ALMIRA'S POV
We went to the hospital after breakfast.
Nandito kami sa OB clinic kung saan kukumpermahin namin ang pagbubuntis ko. Pinahiga ako para mas masuri pa lalo ng doctora kung nagdadalang tao na ba ako.
"Base sa sinabi niyo, positive ang pregnancy test na ginamit mo. Well yung isa kanina na pinagamit ko sayo, it's positive din. So, I think na buntis ka nga," sabi ni Dra Jasmine Saavedra.
Nagkatinginan kami ni Castriel at napangiti kami sa isa't-isa bago ko ibininalik ang tingin sa doctor.
"Really, Doc? So, sigurado na po talaga na buntis ako?" tanong ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Castriel sa kamay kong nakahawak sa kanya.
"Yes, pero kailangan kita iultrasound para to make sure na may baby nga, or kung ilang weeks o days na, at para malaman din natin kung alive ba ang fetus o malusog ba ito."
"Sige doc, basta kung ano ang kailangan gawin ay gawin mo po," sabi ko. Tumango si Doctora.
The doctor grabs the transducer probe swearing it into a clear gel going back and forth motion on my bottom abdomen.
Tumingin ako sa monitor, may tinipa ang doctora bago may lumabas na imahe sa screen na nasa uluhan ko.
"Doc, kamusta?" tanong ni Castriel.
Hindi maalis ang naming dalawa ni Castriel sa monitor na nasa uluhan ko.
"Yes, magiging parents na nga kayo, Mr and Mrs Guevarra." Ngumiti si Dra Saavedra at may itinuro siya na maliit na bilog sa screen. "Can you see that?" Tumango naman kami ni Castriel. "Yan ang baby niyo," sabi ni Doc.
Hindi maalis ang tingin ko sa screen. Naluluhang tumingin ako kay Castriel na nakatingin sa screen. Abot tenga ang ngiti niya habang nakatingin sa screen. Binalik ko ulit ang tingin ko sa screen.
"Doc? Okay lang ba ang baby namin? Malusog po ba?" sunod sunod na tanong ni Castriel. Napatango naman si Doc.
"Base dito is 9 weeks na siya. Healthy ang baby at maganda ang heartbeat niya. Gusto niyo bang marinig?" tanong ni Doc.
Mabilis na napatango kami ni Castriel. Sunod ay may narinig kaming tunog. Isang tunog na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Totoo na nga. Hindi lang ito basta panaginip. Hindi na lang ito basta hinala dahil ngayon ay naririnig na namin ang heartbeat ng bata.
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi. Pero nag-uumapaw ang labis na saya na nararamdaman ko ngayon. Napatingin ako kay Castriel na tila namamasa na din ang mga mata.
"Love, narinig mo yun? Yan ang heartbeat ng baby natin?" tanong ko. Tumango naman siya at hindi na nga niya napigilan ang kanyang luha bago halikan ang kamay kong hawak niya.
Napatingin ulit kami sa bilog na imahe sa monitor habang pinapakinggan ang tibok ng puso nito.
"Thank you, Mahal. I love you," sabi ko bago ako halikan sa noo.
Inalis na ni Doc ang probe at binigyan ako ng wipes para punasan ang tiyan ko. Binigay niya sa akin ang sonogram picture ng baby ko.
Inalalayan ako ni Castriel na bumaba ng hospital bed para Umupo sa harapan ng desk ng doctor kung saan na kaupo na ito ngayon.
"Normal lang yung pagsusuka at pagiging mahihilohin lalo na sa first and second trimester. Basta ingat lang kasi ang first at second trimester ang pinakadelikado sa pagbubuntis. Iwas lang sa stress at pagpupuyat. Lagi din kakain ng healthy foods at uminom ng madaming water." Napatango kaming dalawa ni Castriel.
"Magrereseta ako ng vitamins at milk para sayo at sa baby mo. Make sure to take it everyday. Yung milk at least 2x a day. Sa morning or bago matulog. Mr Guevarra, lagi bantayan si misis, bawal magbuhat ng mabibigat o madapa o di kaya ay mabangga ang tiyan kaya, please, paki-ingatan," bilin ni Doc.
"Yes, Doc." Tumango si Doc at nginitian kami.
"Sa paglilihi... It's okay go eat anything, basta wag lang masyado sa soda kasi baka lumaki masyado ang baby. Normal lang na maging sensitive ang pang-amoy mo kaya pag nahihilo ka, pahinga ka lang," sabi pa ni Doc.
May ibinigay din sa aming baby book si Doc at ang reseta ng mga vitamins ko.
"Congratulations. Take your vitamins and come back here next month same date," sabi niya.
Nagpasalamat kami ni Castriel sa kanya bago kami lumabas ng clinic.
Habang naglalakad palabas ng hospital ay bigla akong natakam sa maasim na manggang hilaw na may alamang ba tawag dun? Basta gusto ko kumain nun.
"Love, gusto kong kumain ng manggang hilaw yung maasim tapos may alamang na yung tawag dun?" sabi ko kay Castriel ng makapasok kami sa kotse.
"Nagsisimula na ka nang maglihi, Mahal. Sige bibili ako sa supermarket," sabi niya at inistart na ang kotse.
"Huh? Diba, sa wet market mabibili yung alamang at saka meron din nagtitinda ng manggang hilaw dun." sabi ko.
"Eh? Paano mo nalaman yun? Nakapunta ka na ba sa palengke?" tanong niya.
"Hindi pa. Basta ang alam ko lang na dun mabibili yung gusto ko. Please, Love, gusto kong tayong dalawa ang bumili ng manggang hilaw na gusto ko," sabi ko sa kanya.
"Okay, bibili tayo. Matitiis ba kita at ang baby natin," sabi niya habang nasa daan ang tingin.
"Thank you, Love," sabi ko sabay halik sa pisngi niya na ikinangiti niya.
*************
Habang naglalakad kami ni Castriel dito sa palengke ay hindi nakaligtas sa akin amg mga tingin sa aming dalawa. Sining bang hindi, diba? Ang sosyal ng damit naming dalawa tapos nandito kami. At isa pa, kilala kaming dalawa dahil palagi kaming laman ng news at isa din kaming Guevarra kaya lahat ng nakakakilala sa amin ay yumuyuko.
May nakita naman akong mangga na gustong gusto kainin kaya hinila ko na doon si Castriel.
"Buy me that, Love. Gusto ko ng maraming marami," sabi kay Castriel ng makalapit kami dito sa nagtitinda ng mangga.
"Baka sumakit ang tiyan mo, Mahal, kapag marami kang nakaing mangga," sabi niya.
"Hindi ko naman sinabi na kakainin ko lahat ng isang araw lang. Ang sama mo, gusto mo agad akong magmukhang butete," sabi ko at may tumulo pang luha mula sa mata ko. Ang emotional ko na dahil sa pagbubuntis ko.
"Hindi ah, sexy ka kaya," sabi niya sabay hapit sa bewang ko pero agad akong lumayo sa kanya.
"Huwag ka ngang lumapit sa akin. Naiinis ako sa pagmumukha mo, Prince Castriel Guevarra," inis kong sabi sa kanya na ikinatawa niya dahil sa pagtawag ko sa buong pangalan niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bibili ba kayo ng mangga, Hijo, Hija. Fresh ang manggang tinitinda ko galing pangasinan," singit ng tindera sa amin ni Castriel. Napatingin naman kami ni Castriel sa tindera.
"Castriel, ikaw ba yan? Totoo nga ang bali-balita na mayaman ang tunay mong mga magulang. Ito ba ang asawa mo? Ang ganda niya, parehas ko din kayong nakikita sa mga balita," sabi nung tindera.
"Aling Nida, kamusta na po? Tama ka po, asawa ko ang magandang babae na kasama ko ngayon," sabi ni Castriel sabay hapit ulit sa bewang ko palapit sa kanya.
"Ang landi mo, Love. Kanina ka pa," inis kong sabi sa kanya sabay irap.
"Mukhang naglilihi ngayon ang asawa mo, ah. Ilang buwan na?" tanong nung tindera na ang pangalan ay Aling Nida. Nabigla ako sa sinabi niya at sa paghawak niya sa tiyan ko.
"Paano niyo po naman na buntis ako?" nakakunoot noong tanong ko.
"Ang bilis mo kasi magpalit ng mood mo. Naging emotional ka din kanina. At mukhang ang tinda kong mangga ang pinaglilihian mo. Gusto mo bang ipagbalat kita ng isa?" nakangiting sabi ni Aling Nida. Agad naman akong tumango.
"Sige po," masayang sabi ko. Agad niyang kumuha ng isang mangga sa paninda niya at binalatan.
Pagkatapos niyang balatan ay binigay niya sa akin na agad ko namang tikman. Hmmmm, ang sarap.
"Ang sarap," sabi ko.
"Hindi ka ba na aasiman, Mahal? Base sa amoy ng mangga ay maasim pa," sabi ni Castriel. Mabilis akong umiling dahil busy ako sa kinakain ko.
"Ganyan talaga ang buntis, Castriel. Wala silang ibang panlasa kundi masarap basta pinaglilihian nila," sabi ni Aling Nida. Hindi ko na lang sila pinansin.
"Aling Nida, magkano ba ang manggang tinda mo?" tanong ni Castriel habang kinukuha ang wallet niya.
"100 per kilo, Hijo," sagot ni Aling Nida.
"Sige, dalawang kilo lang. Baka mapagalitan ako ni Mama kapag pinakain ko siya ng marami at Baka sumakit pa ang tiyan," sabi ni Castriel at inabot niya ang 1000 pesos para ipambayad.
"Naku! Ang laki nito, wala akong ipagsusukli sayo dito, Hijo," sabi ni Aling Nida.
"Give the change na po. Salamat," sabi ni Castriel bago kami naglakad paalis.
Bumili pa kami ng alamang sa wet market bago kami pumunta sa kotse niya para umuwi.
Pagkarating sa mansion ay agad kaming sinalubong ni Mama at Papa na nakaupo sa couch.
"Kamusta ang check-up mo, Almira? How's the baby? Healthy ba ang apo ko?" sunod sunod na tanong ni Mama
"Ma, ang dami mo namang tanong. Okay lang ang baby at malusog. Wala namang dapat problemahin," sagot ni Castriel bago siya umalis para pumunta sa kitchen.
"Grabe naman yung asawa mo, parang nagtatanong lng naman ako dahil gusto kong malaman kong okay ka lng at ang apo ko," sabi ni Mama.
"Hayaan mo na, Ma. Mukhang siya ata ang buntis sa aming dalawa. Ang sungit niya ngayon," sabi ko bago umupo sa single couch dahil medyo nahihilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko.
"Almira, are you alright?" alalang tanong ni Papa na siyang malapit sa kinauupuan ko kaya siguro ay napansin niya ako agad.
"Nakaramdam lang ako ng hilo, Pa. Napagod siguro ako sa kakalakad namin ni Castriel sa palengke," sabi ko habang nakapikit at nakahawak sa noo ko dahil umiikot yung paningin ko.
"Mas mabuti pang magpahinga ka muna sa kwarto niyo. Halika, ihatid kita." Tumango na lang ako bago tumayo.
Bago pa ako makahakbang paakyat ng hagdan ay tuluyan na akong natumba at dumilim ang paningin ko.
CASTRIEL'S POV
Ibilin ko kay Manang na siya na lang ang magluto ng alamang dahil mas gusto kong bantayan si Almira.
Saktong paglabas ko ng dining area ay nakita kong tumayo si Almira at inalalayan siya ni Mama. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa.
Bago pa siya makahakbang paakyat ng hagdan ay bigla siyang natumba at nahimatay. Buti na lang ay nasa likod nila ako kaya agad kong nasalo si Almira bgo pa siya bumagsak.
"Oh my god! Anong nangyari? Bakit bigla siyang hinimatay? Mas mabuti pang dalhin na natin siya sa hospital dahil baka may masamang mangyari sa kanya at sa apo ko," alalang sabi ni Mama habang nakatingin kay Almira na buhat ko at walang malay.
"Ma, okay lang si Almira. Normal lang ang mahimatay siya, sabi nung doctor niya. Kailangan niya lang mag-pahinga dahil halos libutin namin ng palengke para lang mahanap ang pagkain na pinaglilihian niya. Napagod siguro siya kaya siya nahimatay," paliwanag ko kay Mama habang paakyat ng hagdan at nakasunid naman siya sa akin.
"Sigurado ka ba, Anak?" paninigurado niya.
"Yes, Ma," sagot ko.
Pagkarating sa tapat ng kwarto ay binuksan ni Mama ang pinto at pumasok na. Marahan kong inihiga si Almira sa kama at kinumutan siya. Ilang saglit lang ay gumalaw siya at tumingin sa akin.
"L-Love," tawag niya habang pumipikit pikit.
"Kamusta pakiramdam mo? Nahihilo ka pa rin ba?" tanong ko. Dahan dahan siyang tumango.
"N-Nahihilo pa rin ako. G-Gusto ko pang matulog." sabi niya.
"Sleep well, Mahal." sabi ko at hinalikan siya noo.
Tatayo na sana ako para magpalit ng damit dahil hindi na ako papasok, nang bigla niya akong hilahin paupo ulit sa kama at muntik ko pang maupuan ang tiyan niya. Ayokong iwan si Almira na ganto ang lagay dahil hindi naman ako mapapakali kapag pumasok ako.
"Huwag ka ngang basta basta na lang naghihila, Mahal. Muntik ko nang madaganan ang tiyan mo," sermon ko sa kanya.
"I-I'm sorry, Love. G-Gusto ko lang naman na tabihan mo akong matulog. G-Gusto kong nasa tabi lang kita palagi," sabi niya at may tumulo pang luha sa mata niya na agad kong pinunasan.
"Okay, tatabihan na kita para mabantayan na din kita," sabi ko at tumabi sa kanya. Pinaunan ko siya sa braso ko habang ang isang kamay ko ay nakapatong sa tiyan niya at marahang hinimas.
"I love you," rinig kong sabi niya.
"I love you too," sagot ko at napangiti ng makita kong pinikit na siya ang mata niya.