Chapter 11 - Tenth

ALYSON's Point of View

Tatlong araw ng nasa ospital si mama at madalas na si Isang ang nagbabantay sa kanya dahil kailangan kong pumasok sa trabaho at gano'n din si kuya. Speaking of him,hindi pa rin kami nagkakaayos ni kuya.

Araw ng miyerkules ngayon,mabuti na lamang dahil pumasok na si Avery. "Kumusta ka na?" Tanong ko kay Avery nang makaupo siya sa kanyang working area.

"Ayos lang ako,girl. Ikaw ang kumusta,ang lalim na ng mga mata mo oh tapos ang itim na sa ilalim." Pagpupuna niya sa eyebags ko.

"Ah,stress sa bahay tapos stress din sa work." Tipid kong sagot habang inaayos ang aking keyboard at monitor.

"Kumusta na ang family mo lalo na ang kuya Allan mo?" Napatigil ako sa tanong niya at nagtatakang lumingon dito.

"Kilala mo si kuya?" Hindi makapaniwala kong tanong. Hindi ko pa naman kasi nakwento sa kanya kung sino-sino kami sa pamilya aside sa tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa.

Bigla siyang naalarma sa tanong niya. "A-Ah, oo naman 'no paano ko hindi malalaman e inistalk kita at nakita ko sa post na naka-tag si kuya Allan mo.Hehehe." paliwanag niya kaya napatango ako at binalik ang tingin sa ginagawa ko.

"Hmmm... ayos lang naman kami. Isa na siyang ganap na pulis at masaya ako sa narating ni kuya." Nakangiti kong sabi habang inaayos ang lalagyan ng mga lapis sa table ko. Napawi ang ngiti ko nang maalala na hindi pa pala kami nagkakaayos ni kuya. Hindi niya ako pinapansin,tinititigan lang niya ako tapos lalampasan.

Nagsimula na kami sa trabaho at tanging lunch lang ang break namin sa maghapon kaya ang sakit ng likod at pwet ko habang naghihintay dito sa labas. Hinihintay ko si Maveric dahil sinabi niyang susunduin niya ako.

"Mukhang stress ka,kumain muna tayo sa labas para mare-fresh ang isip mo." Saad ni Maveric at inabot sa'kin ang helmet ko.

"Hindi na,ayos lang ako tsaka kailangan ko pang puntahan si mama sa ospital ngayon." Saad ko nang makasakay ako sa motor niya.

"I insist,Alyson. Saglit lang tayo tapos ihahatid kita sa ospital." Sabi niya kaya hindi na lang ako nagreklamo pa. Kailangan ko talagang magre-fresh ng isip para mabawasan ang stress ko.

Nagtungo kami sa mini park ng bayan dala ang mga streetfoods na binili namin.Naupo kami sa bench kung saan malayo sa mga batang naglalaro ngunit may sapat na ilaw kaya hindi sobrang dilim.

Parehas kaming nakatitig sa bilog na buwan kaya nakakaakit ang liwanag nito sa mga mata. "Ang payapa ng langit 'no?Bilog ang buwan kaya mas maliwag siya ngayong gabi." Nakangiti kong sabi habang nakatitig pa rin dito.

"Hindi ko makalimutan ang sinabi mo noong unang beses na sabay nating tinatanaw ang buwan..." saad niya kaya napatingin ako sa kanya ngunit nanatili siyang nakatingin sa langit.

Binalik ko ang tingin sa buwan bago nagsalita. " 'Yong sinabi ko na kung sino ang unang lalaking kasama kong tinatanaw ang buwan ay siyang makakatuluyan ko?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Nako,sabi-sabi lang nila 'yon noong bata pa ako kaya ako naman naniwala agad." Saad ko na sinabayan pa ng tawa pero siya nanatiling tahimik.

"Habang tinatanaw natin ang malayong buwan noon narealize kong may mas maganda pa palang dapat tanawin sa malapit."saad niya ng may sinseridad. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakatingin na rin pala siya sa'kin.

Hindi maunawan ng isip ko kung anong nais niyang iparating pero nararamdaman ng puso ko kaya naguguluhan ako sa dapat na paniwalaan.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nag-aalinalangan kong tanong kahit pa hindi  naman ako dapat na umasa pa sa sinabi niya.

"It's been years,Alyson and maybe this is the right time to end those years looking you from afar." Ngumiti siya sa'kin matapos sabihin 'yon pero naguguluhan na talaga ako.

"N-Naguguluhan ako sa sinasabi mo..." pag-amin ko kaya napayuko siya at bumuntong hininga bago tumingin ulit sa'kin.

"Ayaw kong dumagdag sa mga iniisip mo pero ito ang nakikita kong pagkakataon para sabihin sayo na..." huminga siya ng malalim bago pikit-matang sinabi sa'kin ang mga salitang hindi ko inaasahang sasabihin niya. "...I'm falling inlove with you,Alyson at matagal na kitang nililigawan."

**********

Pabalik-balik ako sa paglalakad dito sa loob ng kwarto ni mama sa ospital. Kinakagat ko ang kuko ko habang pilit na pino-proseso sa isip ko ang mga sinabi ni Maveric kanina.

"Ayaw kong dumagdag sa iniisip mo pero ito ang nakikita kong pagkakataon para sabihin sa'yo na...I'm falling inlove with you,Alyson at matagal na kitang nililigawan."

Hindi ko lubos maisip na aamin sa'kin ngayong gabi si Maveric at mas lalong hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ko sabihin sa kanya dahil wala naman akong ibang salitang binitawan matapos niyang umamin.

"Aly,ako ang nahihilo sa'yo dyan sa ginagawa mo." Saway ni mama kaya tumigil ako at naupo sa katabing upuan malapit sa mga pagkain. "Ano bang bumabagabag sa isip mo,anak?" Tanong ni mama kaya umayos ako ng upo.

Hindi naman kasi ako madalas mag-open kay mama lalo na at ngayon ang unang beses na makaramdam ako bg ganito. Nahihiya akong tanungin siya kung normal lang ba na maguluhan kapag may lalaking umamin sa'yo na fa-fall na sayo at ang mas matindi ro'n ay nahuhulog na rin ako sa kanya.

"Inlove ka ba?" Natigilan ako sa tanong ni mama kaya natawa siya.Paano niya nalaman? "Alam ko na 'yang mga ganyang tagpo. Blooming ka na naguguluhan hindi mo alam kung maniniwala ka ba o hindi sa nararamdaman mo." Dagdag pa ni mama.

"P-Paano niyo po nalaman?"

Dahan-dahang umupo si mama at sumandal sa headboard ng hospital bed. "Maliban sa halata ka,napagdaanan ko na 'yan." Ngiti ni mama. So,obvious pala ako. "Umamin na siguro ang binatang 'yon, ano?" Dagdag ni mama habang nakangiting nakatitig sa labas ng bintana. Maaliwas ang langit kung kaya't lumilitaw ang mga nagniningning na bituin.

"Umamin sino po? May alam po ba kayo?" Nagtataka kong tanong kay mama. Alam ba niya na may pagtingin sa'kin si Maveric? Seryoso ba 'to?

Lumingon sa'kin si mama saka ngumiti. "Nauna pa niya kaming ligawan nila kuya mo bago umamin sa'yo." Natatawang sabi ni mama pero ako, nagulat dahil hindi ko akalain na noon pa pala nagpaparamdam si Maveric. "Naalala ko noong ipinagpaalam ka niya sa'min nila kuya mo,2nd year college palang yata sila kuya mo no'n tapos umakyat ng ligaw muna sa'min pero hindi ko siya pinayagan na ligawan ka kasi gusto ko kako makapagtapos ka muna. Biruin mo hinintay ka niya ng ilang taon at ngayon ay umamin na siya sayo." Dagdag pa ni mama. Nanatili akong nakaupo at nakikinig sa kanya habang pinoproseso ng isip ko ang mga rebelasyonh sinasabi ni mama. "Alyson,siguro naman hindi masamang bigyan mo ng pagkakataon si Maveric. Mabait ang batang 'yon at naniniwala akong hindi ka niya sasaktan." Payo pa sa'kin ni mama.

Lumapit ako kay mama at naupo sa tabi niya. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko,oo napapamahal na ako kay Maveric at gano'n din siya sa'kin pero binabawi ko na 'yong sinabi ko dati na handa na akong mahulog at masaktan. Hindi ko pa lubusang kilala si Maveric para agad siyang sagutin at mahalin pa lalo pero nang dahil sa ipinagtapat ni mama parang mas madali na sa'king ibigay kay Maveric ang matamis kong oo pero paano? Paano kung hindi pa ngayon 'yong tamang panahon para pumasok ako sa isang relationship?

"Ma,naguguluhan pa rin talaga ako,e. May nararamdaman na rin naman po ako sa kanya pero hindi ko pa po siya lubusang kilala." Pag-amin ko kay mama. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok bagay na nakasanayan na niya sa tuwing kino-comfort niya ako.

"Huwag kang mag-madali,pwede mo naman siyang makilala habang nililigawan ka at gano'n din siya sa'yo." Saad ni mama habang patuloy pa rin siya sa paghaplos ng buhok ko. "Minsan hindi rin sapat 'yong masabi ming kilala mo na ang isang tao para tanggapin mo sa buhay mo,minsan kailangan mo ring tanggapin kung ano 'yong kamalian niya. Hayyy,ang pag-ibig nga naman kung hindi nakakabulag ay nakakabingi." Dagdag pa ni mama.

Sa mga mata ni mama, alam ko ang nais niyang sabihin. Nabulag siya sa pagmamahal niya kay papa at hindi lang 'yon,nagawa pa niyang magbingi-bingihan noong nakita ng kapitbahay namin na may kalaguyo si papa.

Noong nalaman na ni mama para siyang sinaksak ng paulit-ulit dahil 'yong lalaking minahal niya ng lubos ay magagawa siyang iwanan at ipagpalit at hanggang ngayon ay nananatili pa rin si mama sa bangungot na 'yon.

Tama nga ang linya sa kanta ni Taylor Swift, "Love is a ruthless game unless you play it good and right."

Ngayon,kahit papaano ay naliwanagan na ako sa dapat kong maramdaman at maging desisyon sa aking lovelife!

"Nga pala,mama pinainom naman ba sa'yo ni Isang 'yong mga gamot mo? Nako,hindi ka pwedeng mag-skip kahit isang dosage 'no." Sabi ko kay mama para maiba ang topic namin. Masyado nang occupied ang isip ko sa mga bagay-bagay lalo na ang aking buhay pag-ibig at ang totoong kalagayan ni mama.

"Oo,anak. Sigurado ka bang dito ka na matutulog? Baka mapuyat ka lang, kaya ko namang mag-isa rito sa ospital." Saad ni mama habang inaalalayan ko siyang makahiga at matulog na.

"Oo naman po,'no. Maaga naman po bukas si kuya para ihatid dito si Isang at ako naman ang susunduin ni kuya para makapagbihis po ako bago pumasok sa trabaho." Paliwang ko kay mama para hindi na mag-alala.

Nahiga na ako dito sa mahabang upuan at sapat na sa'kin para makatulog ngayong gabi. May unan naman kaya komportable na ako kaya lang hindi na ako nakapag-bihis ng pantalon dahil dito ako nagpahatid kay Maveric kanina.

Speaking of him,biglang nag-vibrate ang phone ko at siya ang nagmessage sa'kin.

From:Maveric Sungit

Goodevening,Alyson sensya na kanina sa mga nasabi ko pero maaga pa rin kitang susunduin bukas para ihatid sa work mo. I miss u.

Napangiti ako sa message niya lalo na sa huling sinabi niya. Namimiss pala ako ng mokong pero shempre kailangan nating maging pabebe muna 'no. Pagkakataon ko na 'to para maranasan ang maligawan but this time hindi na imvisible sa pandama ko dahil malinaw na sa'kin ang paghatid-sundo ni Maveric ay bahagi na ng kanyang panliligaw.

Ibang klase rin manligaw si Maveric. Girls,gano'n dapat unang nililigawan ang pamilya bago kayo at hindi naman masamang maging pabebe minsan 'wag lang 'yong mukha kang tanga na magpa-pabebe wave.

Ay,bet ko 'yan! Naalala ko ang kapanahunan ng AlDub Nation. Shocks,kinikilig ako sa KalyeSerye nila Maine at Alden dati. Omo,punung-puno ng poster ng AlDub ang kwarto ko noon bagay na ikinakairita ni kuya.

Hayy,sila ang isa sa perfect example ng katagang, "Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana." Pero masaya na ako sa kung sino man ang kani-kanilang karelasyon kung mayroon man.

Ay! Bakit ba nagmomonologue na naman ako ngayon,hindi ba't matutulog na dapat ako.

Dahil pagod ako sa trabaho at sa sitwasyon ngayon ni mama dala ng pag-aalala mabilis akong dinalaw ng antok.

Paggising ko ay narito na sina Isang at kuya. Si Isang ang magbabantay ngayon kay mama habang si kuya naman ay susunduin na ako para makapagbihis na ako sa bahay.

Walang imikan kami ni kuya habang nakaangkas sa motor niya. Hindi ako sanay na ganito si kuya sa'kin, nagawa niya talaga akong tiisin.

Bihis na si kuya at ready to work na samantalang ako ay amoy laway pa yata at pawis dahil hindi ako nakapagpalit kagabi gawa ng pagsama kay mama sa ospital.

Pagkarating namin sa bahay ay gano'n pa rin,walang pansinan,walang imikan.

Namimiss ko na si kuya,hindi ko na kaya na ganito na lang kami.

"K-Kuya?" Nag-aalangan kong pagtawag sa kanya mabuti na lamang dahil nilingon niya ako. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung mabahiran siya ng amoy ko basta namimiss ko na ang dating kuya Allan ko. "Sorry,kuya...hindi ako nakapagpigil. I'm really sorry." Umiiyak na ako ngayon.

Naramdaman ko ang paghaplos ni kuya sa buhok ko. "Tahan na,my princess. Kasalan ko rin naman dahil nadala ako ng emosyon ko. Patawarin mo sana ako sa mga nasabi ko sayo." Sabi niya at kumalas sa pagkakayap ko sa kanya. Tiningnan niya ako sa mga mata ko at pinahid niya ang mga luha ko. "Malapit ka nang mag-asawa pero iyakin pa rin ang prinsesa ko." Birong sabi ni kuya kaya natawa ako.

"I love you,kuya..." saad ko at ngumiti sa kanya.

"I love you din,Alyson." Tugon ni kuya bago hinalikan ang noo ko. "Sige na,papasok na 'ko baka maabutan pa ako ng traffic sa bayan. Don't worry,may pasalubong ako sa inyo ni Isang mamayang pag-uwi ko." Magiliw niyang sabi bago lumabas ng bahay.

Naiwan akong nakangiti dito sa terrace at pinahid ang natitira ko pang luha habang hinihintay na makalabas ng gate si kuya dala ang motor niya.

Tumalikod na ako para pumasok sa loob at maliligo na nang marinig ko ang pagtawag sa'kin ng taong kahit kailan ay hindi ko na pinangarap pang bumalik.

"Alyson,anak..."