. "Pupuntahan ko ang mga magulabg ni Zhaira,gusto raw nila akong makausap." Natigilan ako sa sinabi ni kuya.
"Bakit daw,kuya? Tungkol saan naman ang pag-uusapan niyo? Siguro may kinalaman sa relationship niyo,kuya.",may curiousity sa boses ko.
Sa totoo lang kinakabahan ako para kay kuya dahil hindi basta-basta ang pamilya ni ate Zhaira. Hindi ko nga alam kung anong impression nila sa pamilya na'min. Knowing that ate Zhaira is from a wealthy family,she can get everything she wants.
" 'Wag kang mag-alala, kung ano man ang pag-uusapan namin sisiguraduhin kong matatapos ng maayos.", pagpapagaan ni kuya sa aking kalooban.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa'kin kaya dumiretso na ako sa aking kwarto upang ayusin ang aking higaan. Kailangan ko munang i-distract ang sarili ko sa mga iniisip ko kaya napagdesisyunan kong maglinis na lamang sa kwarto ko.
"Hay,ilang buwan ko na rin palang hindi nalilinisan dito.". Kinuha ko ang mga bagay na nakalagay sa tuktok ng aking closet. Nang aabutin ko na ang huling maliit na box ay may nahulog na bagay mula sa ilalim niyon. Agad ko itong dinampot at napatitig sa hawak ko.
Ito anh lumang larawang kasama ang aking ama. Masaya ang aming mga ngiti. Tatlong taon ako nito at kuha sa harap ng aming munting tahanan.
Pinahid ko ang mga luha ko na hindi ko namalayang kumawala. Makikita sa larawan kung gaano kaligtas ang pagkakabuhat niya sa'kin pero dati 'yon dahil siya ang dahilan kung bakit unti-unti kaming nagkawatak-watak.
Inayos ko ang sarili ko at inipit sa aking dictionary ang larawan. Kailangan kong tapusin agad ang paglilinis dito para makapagluto na ako ng tanghalian.
***************
Matapos maglinis ay nadatnan ko si mama na anglalagay ng ulam at kanin sa malalaking baunan. Hindi ko maiwasang magtanong,"Ma, para saan po 'yan?". Hindi humarap sa'kin si mama at patuloy lang sa ginagawa.
"Doon kami sa ospital magtatanghalian ng kapatid mo. May ulam pa sa ref kaya pwede ka nang kumain.". Malamig niyang tugo sa'kin.
Huminga ako ng malalim. Dadalawin ulit nila si papa at dadalhan ng tanghalian,magsasalu-salo sila gaya ng dati... Sa isang iglap nakalimutan nila kung anong dinulot sa amin ni papa.
"Hindi naman daw po malubha ang naging lagay ni papa,siguro naman po pwede na siyang umuwi sa kabit niya.", saad ko.
Sandaling natigilan si mama at humarap sa'kin."Alam kong nasaktan tayo ng papa mo,hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya sa'tin pero tatay niyo pa rin siya at asawa ko pa rin siya. Kung wala ang papa mo,wala akong mga anak na nagsisilbi kong lakas.",malumanay niyang paliwanag. "Anak,patawarin mo na ang ama mo,wala na siyang ibang mapupuntahan kun'di tayo na lang.",pakiusap niya.
"Walang ibang mapupuntahan? Nasaan ang magaling niyang kabit,mama?",naguguluhan kong tanong.
Bumuntong hininga si mama bago sumagot,"Iniwan na siya ng kabit niya dalawang buwan na raw ang lumipas,ayon sa papa mo.".
Iniwan? Noong iniwam niya kami ni hindi man lang niya kami naisip pero ngayong siya ang iniwan saka kami ang una niyang naisip lapitan. Hindi ko pa din talaga kayang patawarin si papa gaya ng hinihingi ni mama sa'kin.
Parehas kaming napatingin kay Isang na kapapasok lamang dito sa kusina. "Handa na po ba ang mga dadalhin,mama?",tanong niya kay mama nang hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin. Alam kong galit pa rin sa'kin ang kapatid ko dahil malapit siya kay papa at nagawa ko siyang madismaya.
"Ah,oo. Ilagay mo na sa bag lahat para makaalis na tayo. Tiyak na nagugutom na ang papa niyo.",masiglang utos ni mama kay bunso.
Nakikita ko sa mga mata nila ang pagkasabik na makasama si papa. Si kuya Allam kaya? Gusto niya rin bang makasama ulit si papa? Nagagalit ako kay papa dahil nakikita ko sina mama na nahihirapan dahil ss kanya,ngayon naman nakikita ko kung gaano sila kasabik na makita at makasama siya.
"Alis na kami,ikaw na ang bahala rito sa bahay. Ang kuya mo susunod na lang daw doon.", bilin sa'kin ni mama habang patungo kami sa pintuan. Tumango ako at hinayaan silang maglakad. Nakikita ko ang galak sa kanilang mukha at masaya na akong makita silang masaya.
"Sandali lang po,",saad ko na ikinalingon nila nang may halong pagtataka."sasama po ako.",nakangiti kong tugon at nilapitan sila sabay yakap.
Hindi naman siguro masamang maging masaya sa kasiyahan ng iba.t
************
THIRD PERSON's POINT OF VIEW
Sa isang pribadong silid ay naroon ang mag-asawang Echavez kasama ang kanilang anak. Nasa katapat na upuan namam ang kabadong binata na si Allan.
"We've heard the misunderstanding between the two of you. I let my daughter to make decisions in her own since she already achieved her goals in life and our dreams for her,as well. Kaya naman hindi kami tumutol ng wife ko sa pasya niyang piliin ka. My concern here is,please fix this mess as soon as possible 'cause this make noise in our reputation and also for Zhaira's life.", hindi awtoritado ang pagkakabigkas ni Ginoong Echavez sa kanyang mga salita,bagkus ay usual lamang na para bang kilala na niya ang binata.
Dahil doon ay nabunutan ng tinik sa dibdib si Allab ngunit hindi niya alam kung anong dapat sabihin na hindi mao-offend ang mag-asawa.
"Mr.and Mrs. Echavez,alam niyo naman po siguro kung anong kasalanan ng anak niyo. Minahal ko po si Zhaira higit sa sarili ko at inintindi ko pa ang ugali at mga bagay na kinalakihan niya. Wala akong ibang hinangad para sa'min kun'di ang magkaroon ng simple at masayang pamilya. Pero hindi naman po siguro masama kung magdamdam man ako dahil sa ginawa ng anak niyo.",matapang ngunit may galang sa boses ng binata.
Napayuko ni Zhaira dahil sa mga narinig mula kay Allan. Marahil ay iniisip niya ngayon na hihiwalayan na siya ng binata.
"I understand you,ijo. As her mother, I know what is best for her but when she grew up she know herself more than I. We just want confirmation from you. Sorry fo what my daughter did,I knew everything she went through nang mag-open siya sa'kin last night and I know Maveri in the story." paliwanag ni Ginang Echavez,sa sandaling narinig ni Allan ang pangalan ng kanyang kaibigan na sumira sa tiwala niya,bigla niyang naikuyom ng palihim ang kanyang mga kamao. "Now,what we want from you is a decision. If you don't love Zhaira then end everything here now,but if you still love her and trust her again,fix this now. Please,ijo.",dagdag ng ginang.
Napatingin si Allan kay Zhaira na ngayon ay nakayuko pa rin. "Bakit hindi po ang anak niyo ang makipag-usap sa'kin? Willing po akong pakinggan ang paliwanag niya.", saad ng binata nang hindi pa din inaalis ang tingin sa dalaga na ngayo'y nag-angat ng tingin at sinalubong ang kaniyang tingin.
"We're just worried because she's our only gem but if you say so,we'll leave you here ans talk about your business. Don't worry,kung ano man ang desisyon mo,Allan tatanggapin namin.", saad ni Ginoong Echavez at iniwan ang dalawa.
Magkaharap ang dalawa at walang nagsasalita kaya nakakabingi lalo ang katahimikan. Hindi alam ni Zhaira kung paano sisimulan ang sasabihin at ganoon din si Allan.
"Allan,".
"Zhaira,". Sabay silang natigilan dahil nagkasabay pa silang basagin ang katahimikan. "Sige,mauna ka na.",ani Allan.
"What matter your decision is,gusto ko lang mapaliwanag sa'yo bago matapos ang lahat kung talagang hanggang dito na lang tayo." Mataman na nakikinig ang binata. "Sorry if I hid you the truth between Maveric and I knowing that you two are buddies. I was about to tell you my past when I knew that you are connected to Maveric so I decided to shut mt mouth and hid it to you.",sandaling tumigil si Zhaira upang huminga ng maayos.
"We were high school sweethearts so I'm not still allowed to have a boyfriend. We both kept it as a secret because if my parents know about it,we're dead. Hindi ko inakalang malalaman nila mommy so noong gabing 'yon pinapili nila ako kung hihiwalayan ko si Maveric or I let him live in hell. If I refuse,they will going to hunt him,you know what money can do more so I chose to protect him. Kinaumagahan,I became the worst girlfriend for him para sumuko na siya pero hindi siya sumuko agad kaya kahit nasasaktan ako pinilit kong kamuhian niya ako until he gave up. My life went misserable when he gave up but it was the best for him. He was asking for sorry,he didn't meant to say it but there was no words came out from my mouth. I chose to turn my back and walked away in tears.",mahabang kwento ni Zhaira. May halong sakit sa kanyang tinig,nasasaktan siya sa ginawa niya kay Maveric na hindi naman karapat-dapat.
"So what about the kiss then?", nanunuring tanong ni Allan.
"Years had passed,I didn't let myself to have communication with him and those years I was studying abroad. I came back to Philippines to finish my last year in college until we met. Allan, what I feel for you is pure love,believe me. About the kiss, maybe we don't have the closure we needed so I didn't control my emotion that's why I kissed him. Noong gabing nahuli mo kami,ako ang pumunta sa kanila para manghingi ng closure,I was also the one who insisted the kiss and I'm sorry for that,I really mean it.". Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Zhaira. Hindi naman malaman ni Allan ang gagawin dahil nasasaktan siya kapag nakikita niyang nasasaktan ang babaeng malapit sa buhay niya.
"Paano naman ako?", nag-aalinlangang tanong ni Allan at pinipigilang maiyak.
"Noong nakita ko kung gaano ka nasaktan sa nangyari, I realized how stupid I am hurting the man na walang ibang ginawa kun'di ang mahalin at alagaan ako. I realize what I lost. I realize how much I love you that I could risk what I have right now just for you...", sabi si Zhaira habang lumuluha.
Tumayo si Allan saka nilapitan ang dalaga at niyakap. " 'Wag ka nang umiyak,Zhaira. Tahan na.",saad ni Allan habang hinahaplos ang likod ng dalaga.
"I'm really sorry. Naging selfish ako,hindi man lang kita inisip. If you'll going to leave me,it's okay. I'm sorry.", saad ni Zhaira sa pagitan ng kanyang paghikbi.
Napabuntong hininga si Allam dahil sa mga nasabi ni Zhaira sa kanya at naminiwala siya. Ngayon ay naliwanagan na siya sa mga nangyari. Kung katangahan man ang desisyon niya ay lalo pa siyang magpapakatanga.
"Shempre hindi 'yon okay. Tahan na,babe.",pagpapatahan niya sa dalaga.
Iniisip niya ngayon kung paano kakausapin si Maveric at kung paano maliliwanagan si Alyson.
Tumingin sa kanya si Zhaira at sinabing, "Thank you for trusting me, babe. I won't hurt you,never again 'cause I'm contented now. I love you too.". Isang matamis na halik ang pinagsaluhan ng dalawa.
Lalong lumalalim ang kanilang halikan bawat segundo hanggang sa tuluyan nang naglakbay ang kamay ng binata sa hita ng dalaga. Ngayo'y nakahiga na sa sofa si Zhaira at nakaibabaw sa kanya ang binata. Kanilang dinamdam ang init ng isa't isa hanggang sa tumunog ang telepono na nakapagpagitla sa dalawa.
Natauhan sila sa kanilang ginagawa at agad na napatayo. Namula sila parehas sa kahihiyan. Muntikan na silang gumawa ng sarili nilang pagkain sa loob ng VIP room ng mamahaling restaurant.
Marupok ka talaga Allan.