Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 27 - CHAPTER 26

Chapter 27 - CHAPTER 26

ALMIRA'S POV

Pagkatapos ng emergency meeting ko sa kumpanya ay umuwi na ako sa mansion dahil wala na akong balak bumalik sa school.

Pagkarating ko ay agad akong sinalubong ng isang maid.

"Good afternoon, Lady Almira. May gusto po ba kayong ipagawa sa akin," bungad niya.

"Ihanda mo na lang ako ng lunch," utos ko.

"Sige po, Lady Almira," sabi niya bago umalis.

Umakyat naman ako sa kwarto namin ni Castriel at nagalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba na ako dala ang laptop ko dahil kailangan akong gawin. Dinala ko na din ang resulta dahil ipapakita ko na kay Castriel mamaya pag-uwi niya.

Nilagay ko na lang muna sa ibabaw ng coffee table ang laptop ko at ang envelope bago ako pumunta sa dining area kung saan ay nakahanda na ang pagkain ko kaya kumain na din ako dahil hindi pa ako nagla-lunch.

Pagkatapos kong kumain ng lunch ko ay pumunta na akong living room at kinuha ko yung laptop ko at ginawa ko ang dapat kong gawin.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pag bukas ng malaking pinto ng mansion pero hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang dumating.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at amoy alak kaya napatingin ako. Nakita ko si Castriel sa tabi ko na nakapikit ang mga mata habang nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng couch. Namumula din ang mukha niya dahil sa kalasingan.

Nilapag ko muna ang laptop ko sa coffee table bago ko muling ibinalik ang pansin ko kay Castriel.

"Are you drunk? Why?" tanong ko. Hinawakan ko ang mukha niya para tignan siya ng mabuti. Hinawakan at hinalikan niya ang kamay ko habang nakapikit parin ang mga mata niya.

"Niloko niya ako. Pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya, pati na rin kayo nila Mama. Napakasinungaling niya. Niloko niya ako, Mahal," galit niyang sabi habang nakapikit parin. Alam na niya, kaya ba siya lasing dahil dun.

"Alam ko," maikli kong sabi na dahilan para madilat siya at mapatingin sa akin.

"Paano?"

"Lumabas na ang resulta kahapon ko kaya alam ko na kagabi," sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi?"

"Kasi gusto kong ikaw ang makaalam," sagot ko ulit.

"Ang ganda mo talaga, Mahal ko," sabi niya bago niya ako hinalikan sa labi ng marahan.

"Alam ko kaya mo nga ako minahal, eh," sabi ko pagkahiwalay namin sa halik.

Ngumiti na lang siya bago niya sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Napa-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng mansion at pumasok ang isang bodyguard na bantay sa labas ng gate. Lumapit iyo sa akin.

"Lady Almira, nagpupumilit pong pumasok ni Lady Sadie pero ang utos sa amin ni Prince Castriel ay huwag siyang papasukin," magaling na sabi nung bodyguard.

"Sige, akong bahala ng mag-paalis sa kanya. Bumalik ka na sa pagbabantay sa labas," sabi ko.

"Sige po, Lady Almira," magalang na sabi nung bodyguard bago umalis.

Dahan dahan kong pinahiga si Castriel sa couch bago ko kinuha ang envelope sa iababw ng coffee table at lumabas ng mansion.

Hindi pa ako nakakarating sa gate ay narinig ko na ang boses ni Sadie at kita ko na din ang pagpigil ng mga bodyguard sa kanya na makapasok.

"Sabing papasukin niyo ako. Kailangan kong makausap si Castriel!" rinig kong sigaw ni Sadie.

"Hindi ka nga po pwedeng pumasok ng mansion, gaya ng ipinag-utos ni Prince Castriel," sabi nung isang bodyguard.

Biglang bumaling ang pansin sa akin si Sadie ng medyo malapit na ako sa gate.

"Almira, papasukin mo ako. Kailangan kong makausap si Castriel," sabi niya.

"Para saan pa? Para paniwalaan mo ulit kami sa mga kasinungalingan mo. Ang kapal din pala ng mukha mo para lokohin si Castriel," galit kong sabi ng makalapit ako at makalabas ng gate.

"Ano ba yang pinagsasabi mo, Almira? Hindi ako nagsisingunaling," deny niyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya, pero napalitan agad yun.

"Hindi ba kasinungalingan ang pagsabi mo sa amin na anak ni Castriel 'yang bata sa sinapupunan mo?" nakangising sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Anak ni Castriel ang batang dinadala ko, kaya anong sinasabi mo na hindi kay Castriel ang batang 'to?" sabi niya. Dahil sa inis at galit na nararamdaman ko ay mabilis na dumapo sa mukha niya ang palad ko kaya napahawak siya don.

"I'm not fooled to believe your lies, Sadie," galit kong sabi sa kanya.

"Mahal, sinong ang kaaway mo?" rinig kong tanong ni Castriel. Hindi na ako nag-abala pang linungin siya.

"Anong ginagawa mo ditong babae ka?" nakakuyom ang palad na sabi ni Castriel.

"Castriel, please let me explain," pagmamakaawa ni Sadie sabay luhod sa harapan namin at hinawakan niya ang kamay ni Castriel. Agad na tinanggal ni Castriel ang pagkakagawa ni Sadie sa kamay niya.

"Umalis ka na," pagtataboy ni Castriel kay Sadie.

"No, hindi ako aalis. Castriel, huwag ka maniwala sa sinasabi ng lalaking yun, please. Nakikiusap ako sa'yo," pakiusap ni Sadie.

Agad na kinuha ni Castriel ang envelope sa hawak ko at agad na kinuha ang mga laman na papel at itinapon niya sa harap ni Sadie.

"Now, tell me that it's not true! Tell me!" galit na sigaw ni Castriel kaya hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin siya. Kinuha ni Sadie ang papel na nasa harapan niya at binasa.

"Bakit may ganito? Bakit hindi ko alam na pina-paternity testing mo ang pinagbubuntis ko?" tanong ni Sadie.

"Dahil gusto kong malaman kung ako nga ba talaga ang ama ng batang 'yan. Tama pala ang hinala ko na hindi ako ang ama ng batang 'yan," sabi ni Castriel.

"Umalis ka na dito dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo," galit na sabi ni Castriel.

"Anong meron dito? Bakit nandito kayong tatlo sa labas?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses ng babae. Napalingon naman kami ni Castriel sa pinaggalingan ng boses at nakita namin si Tita Marish at Tito Harold na kakababa palang ng kotse.

"Bakit nakaluhod ka dyan, Sadie?" tanong ni Tita sabay lapit kay Sadie at tinulungan tumayo. Pinulot din ni Tita Marish ang nagkalat na papel sa sahig at agad niyang binasa.

"Paternity Test?" takang tanong ni Tita habang nakatingin sa papel. Pagkatapos ay bumaling siya ng tingin kay Sadie.

"Hindi anak ni Castriel ang pinagbubuntis mo," gulat na sabi ni Tita Marish habang nakatingin kay Sadie.

"Tita--" sambit ni Sadie at humawak sa braso ni Tita pero agad na iniwaksi ni Tita ang kamay niya.

"Niloko mo kami. Pinaniwala mo kami sa kasinungalingan mo. I'm so disappointed to you, Sadie," sabi ni Tita Marish.

"Tita, I'm sorry. Mahal ko pa ang anak niyo kaya ko nagawa 'to. Ayokong lumayo siya sa akin kaya ginawa ko ito," umiiyak na sabi ni Sadie.

Agad na dumapo ng mabilis ang palad ni Tita sa pisngi ni Sadie na nagpatagilid sa mukha niya na nakatingin kay Tita.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa amin na mahal mo si Castriel kaya nagawa mo ito? Nahihibang ka na talaga. Dahil sa ginawa mas lalong lalayo sayo ang anak ko. Umalis ka na dito," sabi ni Tita.

"Isang kagaya mong walang kwenta ay hindi na nararapat pang tumira sa mansion na ito. At lalong lalo na't hindi ka nararapat na mapabilang sa pamilyang ito!" galit na sabi ni Tita.

"Halika na, Castriel, Almira," sabi ni Tita at nauna nang maglakad papasok ng gate.

"I'm so disappointed to you, Young Lady," sabi ni Tita bago sumakay sa kotse na pumasok na din sa loob ng gate ng mansion.

Tinulungan ko namang maglakad papasok si Castriel dahil pasuray suray siyang maglakad.

Pagkarating sa mansion ay tinulungan ako ng isang maid na dalin si Castriel sa kwarto namin at agad na inihiga sa kama.

Lumabas na agad ang maid at naiwan ako na nakatingin kay Castriel na natutulog na. Hinawaka ko ang mukha niya bago ko siya hinalikan sa labi.

**********

Isang buwan na ang nakalipas mula nung araw na pinaalis si Sadie sa mansion ng mga Guevarra. Isang buwan na din siyang hindi pumapasok ng school.

Ngayong araw ay graduation day namin ilang minuto na lang ay matatapos na ang graduation ceremony namin.

"May special na sasabihin si Prince Castriel para sa kanyang pinakamamahal na fiancee na si Ms Almira," sabi ng Dean. Sinenyasan ako ng Dean na pumunta sa gitna ng stage, agad naman akong sumunod.

Nakita kong umakyat ng stage si Castriel at may nagbigay sa kanya ng mic. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Mahal, I will always love you. Even in the hard time of our life. We can make it 'till the end if you let me be with you until our last breath. I'm just earning your trust for me. Alam kong hindi ko na kailangan gawin 'to dahil nasabi na nila Mama na engaged na tayong dalawa sa lahat ng tao. Pero gusto kong gawin ito sa mismong harapan mo at marinig ang sagot mo galing mismo sa'yo. But I want to prove my love for you. So..."

Napahinto si Castriel sabay luhod sa harap ko. May kinuha siya na box sa likurang habagi ng damit niya at binuksan yun sa harapan ko. Bumungad sa akin ang napakagandang singing na nasa box. Narinig ko ang mga hiyawan ng mga estudyante na nandito.

"Almira Fate Ferreira, will you be my wife? Will you let me be with you forever? Will you marry me?" tanong niya. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa sinabi niya.

"Yes, I want you to be my husband. I want you to be with me forever. Yes, Castriel Guevarra, I want to marry you," sagot ko. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante ng marinig nila ang sagot ko.

Tumayo si Castriel at isinuot niya sa darili ko ang singsing bago ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa forehead.

"I love you, my future wife," malambing niyang sabi.

"I love you too, my future husband," sagot ko.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa pisngi ko bago niya inilapat ang labi niya sa akin. His lips are gently moving. It's so romantic and passionate, as if we're savoring every second of this kiss. Bawat galaw ng mga labi niya ay parang nasasabi how much he cares for me. Pakiramdam ko rin, secured ako. At ramdam na ramdam ko ang love niya para sa akin.

Pagkalas namin sa halik ay tumingin kami sa isa't-isa at ngumiti.

"CONGRATS, MS ALMIRA AND PRINCE CASTRIEL!!!" sabay sabay na sabi ng lahat ng estudyante na nandito.

**********

"Kailan niyo ba aasikasuhin ang wedding niyo?" tanong ni Tita habang nakatingin sa aming dalawa ni Castriel.

Nandito na kami sa mansion at nasa harap ng hapag.

"Bukas na po namin aasikasuhin, Ma," sagot agad ni Castriel.

"Bakit bukas agad?" tanong ko.

"Syempre, hindi na ako mapakaghintay na maging asawa ka. At gusto ko na matali ka na agad sa akin para mawala ka ng kawala," sabi niya. Agad ko naman siyang pinalo sa braso na ikinatawa niya.

"Sa tingin mo, maghahanap pa ako ng iba kung na nakita ko ang lalaking para sa akin," sabi ko.

"At sino naman yun?" tanong niya.

"First love ko," sagot ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Ano ka ngayon, Kuya?" natatawang asar ni Hannah.

"Shut up, Hannah," sabi ni Castriel at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pinigilan ko ang pagtawa ko habang tinitignan siya. Padabog at ang bilis niya kasi kumain. Narinig ko din ang mahinang tawa nila Tito, Tita at Hannah.

Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang umalis ng walang pasabi.

"Nagtampo ata si Kuya, Ate Almira," sabi ni Hannah.

"Oo nga, eh. Hindi man lang niya tinanong kung sino yung first love ko," umiiling na sabi ko.

"Sino ba ang first love mo, Ate?" tanong ni Hannah. Napatingin naman ako sa kanya bago ngumiti.

"Kuya mo," sagot ko.

Pagkatapos kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto namin ni Castriel dahil alam kong nandoon siya. Tama nga ako, dahil pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga at nakatalikod sa gawi ko.

Lumapit ako sa kama at umupo. Tinignan ko ang mukha niya at nakita kong nakapikit ang mga mata niya.

"Love, huwag ka na magtampo sa akin," sabi ko habang niyugyog siya.

"Tss, hindi mo ba nakikita na natutulog ako. Doon ka sa first love mo," inis niyang sabi.

"Love, ikaw ang first love ko," sabi ko.

Napalingon naman siya sa akin at agad akong siniil ng halik sa labi.

"Buti naman," sabi niya pagkatapos niya akong halikan.

"Bakit kasi nagtampo ka kaagad, hindi mo man lang tinanong kung sino 'yon?" sabi ko sa kanya.

"Wala lang, gusto lang kita masolo dito sa kwarto." sabi niya at hinalikan ulit ako sa labi.

"Tama na ang halik, kanina ka pa," sabi ko.

"Bakit ayaw mo ba?" tanong niya.

"Syempre gusto, basta galing sayo," sabi ko sa kanya at ako naman ang humalik sa kanya.