"Nasa ospital ulit si tita?" Gulat na tanong ni Maveric sa'kin. Kasalukuyan kaming nasa daan at pauwi na sana ngunit sinabi kong ihatid niya ako sa ospital para bantayan at alagaan si mama.
"Oo,kagabi sinugod siya ulit doon. Pagkauwi ko sa bahay nasa ospital na sila." Sagot ko.
"Sana nagpahatid ka na lang sa'kin kagabi para hindi ka na nag-abang ng masasakyan." Saad niya pero natawa lang ako.
"Masyado ka namang nag-aalala sa'kin. Nakasakay naman ako kaagad at heto nga oh humihinga pa naman ako." Natatawa pa rin ako habang nagsasalita pero siya seryosong nakatingin sa'kin mula sa rear mirror kaya natahimik ako.
"Paano ako hindi mag-aalala sa babaeng masftrgrahsvn"
Hindi ko narinig yung huling sinabi niya dahil sa malaking truck na nakasalubong namin sa daan.
"Anong sinabi mo?" Tanong ko nang makalayo na yung maingay na truck.
"Wala. Sabi ko, malapit na tayo kaya liliko na ako." Sagot niya kaya tumango na lang ako at hindi na nagsalita.
Nag-park siya sa parking lot ng ospital. Sinabi kong huwag na niya akong ihatid sa loob pero makulit siya. Mabuting kumustahin niya rin daw si mama kaya pumayag na ako. Palihim akong napangiti sa iniisip kong para kaming in a relationship na at legal both side.
Aly,umayos ka nga! Nandito ka para kay mama hindi para lumandi!
Pagsasaway ko sa sarili ko.
"Ayos ka lang?" Nagtatakang napalingon sa akin si Maveric nang mapansing hindi ako sumunod sa kanya papasok sa main entrance ng ospital. "May nakalimutan ka ba sa trabaho mo?"
"A-Ah! Wala! Tara na." Sabi ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. "Sigurado ka bang sasamahan mo ako ngayon? Baka hanapin ka ni tita Ines,wala pa man din siyang kasama sa bahay niyo." Saad ko habang sabay kaming naglalakad patungo sa kwarto ni mama sa ikalawang palapag.
"Don't worry, kasama ni mama si bunso. Nagbakasyon siya rito for two weeks tapos babalik na rin doon kina lola bago magpasukan." Nakangiti niyang sagot kaya tumango na lang ako. Kahit papaano hindi ako gaanong mahihiya sa pagsama niya sa'kin kahit gabi na.
Pinag-usapan namin si Myrtelle,ang bunso niyang kapatid. Mas bata lang ito ng dalawang taon kay Isang ngunit hindi ko pa siya nakikita ng personal.
"Ate!" Bungad sa amin ni Isang nang makalapit kami sa pintuan ng kwarto ni mama. May pangamba sa kanyang mukha kaya nagtaka ako.
"Bakit? May masama bang nangyari kay mama?" Nag-aalala kong tanong nang makalapit sa kanya. Tinitigan niya lang ako at dahan-dahang umiling kaya mas lalo akong naguluhan. "Kung gano'n, bakit ka ganyan?"
"Nagpunta dito si papa kanina,ate..." napayuko siya matapos sabihin 'yon kaya napabuntong-hininga ako. "Sinabi ko po kasi sa kanya 'yong nangyari kay mama. Sorry,ate." Dagdag pa niya habang nangingilid ang luha.
Hindi ako agad nakaimik at sandaling pinagmasdan ang nakasaradong pinto ng kwarto ni mama. "Nagkita ba sila?" Tipid kong tanong bago binaling kay Isang ang paningin ko.
Tinitigan niya ko bago sumagot. "O-Opo..." kinakabahan niyang sagot. " Pero hindi naman po sila nakapag-usap dahil sapilitan po siyang nilabas ng mga security guard at nurse nang mapansing lasing si papa." Maagap niyang pagpapaliwanag.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag may masamang nangyari kay mama,siya ang sisisihin ko.
Napabuntong-hininga akong muli bago humarap kay Maveric na kanina pa sa likuran ko. "Maveric, pwedeng bukas ka na lang dumalaw kay mama? Kailangan niyang magpahinga muna." Pakiusap ko sa kanya.
Ngumiti siya at hinaplos ang balikat ko. "Sige, susunduin ulit kita bukas after work mo. Basta nandito lang ako para sa inyo,para sayo."
Ngumiti ako. Nagpaalam na rin siya sa amin ni Isang bago siya tuluyang naglakad palayo hanggang sa mawala sa paningin ko.
**********
Awa ng Dios naging maayos naman ang lagay ni mama matapos magpakita sa kanya ang magaling naming tatay. Hindi na talaga siya nakakaramdam ng hiya dahil sa sobrang kakapalan na ng mukha.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Isang dito sa mahabang upuan kung saan ako natutulog. Abala siya sa pagse-cellphone habang ako naman ay nakatitig lang sa mga daliri kong hindi mapakali. Hinihintay namin ang pagdating ni kuya para ihatid sa bahay si Isang pati na rin ang mga gamit ko.
Biglang lumitaw sa isipan ko si Ate Zhaira. Ano na kayang nangyari do'n? Hindi ko na siya madalas makita simula noong araw na nagkasagutan kami sa bahay. Pero nalalaman ko kay Isang na minsan ay pumupunta sa bahay pero nagkakataon lang na may trabaho ako.
Ilang saglit pa ay dumating na si kuya Allan dala ang hapunan naming lahat na binili niya sa fastfood. Nakasuot pa rin siya ng uniporme tanda na kagagaling niya lang sa trabaho.
"Wow naman,kuya! Ang laki naman ng binili mong ice cream. Hindi naman 'to mauubos ni ate kahit pa manghingi ako." Sabi ni Isang habang isa-isang nilalabas sa plastic bag ang mga laman n'on.
"Don't underestimate your ate." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"So,sinasabi mong matakaw ako?" Pagtataray ko sa kanya kaya mas lalo siyang natawa.
Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Hay,nakakapagod magtrabaho,di ba? Pero masaya kasi maliban sa gusto natin ay may inspirasyon pa tayo."
Yumakap ako pabalik. It's unusual for him to be like this. Seryoso siya, ang mga mata niya parang may nais sabihin. Dahil sa curiousity,hindi ko napigilang magtanong. "Kuya,okay ka lang ba?" Tanong ko habang nakayakap pa rin siya.
Agad siyang humiwalay sa'kin at tinitigan ako saka nginitian. Maya't maya pa ay natawa na naman siya pero sa tawa niyang 'yon parang may hindi siya nagustuhang nangyari sa kanya.
"Ano ba yang yakapan na 'yan? Di niyo man lang kami isasama ni Isang."
Napatingin kami kay mama na nakangiting nakaupo at pinagmamasdan kami. Natawa na lang kami ni kuya at sabay-sabay namin siyang sinalubong ng mahigpit na yakap.
**********
Lumipas ang ilang araw, nanatili pa rin sa ospital si mama at gano'n pa rin ang naging sistema ng aming buhay. Papasok kami ni kuya Allan sa trabaho habang nagbabantay naman si Isang kay mama maghapon. Susunduin ako ni Maveric at ihahatid sa ospital para ako naman ang magbantay.
Hanggang sa araw ng day-off ko at nagkataon na day-off rin pala ni kuya Alln kaya kumpleto kaming tatlo maghapon para bantayan si mama.
"Hindi ka ba talaga sasabay sa'kin,Aly?" Tanong muli ni kuya sakin nang madaanan niya akong nagpapatuyo ng buhok sa harap ng electricfan. Wala kasi akong hair blower kaya tiis ganda tayo.
"Hindi na,kuya. Sasabay na ako kay Maveric kasi dadalawin niya rin daw si mama." Sagot ko at bahagyang ngumiti sa kanya.
Napansin kong natigilan si kuya sa pagbanggit ko kay Maveric. Napapansin kong lagi siyang natitigilan kapag nababanggit ang pangalan ni Maveric.
May problema ba? Hay, imposible naman 'yon kasi matagal na silang mag-tropa. Baka miss lang nila ang isa't isa sa sobrang busy nila sa work at sa sitwasyon ng pamilya namin. Hindi maisingit ang bonding nilang magtotropa.
Nagpaalam na si kuya habang ako naman ay nag-aayos pa rin ng sarili. Ilanh sandali pa natapos na ako,narinig ko ang busina ng motor ni Maveric kaya nagmadali kong kinuha ang sling bag ko. Ni-lock ko ang pinto bago ako lumabas at umangkas sa motor niya.
"Good morning,Alyson." Maaliwalas na bati niya sa'kin.
Hindi ko maiwasang ngumiti. "Good morning,din." Simple kong tugon kahit na sa loob-loob ko ay nangingisay na ako sa kilig.
Habang nasa daan kami ay naglakabay ang isipan ko tungkol sa aking nararamdaman sa lalaking nasa harap ko.
I haven't been inloved before so I can't decide what should I feel or what should I do. Hindi na malabo sa'kin 'yong totoong nararamdaman ko kay Maveric. Yeah, it's too early or maybe it's too easy for me to say I'm inlove with this man sa simpleng panahon na lumipas.
I can feel the sincerity in his actions, in his efforts not just to impress me but also to show me that there is no second guess to choose him.
Ang malinaw lang ngayon sa'kin, mahal na mahal ko na ang lalaking 'to. Hindi ko alam kung gano'n din ba ang nararamdaman niya para sa'kin pero susugal ako, isusugal ko ang nararamdaman kong 'to.
Naduwag na ako minsan sa pag-abot ng pangarap ko kaya sana naman matuto na ako ngayon. Sana naman hindi ako mag-alinlangan ngayon at ilaban lang lahat ng kaya kong ilaban. Gano'n talaga ano? Hindi mo malalaman hanggang hindi mo nasusubukan.
Si Maveric, once niya lang sinabi na manliligaw siya. Never siyang nagtanong kung kailan ko ba siya sasagutin o kung may pag-asa ba siya sa'kin. Basta ginagawa niya lahat para maramdaman ko rin yung nararamdaman niya para sa'kin at mukhang ako pa yata ang nahulog ng sobra.
So I guess, today is the day to confess my feelings for him. Wala naman sigurong mawawala di ba? He's been there through my ups and downs. He was there in my graduation day and he's still by my side in this situation I have.
"Alyson?"
Nagulat ako sa pagpitik niya sa noo ko kaya napadaing ako. "Grabe ka naman,Maveric!" Hindi mo pa ako girlfriend pero sinasaktan mo na ako.
Natawa siya sandali bago nagsalita," Sorry. Paano kita hindi pipitikin,mukhang nahiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo dahil sa sobrang pagkatulala." Saad niya at naging seryoso ang kanyang mukha. " May problema ba? May masakit ba sayo?" Dagdag niya at sinalat ang noo ko kung mainit ba ako kaya agad akong umiwas.
"W-Wala akong sakit." Mabilis kong pagtanggi. Ewan ko,bigla akong nauutal sa harap niya. Siguro ay dahil kinakabahan lang ako sa magiging desisyon ko mamaya.
"Kung gano'n, tara na sa loob." Aya niya sa'kin kaya sumunod na ako sa kanya.
**********
Oras na ng tanghalian ngunit wala pa si kuya. Tanging kaming apat lang ang nasa loob, si mama na nagbabasa ng dyaryo, si Isang na nanonood ng Korean Drama, si Maveric na nakikinig ng music through earphone, at ako na pinagmamasdan lang sila sa ginagawa nila.
Di kasi ako mahilig sa paggamit ng phone ko. Ginagamit ko lang 'to for communication o kapag may dapat akong i-search, other than that wala na. I don't have mobile games, di ako mahilig sa movies, I love reading but I'm comfortable with books on my hand and I regret for not bringing my novel na hindi pa natapos basahin.
Tatayo na sana ako para bumili ng makakaain sa labas nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat. Iniluwa niyo si kuya Allan bitbit ang isang plastic ng pagkain. Akala ko isasara na niya ngunit may isa pang pumasok,si ate Zhaira.
Napatigil sina kuya at ate Zhaira nang makita si Maveric, gano'n din si Maveric sa kanila.
Hindi ko alam kung ako lang ba 'to or there si something between the three of them? I felt the tension inside this room.
Kung hindi pa nagsalita si mama ay pare-parehas kaming hindi mababalik sa ulirat.
Umiling ako at bumuntong hininga.
So weird.
"Mabuti at dumating ka na,kuya! Nagugutom na kaming lahat dito. Akala namin di mo na kami naalala." Saad ni Isanh habang kinukuha kay kuya ang kanyang dala. "Hi, ate Zhaira." Dagdag niya pa bago nagtungo sa maliit na mesa at hinanda ang mga pagkain.
"T-Tulungan na kita." Prisinta ko kay Isang at nilapitan siya.
Narinig kong pinaupo ni mama sina kuya sa tabi ni Maveric. Hindi ako nanghihinala lang, sigurado akong may mali between them and I can't figure out what it is.
"Mauuna na po ako,tita." Narinig kong paalam ni Maveric kaya awtomatiko akong naoalingon sa kanya. Napansin niya ang paglingon ko so he smiled at me at I did the same.
"Naku, nandito na ang pagkain,iho. Dito ka na magtanghalian,hindi magandang iniiwanan ang grasya." Magiliw na saad ni mama kaya wala nang nagawa si Maveric kung hindi ang umayon.
Nilapitan niya ako at nagulat ako sa pag-akbay niya. " Maasikaso ka talaga,Alyson." Sabi niya sapat lang para marinig nilang lahat.
Narinig ko ang paghagikhik ni Isang bago kami iwanan doon. Nanatili kaming nakatalikod sa kanila habang nakaabay sa'kin si Maveric.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman,naririnig niya kaya ang pagtibok ng puso ko?
"Tapos na ba 'yan, Aly?"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni kuya sa gilid ko. Seryoso siyang nakatingin kay Maveric habang sinasabi ang mga katagang, "Sana hindi nakakadisappoint ang napili kong pagkain para sa kanya."
Lalong lumakas ang pintig ng puso ko hindi dahil sa kilig,kundi dahil sa pangamba. Hindi ko alam kung pagkain ba talaga ang tinutukoy ni kuya. Argghhh! Hindi ko siya maintindihan.