Halos matapilok ako sa hagdan habang nagmamadaling makarating sa hospital room ni mama. Namamanhid ang buo kong katawan at nangingilid ang luha ko dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko lubos akalain na si ate Zhaira ang babaeng tinutukoy ni Maveric na kanyang first love.
"Oh,mukha kang nakakita ng multo dyan." ,birong bungad sa'kin ni kuya Allan nang makapasok na ako sa loob pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya kaya nagsalubong ang kanyang kilay. "May nangyari ba sa'yo?", nag aalala niyang tanong sa'kin ngunit bago pa ako sumagot ay naramdaman ko ang pagpihit ng doorknob sa aking likuran. Agad akong naglakad patungo sa upuan upang kunin ang aking sling bag.
"Nandito ka na pala,Mavs.", rinig kong sabi ni kuya sa lalaking kapapasok lang ng kwarto ngunit hindi na ako nag-abala pang pakinggan ang sagot niya.
Lumapit ako kay mama na abala sa pagbabasa ng dyaryo na binili ko sa labas kaninang umaga. "Ma, magpapahangin lang po muna ako sandali sa park. Kailangan ko lang pong magliwaliw sandali dahil magiging abala na namam po ako sa trabaho ko bukas.",pangungumbinsi ko kay mama upang payagan at hindi naman ako nabigo.
"Sige,mag-iingat ka. Tatawagan ka na lang ng kuya mo kapag maghahapunan na.", bilin ni mama kaya tumango ako at ngumiti.
"Saan ka pupunta,Alyson?", tanong ni Maveric sa'kin nang makita niyang palabas na ako.
"Ah, sa labas lang.",tipid kong sagot nang hindi siya nililingon. Napatingin ako kay kuya na titig na titig sa'kin para bang inaalam niya kung ano bang nangyayari sa'kin pero hindi ko pwedeng sabihin. Agad akong umiwas ng tingin at hinawakan ang doorknob upang makaalis na sana ngunit nagsalita muli si Maveric.
"Samahan na kita.", presinta niya at naramdaman kong nasa likod ko na siya. Hindi ko alam kung anonh dapat gawin o sabihin sa kanya dahil hindi pa ako handang harapin siya dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanila ni ate Zhaira.
Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga bago nagsalita."Hindi na kailangan,Maveric. Kaya ko na at saglit lang naman ako,don't worry.", pagtanggi ko ngunit nagpupumilit siya.
"Maveric,hayaan mo muna si Alyson. Hindi kailangang lagi mo siyang samahan kung saan niya gustong pumunta. May sarili siyang desisyon.",seryosong sabi ni kuya Allan sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang hayaan ako.
*************
Umupo ako sa isa sa mga bench sa gawing walang gaanong tao at ingay. Sapat na liwanag mula sa lamp post malapit sa'kin ang nagsilbi kong ilaw. Bumuntong hininga ako at tumingin sa maulap na kalangitan.
Sa totoo lang hindi naman ako dapat na magdramang ganito dahil wala naman akong karapatan pero nasasaktan ako,nasasaktan ako sa katotohanang ang babaeng mahal ni kuya at ang lalaking mahal ko ay may sikretong nakaraan. Alam ba 'to ni kuya? Malamang hindi dahil naalala ko ang pag-uusap namin ni Maveric dito rin sa lugar na 'to.
Flashback
"Ahhh. Ang lungkot naman pala ng first lovelife mo. Nasaan na 'yong babae ngayon?"Usisa ko pa.
Sandali siyang natigilan at napatitig sa'kin. "Masaya na siya ngayon sa ibang lalaki at sana nagbago na siya para hindi sila mahirapang dalawa."
"May communication pa rin kayo?" Nagtataka kong tanong.
"Wala. Matagal ng wala pero alam mo naman ang social media ngayon, halos doon ka magiging updated sa mga tao 'di ba?" Tumawa siya ng kaunti kaya natawa na rin ako at tumango. " Sa'yo ko lang kinuwento 'to,Alyson." Dagdag pa niya.
"S-Sa'kin lang? Hindi ba alam nila kuya—"
"Hindi ko kinuwento sa kanila at hindi ko na babalakin pa kasi past is past.Makakaasa ba ako?" Nakangiti niyang tanong.
"Oo naman!" Mabilis kong sagot. Ayaw kong mawalan siya ng tiwala sa'kin kaya hindi ko ipagsasabi kahit kanino. "Pero bakit ka nagkwento kung past is past na pala?" Tanong ko na naman.
"Dami mo kasing tanong,e." Natatawa niyang sabi kaya nahiya ako.
End of Flashback
Naalala ko rin kung paano mag-iba ang expression ni Maveric sa tuwing nababanggit ko si ate Zhaira sa kanya.
Flashback
"Bakit? Anong meron sa tawag?" Tanong niya nang medyo umaliwalas na ang mukha ko.
"Yung girlfriend kasi ni kuya nasa bahay daw at pinapauwi na ako ni Isang. Ewan ko ba sa kapatid kong 'yon,minsan hindi maintindihan." Paliwanag ko habang tinatanggal ang aking helmet dahil pawis na ang noo ko. Nakakahiya naman kung amoy pawis 'to.
"Si Zhaira..." napatingin ako kay Maveric sa sinabi niya. Hindi patanong ang pagkakasabi niya... sinabi niya na parang alam niya.
Ako lang ba 'to o talagang nagbago ang expression ng mukha niya at parang naging malungkot?
Magsasalita pa sana ako nang unahan na niya. "Sige,bukas na lang siguro kita ilibre. Kailangan na nating umuwi may aasikasuhin pa pala ako." Tipid siyang ngumiti sa'kin at nauna nang umangkas sa motor.
End of flashback.
Pati na rin ang pagkikita nilang muli kaninang umaga.
Flashback
Tatayo na sana ako para bumili ng makakaain sa labas nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat. Iniluwa niyo si kuya Allan bitbit ang isang plastic ng pagkain. Akala ko isasara na niya ngunit may isa pang pumasok,si ate Zhaira.
Napatigil sina kuya at ate Zhaira nang makita si Maveric, gano'n din si Maveric sa kanila.
Hindi ko alam kung ako lang ba 'to or there si something between the three of them? I felt the tension inside this room.
Kung hindi pa nagsalita si mama ay pare-parehas kaming hindi mababalik sa ulirat.
Umiling ako at bumuntong hininga.
So weird.
End of flashback.
At ang pagpapaalam nilang dalawa kanina,hindi ko lubos akalain na mag-uusap pala sila at hindi totoong may kailangan lang silang gawin separately base sa paalam nila kanina.
Ngayon malinaw na sa akin ang lahat,ang mga confusion sa isiapn ko base sa mga emosyon nila alam ko na ngayon at tiyak na labis na masasaktan si kuya kapag nalaman niya ang totoo. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng sarili niyang kaibigan sa bagay na'to. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay kuya Allan ang totoo pero paano? Gusto kong kay ate Zhaira manggaling ang mga dapat niyang malaman.
Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ngayon sana ang araw ng pag-amin at pagsagot ko kay Maveric ngunit hindi na natuloy. Mabuti na lamang nalaman ko ng mas maaga ang buong katotohanan. Ang hirap naman ng ganito, magmamahal ka para masaktan.
I don't know if this is a sign of destiny or just a game.
Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa akinh balat kaya nagmamadali akong pahirin ang aking mga luha at naghanap ng shed area para masilungan.
"Alas siyete na pala.",saad ko nang mapansin ang oras sa aking phone. Isang text message ang aking natanggap.
[Nasaan ka ngayon? Sunduin na kita.]
Galing ito kay Maveric. Napailing ako nang mapansing Maveric Sungit pa rin ang name niya sa contacts ko. Bumuntong hininga ako sabay turn off sa aking phone. Hindi ko muna siya gustong makita o makausap.
Bakit hindi niya sinabi sa'kin na si ate Zhaira pala ang tinutukoy niya na first love niya. Kung ngayon palang malaking bagay na ang itinago niya,what more kung naging kami na talaga.
Pakiramdam ko pinagtaksilan kami ni kuya.
Binuhay ko ang phone ko at tinawagan si kuya para sabihing uuwi na muna ako sa bahay. Tinanong niya kung may problema ako ngunit hindi ko sinagot at nagpaalam na ibaba ko na ang tawag.
What will gonna happen now?