ALMIRA'S POV
Two month passed since nung muntik ng makunan si Sadie. Last week ay nasagawa na ang paternity testing nila Castriel at nung batang pinagbubuntis ni Sadie. Ilang araw na lang ang hihintayin namin para malaman ang resulta.
Nandito kami ngayon ni Castriel kasama sila Trinity, Chelsea, Maleah, Lorraine, Kyde, Hannah at Sadie sa beach resort na binili ko last year. Ma-eenjoy muna kami dito ng dalawang araw bago ang final exam.
Pagkarating namin sa kwarto namin ni Castriel at nagpalit na ako ng swimwear ko. Paglabas ko ng bathroom ay nahinihintay na pala ako ni Castriel na nakasuot ng summer outfit niya.
"Tara na, nagugutom na talaga ako," sabi niya sabay hawak siya tiyan niya.
"Halika na nga," sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng kwarto namin.
Bumaba na kami at pumunta sa cottage namin kung nasaan ang mga pagkain namin.
Pagkarating namin ay nakita kong kumpleto na sila at kaming dalawa na lang ni Castriel ang hinihintay nila. Umupo si Castriel sa tabi ni Sadie at ako naman ay tumabi kay Castriel, bale nasa gitna namin ni Sadie si Castriel.
Nakita kong hinawakan ni Castriel ang tiyan ni Sadie na medyo ma-umbok na dahil 3 months na siyang buntis.
"Medyo malaki na siya 'no?" nakangiting sabi ni Sadie habang nakatingin sa kamay ni Castriel na nasa tiyan niya.
"Oo nga," sabi ni Castriel. Nakaramdam ako ng inis ng makita kong ngumiti si Castriel kay Sadie.
"Akala ko ba gutom ka?" inis kong sabi. Lumingon naman sa akin si Castriel.
"Oo nga, nagugutom naman talaga ako," sabi niya. Napaiwas ako ng tingin dahil naiinis talaga ako kapag nginingitian niya si Sadie.
May nakita akong isang lalaki na nakatingin sa pwesto namin. Nakapwesto siya sa isa pang cottage at kumakain mag-isa habang nakatingin sa amin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya kay Sadie. Binalik ko ulit yung tingin ko sa lalaki at nandoon pa rin siya.
"Edi kumain kana," mataray kong sabi sa kanya nang hindi tumitingin dahil nakatingin ako sa lalaking kanina pa kami tinitignan.
"Nagseselos ka ba?" bulong niya. Napatingin naman ako kay Castriel.
"Hindi," mabilis kong sagot. Nakita kong ngumisi siya.
"Hindi daw," natatawang sabi niya at umiling iling pa. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos kumain ay naglakad lakad kaming dalawa ni Castriel sa tabing dagat. Mamaya na kami magsi-swimming dahil masyadong tirik ang araw.
Sino kaya yung lalaki na yun? Bakit siya nakatingin kay Sadie?
Winaksi ko na sa isipan ko yung lalaki nakita ko kanina.
SOMEONE'S POV
Kanina ko pa siya tinitignan. Sinundan ko kasi yung van na sinasaktan nila hanggang sa makarating dito sa beach resort.
Nanlaki ang mga mata ko kaninan ng makita ko ang umbok ng tiyan, nakasuot kasi siya ng swimwear at kita ang hubog ng katawan niya. At bigla namang pumasok sa isip ko na tatlong buwan na pala ang lumipas mula nung may nangyari sa amin. Hindi lang namin ginawa yung isang beses ng gabing yun, kundi maraming beses sa isang gabi lang.
Kaya napangiti na lang ako ng mapagtanto ko na possibleng ako ang ama ng batang dinadala niya.
SADIE'S POV
Kinagabihan ay nagkayayaan na magbonfire kami. Nakapalibot kaming lahat sa apoy. Katabi ko si Castriel at nakayakap sa kanya si Almira.
Kanina pa ako hindi mapakali kasi pakiramdam ko palaging may nakatingin sa akin.
"Restroom lang ako," paalam ko at tumayo na pero hinawakan ni Castriel ang kamay ko.
"Samahan na kita," sabi niya. Umiling na lang ako.
"It's okay, Castriel. Sandali lang naman ako," sabi ko at nginitian siya. Pagkabitaw niya ay naglakad na ako papasok sa resort.
Hinde ko pa alam ang daan papuntang restroom kaya pumunta na lamang ako sa kwartong tinutuluyan namin at doon nalang gumamit ng banyo.
Habang papaakyat ako ay nanapansin ko na para bang may sumusunod sa akin kaya tumigil ako saglit at lumingon pero wala akong makitang tao.
Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko, pagkadating ko sa kwarto ay uminom muna ako ng tubig bago ako pumunta ng banyo.
Nagsisimula nakong kabahan at matakot kaya nanatili muna ako dito sa loob ng ilang minuto bago ako lumabas.
Buti na lang paglabas ko ay wala na yung pakiramdam na para bang may nakasunod sa akin palikod.
Pero nagulat na lamang ako nang biglang may humilansa akin at dinala ako sa madilim na lugar. Hinawakan ako nito sa bibig upang hinde ako makasigaw.
Hawak hawak parin ako nito at nagsimula na itong maglakad, huminto naman siya saglit at narinig ko na lang ang pagsarado nang pinto at ang pag lock nito.
Nadadagdagan na ang kaba at takot na nararamdaman ko. Hinde ako makapagsalita dahil nilagay niya ang isang kamay niya sa aking bibig bago niya isinara ang pinto kanina.
Ilang saglit pa ay tinanggal niya na ang kamay niya sa bibig ko at binuksan ang ilaw. Doon bumungad sa akin ang mukha niya.
Hindi maaari, bakit siya nandito?! Paano niya nalaman na nandito ako?! Imposible ito?!
"Gulat na gulat ka bang makita ako, Sadie?" nakangising tanong sa akin ni Louie. Si Louie, ang lalaking kumausap sa akin nung araw na umiiyak ako sa likod ng building.
"Bakit ka nandito?! Anong kailangan mo sa akin!" singhal ko sa kanya. Hindi ko hahayaan na sirain niya ako.
"May gusto lang akong linawin," Sinabi niya yun sa akin nang nakangisi parin pagkatapos ay itinuon niya ang kanyang atensyon sa maliit na umbok nang aking tiyan.
Hindi pwede, hindi niya pwedeng malaman.
"Tumigil ka na Louie! Lubayan mo na ako!" singhal ko muli sa kanya.
"Pakawalan mo na ako, kung hindi ay tatawag ako ng pulis," pagbabanta ko sa kanya. Tila parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko bagkus ay tumawa pa siya ng napakalakas.
"HAHAHAHA, Ako pa pinaglololoko mo, Sadie? Sige, tumawag ka nang pulis para malaman na din ng boyfriend ni Ms Almira ang totoo," puno ng kumpyansa niyang sagot.
"Tumahimik ka, Louie! Bakit ba ayaw mo pa rin akong tantanan!!" galit kong singhal sa kanya. Kinakabahan ako sa kung ano pwedeng mabunyag ngayon, dahil alam kong alam niya kung ano ang pwedeng mangyari sa aming dalawa.
"Hindi naman kita dapat guguluhin pa, Sadie," Nakatingin siya ng diretso sa mata ko habang sinasabi ang katagang yan.
"Pero nang makita ko yang umbok ng tiyan mo, hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ito," sabi niya. Doon na ako mas lalong kinabahan dahil alam niya ang tungkol sa tiyan ko.
"Alam kong sa akin yan Sadie, at hinding hindi ako pwedeng magkamali," sabi niya. Nagsimula nang manubig ang aking mga mata. Natatakot ako, natatakot ako na baka siya lang ang makakasira nang kung anumang connection ko kay Castriel.
"Please Louie, lubayan mo na ako," pagmamakaawa ko. Tumawa naman siya ulit.
"Ang isang gaya mo, hihingi ng awa sa akin ngayon? Ganon mo ba talaga siya kamahal Sadie, para handa kang magmakaawa para sa kanya?" mariing tanong niya. Tumango ako sa kanya bilang sagot.
"Ganito na lang, hahayaan kita sa ngayon pero sa oras na manganak ka. Dapat may karapatan akong makita, mahawakan at iuwi ang batang yan hanggang kailan ko gusto," sabi niya. Tila nabingi naman ako sa sinabi niya. Hindi maaari.
"Mahal naman kita, Sadie, pero sa nakikita ko ngayon malabo ka nang maging akin pa, kaya yung bata na lang sa sinapupunan mo ang mamamahalin ko ng higit pa sayo," dagdag niya pa pero tila wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Dahil hindi niya pwedeng kunin ang anak ko pagsilang nito. Hindi.
Magsasalita pa sana siya nang bigla na lamang lumabas sa bibig ko ang katagang "Hindi." Napatigil naman siya at muling nagsalita.
"Hindi? Ikaw ang bahala, kung gusto mong masira ang pinaghirapan mo. Edi sige," sabi niya. Matapos niyang sabihin yun ay lumakad na siya palabas ng pero nung para buksan niya na ang pinto ay pinigilan ko siya.
"Sandali!" sabi ko. Tumigil naman siya at nilingon ako.
"Ano yun?" maang maangan niyang tanong.
"Payag na ako, basta wag mo lang ilayo sa akin itong bata. Ito na lang ang natitira kong alas para manatili ako sa tabi ni Castriel," naiiyak kong saad. Ngumiti naman siya sa aking ng napakatamis pero hindi ko yun inalintana.
"Mabuti kong ganun, ang usapan ay usapan. Alam mo na din ang mangyayari kapag hindi ka tumupad sa napag-usapan natin," sabi niya. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Pagkasarado na Pagkasarado ng pinto ay napasalampak ako sa sahig.
Biglang nawala ang lakas at kumpyansa ko dahil sa pagpapakita niya sa akin at sa napag-usapan namin. Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi mangyari ang mga iyon.
Inaayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwartong ito. Sinigurado kong walang bakas ng kaba ang makikita sa akin mula ngayon. Nasisigurado ko din na hinahanap na ako ni Castriel sa mga oras na ito kaya minadali ko na lang ang paglalakad.
Pagkarating ko ay umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina. Nakita kong nakatingin sa akin si Almira kaya tumungo na lang ako.