Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 32 - EPILOGUE

Chapter 32 - EPILOGUE

ALMIRA'S POV

Marahan kong minulat ang mata ko at agad na nilibot nang tingin ang paligid. Nasa VIP room ako ng hospital. Alam ko na agad na VIP room ito dahil sa ganda ng interior design ng buong silid.

"Mahal, buti naman at gising ka na," rinig kong sabi ni Castriel mula sa gilid ko at agad niya akong niyakap ng mahigpit kahit nakahiga pa ako.

"L-Love, h-hindi ako m-makahinga sa higpit ng yakap mo. P-Para naman akong m-mawawala niyan sa'yo kung m-makayakap ka sa akin," nanghihinang sabi ko. Ramdam ko parin ang panghihina ng katawan ko dahil sa panganganak ko sa kambal kanina.

"Eh, paano pinag-alala mo ako kanina ng sabihin ng nurse na bumaba ang tibok ng puso mo? Akala ko iiwan mo na kami," sabi niya. Umupo siya sa may gilid ng hospital bed para tumabi sa akin. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"S-Sobra na kasi yung p-panghihina ko kanina ng l-lumabas ang anak natin na babae. I-l'm sorry kung pinag-alala kita. H-Hindi ko naman kasi akalain na kambal ang anak natin. N-Nasaan na pala sila? D-Dinala na ba sila dito?" mahinang tanong ko.

"Nasa nursery pa sila. Mamaya pa sila dadalhin dito," mahinang sagot niya, sapat lang para marinig ko.

"Almira, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Mama na kakalapit palang sa amin.

"I-l'm fine, Ma. M-Medyo nanghihina pa ako." sagot ko.

"Excited na akong makita ang apo ko," nakangiting sabi ni Mama.

Napatingin ako kay Castriel na may 'Hindi-pa-nila-alam-yung-tungkol-sa-kambal?' look. Mukhang nakuha niya naman dahil tumango siya.

"Ano pang gender ng apo namin, babae o lalaki? Ayaw kasi ako sagutin ng asawa mo ng magtanong ako sa kanya," sabi naman ni Papa na nasa likod ni Mama.

"M-Malalaman niyo po mamaya, Mama, Papa," sabi ko.

"Ang daya niyo talagang mag-asawa," sabi ni Mama.

"M-Ma, makikita mo naman siya mamaya,"

"Matutuwa kayo kapag nakita niyo siya," sabi naman ni Castriel.

May kumatok na tatlong beses sa pinto kaya sabay-sabay kaming napalingon doon. Sunod ay unang pumasok si Sadie kasunod si Louie na karga ang anak nilang si Bianca. Napangiti ako sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito na babae ka? Kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng ginawa mo sa pamilya ko noon," galit na sabi ni Mama ng medyo makalapit na ang bagong dating sa amin. Napayuko naman si Sadie.

"Tita, I'm sorry for what I did before," nakayukong sabi ni Sadie.

"Umalis ka na dito," sabi ni Mama.

"Ma, huwag mo siyang paalisin," pigil ko kay Mama. Napatingin naman siya sa akin na nakataas ang kaliwang kilay.

"Why? Give me a valid reason that I would not cast her out."

"She's my cousin, Ma. Twin sister ng mom ko ang mommy niya," sabi ko.

"Yung babaeng kamukha ni Marizia na nasa labas ng delivery room kanina? Mommy ni Sadie 'yon?" tanong ni Mama.

"Yes, Ma. Si Tita Marizel 'yon, Sadie's Mom," sagot ko. Bumaling siya ng tingin ulit kay Sadie.

"She's stay. And I forgive her for what she did before. Kailan masaya lang ako dahil makikita ko na ang apo ko. Bawal beast mode," sabi ni Mama.

"Thank you, Tita," nakangiting sabi ni Sadie. Ngumuti din si Tita.

May kumatok ulit sa pinto. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Kasunod ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng nurse na may kargang baby.

"Ma'am, Sir, nandito na po ang babies niyo," sabi ng nurse at pumasok ang isa pang nurse na karga ang isa pang baby ko. Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa mga anak ko.

"KAMBAL?!" sabay sabay nilang sabi.

"Ito na po si Baby Cassandra, Mrs Guevarra," sabi ng nurse ng makalapit siya sa akin at dahan dahan niyang binigay ang karga niyang baby. Ang isang nurse naman ay binigay niya si Baby Adrian kay Castriel.

Pinagmasdan kong mabuti ang anak ko na karga ko na ngayon. Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon habang karga ko ang isa sa mga anak ko.

"Welcome to the Guevarra Family, Baby Castriel Adrian and Baby Almira Cassandra," sabay na sabi namin ni Castriel habang nakangiti.

"Sabi ko na ba kambal ang anak niyo, base balang sa laki ng tiyan ni Almira. Nasa lahi na nga talaga ng Soriano ang magkaroon ng anak na kambal," sabi ni Tita Marizel.

"Sobrang saya ko na sa wakas ay nakita at nahawakan na namin kayo ng daddy niyo mga anak. Nagulat ako kanina ng malaman ko na dalawa ang isisilang ko pero at the same time ay sobra akong natutuwa. I'm sacrifice my life para lang maisilang ko kayo at lumaban ako sa kamatayan para makasama ko kayo. This is the best happen in my entire life to having two child and a loving husband," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa dalawang anak ko sabay tingin kay Castriel.

"Anak, Almira, pwede ba namin silang makarga?" sabi ni Papa. Ngumiti ako sabay tumango.

Binigay ko kay Mama si Baby Cassandra at binigay naman ni Castriel si Baby Adrian kay Papa. Pagkatapos ay pinaglapit nila yung kambal at sabay nilang pinagmasdan yung dalawa. Kita sa mga mata nila Mama at Papa ang sobrang tuwa habang pinagmamasdan nila ang mga apo nila.

"Congrats, Almira and Castriel, for having a twins," sabay na sabi ni Sadie at Louie.

"Thank you."

"Congrats, Ate Almira and Kuya Castriel. Sobrang saya ko kasi tita na talaga ako at masaya din ako dahil dalawa agad ang pamangkin ko," masayang sabi ko.

"Thank you, Hannah. Ikaw talaga ang dahilan kung bakit sobrang healthy nila Baby Adrian at Baby Cassandra," sabi ko kay Hannah.

"Tignan ko lang ulit sila, Ate," sabi ni Hannah at lumapit kanila Mama at Papa para pagmasdan ang kambal.

"Thank you, Mahal. Sobrang saya ko na kasama kita sa pagbuo ng matagal ko na noong pinapangarap na sariling pamilya," sabi niya.

"I'm happy too, Love. Hindi ko mapaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko na isa na akong ganap ng ina ng mga anak mo at sobrang saya ko na ikaw ang asawa ko. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng ito. Isa lamang akong kilalang masungit, maldita at hindi ngumiti na babae pero lahat yun nagbago ng dumating ka sa buhay ko," nakangiting sabi ko.

"Nagbago din ang buhay ko ng makilala kita, Mahal. Nagbago ang estado ko sa buhay nang makilala kita at nang makilala ko ang tunay kong pamilya sa tulong ko," sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya bago tumingin kanila Mama at Papa.

Ang buhay ay parang ferris wheel na nagpapatunay na hindi ka habambuhay na nasa ibaba, mararanasan mo ring ma punta sa itaas. Ang buhay ay parang roller-coaster ride na paiikot-iikutin ka sa dami ng pagdadaanan mong obstacles then you'll be proud of yourself afterwards because you don't give up.

Marami ka munang pagdadaanan na mga pagsubok sa buhay bago mo marakit ang magandang buhay na pinapangarap mo. Mararanasan mong mawalan ng minamahal sa buhay pero kailangan mong move forward para ipagpatuloy ang buhay mo. Mararanasan mong masaktan at malayo sa lalaking mahal mo para malaman at masukat kung gaano niyo ba talaga kamahal ang isa't isa. Then, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa ay magiging kayo talaga sa huli.

Lahat ng 'yan ay naranasan naming dalawa ni Castriel bago namin narating ang buhay namin ngayon. Magiging masaya kaming dalawa bilang mag-asawa kasama ang mga anak namin.

THE END!!!