ALMIRA'S POV
Mahigit dalawang buwan ang lumipas nang simulan namin ang pag-aasikaso ni Castriel sa preparation para sa kasal namin. Nakapikit na rin ako ng gown na susuotin ko.
At ngayong araw na din ang kasal naming dalawa.
Nakasuot na ako ng wedding gown. Nakaayos na lahat. Nasa tapat na din ako ng nakasaradong pintuan ng simbahan habang nasa gilid ko si Mamita. Siya ang maghahatid sa akin sa altar kung saan hinihintay ako ng lalaking mahal ko. Si Mamita lang ang naggiisang pwedeng maghatid sa akin dahil wala na sila Mom at Dad.
Hindi ko rin ma pigilan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kanina pa ako kinakabahan habang inaayusan ako kanina ng mga kinuha ni Tita na mag-ayos sa akin.
"Relax, Sweetie. Ganyan talaga kapag ikakasal ka na. Ganyan din ako noon," sabi ni Mamita na nasa tabi ko.
Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Huminga muna ako ng malalim para kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko bago kami naglakad ni Mamita papasok ng simbahan.
Animong dram na biglang pinakawalan ang kaba kong nararamdaman ng magtama ang mga mata namin ni Castriel. Hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya. His eye twinkled with happiness as he looked at me walking towards him. Walking towards a new beginning.
Castriel is my happiness now. I'd gladly give up everything for him. Dahil mula ng minahal ko siya, alam kong wala ng kahit anong makapagpapasaya sa akin kung hindi ko siya makakasama.
This is the start of forever. In my heart I know that every day I will spend with him is greater than infinity.
"Take care of my grand daughter." sabi ni Mamita. Tumango naman si Castriel at ngumiti.
"Opo, Mamita," nakangiting sabi ni Castriel.
Inilagay ni Mamita ang kamay ko sa ibabaw ng kamay ni Castriel.
"Tita, Tito," tawag ko kay Tita at Tito na nasa tabi ni Castriel at yumakap sa kanila.
"Hindi pa man nagsisimula ang kasal niyo ngayon ay gusto ko ng sabihin ito sayo. Welcome to our family, Young Lady," sabi ni Tito na lalong nagpaiyak sa akin.
"And don't call me Tita, Almira. Mama na ang itawag mo sa akin mula ngayon," sabi ni Tita. Tumango naman ako.
"Thank you, Mama, Papa," sabi ko at niyakap ko sila ulit.
Pagkahiwalay ko sa magulang ni Castriel ay hinawakan niya na ulit ang kamay ko. Pinisil niya ang kamay ko then he lifted it and kissed it. Naluluhang ngumiti ako sa kaniya at sabay humarap kami sa pati at sa Diyos.
**********
"Now that Castriel Guevarra and Almira Fate Ferreira have desired each other in marriage, and have witnessed this before God and our gathering, affirming their acceptance of the responsibilities of such union, abd have pledged their love and faith to each other, sealing theirs vows in the giving and receiving of rings, I do proclaim that they are husband and wife in the sight of God and man. Let all people here and everywhere recognize and respect this holy union, now and forever... Castriel Guevarra... You may now kiss the bride."
As his lips finally met mine, I know that I can never ask for anything more. I'm exactly right where I belong.
"It is now my privilage to indroduce to you for the first time, Mr. And Mrs. Guevarra."
Nagpalakpakan lahat ng bisita...
Finally! I'm Mrs. Castriel Guevarra.
KINAGABIHAN...
Pagpasok ng mansion ay nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Castriel ng bridal style.
"Love, ibaba mo ako. Baka malaglag ako," sabi ko sa kanya habang nakakapit sa batok niya.
"Hindi ka malalaglag, Mahal. Wala ka bang tiwala sa lakas ng asawa mo," sabi niya habang paakyat ng hagdan. Napaiwas naman ako tingin dahil pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko dahil sa init na nararamdaman ko sa pisngi ko.
Pagkarating sa kwarto namin ay agad akong pumunta sa walk in closet para magpalit ng damit dahil nakalong dress ako.
Pagkalabas ko ng walk in closet ay nakita ko siyang nakapagpalit na din ng damit at nakaupo sa kama habang nakasandal sa kama. Lumapit ako sa kanya at umupo din sa kama para magkatabi siya.
Walang sabi sabing siniil niya agad ako ng halik nang makaupo ako sa tabi niya. Tinugon ko lahat ng halik niya sa labi ko habang inaalalayan niya akong mahiga sa kama.
Pumaibabaw siya sa akin habang binababa niya ang halik sa leeg ko. Inangat ko naman ang ulo ko para bigyan siya ng laya na halikan ang leeg ko. Lalong uminit ang pakiramdam ko ng mag-iwan siya ng mga marka sa leeg ko.
Hinalikan niya ulit ako sa labi na agad ko namang tinugon. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya para mas lalong lumalim ang paghahalikan naming dalawa.
"I love you," sabi niya pagkatapos ng mabahang halik na binigay niya sa akin.
"I love you too," sagot ko bago niya ulit ako halikan sa labi.
Pinagpatuloy namin ang aming paghahalikan hanggang sa makatulong kaming dalawa dahil sa pagod.
KINABUKASAN...
Kasabay namin magbreakfast sila Mama at Papa ngayon kasama rin namin si Hannah. Ngayong araw itatake over ni Papa ang company nila sa pangangalaga naming dalawa ni Castriel.
"Kamusta ang unang gabi niyo bilang mag-asawa?" tanong ni Mama. Napayuko naman ako para itago sa kanila ang pamumula ng pisngi ko.
"Sana naman ay magkaroon na talaga kami ng apo paglipas ng buwan, Almira," sabi ni Papa. Lalo akong namula sa hiya.
"Malapit na, Pa. Magkaroon na kayo ng apo, sisiguraduhin ko 'yan." sabi ni Castriel sabay hawak sa kamay ko.
"Anak, hinay-hinay lang. Huwag mong masyadong papagurin ang asawa mo," nakangiting sabi ni Papa.
"Yes, Pa," sagot ni Castriel. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang nakakalokong ngiti niya sa akin kaya hinampas ko siya sa braso at sinamaan siya ng tingin.
TWO MONTHS AFTER...
"Sigurado ka ba na okay ka lang?" tanong ni Castriel. Tumango naman ako pagkatapos ay napaupo ulit.
Napasapo ako sa ulo ko ng makaramdaman ako ng pagkahilo. Ang totoo ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa mga nararamdaman ko.
Hindi ko iyon pinapahalata kay Castriel dahil baka mag-alala lang siya.
"Uwi na tayo. Mukhang di ka okay, eh?" sabi niya sabay ligpit ng mga papel sa table niya.
Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas kuwatro na ng hapon. Hindi naman na masama kung uuwi kami ng maaga lalo pa at maaga na din akong natapos sa trabaho ko. Iniisip ko lang si Castriel dahil may isang meeting pa sana ito na hinihintay ko bago kami umuwi.
"Pero yung meeting mo?"
"Imo-move ko na lang bukas... Tara uwi na tayo ng maipahinga mo na 'yan," sabi niya. Tumango naman ako bago niligpit ang mga gamit ko.
Kinuha ni Castriel ang bag ko pagkatapos ay inalalayan ako hanggang sa makauwi kami.
Nagbihis ako at agad na pinagpahinga ako bago siya lumabas ng kwarto.
Gusto kong ipikit ang mga mata ko pero pakiramdam ko ay umiikot pa din ang paningin ko hanggang sa makaramdaman ako na parang hinahalukay ang sikmura ko. Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ay pumunta sa banyo para doon dumuwal.
Napasapo ako sa sikmura ko habang sumusuka.
"Mahal?" narinig ko ang boses ni Castriel sa likuran ko at naramdaman ko na hinaplos niya ang likod ko.
"Okay ka lang ba?" tanong niya. Umiling ako at napabuntong hininga. Magsasalita na sana ako ng mapasapo ako sa bibig ko.
Muli akong tumalikod kay Castriel pagkatapos ay muling napaduwal sa toilet.
"Mahal." Hinawi pa niya ang buhok ko at ng mapansin na medyo okay na ako ay inalalayan niya akong tumayo.
Namumog ako at napahilamos pagkatapos ay napatingin sa salamin.
Nakita kong nakapamulsa si Castriel na nakasandal sa may pinto at pinagmamasdan ako mula sa salamin. Napalingon ako sa kanya.
"Magpahinga ka na, baka pagod ka lang. Gigisingin na lang kita kapag magdidinner na," sabi niya bago ako alalayan papunta sa kama at dahan dahan akong inihiga.
KINABUKASAN...
Pagkatapos ng meeting sa board members ay lumabas na ako ng conference room at nilakad ang mahabang pasilyo papunta sa office namin ni Castriel.
Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdaman ako ng hilo at napahawak sa noo ko. Napatingin ako sa taong humawak sa akin nang muntik na akong ma-out balance dahil sa pag-ikot ng paningin ko.
"Are you alright?" tanong ni Lorraine na naka-alala sa akin.
"Nahihilo ako," sagot ko habang nakahawak sa noo ko.
"Halika, hatid kita sa office niyo ni Castriel baka--"
Hindi ko na natapos pang pakinggan ang sasabihin ni Lorraine ng tuluyang dumilim ang paningin ko.
**********
Marahan kong dinilat ang mga mata ko at agad kong nilibot ng tingin ang paligid. Nandito ako ngayon sa office namin ni Castriel at nakahiga sa couch ng mini living room nitong office. Bumangon na ako sa pagkakahiga at sinandal ang likod ko sa sandalan ng couch.
Napapadalas na ang pagkahilo ko nitong makalipas na araw. Panay suka din ako tuwing umaga at pakiramdam ko makakasakit ako, hindi ko na lang muna sinasabi kay Castriel dahil pagod lang siguro ako. Tapos nagiging matakaw na din ako nitong mga nakaraang araw, minsan pa nga ay nagigising ako tuwing madaling araw para pumunta sa kitchen para kumain.
Napatingin ako sa pintuan ng office ng bigla iyong bumukas at pumasok si Lorraine. Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa rin ba?" tanong niya pagkalapit niya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Medyo nahihilo pa ako, pero okay na," sagot ko.
"Kailan ka pa nahihilo?" mapanuri niyang tanong.
"Nitong mga nakaraang araw lang. Bakit?" sagot ko sa tanong niya.
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay nagtanong ulit siya sa akin.
"Nakakaranas ka din ba nitong mga nakaraang araw nang pagsusuka at pakiramdam mo magkakaroon ka ng sakit?" tanong niya pa.
"Oo," maikli kong sagot. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya.
"Hindi kaya ay buntis ka? Hindi impossible 'yon dahil dalawang buwan na kayong kasal ni Castriel," sabi niya.
"Hindi ko alam," sagot ko at hinawakan ang tiyan. Pakiramdam ko meron ng nabubuhay sa sinapupunan ko.
"Try to use this, Almira. Para makasigurado ka muna bago ka magpacheck-up sa OB," sabi ni Lorraine sabay bigay sa akin ng isang paribahang kahon na may nakalagay na 'Pregnancy Test'.
"Bakit meron ka nito?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Binili ko 'yan kanina ng maihatid ka namin ni Kyde dito. Naisip ko kasi na baka buntis ka, kaya ka nahimatay kanina. Try mo din 'yan, walang impossible dyan," sabi niya. Tumango naman ako at tinago nalang muna ang PT sa bag ko.
"Nasaan nga pala si Castriel?" tanong ko.
"Nasa appointment niya sa bagong investor," sagot niya.
"Sige na, mamaya ko na lang gagamitin," nakangiting sabi ko.
"Basta kapag meron nga, ninang ako," sabi niya bago tumayo.
"Syempre naman," sagot ko bago niya maisara ang pinto.
KINABUKASAN...
Napabalikwas ako ng bangon dahil parang pinipiga ang tiyan ko. Tumakbo ako papuntang bathroom at sumuka.
Pagkatapos kong sumuka ay punta ako sa harap ng salamin at nagtoothbrush. Naalala ko naman ang binigay na PT ni Lorraine sa akin kahapon. Hindi ko kasi nagamit agad yun kagabi dahil agad akong nakatulog dahil sa pagod.
Lumabas ako ng bathroom at kinuha sa bag ko ang PT. Bumalik ulit ako sa bathroom and I did the test. Iniwan ko muna sa sink ang test para maligo muna.
Lumabas ako ng bathroom at tinignan si Castriel, nakita kong natutulong pa rin siya. Pumasok na ako sa loob ng walk in closet at nagbihis pagkatapos ay binalikan ko ang PT na iniwan ko sa sink at lumabas ng bathroom bago ko tignan ang resulta.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa hawak kong pregnancy test dahil sa resulta na labas. Totoo ba 'to? Totoo bang magkakaanak na kami?
"Mahal, ano 'yan?" rinig kong tanong niya kasunod ng pagkuha niya sa hawak ko. Napatingin ako sa kanya na nanlaki ang mata.
"Sa'yo ba 'to, Mahal?" tanong niya sabay tingin sa akin. Tango lang ang isinagot ko sa kanya habang nakangiti kahit tumutulo ang mga luha ko. Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit.
"Totoo ba? Buntis ka? Hindi nga? Magiging daddy na ako? Totoo bang magkakaanak na tayo, Mahal?" tanong niya. Bakas sa tono ng boses niya ang tuwa at saya.
"Oo, Love. Totoo. Buntis ako, Castriel. Magiging daddy ka na," sabi ko. Bahagya niya akong nilayo sa kanya at dinampian niya ng halik ang ulo ko bago siya bumantay sa tiyan ko at dinampian din ng halik.
Tumayo na siya at hinalikan ulit ako sa noo bago siya dali daling lumabas ng kwarto. Napailing na lang ako habang pinupunasan ang luha ko bago siya sinundan.
Nasa gitna palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang sigaw niya.
"Yes, magiging daddy na ako!" sigaw niya. Natawa naman ako habang pinagpatuloy ang pagbaba.
"Anong sinisigaw sigaw mo, Kuya? Ang aga aga." bugnot na sabi ni Hannah na lumabas ng dining room, at nasa likod niya si Mama at Papa na nagtataka din.
"Hayaan mo na, Hannah. Masaya ang kasi ang Kuya mo ngayon," sabi ko.
"At ano naman ang ikinasasaya niya?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Magiging tita ka na!" sabay na sabi namin ni Castriel.
"Oh my god! Buntis ka na?" tanong ni Mama na hindi ko namayan na nakalapit na pala sa akin. Agad niya akong niyakap.
"Yes po, Ma. Kanina ko lang nalaman. Magkakaroon ka na po ng apo," nakangiting sabi ko. Naramdaman kong pinatong niya ang kamay niya sa tiyan kong ma-impis pa.
"Finally, magkakaroon na talaga ako ng apo," nakangiti ng sabi ni Mama habang nakatingin sa tiyan ko.
"Ma, excited ka masyado. Pakainin muna natin si Buntis dahil magpapacheck up pa siya sa OB para makasigurado na healthy ang baby," sabi ni Castriel na nakalapit na pala sa akin at agad akong hinapit sa bewang.
"Parang siya hindi excited," bulong ko
"Mabuti ba nga." sabi ni Mama.
"Mag-ingat ka palagi, Almira. Excited na akong maging lolo," nakangiting sabi ni Papa.
"Yes po, Pa. I'll take myself and the baby," sabi ko bago umupo sa dining chair na ipinaghila para sa akin ng aking gwapong asawa.
Kukuha na sana ako ng pagkain ko ng unahan niya akong lagyan ang plato ko. Hinayaan ko na lang dahil alam kong gusto niya akong alagaan, lalo na't magkakaanak na kami.
"Thank you, Love," sabi ko sa kanya ng matapos siyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Napangiti naman bago niya ako hinalikan sa noo. Napatingin ako sa plato ko. Grabe naman, punong puno ang plato ko.
Hindi na ako umal at nagsimula na lang kainin ang mga pagkain sa plato ko.