Matapos ang tanghalian ay napagpasyahang umuwi saglit si Maveric para kumustahin sina tita Ines at Myrtelle. Babalik din daw siya bandang alas tres.
Sina kuya at ate Zhaira naman ay nanatili dito sa loob. Nagkkwentuhan silang dalawa habang si Isang naman ay nanonood na naman ng Korean Drama. Si mama ay nagbabasa na naman sa dyaryo habang ako ay nakaupo rito sa gilid malapit sa bintana. May blinds kaya hindi ako makatanaw sa labas at isa pa, wala rin namang magandang matatanaw dahil puro mga nakasisilaw na yero dahil sa sikat ng araw ang makikita.
Kung titingnan sina kuya at ate Zhaira, masaya naman silang dalawa. I can see through their eyes and smiles that they're really inlove with each other. Iniisip ko na lang na 'yong ganong ugali ni ate ay dahil sa pagpapalaki ng mga magulang niya, maybe because she was raised in a wealthy family at 'yong pressure 'yong nag-urge sa kanya to defend herself,well I guess?
Dumating ang hapon at bumalik nga si Maveric dala ang meryenda para sa'ming lahat. Sinulyapan ko sina kuya at gano'n na lang ang pagkagusto kong malaman kung ano ba talagang meron kay Maveric dahil natigilan na naman sila. 'Yong masayang pag-uusap nila kanina ay napalitan ng pagka- confuse pero 'yong confusion sa mga mata nila kuya Allan at ate Zhaira ay magkaiba kaya na-curious ako.
Binaling ko na lang kay Maveric ang atensyon ko nang papalapit siya sa'kin. "Sabi ko naman sayo, babalik ako e." Sabi niya habang nakangiti sa'kin.
Nakaramdam ako ng pagkislot ng puso ko. Enebe! Kenekeleg ekeh!
"Oo nga,e." Tipid kong sabi at umiwas ako ng tingin. Kinikilig kasi ang lola niyo!
Paano ba pakakalmahin ang puso ko,parang hindi na makapaghintay para mamaya. Tumingin ulit ako sa kanya pero nakangiti pa rin ang loko sa'kin.
"Maveric?" Pagputol ni mama sa moment naming dalawa.
Kaasar naman si mama! Panira ng moment.
Lumapit si Maveric kay mama at kinamusta ito. "Ayos lang,ijo. Kumusta ang mama mo? Kailan siya makakadalaw rito?"
"Abala po sina mama at bunso sa pagluluto ng mga kakanin para ibenta sa bayan,pero kapag natapos na po lahat ng inoorder ng mga suki dadalaw po sila rito." Magalang na sagot ni Maveric.
***********
Halos mapatayo ako nang makitang 6:30 na ng hapon. Ngayon na kasi ang oras para aminin ko kay Maveric ang nararamdaman ko at para sagutin na rin siya.
"Ang saya mo ha. Sinong ka-chat mo?" Seryosong tanong ni Maveric na nasa gilid ko. Agad kong tinago ang phone ko at ngumiti sa kanya.
"Wala akong ka-chat no!" Depensa ko. Totoo naman e. Akala niya napapangiti ako dahil may ka-chat ako without him knowing na nakatingin ako sa oras sa phone ko.
"Talaga?" Maya-maya'y ngumiti na siya. Yayakapin niya sana ako nang biglang tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ang phone niya at binasa ang message. At first he's calm then suddenly his brows crossed.
Lumingon siya sa'kin at nagpaalam. "Sandali lang,ha. May kakausapin lang ako sa baba." Nginitian niya ako bago lumabas ng kwarto.
Napasimangot ako. Dapat kasi ngayon ko na sasabihin sa kanya, pakiramdam ko hindi ako mahalaga kasi inuna pa niya 'yon.
"Ate, kung makasimangot ka dyan akala mo girlfriend ka na selos na selos dahil may ibang babaeng pupuntahan si kuya. Hahahaha." Malakas na sabi ni Isang kaya binato ko siya ng plastic cup na walang laman.
"Magsitigil nga kayong dalawa. Ikaw,Aly kababae mong tao hinahagis mo yang baso. Hindi maganda 'yan. " Sita ni mama kaya tumahimik kami ni Isang.
"Babe, I'll just go to the comfortroom." Malambing na paalam ni ate Zhaira.
"Samahan na kita." Presinta ni kuya pero tinanggihan siya ni ate at sinabing mabilis lang naman siya kaya hinayaan na niyang lumabas si ate Zhaira.
Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. It's very unusual silent between us,kaming buong pamilya. Well, si mama nagpapahinga so it's okay. Isang is watching KDrama as usual. What I mean exactly is, there is something heavy feelings between kuya Allan and I.
"Alyson." Panimula niya nang makaupo siya sa tabi ko. Nagulat ako dahil masyadong occupied ang isip ko sa mga bagay-bagay. Hindi ako lumingon kay kuya kaya nagsalita siya ulit. " What's the score between you and Maveric?"
Napalingon ako sa kanya hindi dahil sa tanong niya kundi dahil sa pag-english niya. "Kuya, ayos ka lang? Bakit mo ko ini-english?" Nagtataka kong tanong.Hindi naman kasi siya nag-eenglish.
Napakamot siya sa ulo niya at natatawang umiling kaya natawa na rin ako. Nawala ang tensyon sa pagitan namin. Nakisali na rin si Isang na hindi naman alam kung anong pinagtatawanan namin ni kuya Allan.
"Pero seryoso,Alyson. Ano na ba kayo ni Mavs?" Muli, seryoso ang kanyang pananalita. Hindi ko mapigilang mapangiti nang tanungin niya sakin 'yon. Ngayon ko kasi aaminin ang nararamdaman ko kay Maveric. Ngayon ko na siya sasagutin sa panliligaw sa'kin.
Dahil sa kakiligan at excitement na dumadaloy sa buo kong sistema, naiihi na ako bigla.
"Ah, sandali lang kuya ha. Naiihi na talaga ako e." Nagmamadali akong nagpaalam kay kuya habang iniipit ang lalabasan ng ihi. Good thing dahil hindi pa gaanong lalabas pero malapit na.
Bumaba ako mula sa floor kung nasaan ang room ni mama,nasa ground floor kasi ang restroom kaya nagtungo ako roon.
Nagtaka ako nang hindi ko makita si ate Zhaira dito. Bukas lahat ng cubicle.
"Ah, mamaya ko na poproblemahin."
Pumasok na ako sa cubicle at hinintay ang sarili na matapos. Paglabas ko ng restroom ay hinanap ng paningin ko si ate Zhaira pero wala akong nakita ni anino niya.
May iba pa bang restroom dito?
Aakyat na sana ako sa taas nang mahagip ng paningin ko ang dalawang tao mula sa malaking salamin na bintana. Tanaw mula rito sa loob ang maliit na hardin ng ospital. Hindi ko na sana papansinin nang mamukhaan ko ang isa sa kanila. Si ate Zhaira. Mas lalo akong nagtaka nang makilala kung sino ang lalaking kausap niya, "Maveric." Tanging saad ng aking bibig.
**********
Third Person's Point of View
Naunang dumating sa maliit na hardin ng ospital si Maveric. Walang ibang tao rito maliban sa kanya. Iniisip niya kung bakit gustong makipag-usap sa kanya ni Zhaira,kung ano pa bang dapat nilang pag-usapan. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Zhaira.
Nanatili silang nakatayo at nakaharap sa isa't isa, walang sinuman ang nagsasalita hanggang sa nangahas na basagin ni Zhaira ang katahimikan.
"It has been a long time,Maveric. How are you now?" Tanong ni Zhaira nang may poise,halatang mayaman at marami nang narating sa buhay.
Tumindig si Maveric at ngumiti bago sumagot,"Mabuti naman,as always. May regular job sapat para sa sarili ko at sa pamilya ko."
Tumango si Zhaira sa sinagot ng binata. "Ako ba hindi mo tatanungin?",nakangiting tanong ni Zhaira sa kanya ngunit hindi nagpatinag ang binata.
"Alam kong masaya ka na ngayon kay Allan, hindi ko na dapat pang tanungin o alamin kung anong nangyari sayo matapos nating maghiwalay.",kalmadong turan ng binata sa kanya. Sandaling napaawang ang bibig ni Zhaira ngunit nakabawi siya agad.
Ngumisi si Zhaira, "Knowing that I'm your first love, I don't think you've already move-on,right?".
Napakunoot ang noo ni Maveric dahil sa sinabi ng dalaga,bahagya siyang nagtaka sa sinasabi nito. "Yes,but I just loved you before and I don't think I still love you up to now. Hindi ka pa rin nagbabago, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo.",saad ng binata.
Hindi na naman nagpatinag si Zhaira at nakangisi pa rin, "Oh, so are you saying that you are in love with Alyson and nothing left for me?".
Napabuntong hininga si Maveric hindi dahil sa naguguluhan siya sa nararamdaman,kun'di dahil sa kung anong motibo ni Zhaira bakit siya kinakausap nito at inuungkat ang nakaraan nila.
"Zhaira, you were the one who ended our relationship. I was there when you needed me the most, I was always there for you yet you still chose to leave me. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong iwanan mo ako ng basta-basta. Years had been passed before I forget you,at ngayong masaya na ako nang wala ka guguluhin mo ulit ang buhay ko. Ano bang motibo mo para kausapin ako at banggitin pa sa'kin kung anong mayroon tayo dati?",mahabang litanya ni Maveric dahil hindi na siya nakapagpigil pa.
Sandaling natahimik si Zhaira,napayuko siya at sa sandaling yumuko siya doon niya napagtantong ibinababa niya ang sarili niya sa harap ng ibang tao, sa harap ng taong una niyang minahal. Tumingin ulit si Zhaira sa mga mata ni Maveric at ngumiti ng pilit.
"Do you think ginusto ko 'yon? I did that because I love you! I did it because I don't let anyone harm you--"
"Zhaira, what past is past. Kahit magpaliwanag ka ngayon hindi na natin maibabalik ang dati. You are now with my bestfriend,damn! And I almost have Alyson right now. If we have a chance to go back how we used to be I'd rather choose this choice, and there is no other choice but what is now.",kalmadong paliwanag niya sa dalaga.
Hindi maintindihan ni Zhaira kung bakit tumutulo ang mga luha niya habang naririnig 'yon mula kay Maveric. "So,you really love her." Hindi tanong kun'di isang pagkumpirma ang sinabi ni Zhaira.
Bumuntong hininga si Maveric at nagsalita muli," I don't know what to do seeing you crying right now but I can't wipe your tears and hug you tight like I used to be 'cause everything has changed. But I have to tell you something, something that you should be careful of. Zhaira, I was broke into pieces when you left me so I'm pleasing you not to come ever again. I don't want Allan experience what I had experienced from you and I don't want to hurt my buddy. Maliit ang mundo, mas lalo pang lumiliit dahil mas maraming masasaktan kapag pinilit mo ang gusto mo."
Hindi pa rin maawat ang mga luha sa mata ni Zhaira nang kusa na niya itong punasan dahil hindi pinunasan ni Maveric ang kanyang mga luha gaya nang ginagawa dati ng binata sa kanya sa tuwing umiiyak. "Now, I got the answers I needed from you. There is no second chance between us,right?".
"Siguro naguluhan ka lang dahil ngayon lang ulit tayo nagkita at nagkausap kaya mo nasasabi 'yan. Maybe you just need closure but not a second chance to us. We're really over,Zhaira. Keep that on mind.",mahinahong saad ni Maveric bago niya lampasan ang dalaga at umalis na sa maliit na hargin.
Sa kabilang banda, bago pa man makita ni Maveric si Alyson na nagtatago sa makapal na bushes at nakikinig sa kanilang usapan, kumaripas siya ng takbo patungo sa kwarto ng kanilang ina.