Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 24 - CHAPTER 23

Chapter 24 - CHAPTER 23

ALMIRA'S POV

Nandito kami ngayon ni Castriel sa restaurant ni Jane para dito kumain ng lunch namin. Kanina ko pa din napapansin na ang tahimik niya at malalim ang iniisip. Hindi namin kasama si Sadie dahil kasama daw niya ang mga kaibigan niya.

"Love, what's wrong? Kanina pa kita napapansin na ang tahimik mo at ang lalim din ng iniisip mo. Tell me," sabi ko na ikina-angat niya ng tingin sa akin. Binaba ko naman ang hawak kong kubyertos.

"Ahmmm, Mahal. Ano... kasi... Ahmmm," Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya.

"Ano?" pangungusisa ko.

"Wala," sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Tell me, Love. Alam kong may sasabihin ka," sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya dahilan para mapahinti siya at tumingin ulit sa mga mata ko. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat, it means humiga siya ng malalim.

"Pakiramdam ko hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sadie. Noong nasa hospital kami ay wala akong maramdamang saya habang nakatingin ako sa screen kung saan nakikita ang fetus. Hindi ko 'to sinasabi dahil sa hindi ko tanggap ang batang pinagbubuntis niya, sinasabi ko 'to dahil ito yung tunay na nararamdaman ko," sabi niya.

"Naiintindihan kita kung may doubt ka sa pinagbubuntis niya. Kung kailangan natin ipa-paternity test ang bata para malaman natin na ikaw nga ang ama ay gagawin natin, okay?" sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Paternity Test?" naguguluhang tanong niya.

"DNA paternity testing is the use of DNA profiles to determine whether an individual is the biological parent of another individual. Paternity testing can be especially important when the rights and duties of the father are in issue and a child's paternity is in doubt," I explained.

"Gusto kong malaman kung ako nga ang ama ng pinagbubuntis ni Sadie. Ipa-paternity test natin ang bata," confident niyang sabi kaya ngumiti ako.

"Sasabihin ba natin ito sa Mama mo?" tanong ko.

"Huwag na lang muna kapag lumabas na lang ang resulta, baka kasi malaman ni Sadie kapag sinabi natin kay Mama," sabi niya. Tumango naman ako.

SUNDAY...

Ngayong gabi ang anniversary party ng Guevarra Group of Companies. Ngayon din ipapakilala ni Tito Harold si Castriel bilang tagapagmana ng kumpanya.

Napangiti ako ng matapos akong magmake-up sa sarili ko. Ayoko kasi mag pa make-up sa mga make-up artist ni Tita Marish dahil ang kapal nilang magmake-up at hindi din naman ako sanay kapag ibang tao ang nagmake-up sa akin.

Tumayo na ako sa pagkakaupo sa dresser ko pagkatapos ay tinignan ko ang kabuuan ko sa malaki ng salamin sa harap ko.

I'm wearing light blue shoulder long tight dress with matching 6 inches light blue heels. Napangiti ako ng malapad bago ako lumabas ng kwarto namin ni Castriel at bumaba ng hagdan.

Habang pababa ng hagdan ay napalingon si Castriel sa gawi ko at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya. Ang gwapo ng boyfriend ko sa suot niyang blue navy tuxedo with a navy blue necktie.

Bago pa ako makatapak sa huling baitang ng hagdan ay nila had niya ang kamay niya na agad ko namang tinanggap.

"Your beauty is incomparable, Mahal," nakangiting sabi niya sabay halik sa kamay ko.

"You're so handsome, Love. Bagay sayo ang ganyan pananamit," sabi ko habang palabas ng mansion.

Kami na lang ni Castriel ang nandito sa mansion dahil naunang pumunta sa hotel sila Tita Marish. Sinabay na din nila si Sadie.

And speaking of Sadie, na kausap namin ni Castriel ang OB doctor niya nung nakaraang araw about sa gustong ipa-paternity test ang dinadala ni Sadie ng hindi niya nalalaman. Pwede naman daw yun kapag 8 weeks na ang bata sa sinapupunan ni Sadie. Wala namang kaso yun sa amin ni Castriel dahil tatlong linggo nalang naman ang hihintayin namin.

Pagkarating sa hotel na paggaganapan ng party ay dumiretso na kami sa main event na agad naman kaming sinalubong ni Tita Marish at Tito Harold.

"Almira, you look gorgeous tonight," sabi ni Tita.

"Yeah, hindi ko masisisi ang anak ko kung bakit minahal ka niya," pagsang-ayon ni Tito.

"Buti ay nakarating na kayo. Malapit nang magsimula ang party," pag-iiba ni Tita at pumunta na kami sa designated table para sa amin. Kasama namin dito sa table si Sadie at Hannah.

Nagpaalam sila Tito Harold at Tita Marish na aalis muna sila at pumunta sa gitna ng stage.

"Thank you for all people who joined the party today, we are celebrating the 25th year anniversary of our well known company," panimula ni Tito Harold na may hawak na mic kaya ang lahat ng atensyon ng bisita ay nasa kanila ni Tita. Agad namang nagpalakpakan ang mga bisita.

Sumenyas si Tita na pumunta daw si Castriel sa stage. Agad namang tumayo si Castriel at lumapit kanila Tita.

"I would like to introduce you, my unico hijo and my heir... Castriel Guevarra. Gusto ko din ipakilala sa inyo na siya na ang mamahala ng kumpanyang pinalago ko sa loob ng dalawampung limang taon,"

"Gusto rin naming I-announce sa inyo na ang anak naming si Castriel ay malapit ng ikasal," Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Tita.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Tumayo ako at maglalakad na sana paglabas ng hotel ng marinig kong magsalita si Tita.

"Almira, can you to join us here?" she asked. Napalingon naman ako at naguluhan pero nag lakad parin ako palapit sa kanila.

Nakita ko ang nakangiting mukha ni Castriel nang makalapit ako sa kanila.

"Attention everyone! I would also like to introduce you... Almira Fate Ferreira! The only daughter of Ferreira clan, and my son's fiancee. Let cheers for the new engaged couple!" masiglang sabi ni Tita habang nakatingin sa akin at hawak ang isang kamay ko.

"Tita? Engaged na po kami?" hindi makapaniwalang banggit ko. Tumango naman siya.

"Welcome to the family, Almira," Tito Harold greeted. Napalingon ako kay Castriel at nakangiting nakatingin din siya sa akin.

Binigay ni Tita Marish ang kamay kong hawak niya sa anak niya. Hinawakan naman ni Castriel ang kamay ko at hinalikan.

"Hindi ko akalain na sasabihin yun ni Tita, Love. I'm so happy that you're my fiance and soon to be my husband," nakangiti kong sabi.

"Kahit naman din ako, Mahal," sagot niya bago ako niyakap ng mahigpit.

After that ay bumaba na kami ng stage at bumalik sa table namin.

SADIE'S POV

Nanggigigil ako ng marinig ko ang announcement ni Tita Marish na malapit ng ikasal si Castriel at Almira. Kahit pala sabihin kong buntis ako at si Castriel ang ama ay hindi nila magagawang ipakasal kami ni Castriel kaya ng makita kong pagbaba na sila ng stage ay agad akong tumayo.

Napangiti ako ng makita kong umalis si Castriel at sila Tita Marish naman ay nilapit an ang mga bisita. Bago pa makaupo si Almira ay agad kong hinila ko ang buhok niya at mahigpit na hinawakan.

"Ano ba, Sadie? Nasasaktan ako," sabi ni Almira pero hindi ako nagpatinag at mahigpit ko paring siyang sinabunutan kahit pinagtitinginan na kami ng mga bisita.

"Ako dapat ang papakasalan ni Castriel hindi ikaw, Almira. Magkakaanak na kaming dalawa kaya dapat ako yung pakasalan niya," nanggigigil kong sabi at mas lalong hinigpitan ang pagkakasabunot sa kanya.

"Bitawan mo ako, Sadie," sabi niya at hinawakan ang kamay ko para alisin sa pagkakahawak sa buhok niya kaya mas lalo ko pang hinigpitan.

"Ano ba kasing meron sayo, na wala sa akin?"

"Ano bang problema mo? Kapag ako hindi na kapag timpi at hindi mo pa ako binitawan, kakalbuhin kita at kakalimutan kung buntis ka," sabi niya.

"Almira, Sadie, stop it!" rinig kong sigaw ni Tita.

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Almira ang buhok ko.

"Argggh! D*mn you, Almira! Bitawan mo ang buhok ko," Lumapit na rin ang mga bisita pero wala akong pakialam.

"Almira? Sadie?" rinig kong tawag ni Castriel pero nagulat na lang ako ng bigla akong itulak ni Almira na ikinaupo ko sa sahig.

Napahawak naman ako sa tiyan ko ng biglang sumakit.

"AHHHHH! ALMIRA, HINDI KITA MAPAPATAWAD KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA BABY KO." galit kong sigaw habang nakatingin sa kanya at nakahawak sa tiyan.

Naramdaman kong na parang may dumadaloy na kung ano sa hita ko. Napatingin ako kay Almira at nasa likod niya si Castriel.

"Ikaw ang nag-umpisa ng away, Sadie. Wala kang karapatang isisi sa akin kung may mangyari mang masama sa anak mo dahil ikaw yung una," sabi niya at nag-lakad paalis pero huminto siya sa gilid ko.

"Humanda ka sa akin kapag nalaman kong hindi kay Castriel yan pinagbubuntis mo, Sadie. Mark my word, Sadie," mahinang sabi niya sapat lang para marinig ko saka siya nag lakad paglabas ng hotel.

Nakahawak pa rin ako sa tiyan ko dahil sobra na ang sakit. Napatingin naman ako kay Castriel na lumapit sa akin at agad akong binuhat.

"Castriel, yung baby natin? Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanya," umiiyak kong sabi kay Castriel habang naglalakad siya paglabas ng hotel.

"Shhh, walang mangyayaring masama sa baby," sabi niya bago ako isinakay sa passenger seat ng sasakyan niya at agad niyang pinaandar papuntang hospital.

ALMIRA'S POV

Paglabas ko ng hotel ay saktaong may huminto na taxi sa harapan ko. Sumakay naman agad ako at sinabi ang address ng bahay ko.

Bago pa makaalis ang taxi ay nakita ko si Castriel na buhay si Sadie na pangbridal style at sinakay sa kotse niya.

Pagkarating sa bahay ay sinalubong agad ako ni Kyde at hindi na ako nagulat ng makita kong nandito si Lorraine.

"Kamusta ang party?" tanong ni Lorraine.

"Masaya na sana kasi sinabi ni Tita Marish na engaged na kami ni Castriel, kaso bigla na lang nangsabunot si Sadie. Naitulak ko siya at dinugo," sagot ko.

"Paano kung nakunan siya, baka magpalit sayo si Castriel?" tanong niya.

"Hindi ko alam," sagot ko.

"Akyat lang ako sa kwarto ko para makapagpalit," sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sumagot niya ay umakyat na ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa walk in closet ko at nagalit ng damit. Sakto ng paglabas ko ng walk in closet ay narinig kong nagring ang cellphone ko na nasa kama.

Tita Marish calling...

"Tita, I'm sorry po," agad kong bungad pagkasagot ko.

(Don't say sorry, Almira. Sinabi sa akin ni Hannah na si Sadie ang nag-umpisa ng away.)

"Tita, okay lang ba ang baby?" tanong ko.

Kahit may doubt ako sa baby ni Sadie eh, kailangan kong malaman kung okay lang ba ang bata dahil wala kinalaman ang bata sa away namin ni Sadie.

(Sadie and her baby is fine. Buti na lang talaga ay walang nangyari sa batang dinadala niya.)

"Buti naman po. Si Castriel nga po pala?"

(Nandito siya sa room ni Sadie. Ayaw kasi siyang paalisin ni Sadie. Kanina pa nga niya gustong umalis para puntahan ka.)

"Pakisabi na lang po sa kanya na dito na lang ako sa bahay ngayong gabi," sabi ko.

(Basta umuwi ka bukas ha? Namiss agad kita. And don't worry, Almira, nakabedrest naman si Sadie ng isang buwan kaya hindi magtatagpo ang landas niyong dalawa sa mansion.)

"Bakit po kailangan siyang ibedrest?"

(Dahil kasi sa nangyari kanina ay naging maselan ang pagbubuntis niya. Hindi siya pwedeng maggagalaw dahil baka tuluyang makunan siya.)

"Sige po, uuwi po ako bukas," sagot ko.

(Okay bye, Almira. See you tomorrow.)

"Bye, Tita."

Pagka-end ko ng call ay humiga na ako sa kama. Gusto kong matulog ng maaga. Ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan na akong nilamon ng antok.

SOMEONE'S POV

Nakatingin ako sa screen ng cellphone ko kung saan may picture ng isang babae na matagal ko ng gustong makuha dahil matagal ko na siyang mahal.

Ininom ko ang isang baso ng Spirytus Vodka na nasa harapan ko. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko. Kanina pa ako umiinom pero hindi pa rin nasasanay ang lalamunan ko sa lasa ng iniinom ko.

Napangiti na lang ako ng maalala ko yung gabi kung saan ay ako ang nakauna sa kanya.

*FLASHBACK*

Pagkarating ko sa bar na tinext niya sa akin ay agad ko siyang nakita na uminom sa harap ng counter kaya nilapitan ko siya agad.

Nakita ko siyang nakapikit habang nakatukod ang kamay niya sa ibabaw ng counter at hawak ang ulo niya. Mukhang lasing na siya.

Kukunin niya pa sana ang isang baso ng alak ng kunin ko yun at ako na ang uminom. Nakita kong tumingin siya sa akin at bigla siyang ngumiti.

"Ang gwapo mo," lasing na sabi niya.

"Halika na ihahatid na kita sa inyo," sabi ko at hinawakan ang kamay niya pero agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko.

"No, I want you tonight, Mister," sabi niya at bumaba sa pagkakaupo sa highstool at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ako dibdib na nagpainit sa katawan ko. Haplos palang niya ay Nag-iinit na ako.

"Are you sure?" paninigurado ko.

"Yes, I'm very sure, Mister," sabi niya and she bit her lips habang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi ko napigilan ang sarili ko ay hinalikan din siya, hinawakan ko ang mukha niya para mas lalong lumalalim ang halikan namin.

Pagkahiwalay ng mga labi namin ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa private room ng bar para dun ituloy.

Pagkarating namin sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto at agad siyang siniil ng halik papunta sa kama.

Naghalikan kami ng naghalikan hanggang sa may nangyari sa aming dalawa.

*FLASHBACK END*

Isang buwan na ang nakalipas nung may nangyari sa amin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya nung araw na nahimatay siya sa harap ni Ms Almira.

Babawiin ko ang babaeng mahal ko sa lalaking kinakasama niya. Kukunin ko siya dahil akin lang siya at wala nang iba kundi akin lang.