Chapter 12 - Eleventh

"Alyson,anak..."

Lahat ng hinanakit ko sa taong 'yon ay unti-unting bumuo sa aking katawan kasabay n'on ang pagpatak ng luha sa'king mga mata ngunit agad kong pinunasan at pinahalatang hindi ako apektado.

Lumingon ako sa kanya,pumayat,lumalim ang mga mata,magulo ang buhok,at tila puyat na puyat. Hinayaan ko siyang tumuntong dito sa terrace,nakatitig lang sa kanya habang papalapit.

Ang daming bagay na pumapasok ngayon sa isipan ko,hindi ko alam kung anong dapat kong unahin sa lahat pero iisa lang ang sigurado ako at 'yon ay ang pagkamuhi sa ama ko.

"N-Narinig ko ang tungkol sa mama mo..." panimula niya. Nag-iwas ako ng tingin at mas pinatatag ko ang sarili ko sa harap niya. Taas noo akong nakatindig at walang emosyong mababakas sa mukha ko ngayon.

"Ano ngayon kung narinig niyo,hindi na magbabago ang katotohanan sa sinapit ni mama." Saad ko. Double meaning ang sinabi kong 'yon. Kaya lumala ang sakit niya ay dahil sa kagagawan mo.

Napayuko si papa at bumuntong hininga."P-Patawarin mo sana ako,anak."

Sandali akong napatitig sa nakayukong si papa. Kung pagpapatawad lang din naman ang gusto niya madaling sabihin pero sobrang hirap kalimutan maski ako pinipilit kalimutan ang ginawa niya kay mama dahil ayaw kong tuluyang mawalan ng respeto sa tatay ko. Anong magagawa ko? Tao lang din naman ako na nasasaktan.

"'Yon lang po ba ang gusto niyo? Huwag kayong mag-alala dahil makakaasa kayo sa tawad na hinihingi niyo.Makaaalis na kayo dahil may pasok pa ako sa trabaho." Malamig kong sabi at isasara na sana ang pinto ngunit hinarang niya ang kamay niya kaya napapikit ako.

Ano pa bang kailangan niya?!

"Congratulations nga pala,anak." Nag-aalangang sabi niya sakin kaya bumuntong hininga ako.

Pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko.'Yan ang gustung-gusto kong marinig mula sa kanya pero bakit ngayon lang?

"Ngayon lang din po ba ninyo narinig na graduate na ako?" Malamig kong tanong kaya napangiti siya ng pilit. "Ni hindi man lang kayo nagpakita sa'kin no'n. Oo,galit ako sa inyo,galit na galit pero kung talagang sinusuportahan niyo ako sa narating ko dapat nando'n kayo! Pero wala e kasi mas inuna niyo pa niyong graduation ng anak-anakan niyo!" Kumawala na ang mga luha sa'king mga mata at hinayaan ko na lang dumaloy sa pisngi ko. "Oo,alam ko 'yon kasi kahit papaano may pakialam ako sa inyo,umasa ako sa presensya niyo pero ni anino niyo hindi ko nakita! Ngayon sabihin niyo sa'kin na hindi ako dapat mas magalit sa inyo!" Nanatiling nakayuko si papa na mas lalong ikinainis ko.

Wala ba siyang sasabihin?! Utang na loob naman! Ang sakit dito,sobrang sakit.

Pinakalma ko sandali ang sarili ko bago nagsalita ulit."Kung wala na kayong sasabihin,maliligo na ako." Matamlay kong sabi bago tuluyang sinarado ang pintuan.

Hindi ko gustong maging bastos,pero masisisi niyo ba ako? Nasasaktan ako sa lahat ng ginawa ni papa hindi lang sa'kin kun'di sa buong pamilya namin,kay mama. Walang tama sa pagiging bastos kaninuman ngunit ito ang paraan ko para takasan ang sakit na pinipilit kong magalit para hindi ako masaktan pero mas lalo lang akong nahihirapan.

MAVERIC's Point of View

"Alyson,ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Kaninang umaga pa siya matamlay,hindi ko alam kung anong mabigat na problema ang pinagdadaanan niya. Nahihirapan akong makita siyang nahihirapan.

"Gusto ko nang umuwi..." tulala niyang sabi kaya tumango ako at inalalayan siya. Tinanong ko kung kaya niya bang umangkas,tumango lang siya.

Pinatakbo ko ng marahan ang motor hanggang sa makarating ako sa bahay nila. Naabutan ko si Allan na naninigarilyo sa kanilang terrace. Kailan pa nanigarilyo ang isang 'to?

"Salamat sa paghatid mo." Sabi niya sa'kin nang makababa siya ng motor. Napansin kami ni Allan kaya agad niyang pinatay ang sindi ng sigarilyo.

"Mavs,Alyson!" Napansin din ni Allan ang pagkamatamlay ni Alyson. "Ayos ka lang?" Tanong niya sa kapatid sabay sinalat ang noo nito kung mainit ba siya. "Wala ka namang lagnat." Dagdag pa ni Allan.

"May nararamdaman ka bang kakaiba?"Nag-aalala kong tanong pero umiling lang siya,tulala at pagod na pagod.

"Gusto ko ng matulog." Saad niya at maglalakad na sana ngunit pinigilan siya ni Allan.

"Aly,may nangyari ba sa'yo—"

"GUSTO KONG MAGPAHINGA KAKO 'DI BA?!"

Parehas kaming nagulat ni Allan sa pagsigaw si Alyson,hindi namin inaasahan na sisigawan niya kami. Hinayaan na lang namin siyang pumasok sa loob ng bahay. Binato pa ni Alyson ang dala niyang bag sa sofa nila.

Nagkatinginan kami ni Allan,parehas na hindi makapaniwala. "Mavs,anong nangyari kay Aly?" Nagtataka niyang tanong.

Maging ako ay hindi ko alam ang dahilan sa pagbabagp ng mood ni Alyson. "Kaninang umaga pa siya tulala at hindi makausap ng maayos. Nagdadalawang-isip ako magtanong kung may problema ba siya kasi baka sabihin niyang masyado akong nanghihimasok sa buhay niya,tol." Sagot ko sa kanya.

Tumango siya sa sagot ko at nilingon ulit namin ang sala nila kung saan binato ni Alyson ang kanyang bag. Inanyayahan ako ni Maveric sa loob ngunit kailangan ako sa bahay.

"Magvi-video call mamaya si ate baka magtampo 'yon kapag hindi ako nakita. Saka minsan na lang namin siya nakakausap ni mama gawa ng pagiging busy sa trabaho niya." Dahilan ko kay Allan.

"Ah,sige ikamusta mo na lang ako kay ate Megan. Namimiss ko na mga inaanak ko,'ka mo." Bilin niya sa'kin kaya napangiti ako.

"Yes,boss Allan." Sumaludo ako sa kanya bago tuluyanh pinaandar ang sasakyan pauwi sa bahay.

Si ate Megan ang panganay at tatlo kaming magkakapatid. Ako ang pangalawa at si Myrtelle ang bunso namin pero nasa probinsiya siya at doon nag-aaral. Gusto ni Myrtelle nang may makakasama sina lolo at lola kaya siya na ang nagprisinta. Noong una ay ayaw ni mama pero pumayag na rin pata hindi na mahirapan sina lolo at lola.

Si ate Megan nasa ibang bansa at ngayong oras ang free time niya para makausap kami ni mama. Doon na siya nakatira kasama ang British niyang asawa at may dalawa silang anak na siyang inaanak ni Allan dahil dito sa Pilipinas sila pinanganak.

**************

"Kumusta ka na,Maveric? Wala ka pa raw ipinapakilalang nobya kay mama. Kailan mo balak mag-asawa?" Natatawang tanong ni ate.

Napakamot ako sa batok at nahihiyang sabihin na mayroon na akong napupusuan hindi nga lang ako sigurado kung sasagutin ako kasi noong gabing umamin ako sa kanya wa na siyanh ibang nabanggit tungkol do'n.

"Tulungan ko muna si mama dito,ate. Mahirap na baka magtampo sa'tin." Biro kong sagot kaya si mama tinampal ang noo ko. Natawa si ate sa kabilang linya.

"Nasa wastong edad ka na para mag-asawa,ano namang tutol ko do'n? Saka gusto ko na ng apo sa'yo." Saad ni mama kaya nagtawanan sila ni ate.

"Si mama naman,apo agad ang nasa isip." Hindi pa nga ako sinasagot ng nililigawan ko.Dagdag ko sa isip ko.

Nag-kamustahan lang kami nila ate tungkol sa buhay namin dito ni mama at sa buhay niya doon kasama si kuya Khaile.

"O sige na po,mama,Maveric. Ibababa ko na 'tong phone ha. Mag-ingat po kayo dyan huwag kayong mahiya kapag may kailangan kayo ha." Tumango si mama at sinabing mag-ingat rin sila doon. "Maveric,sana sa susunod nating pag-uusap ay kasama mo na ang nobya mo.Hahahaha." Pilyang saad ni ate kaya natawa na lang din ako.

Lumabas na ako sa kwarto ni mama dahil matutulog na siya. Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop dahil baka may bagong email ang boss ko matapos kong maipasa ang sales report no'ng nakaraan.

Napansin akong umilaw ang cellphone ko at tatlong message ang natanggap ko mula kay Alyson.

Napangiti ako at binuksan ang message.

(1)Maveric,sorry kanina.

(2)Wag ka sana magalit sakin pagod lang kasi ako. Sorry. :-(

(3)Uy,sorry na...

Hindi naman ako nagtatampo sa kanya sa totoo lang pero natutuwa ako sa isiping sinusuyo ako ni Alyson.

Nakatanggap ako ulit ng message.

(4)Nandito ako sa labas ng bahay niyo.

Napatayo ako ng di oras nang mabasa ang text niya. Wala akong load kaya hindi ko marereplyan si Alyson pero nagmadali akong lumabas ng bahay at nakita kong nakatalikod siya at tinatahulan ni Botchokoy.

"Alyson..."

Nagulat siya sa'kin at agad siyang lumingon. Ngumiti siya ng may pag-aalangan. Pinagbuksan ko siya ng gate. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin para kunwaring galit kay Alyson.

"Thanks God,lumabas ka. Akala ko hahayaan mo na ako dito sa labas." Sabi niya habang nakahawak sa kanyang dibdib.

Hindi ko naman hahayaan na maghintay ka lang dito sa labas.Nanatiling seryoso ang mukha ko kahit na gusto ko siyang ngitian.

"Kumusta ka na? Hindi ba,gusto mong magpahinga?" Seryoso kong tanong kaya agad siyang yumuko. Nakonsenya tuloy ako.

Inaya ko siyang maupo sa terrace namin at hindi naman na siya pumalag.Nag-offer ako ng maiinom na gusto niya pero sandali lanh daw siya. "Uy,Maveric sorry na talaga. Marami lang akong iniisip kanina kaya sorry na." Para siyang bata na gustong makipagbati sa nakaaway niya. Pumupingay ang mga mata niya at naka-please gesture ang mga kamay niya.

Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Tumango lang ako bilang tugon kahit na gusto konh sabihin na hindi naman ako galit sa kanya.

Bumuntong hininga siya at sandaling nag-isip kaya may pagkakataon akong pagmasdan siya habang nakatingin sa labas. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa'kin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Ano bang gusto mong gawin ko?" Tanong niya. Sagutin mo na 'ko. Pero hindi ko sasabihin kasi kaya kong mag-hintay. "Ito ba?" Dagdag niya sabay yakap sa'kin ng mahigpit.

Napangiti ako nang mas hinigpitan niya pa ang yakap sa'kin at sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Naaamoy ko ang matamis na amoy ng buhok niya.

"Sorry na kasi,hindi ko alam gagawin ko sayo." Pagmamakaawa niya at tiningnan niya ako habang nakayakap pa rin siya sa'kin.

"Kiss mo ko." Nakangiti kong sabi. Sandali siyang natigilan at hindi ko inaasahang tinulak niya ako ng malakas dahilan para mahulog ang halaman ni mama na nakapaso.

"Ano iyong nabasag,anak?" Rinig naming tanong ni mama habang papalapit na siya sa'min.

Natawa ako nang makita ko si Alyson na kinakabahan. Agad niya akong hinila at nagtago sa likod ko. "Ikaw ang kumausap kay tita,wala akong kasalanan." Pagpapaniwala niya sa'kin.

"Dios ko! Ang halaman ko!" Gulat na saad ni mama. Naramdaman kong kinurot ako ni Alyson sa braso.

"Ah-Ma,sorry natukod kasi ako kaya nahulog ko." Saad ko kaya tumingin sa'kin si mama at napansin niya si Alyson na nagtatago sa likod ko.

"G-Good evening po,tita. Hehe." Nahihiyang bati ni Alyson at dahan-dahang umalis sa likod ko. Agad na umaliwalas ang mukha ni mama nang makita siya nito.

"Andito ka pala,Alyson. Anong kailangan mo?Kumusta na ang mama mo?" Sunod-sunod na tanong ni mama.

"A-Ayos lang naman po,tita. Ang sabi ng doktor ay pwede na raw po siyang madischarge sa susunod na araw."sagot ni Alyson.

"Anong sadya mo pala rito?",magiliw na tanong ni mama sa kanya. Napatingin sa'kin si mama at sinabing,"O mas mabuting tanungin ko kung anong sadya mo sa anak ko?".

Namula si Alyson at nag-iwas ng tingin."M-Maaga pa po pala ako bukas. Ah sige po,tita uuwi na po ako. Goodnight po!" Nagmamadaling paalam ni Alyson sabay takbo ng mabilis pauwi.

Natawa na lang ako habang sinusundan siya ng tingin sa daan.

"Sa pakiwari ko'y alam ko na kung sino ang gusto mong mapangasawa." Masayang sabi ni mama.

Natigilan ako at paglingon ko kay mama,naglalakad na siya papasok sa loob at may pahabol pa siyang sabi. "Matulog ka na,maaga ka pa bukas para ihatid ang nililigawan mo."

Napakamot na lang ako sa batok sa katotohanang buking na ni mama kung sinong babae ang pinopormahan ko.

"Hay...mga babae talaga,ang lakas ng pakiramdam." Naiiling kong sabi bago nagtungo sa gate at sinarado iyon.