ALMIRA'S POV
Pagkabalik ni Sadie ay tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko ng bigla siyang yumuko. Tinignan ko siya ng mabuti kahit nakayuko siya nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya na agad niyang ikinuyom.
Napatingin naman ako sa relo, 8:47 pm. Tumingin ulit ako kay Sadie.
"Sadie, kailangan mo ng matulog. Masama sayo ang nagpupuyat," sabi ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango. Tumayo na siya at pinagpagaan ang sout niyang dress.
"Hatid na kita," sabi ko.
"Sama na din ako sa inyo," sabi ni Castriel.
Nagsimula na kaming tatlo na maglakad papasok sa resort. Nasa unahan si Sadie na maglakad sa amin kaya pansin ko ang paghigpit ng pagkakakuyom niya sa kamay niya.
Nang makarating kami sa tapat ng kwarto niya ay papasok na sana siya ng pigilan ko siya.
"May problema ba? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali nung bumalik ka galing mong restroom," sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin.
"Ahmmm... pagod lang ako. Salamat sa paghatid," sabi niya bago pumasok sa loob ng kwarto niya at agad niyang sinara.
Anong problema ng babaeng yun?
Napailing na lang ako bago kami naglakad ni Castriel papunta sa kwarto namin at nag pahinga na rin.
**********
Pagkatapos ng dalawang araw na bakas yon namin sa beach resort ay umuwi na din kami dahil may pasok kami kanina at unang araw din ng exam namin kanina.
Pagkapasok ko sa mansion ay nakita kong nagbabasa ng magazine si Hannah sa sala kaya umupo ako sa katapat niyang sofa.
"Kamusta ang school mo, Hannah?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Perfectly fine, Ate Almira," sagot niya bago ibinalik ang tingin niya sa hawak niyang magazine.
"Ate Almira, pumunta dito yung OB doctor daw ni Sadie. Hihintayin niya sana kayong umuwi ni Kuya kaso may tumawag sa kanya at nagmamadaling umalis, iniwan niya na lang 'yang brown envelope at ibigay ko daw sa'yo," sabi ni Hannah habang nakatingin sa binabasa niya.
"Hannah, pwede bang wag mong ipaalam kay Kuya Castriel mo, lalong lalo na kay Sadie ang tungkol sa pagpunta dito ng OB Doctor niya?" Nag-angat siya ng tingin sa akin bago tumango.
"Sure po, Ate Almira," sabi niya.
"Thanks," maikling sabi ko.
Kinuha ko sa ibabaw ng coffee table ang brown envelope na may nakalagay na pangalan ng hospital. Agad kong binuksan at nilabas ang mga laman na papel.
Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko dahil sa nabasa kong resulta ng paternity testing nila Castriel at nung batang pinagbubuntis ni Sadie.
Napakawalang hiya talaga ng babaeng yun para lokohin kaming lahat. Tama ang hinala ni Castriel na hindi siya ang ama ng batang dinadala ni Sadie.
Buti na lang ay nauna akong umuwi sa kanilang dalawa dahil may gustong bilhin si Sadie at si Castriel ang gusto niyang isama. Wala rin sila Tito Harold at Tita Marish dahil may tatlong araw silang business trip at bukas pa ang uwi nila.
Agad kong binalik ang mga papel sa loob ng envelope ng marinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Sadie. Tinago ko sa ilalim ng libro ng hawak ko ang envelope.
Napapikit ako para pigilan ang sarili ko na huwag masampal si Sadie dahil sa ginawa niyang pagsisinungalin na si Castriel ang ama ng pinagbubuntis niya.
"Magpapalit lang ako," paalam ko bago tumayo at umakyat sa kwarto namin ni Castriel.
Agad kong nilagay sa drawer ng study table ang envelope dahil ayoko munang ipaalam kay Castriel ang resulta.
SADIE'S POV
Hindi ko alam kung bakit naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Almira simula kagabi.
Kasama ko ngayon si Castriel ngayong maglunch dahil biglang umalis si Almira, kailangan niya daw pumunta sa kumpanya niya dahil nagkaroon ng emergency meeting kaya kaming dalawa lang ni Castriel ngayon.
"May bibilhin lang ako sa counter," sabi niya bago tumayo at umalis. Sinunsan ko naman siya ng tingin hanggang makarating siya sa counter.
Ilang minuto lang ang nakakalipas mula nung makaaalis si Castriel ng may biglang humblot sa kamay ko at hinila ako palaabas ng cafeteria.
Pagkarating namin sa labas ay doon ko na nga nakumpirma kung sino siya at walang iba kundi si Louie.
"Ano na naman ba ang kailangan mo ha?!" inis na tanong ko.
"Gusto lang nama kitang makita Sadie, syempre gusto ko din kayong bantayan ng baby ko," nakangiti niyang saad pero parang may kakaiba sa paraan niya ng pag titig sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin
"Tigil tigilan mo na ako, Louie, ah! Diba may usapan na tayo?!" singhal ko ulit. Nag iinit na talaga ang dugo ko sa kanya
"Wala namang masama kung bantayan kita diba?" tanong niya pabalik sa akin, ang kanyang mga ngiti ay nagsisimula nang maging mapang asar
"Kahit na umalis ka na at baka makita ka pa ni Castriel at maghinala sa akin!" sabi ko sa kanya, pero parang wala lang sa kanya ang sinabi ko
"Wala akong pakialam sa lalaking yun, ikaw at ang batang nasa sinapupunan mo ngayon ang importante sa akin," seryosong sabi niya
Pero kahit na, ayokong malaman ito ni Castriel lalo na at maayos ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Ayokong masira iyon at mas lalong ayaw ko na iwan ako ni Castriel kapag nalaman niya ito.
"Kahit na! Umalis ka na dito bago pa may makakita sa atin!" singhal kong muli pero wala parin ito sa kanya
Aalis na sana ako nang hinablot niyang muli ang aking braso at inilapit ako sa kanyang sarili
"Dito ka muna, gusto pa kitang makasama," panlalambing niya. Iwinaksi ko naman ang aking braso mula sa pagkakahawak niya
"Tumigil ka na nga! Baka hinahanap na ako ni Louie! Kailangan ko nang pumasok sa loob!" singhal ko
"Kung ako sayo dumito ka muna kung ayaw mong malaman nang 'Castriel' na yan ang totoo," pananakot niya sa akin. Napabuga naman ako ng hangin sa inis
"Basta sandale na lang! Baka may malaman at maghinala pa siya kapag nakita niya tayong magkasama!" magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng boses mula sa likuran ko
"Anong malalaman ko, Sadie?" Nilingon ko ang boses na iyon at doon tumambad sa akin si Castriel nang may nagtatakang mukha
Bigla namang nawala ang kulay ng aking mukha. Napalitan iyon ng kaba, takot at pangamba. Takot sa kung ano man ang pwedeng mabunyag at malaman niya ngayon. Lumapit naman ako bigla sa kanya
"Wala, babe, hehehe," sabi ko at pilit ngumiti sa kanya. Tila hinde pa siya kumbinsido, tinignan niya ako at si Louie nang paulit ulit, tila nanunuri
"Ano ang pwede kong malaman?" tanong niyang muli. Ngayon ay hinde na siya sa akin nakatingin, kundi na kay Louie na
"Babe wala iyon, halika na. Umalis na tayo dito," sabi ko at hinila ko siya sa braso pero hindi siya nagpadala, nanatili siya sa kanyang lugar at mataman paring nakikipagtitigan kay Louie
"Huwag kang magsinungaling sa akin Sadie! Kanina ko pa kayo naririnig!" galit niyang saad.
Alam kong galit na siya, dahil tumataas na ang tono ng boses niya. Kaya mas lalo akong natakot sa mangyayari ngayon
"Ikaw pare, sumagot ka! Ano ba ang pwede kong malaman ha?! At bakit mo hinihila si Sadie papunta sayo?!" galit na sabi ni Castriel. Hinde sumagot si Louie, nanatili lang siyang nakatingin kay Castriel
"Magkakilala ba kayo, Sadie?!" tanong sa akin ni Louie
"H-hinde," mahina kong sagot
"Sagutin mo ako ng maayos!" sigaw niyang muli sa akin. Makikita mo na talaga sa mga mata niya ang galit.
Nakatingin na din ang ibang estudyante sa amin dahil sa pagsigaw ni Castriel.
"W-wala, w-wala, h-hinde!" nauutal utal na ako sa pagsagot sa kanya, naluluha na din ang aking mga mata. Magsasalita pa sana siyang muli nang biglang sumingit si Louie
"Gusto mo ba talagang malaman, pare?" napalingon naman ako kay Louie, pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na siya sa akin. Ang mga mata niya ay para bang humihingi na ng tawad. Ipinilig ko ang aking ulo, senyales na wag niyang gagawin.
"Pasensya ka na, pare, pero hinde sayo ang batang dinadala ni Sadie," diretsahang sabe ni Louie. Nagulat naman si Castriel at napahinto. Nakatitig lang ako sa kanya, natatakot sa kung ano man ang kanyang susunod na magiging reaksyon niya.
Nilingon ko si Louie, nagsisimula nang umagos ang mga luha sa mga mata ko, binigyan ko siya nang nagmamakaawang tingin. Nagmamakaawa na wag niya nang itutuloy pa ang mga susunod niyang sasabihin
"Totoo ba?" tanong sa akin ni Castriel, hindi naman ako makasagot agad
"Totoo ba?!!!!" tanong niyang muli sa akin.
"B-babe! Please! Dont listen to him! L-Let me explain," pagmamakaaw ko kay Castriel at lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso pero iwinaksi niya lamang ang braso niya papalayo sa akin.
"Huwag mo akong hahawakan!! Sadie! Paano mo nagawa sakin ito?!" nagsisimula na ding manubig ang kanyang mga mata
"B-babe, I-im so sorry," umiiyak kong saad. Tinignan niya naman si Louie at balik sa akin
"So siya? Siya ba ang ama niyan?" tanong niya sabay turo kay Louie. Hinde naman ako makasagot, natulos lang ako sa aking kinauupuan at nakatitig lang sa kanya
"Sadie!! Answer me?!!!" sigaw niya sa akin. Nagsimula na ding dumaloy ang luha sa aking mga mata, hindi ko siya masagot sagot. Napalingon na lang muli ako kay Louie nang bigla siyang magsalita ulit
"Oo," sabi ni Louie na derektang nakatingin kay Castriel. Tumawa naman si Castriel nang mapakla.
"Kailan?" tanong niya, hinde pa siya nakuntento at inulit niya pa ito.
"Kailan pa?! Kailan mo ako sinimulang lokohin!" sigaw niya sa akin. Nakikita ko na mismo ang galit at sakit sa kanyang mga mata.
"B-babe hinde, hinde kita niloloko," umiiyak kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga naman siya saka ako hinarap muli
"Anong hinde?!!! Andyan na oh! Pinaniwala mo ako! Kami nila Mama!" singhal niya sa akin. Tumulo na rin ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata
"Pinaniwala mo akong akin yang pinagbubuntis mo! Pinaniwala mo ako na mahal mo ako! Pero nagawa mo akong lokohin!" sunod sunod niyang sabi sakin, ako naman ay hindi makapagsalita. Umiiyak lang ako sa harapan niya ngayon
"Pare, wag mo siyang sigawan, hinde naman namin sinasadya," sagot ni Louie, nilingon naman si Castriel at kitang kita ang galit sa mga ito
"Hinde sinasadya?!! Gago kaba?!! Binuntis mo siya tapos sasabihin mong hindi sinasadya?!!!" singhal sa kanya ni Castriel, akala ko ay iyon lang pero lumapit si Castriel kay Louie at sinuntok ito sa mukha
Hinde pa siya natapos don sinuntok niya ng paulit ulit si Louie, hinde naman pumapalag si Louie nung simula pero pagkalaunan ay nakikita ko na lang silang nagsusuntukan.
Madame na ding mga tao ang nakatingin sa amin ngayon, inaawat ko silang dalawa pero hinde sila nagpapa awat.
"TAMA NA!!!" sigaw ko sa kanilang dalawa, napatigil naman sila saglit at tinignan ako.
"Tama na," mas naging malumanay ang pagsabe ko nito, dahil umiiyak na ako ngayon sa harapan nila mismo.
Napatigil si Castriel at hinarap ako, lumambot na ang kanyang mukha pero makikitaan mo parin siya ng galet.
"Tinanggap ko ang bata dahil ang akala ko ay akin pero ginanito mo lang ako. Hindi ka karapat dapat na maging isang Guevarra dahil sa ginawa mo."
Pagkatapos noon ay tinalikuran niya na ako at mabilis na umalis sa lugar na iyon
Ako naman ay patuloy parin sa pag iyak, hindi ko na alam kung mababawi ko parin ba siya ulit. Iyak lang ako ng iyak na para bang ito na ang katapusan para sa akin. Mahal na mahal kita Castriel...
CASTRIEL'S POV
Pagkatapos nang nangyari kanina ay umalis na ako agad sa lugar na yon. Hinde ko kayang tignan ang mukha ni Sadie dahil kapag nakikita ko siya ay nakakaramdam ako ng galit at baka masaktan ko lang siya.
Pumunta muna ako sa kotse ko, umupo muna at pinalamig ang aking ulo.
Hinde ako makapaniwala na nagawa niya sa akin iyon, akala ko ay ako ang ama ng batang dinadala niya pero hindi pala. Niloko niya ko.
Inistart ko na ang makina at dumiretso sa kung saan ako dalhin ng aking sasakyan, at dinala ako nito sa bar. Doon ako nagpakalasing, inilabas ang lahat ng sama ng loob ko.
Ilang oras ang lumipas, masasabi kong lasing na ako. Umalis na ako sa bar at pumasok na sa kotse ko, hindi ko muna yun pinaandar dahil sobra pa akong nahihilo.
Ilang minuto lang ang narinig kong nagring ang cellphone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Stacey. Pinatay ko naman iyon, kinalkal ko ito saglit at nakita ko ang napakadami niyang miss calls
Kahit anong gawen niya, ayoko na siyang makausap pa, ayoko nang marinig pa ang mga susunod na kasinungalingan na lalabas sa mga bibig niya.
Pinaandar ko na ang kotse ko at umuwi sa mansion.
Pagkarating sa gate ng mansion ay binaba ko ang salamin ng kotse sa gilid ko at kinausap ang bodyguard na nagbabantay sa gate.
"Huwag niyo ng papapasukin sa loob ng mansion si Sadie kahit kailan," utos ko.
"Masusunod po, Prince Castriel," sabi nung bodyguard bago ko isara ang salamin ng bintana ng kotse ko at pinaandar papasok sa gate.
Pagpasok ko sa loob ng mansion ay nakita ko si Almira na nakaupo sa couch ng living room habang nakaharap sa laptop niya. Agad akong umupo sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa sandalan ng couch at pinikit ang dalawa kong mga mata dahil sa kalasingan.
"Are you drunk? Why?" rinig kong tanong ni Almira at naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan kahit nakapikit ang mga mata ko.
"Niloko niya ako. Pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya, pati na rin kayo nila Mama. Napakasinungaling niya. Niloko niya ako, Mahal," galit kong sabi habang nakapikit parin.
"Alam ko," maikli niyang sabi kaya napadilat ako at tumingin sa kanya kahit ang labo ng paningin ko.
"Paano?"
"Lumabas na ang resulta kahapon ko kaya alam ko na kagabi," sagot niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi?"
"Kasi gusto kong ikaw ang makaalam," sagot niya.
"Ang ganda mo talaga, Mahal ko," sabi ko bago siya hinalikan sa labi ng marahan.
"Alam ko kaya mo nga ako minahal, eh," sabi niya pagkahiwalay namin sa halik.
Ngumiti na lang ako bago sinandal ang ulo ko sa balikat niya.