ALMIRA'S POV
Pagkatapos naming madaanan ang condo ni Sadie para kunin ang mga damit niya ay pumunta muna kaming pharmacy para bilhan ng vitamins ni Sadie.
"Ikaw na lang ang bumili niyan," sabi ko kay Castriel sabay abot sa kanya nung papel na binigay nung nurse. Nasa tapat na kami ng pharmacy ngayon.
"Sige," sabi niya at lumabas na siya ng kotse.
*KRING KRING KRING*
Agad kong kinuha ang phone ko nang marinig ko itong nagring.
Lorraine calling...
"Hello? Napatawag ka?" tanong ko pagkasagot ko.
(Updated for your schedule. You have an important meeting tomorrow with board members and Queen Marishcottie Guevarra.)
"Wait. What? Meeting with Queen Marishcottie? Tomorrow?" gulat kong tanong.
(Yes, gusto daw niyang makita kung gaano ka kagaling sa business.)
"Oh My Gosh! Lorraine. Makakasama ko talaga sa isang meeting ang asawa ni King Harold," hindi makapaniwalang sabi ko.
(Yeah, para namang hindi mo pa nakikita ang mga Guevarra niyan. Actually, nagbigay sila ng share sa atin na halos kalahati ng kumpanya.)
"Oh My Gosh! As in half of our company?"
(Yes, kaya kailangan mong pumunta bukas.)
"Pumunta ka sa mansion ngayon, kailangan natin pag-usapan ang pagme-meetingan bukas," sabi ko sa kanya.
(Nandito na po ako sa mansion.)
"Hintayin mo ako dyan," sabi ko at pinatay na ang tawag. Tinago ko na ang cellphone ko.
"Mukhang hindi ka makakapasok bukas ha," rinig kong sabi ni Sadie sa likod.
"Ganon na nga. Kailangan kong pumunta sa important meeting ko tomorrow. Kundi ay aalisin ng mga Guevarra ang share na invest nila sa company," sagot ko sa kanya.
"Isa ka ng CEO pero bakit nag-aaral ka pa din?" tanong ni Sadie. Humarap ako sa kanya.
"Hindi kapag may alam ka," sabi ko at umayos na sa pagkakaupo.
"Sabagay," sabi niya na lang.
Napatingin ako kay Castriel na kakapasok palang sa kotse at may dala siyang plastic. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago niya paandarin ang sasakyan.
"Love, pwede mo ba akong samahan bukas?" tanong ko.
"Pwede naman, saan ba?" tanong niya habang nakatingin sa daan.
"Sa company. May important meeting ako kasama ang mga board members pati na rin si Queen Marishcottie Guevarra," sagot ko.
"Sure, samahan kita," sabi niya.
"Thank you," sabi ko sa kanya.
"Pwede din ba akong sumama sa kumpanya mo, Almira?" rinig kong tanong ni Sadie.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa rear view mirror para makita siya sa likod.
"Gusto kong makita ang kumpanya ng mga magulang mo," sagot niya.
"Sige," sabi ko.
Pagkarating sa mansion ay nakita kong nakaupo si Lorraine sa sofa ng living room habang may inayos na papers.
"Good evening, Senorita, Sir Castriel," bati nung mga maid at bodyguard.
"Kyde, kunin mo ang mga maleta ni Sadie sa kotse ni Castriel at dalin mo sa guest room," utos ko. Tumango naman siya at lumabas ng mansion.
"Hey Almira, nandito na ang ilan sa mga documents na kailan mong pirmahan dahil kailan na ito bukas kaya dinala ko na," sabi ni Lorraine habang lumalapit sa akin dala ang mga documents.
"Hi Castriel," bati niya kay Castriel na mapatingin siya dito.
"Hello Lorraine," nakangiting bati ni Castriel. Biglang napatingin si Lorraine sa likod ni Castriel kung nasaan si Sadie at nililibot nito ng tingin ang buong mansion.
Lumapit sa akin si Lorraine.
"Bakit nandito yang ex ni Castriel?" bulong ni Lorraine.
"Just shut up your mouth, Lorraine," mahinang sabi ko.
"Senorita, nakahanda na po ang dinner niya," sabi nung maid na kakagaling lang ng dining room.
"Almira, siya ba ang Mommy mo?" rinig kong tanong ni Sadie kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa malaking portrait nila Mom and Dad na nakalagay malapit sa hagdan.
"Yes, siya ang Mommy ko. Bakit?" tanong ko.
"Wala, kamukha niya kasi ang Mommy ko. Siguro nga tama yung sabi nila na maraming tao ang magkakamukha," sabi ni Sadie.
Binalewala ko na lang ang sinabi niya at pumunta ng dining area. Umupo ako sa gitnang bahagi ng dining table, katabi ko sa kanan si Castriel at katabi niya si Sadie, sa kaliwa naman ay si Lorraine.
Nagsimula na kaming kumain ng mapatingin kami kay Sadie ng marinig namin siyang naduduwal. Tumayo siya at pumunta sa kitchen sink at sumuka.
Napatayo naman si Castriel at nilapitan si Sadie. Hinagod ni Castriel ang likod ni Sadie. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at pinagpatuloy na ang pagkain.
"Anong nangyari kay Sadie? May sakit ba siya?" tanong ni Lorraine napatingin ako sa kanya at nakita ko ang paglaki ng mata niya na parang may narealize. "Don't tell me--"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Yes, she's pregnant with Castriel's child. Yun din ang rason kung bakit siya nandito sa mansion," sabi ko at tumingin sa kanya.
"So hindi ka nagalit kay Castriel dahil sa may nangyari sa kanila ni Sadie at nagbunga pa?" tanong niya.
"Hindi ako magagalit sa kanya. In-explain naman niya sa akin na lasing sila nung nangyari yun," sabi ko.
"Sabagay. Wala din namang magagawa ang galit dahil nandyan na yan," sabi ni Lorraine at pinagpatuloy na niya ang pagkain.
Dumating na din sila Castriel at Sadie.
"Are you okay?" tanong ko kay Sadie.
"I'm okay, hindi ko lang gusto ang amoy nitong adobo. Ang baho kaya naduwal ako," sabi niya. Napatingo naman ako.
"Ate, pakitanggal nga ang adobo," utos ko sa isang maid na agad din namang sinunod.
"Kumain ka na at para makapagpahinga ka na din," sabi ni Castriel. Tumango naman si Sadie at kumuha na ng pagkain niya.
Pagkatapos kumain ay pumunta na kami ni Lorraine sa study room para doon mag-usap about sa meeting bukas.
Hindi naman nagtagal dito si Lorraine dahil pagkatapos niya sabihin sa akin ang mga dapat kong gawin ay nagpaalam na siyang umuwi.
Napatingin akosa orasan na nakapatong sa study table, exact 10 pm na. Halos dalawa't kalahati g oras na pala akong nandito sa study room. Hindi ko namatayan ang oras dahil sa tutok ako sa pagbabasa at pirma ng mga proposal sa iba't ibang kumpanya ang ginawa ko dito.
Napahawak ako sa sentido ko dahil sumasakit na ang ulo ko. Niligpit ko na sa isang tabi ang mga papeles at tumayo na tapos na din naman ako.
Hahawakaan ko na sana ang doorknob ng biglang bumukas ang pinto at bumangga ako sa matigas na katawan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang gwapong mukha ng boyfriend ko.
"Mahal, tapos mo na ba ang ginagawa mo?" tanong ni Castriel.
"Yes, tapos na," sagot ko at labas na kami ng study room.
Pumunta kami sa kwarto ko at agad humiga. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap.
"Saan ka matutulog dito o sa kwarto mo?" tanong ko.
"Dito na lang. Gusto kitang katabi at kayakap sa pagtulog," sagot niya.
"Sige, alam ko namang may respeto ka sa akin kaya hindi mo yun gagawin hangga't hindi pa tayo kasal," sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka ba na ako ang papakasalan mo?" tanong niya.
"Oo naman, ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw ang gusto ko makasama habang buhay," sabi ko.
"Ako din, ikaw ang gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Ikaw din ang gusto kong maging ina ng mga anak ko kahit may anak ako kay Sadie," ma lambing na sabi niya.
"Pwede ko namang ituring na anak, ang anak niyo ni Sadie," sabi ko.
"Tulog na nga tayo, Mahal. Maaga pa tayong pupunta sa kumpanya mo," sabi niya.
Hindi na ako umangal dahil inaantok na din naman ako.
KINABUKASAN...
Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin dito sa walk in closet ko habang inaayos ko ang women business attire ko.
Nang makita kong ayos na ay lumabas na ako ng walk in closet ko at umupo sa harap ng dresser ko. Naglagay ako ng make up sa mukha ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko, dala ang mga documents na pinirmahan ko kagabi at bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Sadie na nagbabasa ng magazine sa sala. Si Castriel naman ay nakaupo sa katapat na sofa ni Sadie at busy sa cellphone niya.
"Let's go," sabi ko ng makalapit sa kanila. Tumingin naman sila sa akin bago sabay na ngumiti.
"Bagay sayo yang suot mo," nakangiting sabi ni Sadie. Ngumiti naman ako sa kaniya.
Tumayo na sila kasabay ng palapit sa akin ni Kyde.
"Senorita, ipagdadrive ko po ba kayo?" tanong niya.
"No, ako na ang magdadrive. Ikaw na lang ang magdala nito sa kumpanya at ibigay mo sa babyloves mo," sabi ko kay Kyde na napaiwas ng tingin sa akin.
"Sige na, mauna ka na. Huwag mo ng isama yung iba," sabi ko sa kanya sabay bigay ng mg documents na agad naman niyang kinuha.
"S-Sige po, S-Senorita," utal niyang sabi na ikinatawa ko ng mahina.
Lumabas na kaming mansion at sumakay na si Kyde sa motor. Pinaandar na niya yun at umalis.
"Masarap sigurong sumakay dun," sabi ni Castriel na nakatingin sa nakamotor na si Kyde.
"Gusto mo try natin. Marunong akong magmotor dahil tinuruan niya ko," sabi ko sa kanya.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Sadie na halatang naiinip na.
Napairap naman ako ng patago bago nilahad ang kamay ko kay Castriel. Agad naman niyang binigay ang susi niya sa akin.
Sumakay na kami ng kotse ni Castriel at pinaandar agad.
"Ilang taon mo ng bodyguard si Kyde?" tanong ni Castriel. Tinignan ko siya saglit bago I binalik ulit sa daan ang tingin ko.
"I think more than a year na, 8 years to be exact. Bodyguard ko na siya bago pa namatay sila Mom. Siya din yung kasama ko na pumunta sa opisina noon para ikabit ang hidden camera," sagot ko.
"Meron na ba siyang girlfriend?" tanong ni Sadie.
"Yes, meron na. My secretary," sagot ko.
"Oh, yung bang babae kagabi?" tanong pa ni Sadie.
"Yes, si Lorraine. 3 years na silang in a relationship. And mag-half sister sila ni Trinity," sabi ko.
"We're here," sabi ko ng matapat ang kotse sa main entrance ng company.
Naunang bumaba si Castriel at umikot sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na ako at pinagbuksan niya naman si Sadie.
Napatingin sila sa building ng kumpanya na may 55th floor ang taas.
"Ang taas at ang laki ng kumpanya niyo, Almira," manghang sabi ni Sadie.
"Tara na," sabi ko sa kanila at naunang pumasok sa loob.
"Good morning, Ms Ferreira," bati nung security guard. Tumango naman ako.
"Good morning, Ms Ferreira. Welcome back po," bati ng mga employees pagpasok ko.
Pumasok na ako sa elevator at kasunod ko si Castriel at Sadie. Nang magsara ang pinto ng elevator ay pinindot ko ang floor kung saan ang office at board room.
Napatingin ako sa wristwatch ko. 1 hour pa bago ang meeting. Dun muna ako sa office.
Pagkabukas nang pinto ng elevator ay lumabas na kami. Pagkarating sa tapat ng pinto ng office ko at napahinga muna ako ng malalim bago ko binuksan.
Bumungad sa akin ang dating ayos ng opisina ni Dad na halos walang ipinagbago. Nandito parin ang mga painting na binili ni Dad. Ang naiiba lang dito ay hindi na ang portrait ni Dad ang nakasabit sa loob ng office, kundi ang portrait ko.
Napatingin ako sa desk kung nasaan nakapatong na glass office desk nameplate na nakalagay ang pangalan ko. Naglakad ako palapit doon.
Almira Fate Ferreira
Chief Executive Officer/Owner
Napangiti ako habang nakatingin dun.
"Ano nagustuhan mo ba ang ayos ng opisina mo? Binalik ko ang ayos niyo katulad ng sa Dad mo," rinig kong sabi ni Lorraine sa mula sa likod ko.
"Thank you, Lorraine," sabi ko sa kanya.
"Anyway, kumpleto na ang mga board members. Ikaw at si Queen Marishcottie na lang ang hinihintay," sabi niya.
"Sadie, Love, hintayin dito na lang ako," sabi ko sa kanila na nakaupo sa coach. Tumango naman sila kaya sumunod na ako kay Lorraine.
Pagpasok ko ng board room ay nagsi-tayuan ang mga board members at babatiin na sana nila ako ng bumukas ang pinto ng board at pumasok si Queen Marishcottie.
"Good morning, Ms Ferreira and Queen Marishcottie," bati ng mga board members.
"Good morning," bati ko din.
"Welcome back to our company, Ms Ferreira," nakangiting sabi ni Mr Belnaldez, isa siya sa board member.
Kilala ko na lahat ng board members dahil ibinigay sa akin ni Lorraine kagabi ang mga profile nila.
"Thank you, Mr Belnaldez," pormal na sabi ko.
"Let's start our meeting. And by the way, nice to see you again, Ms Ferreira," nakangiting sabi ni Queen Marishcottie bago patayin ang ilaw para makita kung ano ang nakalagay sa projector.
**********
Pagkatapos ng dalawang oras na meeting ay nagsi-tayuan na ang lahat ng mga board members maliban sa aming dalawa ni Queen Marishcottie at lumabas na sila. Bukas na din ang ilaw.
Tumayo na si Queen Marishcottie pero ako ay nananatili paring nakaupo. Lumapit siya sa akin.
"Magaling ka sa business, Ms Ferreira. Manang mana ka sa Dad mo. Hindi ko pinagsisihan na binalik ko ulit ang invest ko sa kumpanya niyo," sabi ni Queen at umupo siya sa katabi kong swivel chair.
"Thank you, Queen Marishcottie. Hindi kayo magsisisi na pinagkatiwalaan niyo ulit kami," nakangiting sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa enamel pin badge na naka-attached sa coat niya pareho yun ng badge ni Castriel.
"Queen, matanong ko lang. Kayo lang po bang mga Guevarra clan ang mayroong ganyang enamel pin?" tanong ko.
"Ito ba?" tanong niya sabay hawak ng enamel pin na naka-attached sa coat niya. Tumango naman ako.
"Yes, kaming mga Guevarra clan lang ang mayroong ganitong enamel pin," sagot niya.
"Mayroon po ba sa pamilya niyo ang may anak na lalaki na 20 years nang nawawala?" tanong ko. Nakita ko ang biglang panlaki ng mata niya at kala unan ay sinagot din niya ang tanong ko.
"Y-Yes, meron," utal niyang sagot. Halata sa mukha ni Queen na kinakabahan siya kung ano pa ang sasabihin ko.
Kinuha ko sa bulsa ng coat ko ang gold necklace ni Castriel na galing sa Papa Danilo niya at pinalapag ko sa table.
"Kilala niyo po ba kung kanino ang kwintas na'to?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang panunubig ng mata ni Queen habang nakatingin sa kwintas na nasa table. Pumatak na ang luha niya bago niya kinuha ang kwintas sa table at tinignan niya yun ng mabuti.
"Kilala ko kung kanino ang kwintas na ito, Ms Ferreira," sagot niya.
"Kanino po?" tanong ko. Nakaramdam ako nang tuwa dahil malalaman ko na kung sino ang tunay na magulang ni Castriel.
"S-Sa panganay na anak kong lalaki," sagot niya na ikinagulat ko.
May anak na lalaki si King Harold at Queen Marishcottie? Ang alam ko lang ay isa lang ang anak nila at yun ay si Princess Hannah. May isa pa pala silang anak na lalaki? Hindi kaya ay si Castriel na ang nawawala niya anak?