Chapter 13 - 12th

ALYSON's PoV

Ngayon ang araw ng pagkaka-discharge ni mama sa ospital at kasalukuyan siyang nagpapahinga ngayon sa kanyang kwarto. Abala ako sa pagluluto ng tanghalian namin dahil hindi pa kaya ng katawanan ni mama,isa pa ay hindi na siya pwedeng gumawa ng mga mabibigat at nakakapagod na gawaing bahay. Nandito naman si Isang para gawin lahat 'yon.

"Ano ba naman 'yan,ate hindi ka na natigil sa kakautos mo sa'kin. Tao lang ako na napapagod." Pagrereklamo niya matapos kong utusang palitan ang mga kurtina ng bahay namin.

"Sige,ikaw ang magluto rito at ako ang gagawa d'yan." Nakapamewang kong sabi sa kanya kaya mas lalo siyang bumusangot.

"Alam mo namang ayaw ko ng dugo,ate tapos ako ang magluluto ng dinuguan? Ito na po,gagawin na po ang utos niyo,mahal na prinsesa." Nagbow pa siya sa harap ko bago pumanhik sa taas upang kunin ang mga nakapirming kurtina.

Kita mo talaga ang batang 'yon. Ngunit kahit mareklamo siya mabait naman siya at sumusunod pa rin sa mga utos. Hindi lang talaga maiwasang magreklamo,ganyan din naman tayo 'di ba?

Napatigil ako sa paghahalo ng dinuguan nang marinig ko ang katok sa aming pintuan at sandali kong hininaan ang kalan bago puntahan kung sino 'yon.

Napatigil ako nang mabuksan ko na ang pintuan. "N-Nandito na raw ang mama niyo..." saad niya.

Naikuyom ko ang mga palad ko at pinigilan ang sarili na hindi magalit o makalikha ng iskandalo sa oras ng pagpapahinga ni mama.

"Paano kayo nakapasok ng bakuran?" Pag-iiba ko ng usapan. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at walang pinagbago sa ama kong nakita ko noong nakaraang araw. Napansin ko ang maliit na galos sa binti niya kaya agad niya itong itinago sa likod ng isa pa niyang binti.

"A-Ah...masyado palang mataas ang bakod na ginawa ko noon kaya hindi ko na nagawang mag-ingat." Saad niya nang mapansin ko 'yon.

"Oras ng pahinga ni mama kaya bumalik na lang po kayo kapag magaling na siya o pwede rin namang hindi na,baka mas lalong lumala ang sakit niya kapag nagpakita pa kayo." Malamig kong tugon at pinagsarhan na siya ng pintuan.

Napabuntong hininga ako bago umalis sa pintuan at laking gulat ko nang makita si Isang na nakatayo sa baba ng hagdan bitbit ang mga kurtina,nakatingin siya sa'kin ng may lungkot sa kanyang mukha.

Napapikit ako nang maalalang close nga pala sila ni papa at lagi niyang nababanggit na gusto niyang makita ulit si papa. Ngayong nasa labas lang ng bahay namin si papa ay hindi ko man lang ito pinatuloy.

"Ate, bakit hindi mo papasukin si papa?" Nagtataka niyang tanong. Lumapit ako sa kanya at hinila siya sa kusina dahil nasa tapat lang kami ng kwarto ni mama,baka marinig niya kami.

"Look,Allysa hindi ko rin naman gustong maging bastos kay papa pero alam mo naman ang kalagayan ni mama 'di ba? Nagpapagaling pa rin si mama kaya mas mabuti kung hindi muna sila magkita ni papa dahil tiyak na makakasama 'yon sa lagay ni mama. Naiintindihan mo ba ako,Isang?" Halos pabulong kong sabi.

Nakatitig lang siya sa'kin habang nakikinig. Tumango siya na parang wala sa sarili. Sandali pa siyang napasulyap sa pintuan. "Pero pwede ko bang kausapin muna si papa? Kahit sa labas lang kami ng bahay,ate?"

Napabuntong hininga ako sa kagustuhan niya. Hindi ko naman pwedeng ipagdamot 'yon sa kanya dahil unang-una ama pa rin namin siya at isa pa ay ayaw kong maging malungkot ang kapatid ko. Mabuti na lamang dahil wala si kuya ngayon dahil kung hindi 'yon pumasok tiyak na magkakaroon ng gulo rito sa bahay at ayaw kong mangyari 'yon.

Napatango na lang ako at binalikan ang niluluto ko,namumuo na ang ilang dugo tiyak na kulang sa halo kaya niremedyohan ko na.

Hindi ko man lang napansin agad na tumutulo na pala ang mga luha ko...

**********

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Maveric dito sa mini park ng bayan. Inaya niya akong pumunta rito para raw ma-refresh ang isip ko sa mga problemang pinagdadaanan ko.

"Salamat sa'yo,ha. Ikaw ang laging nandyan kapag nahihirapan ako kaya hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan kasi hindi naman sapat yung salitang salamat lang." Saad ko at nginitian siya.

Napangiti rin siya sa'kin bago tanawin ang mga nagniningningang bituin sa langit. "You  know what? Ang tao tulad lang din ng bituin, kapag malayo sila nakikita nating masaya sila,kuntento,maganda pero kapag nilapitan na natin sila doon palang natin malalaman kung sino ba sila,na sa kabila ng ningning nilang liwanag sa malayo ay doon pala nagkukubli lahat ng lungkot at hinanakit..." napalingon siya sa'kin at nagulat ako dahil kanina ko pa siya pinagmamasdan. "...mabuti na lang nagkaroon ako ng lakas ng loob para lapitan ang bituin na 'yon." Dagdag niya pa.

Napaiwas ako ng tingin dahil nakakatunaw ang mga titig niyang 'yon. Hay naku,Alyson masyado ka nang naaakit sa tingin niyang 'yon.

"Ang lalim ng hugot mo,ha. Nagmahal ka na ba noon?" Pag-iiba ko ng usapan. Sumandal ako sa sandalan ng bench na inuupan namin habang nakatitig sa langit at hinihintay ang sagot niya.

"Oo..." tipid niyang sagod at natigilan ako. So,may first love pala siya dati?

"Naging kayo ba?" Tanong ko pa. Curious lang ako. Curious ako sa lovelife ng lalaki,gusto kong marinig 'yong side nila kasi sa buong buhay ko puro lovelife ng mga kaibigan kong babae ang naririnig ko.

"Yes,but it was a secret relationship." Sagot niya kaya napakunoot ang noo ko at nilingon siya. Nilalaro niya sa mga kamay niya ang susi ng motor. Itatanong ko sana kung bakit pero nagsalita na ulit siya.

"She was my first love,we were both young that time at nag-aaral pa kaya hindi siya pwedeng magka-boyfriend so we both decided na isekreto na lang. Mayaman ang pamilya niya kaya malaking kahihiyan 'yon kapag hindi niya na-meet ang expectation sa kanya  kaya ako bilang boyfriend sinuportahan ko siya sa lahat,inintindi ko siya." Pagkukwento niya.

"Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko and this time nilingon niya ako. I can see through his eyes that he is not affected pero masakit alalahanin.

He smiled,"I can't handle her attitude anymore. Selosa siya kahit sa maliit na bagay lang ginagawa niyang big deal kaya nagdesisyon akong makipaghiwalay sa kanya dahil parehas na kaming nasasaktan. Pumayag siya at hindi na nagdalawang isip na lingunin pa 'ko."

"Ahhh. Ang lungkot naman pala ng first lovelife mo. Nasaan na 'yong babae ngayon?"Usisa ko pa.

Sandali siyang natigilan at napatitig sa'kin. "Masaya na siya ngayon sa ibang lalaki at sana nagbago na siya para hindi sila mahirapang dalawa."

"May communication pa rin kayo?" Nagtataka kong tanong.

"Wala. Matagal ng wala pero alam mo naman ang social media ngayon, halos doon ka magiging updated sa mga tao 'di ba?" Tumawa siya ng kaunti kaya natawa na rin ako at tumango. " Sa'yo ko lang kinuwento 'to,Alyson." Dagdag pa niya.

"S-Sa'kin lang? Hindi ba alam nila kuya—"

"Hindi ko kinuwento sa kanila at hindi ko na babalakin pa kasi past is past.Makakaasa ba ako?" Nakangiti niyang tanong.

"Oo naman!" Mabilis kong sagot. Ayaw kong mawalan siya ng tiwala sa'kin kaya hindi ko ipagsasabi kahit kanino. "Pero bakit ka nagkwento kung past is past na pala?" Tanong ko na naman.

"Dami mo kasing tanong,e." Natatawa niyang sabi kaya nahiya ako.

Parehas na lang kaming natawa hanggang sa mag-aya akong kumain dahil nagugutom na ako. Pagkatapos naming kumain ay uuwi na kami.

Pag-uwi ko sa bahay ay nakaatay ang ilaw kaya nagtakaka ako habang binubuksan ang ilaw sa sala.

"Isang? Mama? Bakit nakapatay 'yong mga ilaw?" Tanong ko habang patungo ako sa ref upang kumuha ng maiinom na tubig.

Bubuksan ko na sana ang ref nang makita ko ang note na nakadikit sa ref.

Aly,cannot be reach ka. Sinugod na naman namin si mama sa ospital.Sunod ka kapag mabasa mo 'to.

Halos mawalan ako ng balanse sa nabasa ko.Sinugod ulit si mama sa ospital?!

Agad kong hinagilap ang phone ko sa dala kong sling bag at napapikit na lang ako sa nakita ko.

"Shit! Bakit ba kasi naka airplane mode 'to!" Inis kong sabi habang tini-turn off ang mode. Nagmadali akong lumabas ng bahay at tumakbo patungo sa labas ng street namin upang mag-abang ng masasakyan.

Nakakahiya kay Maveric kung aabahalin ko na naman siya ka magko-commute na lang ako. Satko naman ang pagtigil ng jeep sa'kin patungong bayan kaya sumakay na ako agad.

*********

"Ate! Ate,bakit hindi ka matawagan? Hindi rin matawagan kanina si kuya Maveric kaya hindi na kami nakapagsabi agad sa'yo." Nag-aalalang saad ni Isang pagkakita sa'kin habang papalapit sa kanila.

"Anong nangyari kay mama? Bakit na naman siya sinugod dito?" Tanong ko sa kanya pero bago pa man siya makapagsalita ay tinawag ako ni kuya Allan kaya napalingon ako sa kanya.

"Buti nandito ka na,Aly. Nahirapang huminga kanina si mama kaya sinugod namin siya rito." Saad niya. Agad na kinuha ni Isang ang mga pinamili ni kuya na pagkain,suot niya pa rin ang kanyang uniporme."Mabuti na lamang natawagan ako agad ni Isang." Dagdag niya pa.

Napakagat ako sa labi ko. Kung hindi lang naka airplane mode ang phone ko baka natawagan sana ako ni Isang. Kung hindi dahil kay kuya baka mas lalong napasama ang kalagayan ni mama.

Sumunod ako sa kanila papasok sa isang private room at nakita ko si mama na nahiga at tila may iniisip.

"Ma,gising ka na pala. Kumusta po ang lagay niyo? May masakit po ba sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ni kuya kay mama ngunit umiling lang ito at ngumiti ng kaunti.

"Ayos lang ako,anak." Sagot ni mama at napatingin siya sa'kin. Nagtaka ako sa seryosong pagtitig sa'kin ni mama.

"P-Po?" Tanong ko dahil mukhang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya magawa.

"A-Ah,wala.Kumusta ang lakad niyo ni Maveric?" Tanong sa'kin ni mama kaya napakagat ako sa labi ko.

Dahil sa lakad namin kaya muntik ng may masamang nangyari kay mama,e.

"Si mama naman, huwag mo na po akong alalahanin. Sorry po kung hindi ako macontact kanina,ha. Naka-airplane mode po kasi ang phone ko." Pagpapaliwanag ko. Hinaplos ni mama ang pisngi ko at nakangiti siya sa'kin.

"Dalaga ka na,Alyson. Pero ingatan mo pa rin ang puso mo,ha. Marupok ang puso natin kaya iingatan mo." Nakangiting sabi ni mama pero hindi ko maunawaan ang nais niyang sabihin.

"Mama, hanggang iyakin pa 'yang si Alyson hindi pa 'yan pwedeng magmahal." Pang-aasar ni kuya kaya simaan ko siya ng tingin.

"Porket iyakin hindi na pwedeng mahalin ko si Maveric?" Inis kong tanong kay kuya Allan.

"Nahuli ka rin sa sarili mong bibig!" Humahagalpak na sabi ni kuya kaya mas lalo akong naini—nahuli saan? Oh Gosh! Sinabi ko ba 'yon?!

Nahihiya akong napatingin sa kanilang lahat at puro mga nakakalokong ngisi ang nakikita ko sa kanila.

"Mama, huwag mo naman pong kampihan sina kuya." Pagmamakaawa ko kay mama pero kinurot niya lang ang ilong ko.

"Masaya ako na makita kayong masaya,mga anak ko." Nakangiting sabi ni mama.

Niyakap namin si mama kahit na si kuya Allan hindi pa rin matigil sa pang-aasar sa'kin.

Napatigil kami nang mag-ring ang phone ni Isang. "Hala,tumatawag si papa." Sabi niya kaya napakunoot ang noo ni mama.

Naku,lagot!

"Si papa mo?" Walang buhay na tanong ni mama.

"A-Ah, si mama talaga tumatanda na,humihina na ang pandinig. Pampam po,kako. Si Pamela na kaibigan ko." Nakangiting sabi ni Isang para mailusot ang alibi niya.

Umaliwalas naman agad ang mukha ni mama kaya nakahinga kami ng maluwag ni kuya Allan pati na si Isang.

"Sige po,sasagutin ko lang po sandali." Paalam ni Isang. Napansin kong pinandilatan siya ng mata ni kuya at sumenyas na bilisan niya.

Tumango si Isang bago lumabas ng kwarto habang ako naman ay tumayo na at inilabas ang mga pinamiling pagkain ni kuya.

"Wow ha,kuya bumili ka pala ng ice cream." Nakangiti kong sabi habang binubuksan ang ice cream na nasa cup. Medyo tunaw na pero masarap pa rin kasi favorite ko 'to.

Natawa na lang si kuya sa'kin. Sweet naman talaga yan si kuya alam niyang weakness ko ang ice cream pagdating sa kanya kaya hindi ko magawang magtampo lagi.

Habang kumakain ako ay napansin ko ang pag-ilaw ng phone ko at isang nakakatunaw na goodnight,sweet dreams ang natanggap ko mula kay Maveric.

Oh,mainggit kayo!