ALMIRA'S POV
Pagkatapos magbalat ni Castriel ng mangga ay nilgpag niya yun sa harap ko pati na rin ang alamang. Agad akong kumuha ng isang slices ng mangga at sinawsaw sa alamang sabay subo.
Katatapos lang namin kumain ng lunch, o kung matatawag pa bang lunch yun dahil 3pm na ako nagising. Pagkatapos kumain ay pinabalat ko agad siya ng mangga.
Umupo siya sa tabi ko bago niya ako pinatayo at inalalayan na kumanding sa kanya.
"Kapag sobrang sama na nang pakiramdam mo o may nararamdaman kang masakit, sabihin mo sa akin ha?" sabi niya habang nilalagay sa tenga ko ang hibla ng buhok ko na nakaharsang sa mukha ko. Tumango ako pagkatapos ay sinubo ang mangga na may alamang na nakatapat sa bibig ko.
"Huwag kang maglilihim sa akin ng nararamdaman mo," sabi pa niya.
"Alam mo, minsan gusto kitang iwasan," biglang sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?" nakakunot-noong tanong niya.
"Kasi, ang totoo naiinis ako kapag nakikita ka. Gusto ko na lumayo ka," sabi ko sa kanya.
"Ganon ba?" malungkot niyang sabi. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko.
"Oo, pero naguguilty ako. Iniisip ko palang na lalayo ka sa akin na hindi ako yayakapin, nalulungkot ako," sabi ko at hindi ko na mapigilang ang sarili kong maluha.
"Oh, bakit umiiyak?" tanong niya at pinahid ang luha ko.
"Kasi, naiinis ako sa nararamdaman ko. Nainis ako kasi nabubwisit ako sa'yo pero ayaw naman kita awayin kasi naiiyak ako na baka mainis ka din tapos hindi na lumapit sa akin. Ayaw ko no'n, gusto ko nasa tabi lang kita."
Napangiti siya pagkatapos ay hinawakan ang mukha ko. Pinisil niya ang pisngi ko hanggang sa mapanguso ako pagkatapos ay sunod sunod na hinalikan ang labi ko.
"Ano-" dinampian niya ng halik ang labi ko, "bang-" isang halik pa ulit,"ginagawa-" at isa pa, "mo."
Hinalikan naman niya ako sa noo.
"Love naman, pinang-gigigilan mo naman ako," nakapuot na sabi ko.
"Kasi, ang cute cute ng asawa kong maglihi," sagot niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko pagkatapos ay ako naman ang nanggigil sa kanya. Pagkatapos ay pinaulunan ko siya ng mga halik sa mukha ko.
Natawa na lang kami sa pinaggagawa namin hanggang sa maramdaman ko na hinaplos niya ang tiyan ko.
"Excited na ako, Mahal." Napangiti naman ako sa kanya.
"Ilang months pa. Hindi pa nga halata yung tiyan ko," sabi ko sa kanya.
"Halata na kaya. May umbok na kaya na maliit," sabi niya.
"Ikaw palang nakakakita kapag wala akong suot. Mukha lang kasing puson," sabi ko.
"Next time, mas malaki na yung tiyan mo," wika niya.
"Oo nga. Naku! Ilang buwan na lang ay magmumukha na akong butete," malungkot kong sabi.
"Hindi ha."
"Tss, itatanggi mo na naman. Magmumukha talaga akong butete, yun ang totoo," sabi ko sa kanya.
"You look pregnant. Mas gusto ko nga na makita kang malaki ang tiyan, iniimagine ko palang mas sexy ka para sa akin," sabi niya. Inirapan ko naman siya.
"Bola," sabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.
"Hindi, totoo yun. Yung katotohanan pa lang na dinadala mo yung anak ko, sobrang iba na ang epekto sa akin, Mahal. Ano pa kaya kapag nakita kita na malaki yung tiyan mo dahil yon na yung baby natin, na nagdedevelope na yung baby natin sa loob mo. Sa maliit na tiyan, palaki ng palaki? Grabe hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpasalamat sa panginoon sa araw araw na pinapanatili ka niyang maayos at malusog," paliwanag niya sa akin.
"Really?" Tumango siya at sinubukan uli ako ng mangga.
"Oo naman."
Naiiyak na naman ako.
"Oh, ano na naman? Bakit na namang umiiyak?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin at umiling.
"Wala," sagot ko.
"Bakit nga?" tanong niya. Hinawakan niya ang chin ko para Tumingin sa kanya at pinahid niya ang luha ko. "Sabi ko, wag maglilihim diba?"
"Hindi naman, masaya lang ako," sagot ko.
Napangiti siya at hinaplos ang mukha ko na lumuluha na naman.
"Love, thank you for making me feel beautiful. Oo, I'm excited witness our baby growing inside me, but at the same time, I saw my body changing. I did not feel confident about how I looked. You helped me get through the tiniest struggles I have. Kahit na ngayon na maliit pa lang ang tiyan ko? Pakiramdam ko kahit mas pumapangit pa ko sa mg susunod na buwan dahil sa pagbubuntis ko. Hindi mo ako iiwan."
"Hay, naku! Ang mahal ko. Buntis ka nga talaga," sabi niya sabay dampi ng halik sa labi ko.
"Naiinis ka na ba sa akin?" tanong ko.
"Nag-uumpisa palang tayo sa paglilihi mo. Bakit sinasabi mo na naiinis na ako sayo?" tanong niya.
"Kasi ang moody ko," sagot ko sa kanya.
"Mahal kita kaya hindi ako maiinis sayo at saka alam ko naman kung bakit ganun ka, eh, dahil yun sa baby natin," sabi niya sabay halos ng tiyan ko.
"Kain ka na nga din nitong mangga," sabi ko sabay kuha ng mangga na may alamang at itinapat ko sa bibig niya.
"Ayoko niyan, Mahal, maasim yan," sabi niya at iniwas ang mukha niya.
"Sige na, Love. Isa lang, please," sabi ko. Lumingon siya sa akin at tinignan yung hawak ko. Ilang saglit lang ay binuka niya ang bibig niya at sinubo ang manggang hawak ko.
Biglang lumukot ang mukha niya at gumuhit ang pagkaasim habang nginunguya niya ang kinain niya. Natawa naman ako habang nakatingin sa mukha niya at bigla kong hinalikan ang labi niya.
"Ang asim, Mahal. Ayoko na niyan," sabi niya sabay inom ng tubig na hinanda niya na dapat para sa akin. Natatawa pa rin ako kasi mukhang naasiman parin siya.
"Why are you laughing, Love?" Seryoso na ang mukha niya ngayon na nakatingin sa akin.
"Natatawa lang naman ako sa itsura mo, Love," sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
"Kaya pala ang daming langgam akong nadadaanan dahil may naglalambingan pala dito," rinig kong sabi ni Hannah na dumiretso sa refrigerator para magsalin ng juice.
"Inggit ka lang," sabay na sabi namin ni Castriel.
"Sabay pa talaga kayong magsalita," sabi niya at umupo siya sa tapat namin ni Castriel.
Napatingin siya sa pagkain na kinakain ko.
"Ang weird niyo talagang mga buntis," sabi ni Hannah. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Balang araw maiindintihan mo ako kung bakit ang weird ng kinakain ko kapag ikaw na ang nasa kalagayan ko, Hannah," sabi ko.
"Kumain ka na lang dyan, Ate Almira. Next mo itong kainin, maganda yan para mabilis kang matunawan, base sa research ko about sa kung paano mas magiging healthy ang mga buntis," nakangiting sabi niya, may nilagay siya sa harap ko na isang plato ng prutas.
"Wow! Ang sweet naman ni Tita Hannah," sabi ko.
"Yes, excited na akong maging tita, Ate Almira, kaya tutulungan ko si Kuya na alagaan ka at ng pamangkin ko na pinagbubuntis mo," nakangiti niyang saad.
"Thank you, Hannah."
"Nga pala, sorry kung pinakialamn ko ang kwarto niyo kanina habang natutulog kayo. Kinuha ko kasi yung reseta nung vitamins mo para alamin kung anong oras iinom si Ate Almira ng vitamins niya. At kailangan mong uminom pagkatapos kumain ng lunch," sabi ni Hannah sabay abot sa akin ng maliit na lagayan merong isang pirasong vitamins ko nang makalapit siya sa akin.
"Yes, Nurse Hannah," sabi ko at ininom ang vitamins na inabot niya sa akin.
"Meron din naman palang napapala ang pagiging pakialamera mo, Hannah," natatawang sabi ni Castriel.
"Minsan lang naman ako naging pakialamera, Kuya. Ayaw mo noon may nurse kang maganda na magbabantay sa pregnant wife mo kapag nasa company ka," sabi ni Hannah sabay flip ng hair niya. Natawa naman ako.
"Okay Hannah, ikaw na ang naka-assign para magpaalala sa akin na uminom ng vitamins ko. Makakaasa pa ako sayo, Nurse Hannah?" nakangiting sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya.
"Ackkk, yes. Yes, thank you, Ate Almira," sabi niya sabay yakap sa akin.
KINABUKASAN...
Sabay kaming bumaba ng hagdan ni Castriel at pumuntang dining area. Agad akong pinaghila ni Castriel ng upuan at agad naman akong umupo.
"Here's your milk, Ate," sabi ni Hannah sabay lapag ng gatas sa harap ko.
"Thank you, Nurse Hannah," nakangiting sabi ko bago uminom ng gatas. Ngiti naman ang sagot niya sa akin.
"Hindi ko alam na may nurse ka na pala, Almira," sabi ni Mama.
"Ma, gusto niya daw akong alagaan kaya inassign ko sa kanya yung schedule ng inom ko ng vitamins," sabi ko kay Mama habang nilalayan ni Castriel ng pagkain ang plato ko.
"Mas mabuti nga yun dahil kami muna ni Harold ang tutulong kay Castriel sa kumpanya. Dito ka na lang sa mansion habang buntis ka pa dahil hindi ko din gusto na magtrabaho ka, masama sayo ang mastress at magpuyat," sabi ni Mama.
"Okay, Ma. Hindi ko po kayo susuwayin. Ayoko din namang mastress dahil sa trabaho," sabi ko.
Isusubo ko na sana ang bacon ng maamoy ko na ang baho at bumabliktad ang sikmura ko. Agad akong napatakip sa bibig ko at patakbong pumunta ng kitchen sink para doon dumuwal.
Naramdaman kong may humaplos sa likod. Sumuka lang ako ng sumuka dahil hindi matatanggal sa pang-amoy ko ang mabahong amoy ng bacon.
Nang medyo mahimas-masan ako ay tumingin ako sa humaplos sa likod.
"Love, pakitanggal ang bacon sa lamesa. Nasusuka ako sa amoy." Pagkatapos kong sabihin ay tumalikod ulit ako sa kanya para dumuwal na naman dahil naamoy ko naman ng mabahong amoy.
"Ate, pakitanggal ang bacon sa lamesa at pati na rin yung nasa plato ni Ate Almira," rinig kong utos ni Hannah na mukhang narinig ang sinabi ko kay Castriel.
Nang mawala ang amoy at hindi na ako naduduwal ay pinunasan ko na ang labi ko.
"Okay ka na ba?" alalang tanong ni Castriel at hinawakan pa ang mukha ko.
"Oo, okay na ako. Ayoko lang ng amoy ng bacon, ang baho," sabi ko sa kanya bago kami bumalik sa harap ng dining area. Agad kong ininom ang gatas ko.
Nagsimula na akong kumain ng breakfast ko.
AFTER 2 MONTHS...
Napahimas ako sa medyo halata kong tiyan habang nasa byahe kami ni Castriel pauwi ng mansion. Bumili kasi kami ng gagmitin kong ingredients. Naisipan ko kasing magbake ngayon at hindi naman tumangi si Castriel na bumili kami ng ingredients dahil namiss niya na daw niya ang cookies ko.
Pagkarating sa mansion ay agad kaming dumiretso ni Castriel sa kitchen. Sinuot ko ang apron at tinali naman ni Castriel sa likod ko ang tali ng apron.
Kumuha ako ng glass bowl at nagsimula ng mag bake. Tinulungan naman ako ni Castriel kaya mabilis lang namin na mixed lahat ng ingredients.
**********
Kinuha ko na ang huling binake kung cookies na nasa loob ng oven. Sinalin ko na sa plate ang mga cookies. Dinala ko yung cookies sa counter kong saan nakalagay lahat ng binake namin.
Nakita kong tapos na pala si Castriel sa paglalagay ng mga sprinkles sa ibabaw ng cupcake na may cherry on top. May design na din yung cake na gawa namin. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ang mga binake namin.
"Ang bango, amoy cookies," sabi ni Hannah na kakapasok lang dito sa kitchen at nakapikit pa siya kaya hindi niya napansin ang mga dessert na nasa bar counter.
"Wow! Ate Almira, hindi lang pala sa business ka magaling, pati din pala sa baking," sabi ni Hannah at dali daling lumapit sa counter at agad na tinikman ang cookies.
"Ang sarap naman, Ate Almira," sabi niya. Napangiti naman ako.
"Iyan kayang cookies ang paborito ng Kuya mo sa lahat ng binake ko," sabi ko habang nakatingin kay Castriel na kumakain na din ng cookies.
Napatigil ako ng may bigla akong nararamdaman sa tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagsipa ng baby ko na tumama sa kamay ko. I feel my baby's first movements.
"Mahal, okay ka lang ba? May masakit na sayo?" alalang tanong ni Castriel. Tumingin ako sa kanya at umiling. Mabilis kong kinuha ang kamay niya at agad na nilagay sa tiyan ko.
"You feel that, Love?" tanong ko sa kanya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya na nakatingin sa akin.
"Gumagalaw na siya?" tanong niya. Tumango naman ako bago ngumiti.
Tumingin siya sa tiyan ko at hinimas himas na lalong nagpagalaw kay Baby.
"Pahimas din ako, gusto ko ding maramdamang gumalaw ang pamangkin ko," sabi ni Hannah at naramdaman ko ang paghimas ng kamay niya sa tiyan ko.
"Totoo nga, gumagalaw na nga siya," manghang sabi ni Hannah bago ngumiti.
Bumaba si Castriel sa kinauupuan niya at pumantay siya sa tiyan ko at dinampian ng halik ang tiyan ko. Napangiti na lang ng kausapin niya ang tiyan ko.
"Ilang buwan na lang, anak. Malapit ka na naming makita ng Mommy mo. Gustong gusto ka nang mahawakan ni Daddy at mabuhat sa mga bisig ko," sabi ni Castriel sa tiyan ko at hinalikan niya ulit.
Tumayo na siya at hinalikan naman niya ako sa noo. Napangiti nalang ako.
************
Napangiti ako habang kumakain. Hindi ko parin makalimutan yung pagpaparamdam ni Baby kanina. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman mo mismo yung paggalaw ng batang dinadala mo at maramdaman na buhay na buhay siya sa loob mo.
"Almira, kanina ko pa napapansin na ang lawak ng ngiti mo. Mukhang may magandang nangyari ngayong araw," sabi ni Mama.
"Ma, masaya kasi ako dahil nagparamdam na sa'min ni Castriel si Baby kanina," sagot ko.
"Really?"
"Yes, Mom. Naramdaman ko din yung baby nung hawakan ko ang tiyan ni Ate Almira," sagot ni Hannah.
"Buhay na buhay na talaga ang apo ko. Ilang months na lang lalabas na siya at mahahawakan na natin," nakangiting sabi ni Mama.
"Excited na din kami ni Castriel na makita ang anak namin, Ma," sabi ko at hinawakan ang tiyan ko para himasin. Nilagay din ni Castriel ang isang kamay niya sa tiyan ko at hinimas din.
"Nga pala, may ipapakita kami sa inyong mag-asawa mamaya. Sigurado akong matutuwa ka, Almira," sabi ni Papa.
"Paniguradong maganda ang ipapakita niyo sa amin, Pa," sabi ni Castriel.
"Yeah, matagal na naming pinaayos yun at lalo pa naming pinaganda," sabi ni Papa.
***********
Papasok na sana kami ni Castriel sa kwarto namin para makatulog na ako, nang biglang narinig kong tinawag kami ni Mama.
"Castriel, Almira, nakalimutan niyo na ba na may ipapakita pa kami sa inyo ng Papa niyo," rinig kong sabi ni Mama sa likiran namin kaya lumingon kami sa kanya. Nasa tabi niya si Papa.
"Ma, ano bang ipapakita niyo sa amin, kailangan ng matulog ni Almira?" sabi ni Castriel sa mama niya.
Hindi nila sinagot si Castriel at lumapit sa isang kwarto na katabi ng kwarto namin ni Castriel. Binuksan yun ni Mama pero nakapatay ang ilaw sa loob.
"Nandito sa kwarto ang ipapakita ko sa namin sa inyo," sabi ni Mama kaya lumapit kami sa kanya.
"Ikaw na ang magbukas ng ilaw, Almira," utos ni Papa na agad ko namang sinunod.
Kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto at in-on ko ang ilaw. Pagbukas ng ilaw ay bumungad sa amin ang kwartong may blue at pink na kulay na mga gamit pang-baby mula sa crib, scroller at iba pang gamit
Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng luha ko habang nililibot ko ng tingin ang buong kwarto.
"Nagustuhan mo ba, Almira? Naghire pa ako ng interior designer para lang maganda ang pagkakaayos nitong nursery room," rinig kong sabi ni Mama sa tabi ko. Agad ko siyang niyakap dahil sa saya na nararamdaman ko.
"Ma, thank you. Ang ganda ng nursery room," umiiyak kong sabi.
"Para sa apo ko naman ito. Lahat ng mga gamit dito ay may dalawang kulay, pink and blue. Hindi pa naman kasi natin alam ang gender ni Baby," sabi ni Mama pagkahiwalay namin sa yakap.
"Ma, napag-hahalataan ka talagang excited magka-apo," natatawang sabi ni Castriel habang nililibot itong nursery room.
"Matagal ko na kasing nabili ang lahat ng mga gamit na pang-baby noong inakala natin na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Sadie. Yung ibang damit nga ng baby ay galing pang ibang bansa noong nagbusiness trip kami ng papa mo," sabi ni Mama.
"Ma, Pa, thank you talaga. Sobrang ganda at talagang nagustuhan ko," sabi ko kanilang dalawa at niyakap.
"Walang anuman, basta palagi ka lang mag-ingat sa mga kinikilos mo. Ayokong mawalan nang apo," sabi ni Papa sabay pat ng head ko.
"Yes, Pa. Always," sabi ko. Tanging ngiti ang sukli nila sa akin.