Chereads / My Crown Prince Boyfriend / Chapter 22 - CHAPTER 21

Chapter 22 - CHAPTER 21

ALMIRA'S POV

"May anak po kayong lalaki?" gulat kong tanong.

"Yes, meron. Sayo ko lang sasabihin ang tungkol sa anak ko. May anak kami ni Harold na lalaki, Mickyle ang pangalan niya. Lahat ng information na tungkol sa kanya ay nakaprivate. Marami kaming kaaway sa negosyo at ayaw namin ni Harold na mapahamak si Mickyle kaya tinago namin siya sa publiko. Si Hannah lang ang pinalabas na anak namin. Pero hindi ko inaasahang na mawawala si Mickyle sa park kung saan kami namamasyal, buntis ako noon kay Hannah ng mawala si Mickyle."

"Sobrang sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya dahil sa pagsisi ko sa sarili ay muntik na akong makunan. Sobra akong nangulila sa anak ko, pero hindi pumasok sa isip ko na baka... baka patay na siya. Pero sa puso ko, ramdam kong buhay siya. 20 years kung pinanghawakan na buhay siya at balang araw ay magtatagpo ang landas namin," mahabang kwento niya habang nakatingin sa akin. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanya.

"Kaya pala, walang makuha ng ibang information ang nakuha kung private investigator para mahanap ang magulang ng boyfriend ko. Dahil may nakatagong information," biglang sabi ko.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

"Ms Ferreira, nang ipakita mo sa akin itong kwintas, ito yung suot niya bago siya nawala. Sobrang bilis ng puso ko ng makita ko ito at meron sa akin na masaya dahil tinagal tagal ng panahon ay makikita ko na ang matagal ko ng nawalay na anak," nakangiting sabi niya.

"Ms Ferreira, sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha itong kwintas? Gusto kong makita ang anak ko?" tanong niya.

"Yang kwintas na yan ay nakuha ko galing adopted parents ng boyfriend ko. Suot daw yan ng boyfriend ko ng makita siya ng umampon sa kanya 20 years ago," sagot ko. Kita ko sa mga mata niya na nagkaroon siya ng pag-asa sa sinabi ko.

"Nasaan ang boyfriend mo ngayon? Pwede ko ba siyang makita?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Tara po, nasa opisina ko po siya ngayon," sagot ko at tumayo na.

Lumabas na kami ng board room. Habang naglalakad kami papuntang office ay naririnig ko ang malalalim na buntong hininga ni Queen Marishcottie.

Pagkarating namin sa tapat ng pinto ng opisina ko ay tumingin muna ako ng nagtatanong kay Queen Marishcottie. Tumango naman siya.

Pinihit ko ang doorknob kasabay ng paglingon nila Castriel gawi namin.

QUEEN MARISHCOTTIE GUEVARRA'S POV

Pagbukas niya ang pinto ay naramdam ako ang pag bilis ng puso ng lumingon sa gawi namin ni Ms Ferreira ang isang babae at lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa lalaki na kamukhang kamukha ni Harold. Nagblur na din ang paningin ko habang nakatingin sa kanya at naramdaman kong tuluyan ng pumatak ang luha ko.

Siya na ba? Siya na ba ang matagal ng nawawala na anak namin ni Harold? Siya na ba si Mickyle?

Tumayo ang lalaki. Hindi ko mapigilan ang sarili ko ay naglakad ako papalapit sa kanya at agad siyang niyakap. Ramdam ko ang pagkagulat sa katawan.

"Anak? Mickyle, anak ko," umiiyak kong sabi habang yakap siya.

CASTRIEL'S POV

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba, saya at pangungulila ng makita ko ang kasama ni Almira na mayaman babae. Base sa suot niya ay mukha siyang mayaman at kasing edad niya si Mama.

Tumayo ako para lapitan si Almira ng lumapit sa akin ang mayamang babae. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap agad.

"Anak? Mickyle, anak ko," umiiyak niya sabi habang nakayakap sa akin.

Tinawag niya akong anak niya?

Hindi ko na pigilan ang sarili ko nayakapin din siya. Naramdaman ko ang yakap ng tunay na si anak niya habang magkayakap kami. Tumulo na rin ang luha ko dahil sa hindi mapaliwanag na saya.

Pagkahiwalay namin sa yakap ay hinawakan niya ang magkabilang mukha ko sabay ngiti.

"Kamukhang kamukha mo talaga ang Daddy mo," nakangiting sabi niya.

"Sino po ba kayo? Bakit niyo ko tinawag na anak?" naguguluhang tanong ko.

"Okay, I introduce myself to you. I'm Queen Marishcottie Guevarra, King Harold Guevarra's wife," sabi niya.

"Bakit niyo po akong tinawag na anak niyo? Wala naman kayong anak na lalaki kaya impossibleng ako ang anak niyo," sabi ko. Umiling-iling siya.

"Meron akong anak na lalaki. Tinago namin ang tungkol sa kanya dahil baka mapahamak siya kapag nalaman ng mga kala an namin sa negosyo. 3 years old siya nung mawala siya. 20 years kaming nangulila sa kanya. Ngayon ay may possibilidad na ikaw ang nawawala kong anak," sabi niya.

"Yeah, tama si Queen Marishcottie, Love. May possibilidad na ikaw ang nawawalang tagapagmana ng Guevarra clan," sabi ni Almira. Napatingin ako sa kanya.

"Mapapatunayan lang yun kung papa-DNA Test kayo ni Queen Marishcottie, para malaman natin kung ikaw sila ba ang tunay mong mga magulang, Love," sabi pa ni Almira.

"Sige, payag ako magpa-DNA test. Basta kapag ako nga ang anak niyo ay hindi na palatine ang pangalan ko. Nakasanayan ko na yun ang pangalan ko," sabi ko.

"Sige, ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Queen Marishcottie.

"Castriel po," sagot ko.

"Castriel? Castriel Guevarra? Maganda sa pandinig ang pangalan mo lalo na kapag dinugtong ang Guevarra," nakangiti niyang saad. Ngumiti naman ako.

"Anyway, gusto ko ngayon na tayo magpa-DNA test para malaman natin agad ang resulta. Sabik na sabik na akong makasama ulit ang anak ko," sabi niya.

"Sige po," sagot ko.

ALMIRA'S POV

Nakatingin lang ako kay Queen Marishcottie at Castriel habang nag-uusap sila.

Bigla siyang napatingin kay Sadie na nakahawak sa ma-impis niyang tiyan.

"Hey, Young Lady, are you okay? Kanina ko pa napapansin na nakahawak ka dyan sa tiyan?" tanong ni Queen.

"I'm okay po," sabi ni Sadie.

"Bakit ka nakahawak sa tiyan mo, kung okay ka lang naman pala?"

"Because I'm pregnant with Castriel's child," sagot ni Sadie.

"Oh, really? Anong pangalan mo?" tanong niya pa kay Sadie.

"I'm Sadie po," magaling na sabi ni Sadie.

"Mag-ingat ka, Sadie. Baka isang Guevarra ang dinadala mo," sabi ni Queen.

**********

Nakasunod kami sa sasakyan ni Queen na nasa harapan namin. Papunta kami sa hospital na pag-aari ng mga Guevarra.

Pagkahinto ng kotse ay huminto na din si Castriel sa pagmamaneho. Lumabas na kami ng kotse at lumapit kay Queen.

"Let's go," sabi ni Queen at naunang maglakad sa amin.

Sumunod naman kami sa kanya. Naramdaman kong hinawakan may humwaka sa kamay ko kaya napalingon ako, si Castriel. Pinisil pisil niya yun.

"Kinakabahan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, eh. Paano kung hindi ako ang nawawala nilang anak?" tanong niya.

"Ano ka ba? Magpapa-DNA palang kayo ngayon, hindi pa agad lalabas ang resulta non," sabi ko. Tumango naman siya.

Nang makarating kami sa opisina ng doctor na kukuha ng DNA nila Castriel at Queen ay agad binati ng doctor si Queen.

"Queen Marishcottie, nice to meet you again," sabi nung doctor.

"Nice too meet you too, Dr Javier," sabi ni Queen at nakipagkamay kay Dr Javier.

"This is Dr George Javier, siya ang personal doctor ng Guevarra clan," pakilala ni Queen sa doctor.

Napatingin naman si Dr Javier sa akin. Napangiti iyo ng malapad sa akin. Nginitian ko siya.

"Upo muna kayo," sabi ni Dr Javier. Umupo kami sa upuan na nasa tabi ng desk niya.

"Queen Marishcottie, ano po bang maipaglilikod ko sa inyo?" tanong ni Dr Javier.

"Gusto kong ikaw ang kumuha ng DNA namin ni Castriel," sabi ni Queen bago tumingin kay Castriel.

"Sige, kunin ko lang ang gamit ko sa laboratory," sabi ni Dr Javier at umalis.

Ilang saglit lang ay bumalik na siya dala ang gagamitin niya. Una niyang kinuhaan ng saliva sample si Queen at nilagay niya yun sa isang tube. Sunod naman si Castriel at nilagay niya yun sa isang tube.

"Okay na. Next week ang labas ng resulta kaya sa mansion ng mga Guevarra ko na lang ipapadala ang result," sabi ni Dr Javier.

"Thank you," sabi ni Queen bago nakipagkamay sa doctor. Tumango naman ang doctor.

Lumabas na kami ng opisina ni Dr Javier at pumunta ng lobby.

"Salamat dahil pumayag ka," sabi ni Queen kay Castriel.

"Wala po yun. Gusto ko na din pong makita ang tunay kong pamilya," sagot ni Castriel.

"So, paano mauna na ako sa inyo? See you next week, Castriel. Hindi na ako makapag-intay na malaman ang resulta," sabi ni Queen.

"Sige po," sagot ni Castriel bago sumakay si Queen sa sasakyan niyo.

"Nga pala, kailangan ang check up mo sa OB, Sadie?" tanong ko kay Sadie na kanina pa tahimik.

"Next month pa naman," sagot niya. Tumango na lang ako at sumakay na kami sa kotse.

THIRD PERSON'S POV

Nakangiti si Queen Marishcottie habang kumakain ng dinner nila kasabay niyang kumain ang asawa niya si King Harold at ang anak niya babae na si Princess Hannah.

"Honey, bakit hindi matanggal ang ngiti sa mga labi mo, kanina ko pa yan napapansin?" tanong ng kanya asawa.

"Masaya lang ako ngayong araw dahil malapit na natin makita si Mickyle," sabi niya.

"Si Kuya Mickyle po, Mom? Nakita niyo na po siya?" tanong ng kanya anak na babae.

"Oo, nakita ko na siya. Girlfriend niya si Ms Ferreira," sagot niya.

"Nagpakuha na din kaming dalawa ng DNA sample kanina at next week ang labas ng resulta," nakangiti niya sabi.

"Good to hear that. Isang magandang regalo sa atin yan dahil nalalapit na ang anniversary ng kumpanya," saad ng kanyang asawa.

"Excited na akong makita si Kuya Mickyle," sabi ni Princess Hannah na halata sa mukha niya excited talaga siyang makita ang nawalay niyang Kuya dahil bigla siyang ginanahan.

ALMIRA'S POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung magpa-DNA Test sila Castriel at Queen Mariscottie. Halos isang linggo na ding palaging tinatanong ni Castriel na baka hindi siya ang nawawalang anak nila King Harold.

Lumabas na kami ni Sadie ng classroom at nakitang hinihintay kami ni Castriel sa labas.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko kay Castriel ng makalapit siya sa amin.

"Hindi, kakarating ko lang din," sagit niya. Tumango naman ako.

Pagkarating sa gate ng campus ay may nakita kaming sasakyan na nakapark sa harap ng gate. Bodyguard ni Queen Marishcottie dahil nakilala ko ang isa.

Lumapit ang isang bodyguard sa amin.

"Ms Ferreira, Sir Castriel, pinapasundo po kayo ni Queen Marishcottie para pumunta sa mansion dahil lumabas na daw po ang DNA result, pati din ko ikaw, Ms Sadie," magaling na sabi nung bodyguard.

Tumango naman kami at pinagbuksan kami ng pinto kaya pumasok na kami.

Mahigit kalahating oras ang naging byahe namin dahil na traffic kami. Alam niyo naman sa pilipinas, hindi mawawala yan.

Sa wakas ay nakarating na kami sa mala-palasyong mansion ng mga Guevarra. Bumaba na kami ng sasakyan at bumungad sa amin ang kagandahan ng labas ng mansion.

"Ang ganda. Mansion ba talaga to o palasyo?" manghang sabi ni Sadie.

Pumasok na kami sa loob at bumungad ang magagarbo at mamahalin gamit na nakadisplay sa living room. Kung maganda ang labas ng mansion ay mas maganda ang loob dahil may chandelier na nakasabit sa gitna.

Tama si Sadie, dahil hindi mo matatawag na mansion ito dahil sa ganda at laki, isa itong palasyo na kumikinang dahil sa mga gintong kagamitan.

"Good evening, Young Ladies and Young Master. Welcome to Guevarra Mansion," Sabay sabay na bati ng mga maids na nakahilera pagpasok namin. Yumuko pa sila pagkatapos nila kaming batiin.

"Ms Ferreira, nandito na pala kayo," sabi ni Queen na kakalapit lang sa akin.

"Almira na lang po ang itawag niyo sa akin," sabi kay Queen.

"Okay, sige. Tito at Tita na lang din ang itawag mo sa amin ni Harold," nakangiting sabi ni Tita.

"Sige po, Tita," nakangiting sagot ko.

"Ikaw din, Sadie," baling niya kay Sadie na busy sa pagtingin tingin sa mga mamahalin gamit.

"Yes, Tita," sagot niya.

"OMG! Ms Almira, is that you?" tiling tanong ni Princess Hannah ng makalapit siya. Ang ganda niya talaga.

"Yes, Princess Hannah," sabi ko.

"Huwag mo na akong tawagin na Princess, Hannah na lang. At Ate Almira na lang ang itatawag ko sayo," nakangiting sabi niya.

"Sure, Hannah," sabi ko.

"Pwedeng payakap?" tanong niya.

"Sure," sabi ko at niyakap niya ako.

"Ang ganda mo po, Ate Almira. Palagi po kitang nakikita sa magazines," magalang niya sabi.

"Marish, Hannah, the dinner is ready," rinig kong sabi ni Tito Harold.

"Oh, hindi ko alam na may mga bisita pala tayo," sabi pa ni Tito Harold.

Napatingin siya kay Castriel na nakatingin din sa kanya. Magkamukhang magkamukhang nga sila.

"Let's go, baka lumamig ang pagkain," sabi ni Tito Harold habang nakatingin pa rin kay Castriel bago siya tumalikod.

Sumunid naman kami sa kaniya papuntang dining room. Umupo siya sa gitna ng dining table. Tumabi sa kanya si Tita sa may kanan niya at katabi naman ni Tita si Hannah. Sa kaliwang tabi naman ni Tito ay umupo si Castriel at katabi ko siya at katabi ko sa kabilang gilid ko si Sadie.

"Bago tayo kumain ng dinner ay gusto ko munang malaman ang resulta," sabi ni Tita.

"Almira, pwede bang ikaw ang magsabi sa amin ng resulta?" tanong niya.

"Sure po," sagot ko.

Ngumiti siya sa akin bago niya ibigay sa akin ang brown envelope na may pangalan ng hospital.

Binuksan ko na yun at nilabas ang laman. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano ang resulta ng DNA test nila ni Castriel.

"Almira, anong resulta?" tanong ni Tita. Tumingin ako sa kang. Halata ang kaba sa mukha niya dahil sa butil ng pawis sa noo niya. Kita ko yun kahit magkalayo kami.

"The DNA result is..." Pinatitigan ko silang lahat bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Is 99.9%. The result is positive," pagpapatuloy ko.

Tumingin ako kay Castriel at bigla siyang niyakap.

"Congratulations, isa kang Guevarra, Love. Ikaw ang matagal ng nawawalang anak nila," sabi ko. Niyakap niya din ako ng mahigpit.

Finally, nahanap na namin ang tunay niyang pamilya. Sobrang saya ko para sa lalaking mahal ko.