Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 23 - CHAPTER 22

Chapter 23 - CHAPTER 22

ALMIRA'S POV

"Anak," Napahiwalay kami ni Castriel ng marinig namin nagsalita si Tito Harold. May namumuong luha sa mata niya habang nakatingin kay Castriel.

"Anak ko," sabi ni Tito at tuluyan ng bumagsak ang luha niya. Niyakap niya si Castriel at ganun din naman si Castriel.

Tumayo si Tita at lumapit kay Castriel. Agad niyang niyakap ng mahigpit si Castriel at ganun din si Castriel.

Nakita kong tumayo na din si Tita at Hannah sa kinauupuan nila para lumapit at makiyakap sa mag-ama.

Tumingin ako kay Sadie na umiiyak na din habang may ngiti sa labi. Pinunasan niya ang luha niya pero may tumulo parin.

"Namiss ka namin, Anak?" rinig kong sabi ni Tita kaya napatingin ako sa kanila. Hawak ni Tita ang magkabilang pisngi ni Castriel na parang sinusuri ang mukha nito at hinalikan sa noo.

"Namiss ko rin po kayo. Ang saya ko po ngayon dahil makakasama ko na ang tunay kong pamilya," nakangiting sabi ni Castriel kahit may luha sa kanyang mga mata.

"Finally, nameet na kita, Kuya. I miss you and I love you," sabi ni Hannah at yumakap din kay Castriel.

"I love you too, Lil Sis," sabi ni Castriel.

"Almira, salamat dahil ipinakita mo sa akin ang kwintas ni Castriel. Ikaw ang dahilan kung bakit makakasama na namin ngayon ang anak namin," sabi ni Tita at niyakap ako.

"Wala po iyon, Tita. Gusto ko na din pong mahanap ang tunay na pamilya ng lalaking mahal ko. Pinahanga niya po ako, Tita. Sinabi niya sa akin na pagbubutihan niya ang pag-aaral niya para kapag nahanap niya daw po kayo ay maging proud kayo sa kanya. Hindi niya po ako bingo dun at yun ang minahal ko sa kanya," sabi ko kay Tita. Ngumiti naman siya at tumango.

"Let's eat na, lumalamig na ang pagkain," sabi ni Tito Harold.

Tahimik na nagsimula kaming kumain pero makikitaan ang malapad na ngiti sa labi nila Tito Harold, Tita Marish at Hannah habang kumakain.

"Anyway, prepare yourself in Sunday, Son. We'll celebrate our company's anniversary. And we will introduce you as the heir of the Guevarra Group of Companies," sabi ni Tito.

"Yes, Papa," sagot ni Castriel.

Bumaling naman ng tingin si Tito sa aming dalawa ni Sadie.

"Kasama din kayo sa party, Young Ladies," sabi ni Tito sa aming dalawa ni Sadie.

"Anyway Hon, Sadie is pregnant with Castriel's child," sabi ni Tita sa asawa niya.

"I have a grandchild na pala sa'yo, Sadie. Kailangan mo ng alagaan ng mabuti ang sarili mo at kumain ka din ng masustansyang pagkain para maging healthy ang apo ko," nakangiti ni Tito.

Napayuko naman ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa puso ko ng marinig iyon sa ama ng lalaking mahal ko. Ang sakit naakita siyang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito.

Bigla naman akong Napatigil ng marinig kong nagring ang cellphone ko. Kinuha ko naman at tinignan kung sino ang tumatawag.

Lorraine calling...

Nagpaalam ako kanila Tito na sasagutin ko ang tawag kaya tumayo na ako at labas ng dining area.

"Lorraine?" bungad ko pagsagot ng tawag.

(Ano ang resulta ng DNA test? Positive ba?)

"Yes, the result is positive."

(OMG! Isang Guevarra pala si Castriel. Hindi ko inakala na sobrang yaman pala ng tunay na pamilya niya.)

"Kahit naman ako ay hindi din makapaniwala," maikling sagot ko.

(Sige na, bye. Nakibalita lang ako,) sabi niya at inend na ang call.

Lumabas na ako ng mansion at pumunta sa malawak na garden. Umupo ako sa metal chair dito sa garden at isinandal ko ang ulo ko sa bakal na sa dalan ng upuan at tumingin sa malawak na kalangitan.

Biglang pumasok sa isip ko na baka ipakasal ni Tito si Castriel kay Sadie dahil sa buntis si Sadie. Huwag naman sa ang mangyari dahil hindi ko kayang makita na ikasal sa iba ang lalaking mahal ko.

Isang malalim na bunting hininga ang pinaka walang ko habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

"Bakit ba ang dami kong problema ngayon? Akala ko magiging masaya na ako oras na mahanap na namin ang magulang niya pero may isa pa pala akong problema? At iyon ay baka maikasal siya sa iba? Hindi na ba ako lulubayan ng problema, puro sakit na lang ba?" parang tangang sabi ko habang nakatingin sa buwan.

"Bakit nandito ka, Mahal?" rinig kong tanong ni Castriel mula sa likod ko kaya napaayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Umupo siya sa katabi kong upuan.

"Wala, may iniisip lang ako," sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Narinig ko lahat ng sinabi mo kanina, Mahal. Sa tingin mo ba ay ipapakasal nila ako kay Sadie dahil may anak kami?" tanong niya.

"Hindi ko alam, Love. Wala sa akin ang desisyon kundi sa magulang mo. Iniisip ko palang na ikakasal ka sa kanya ay nasasaktan na ako, paano pa kaya kung totohanan na? Hindi ko kaya kapag nangyari yun, Love," naluluhang sabi ko.

"Shhh, wag mo na lang isipin yun, Mahal. Kung mangyari man yun ay ikaw ang pipiliin ko kasi ikaw ang mahal ko," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Mahal na mahal kita, Love," sabi ko.

"Mahal na mahal din kita, Mahal," sabi niya bago niya hagkan ang labi ko. Hinalikan ko din siya pabalik.

Pareho kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang labi namin. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya sa akin.

"Pasok na tayo sa loob, Mahal," aya niya paghiwalay namin sa yakap. Tumango naman ako.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na para bang ayaw na niyang bitawan bago kami pumasok sa loob.

"Nakahanda na ang kwarto niyo sa itaas. Si Sadie ay nagpapahinga na sa kwarto niya. Gusto niyo na din bang magpahinga?" tanong ni Tita pagpasok namin.

"Tita, pwede bang tabi na lang kami ni Castriel? Don't worry Tita, wala po kaming milagro na gagawin ni Castriel," natatawang sabi ko.

"Okay, sige. Magkarelasyon naman kayong dalawa kaya walang kaso yun sa akin," sabi ni Tita.

"Salamat, Mama," nakangiting sabi ni Castriel.

"Hatid ko na kayo sa kwarto niya para makapagpahinga na kayo. May pasok pa kayo bukas," sabi ni Tita kaya tumango naman kaming ni Castriel.

Nauna siya sa aming maglakad paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Castriel.

Pagkarating dun ay agad niya kaming pinapasok. Bumungad sa amin ang malawak at malaking kwarto. Ang ganda na ng pagkakayos ng mga gamit at may malaking kama na kasya ang limang tao.

"Pwede kang mag-stay dito sa mansion, Almira. Alam ko ang nangyari sa parents mo kaya mag-isa ka na lang ngayon, diba?" sabi ni Tita.

"Talaga, Tita?" hindi makapaniwalang sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko.

"Yes, I want you to be my daughter in law, Almira. Gusto ko na ikaw ang makasama ng anak ko habang buhay. I want you to marry my son," nakangiting sabi ni Tita. Napangiti naman ako sa sinabi ni Tita.

"Ganun din po ako, Tita. Gusto kong makasama habang buhay si Castriel," sabi ko.

"Good to hear that. Sige na, magpahinga na kayong dalawa." sabi ni Tita.

Niyakap niya muna kami ni Castriel bago siya lumabas ng kwarto.

"Wala ka ng dapat problemahin dahil si Mama na ang nagsabi na ikaw ang gusto niyang maging asawa ko," nakangiting sabi ni Castriel sabay higa sa kama.

Lumapit naman ako sa kanya at humiga na din sa kama. Inunanan ko ang braso niya at yumakap sa kanya.

"Oo na po, Prince Castriel," sabi ko.

"Huwag mo akong tawaging Prince, Mahal," sabi niya.

"At bakit naman? Yun na ang itatawag sayo ng ibang tao kapag naipakilala ka na ni Tita sa publiko," sabi ko.

"Sabagay," tanging sabi niya.

"Nga pala, bukas ang check-up ni Sadie sa OB niya, diba?" paalala ko sa kanya.

"Oo nga," sagot niya.

"Samahan mo siya bukas," sabi ko.

"Hindi ko na siya kailangang samahan, kaya na niya ang sarili niya," saad niya. Napabangon naman ako sa sinabi niya at tumingin sa mga mata niya.

"Kailangan mo siyang samahan dahil ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya," sabi ko.

"Sige na nga, sasamahan ko na siya," sabi niya at hinila ako pahiga.

"Good night, Mahal," sabi niya.

"Good night, Love. Sleep well," sabi ko bago ko ipikit ang mata ko.

"Sleep well din, Mahal," rinig kong sabi niya at naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko.

KINABUKASAN...

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na kami ni Castriel ng kwarto.

"Mahal, sure ka ba na ayaw mong magpahatid sa akin?" tanong niya habang pababa kami ng hagdan. Ang kulit talaga ng lalaking to.

Kanina ka kami nagbabangayan dahil ihahatid niya daw ako sa university pero sinabi kong huwag na. Tapos ito na naman siya nagtatanong.

"Oo nga sabi, parang bata lang, Love. Ang kulit mo eh, hindi ka makuha sa isang sagot lang," inis kong sabi sa kanya.

"Wag ka ng magalit, Mahal ko. Ngayon na lang kasi tayo hindi magsasabay na pumasok simula ng makaalala ako," sabi niya sabay akbay sa akin.

"Tss. Kulit mo kasi, eh," sabi ko pagpasok namin ng dining area.

"Good morning po," sabay na bati namin ni Castriel.

"Good morning, Son," nakangiting bati ni Tito Harold.

Napatingin naman ako kay Sadie na katabi ko lang at kanina pa kumakain. Napangiwi ako ng makita ko yung kinakain niya. Ang weird.

Kumakain kasi siya ng hatdog tapos isinasawsaw niya sa toyo na may calamansi. Ang weird lang diba?

"Ano ba yang kinakain mo, Sadie? Hindi yan healthy for the baby," sabi ko sa kanya.

"Bakit ba? Eh, sa ito ang gusto kong kainin, eh," masungit niyang sabi at pinagpatuloy na ang pagkain ng kinakain niya. Napailing na lang ako at kumain na lang din.

"Castriel, sasamahan mo ba ako sa check up ko ngayon?" tanong ni Sadie kay Castriel na kumakain na din at na tigilan ng tanungin siya ni Sadie.

"Oo, naman," sagot niya. Tumingin siya sa akin at pinalisikan ko lang siya ng mata.

Pagkatapos kumain ay nauna na akong umalis kanila Castriel at pumasok na sa university.

CASTRIEL'S POV

Pagkarating namin sa dito sa hospital ay pumunta kami sa clinic ng Ob-Gyne doctor niya.

"Good morning, Ms Alves," bati ng doctor kay Sadie pagpasok namin ng clinic. Tinignan ko ang buong clinic at puro pregnancy poster ng nakita ko.

"Good morning din, Dra Cajez," bati din ni Sadie at umupo siya sa upuan na nasa harap ng desk ng doctora. Umupo naman ako sa ka tapat na upuan ni Sadie.

"Sino naman ang lalaking kasama mo, Ms Alves? Boyfriend? Husband?" tanong nung doctora.

"Hindi niya ako boyfriend at lalong hindi ko siya asawa," sabat ko.

"He's the father of my baby, Doc," sabi ni Sadie.

"So, ready ka na magpa-ultrasound?" tanong ni Dra Cajez. Tumango naman si Sadie.

Tumayo si Dra Cajez at ganun din kami ni Sadie. Pinahiga si Sadie sa hospital bed dito sa clinic. Pinataas ni Doc ang damit ni Sadie.

"Ms Alves, this is gonna be a big cold. Okay?" sabi ni Doc. Tumango naman si Sadie bago siya pahiran ng gel sa tummy niya at pinaikot ang probe.

Sabay kaming napatingin sa screen na nasa uluhan ni Sadie.

"Doc, kamusta?" tanong ko.

"Magiging parents na nga kayo," Ngumiti si Doc at may itinuro siya na maliit na bilog sa screen. "Can you see that?" Tumango naman kami ni Sadie. "Yan ang baby niyo," sabi ni Doc.

Hindi maalis ang tingin ko sa screen. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko habang nakatingin sa screen. Wala akong maramdamang saya at tuwa habang nakatingin sa screen.

Marami kasi akong napanood sa TV na palaging masaya at sobrang tuwa ang nararamdaman ng lalaki kapag pumupunta sila nung babae sa Ob-Gyne para maga-ultrasound tapos kusang ngingiti ang lalaki at naluluha pa.

Pero bakit sa akin hindi, wala akong maramdamang saya at tuwa ng makita ko sa screen ang anak ko kay Sadie. Siguro ay hindi pa talaga ako handa maging isang magulang kaya ganto ang nararamdaman ko.

"Doc? Okay lang ba ang baby namin? Malusog po ba?" sunod sunod na tanong ni Sadie. Napatango naman si Dra Cajez.

"Nasa sa size ng baby ay nasa 5 weeks na siya. I can see na healthy siya pero hindi ibig sabihin non ay okay na ah? Kailangang alagaan ang sarili at kumain ng masustansya para mas lalong maging healthy ang bata. I can see na maganda din ang tibok ng puso niya. Gusto niyong marinig?" mahabang lintanya ni Doc.

Tumango naman kami ni Sadie at hindi nagtagal ay may narinig kaming tunog. Tumingin sa akin si Sadie.

"Castriel, narinig mo yun? Yan ang heartbeat ng baby natin?" tanong niya. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.

Iba talaga ang pakiramdam ko sa pinagbubuntis ni Sadie. Pakiramdam ko hindi ako ang ama ng batang pinagbubuntis niya.