ALMIRA'S POV
"Ms Almira, ikaw po ba yan?" tanong nung Papa ni Castriel.
"Opo, ako nga po," magalang kong sagot. Pinaupo niya kami sa kawayang upuan nila.
"Hindi ka parin nagbabago, Ms Almira. Maganda ka parin at halos walang pinagbago. Kamukha mo pa rin ang Mommy mo," sabi pa nito.
"Kilala niyo po ang Mommy ko?" gulat kong tanong.
"Oo, kilala ko si Ms Marizia at ang Daddy mo na si Mr Marvin. Parehas silang mabait sa mga trabahador nila at isa ako sa mga trabahador nila na nagawan nila ng mabuti noong nagkasakit itong si Castriel at kailangang kailangan ko ng pera. Lumapit ako sa kanya at pinahiram niya ako ng pera na ginamit namin sa pagpapagamot kay Castriel nung na dengue siya. Nakakalungkot nga ng mabalitaan namin na wala na sila," kwento ni Danilo.
"Empleyado pa rin po ba kayo ng kumpanya ngayon?" tanong ko.
"Hindi na, natanggal ako sa trabaho ko nung si Zander Enriquez na ang namamahala sa kumpanya niyo," sagot niya.
"Bakit po kayo natanggal?" tanong ko.
"Nagkamali kasi ako kaya tinanggal niya ako sa trabaho. Noon naman nung Daddy mo ang namamahala sa kumpanya ay kahit na magkamali ako ay okay lang pero sa kanya, hindi," sabi niya.
"Napapaisip nga ako na sa dinami dami ng pwedeng mawala sa mundo ay yun pang may malasakit sa kapwa ang nawala," dagdag niya pa.
"Ang sama talaga ng Enriquez na yun, for a simple mistake mangtatanggal agad siya ng trabaho sa masipag na tao," sabi ko.
Nakarinig kami ng paghinto ng motor kaya napatingin kami dun. Nakita kong bumaba ang isang lalaki na nakablack suit. Tinanggal nito ang suot niyang helmet at agad ko siyang nakilala.
"Excuse me for a while," paalam ko at lumabas ng bahay para lapitan si Kyde.
"Senorita, ito na po ang pinag-uutos niyo," magalang na sabi niya sabay pakita sa akin ng apat na paper bag na may tatak pa ng restaurant na binagbilhan niya.
"Salamat. Ako na ang magpapasok niyan sa loob. Bumalik ka na lang ng mansion," sabi ko at binigay na niya sa akin yung paper bags.
"Sige po, Senorita," sabi niya at sinuot na niya ulit ang helmet niya at sumakay na ulit sa motor.
Pagkaalis niya ay pumasok na ulit ako sa bahay nila Castriel.
"Pagkain po para sa inyo," sabi ko. Agad namang kinuha sa akin ni Pia ang mga paper bags.
"Salamat po, Ate. Nag-abala ka pa," sabi ni Pia at nilagay sa lamesa ang mga paper bag at sinalansan ang mga laman nun.
Napatingin ako sa maliit na altar nila ng poon ng may pumukaw ng pansin ko doon sa curtain nila. Lumapit ako dun at kinuha ang nakatusok na circle enamel badge na nilalagay sa mga suit ng mga business man. Binasa ko ang naka sulat dun.
Guevarra Family
May simble din ito ng logo ng Guevarra Group of Companies (GOC).
"Kay Castriel yan. Nakalagay sa suot niyang damit nung nakita namin siya 20 years ago," sabi ni Danilo na ikinagulat ko dahil nasa likod ko pala siya.
May kinuha ito sa altar na parang lagayan ng eye glasses. Binuksan niya iyon at may kinuha na kwintas.
"Kasama din ito sa suot niya nung makita namin siya," dagdag pa nito sabay pakita sa akin ng isang gintong kwintas na may pendant na bilog na kasing laki ng limang piso.
Hinawakan ko ang kwintas at tinignan ang nakasulat sa pendant.
The Heir of Guevarra G.O.C.
"Hindi ko yan naibigay sa kanya bago siya palayasin ng asawa ko. Makakatulong yan para mahanap ang tunay niyang mga magulang," sabi ni Danilo.
"Pwede bang sa akin na lang muna ang mga ito?" tanong ko.
"Oo naman, alam kong tinutulungan mo si Castriel na mahanap ang magulang niya," nakangiti niyang saad.
"Thanks po," sabi ko sa kanya.
"Gusto niyo po bang bumalik sa pagtratrabaho sa kumpanya?" tanong ko.
"Kung tatanggapin mo ako sa kumpanya ay isang karangalan yun, Ms Almira," nakangiti niyang sabi.
"Sige, next week po," sabi ko.
"Sige," sagot niya.
Pagkatapos ng pag-uusapan namin na yun ay umupo na ako sa tabi ni Castriel. Marami pa kaming pinagkwentuhan ng Papa ni Castriel at yung dalawang kapatid niya. Hindi ko lang nakausap ang Mama niya. Nagpa-alam na din kami dahil tumawag si Mamita at pinapauwi na kami.
Habang nasa byahe ay hawak ko parin ang kwintas ni Castriel nasuot niya noong bata pa siya. Pinagmasdan ko parin yun hanggang ngayon.
Kung si Castriel ang tagapagmana ng Guevarra G.O.C ay anak siya ni King Harold, pero impossible dahil wala namang anak na lalaki si King Harold. Tanging si Princess Hannah lang ang anak nila. Baka kamag-anak ng mga Guevarra ang parents ni Castriel.
"Mahal, kaninong kwintas yang hawak mo?" tanong ni Castriel na nagpabaling sa kanya ng atensyon ko.
"Sabi ng Papa mo, sayo daw to. Suot mo daw to nung nakita ka nila," sagot ko.
"Yan kwintas na yan ang magtuturo kung sino ang mga magulang ko," nakangiti niyang sabi.
"Sana nga mahanap na natin ang magulang mo at itong kwintas lang na ito ang magpapatunay na anak ka nila," sabi ko at nakita ko siyang tumango.
**********
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon ang balik namin sa school mula sa Christmas vacation.
Ang saya ng pasok ng bagong taon ko ngayon dahil kasama ko si Castriel. Nakabalik na si Tita Irish at Rex sa California kahapon at ngayon naman ang balik ni Mamita at Kuya sa America.
Ihahatid muna namin sila sa Airport bago kami pumasok. Pagkarating sa Airport ay hindi na kami pumasok dahil aalis din kami agad ni Castriel.
"Have a safe trip, Mamita, Kuya," sabi ko sa kanila at niyakap sila.
"Ingat ka dito, Almira. Castriel, alagaan mo tong si Almira ha," bilin ni Mamita. Tumango naman si Castriel.
"Opo, aalagaan ko po si Almira," sabi ni Castriel.
"Sige na, alis na kami. Baka mahuli kami sa flight," sabi ni Kuya.
"Sige po," sabi ko. Lumapit ako kay Mamita at humalik sa pisngi niya, pati na rin kay Kuya. May ibinulong pa si Kuya bago ako lumayo sa kanya.
"Baka magselos ulit ang boyfriend mo sa ginagawa mong paghalik sa pisngi ng mga lalaki, Honey," bulong ni Kuya. Natawa naman ako ng mahina.
"Ang sweet mo talaga, Kuya," bulong ko sa kanya at lumayo na.
"Sige, una kami," paalam ni Kuya at pumasok na sila ng Airport.
Nang tuluyan na silang nakapasok sa Airport ay Sumakay na kami ni Castriel sa kotse at agad niya pinaandar paalis.
Pagkarating sa school ay bumaba na kami ng kotse. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ng University. Talagang nakuha ko na sa kanila ang lahat ng ari arian namin na kinuha nila.
"Talagang sayong sayo na ang University na to, Mahal," sabi ni Castriel.
"Oo nga eh," sagot ko at pumasok ng campus.
"Congrats, Ms Almira," sabi ng isang estudyante.
"Congratulations, Ms Almira," sabi nung isa pang estudyante. Napangiti naman ako.
"Almira!" rinig kong tawag sa akin ni Chelsea. Lumapit silang tatlo sa amin.
"Congrats, Almira. Nabawi mo na ang mga ari arian niyo," sabi ni Maleah.
"Almira, kamusta ka na?" tanong ni Trinity.
"Okay naman. Bakit alam mo ang nangyari sa akin?" tanong ko kay Trinity.
"Ako ang tumulong kay Castriel para madala ka sa hospital. Kung hindi ako dumating agad paniguradong wala ka na," sabi niya.
"Bakit ano bang nangyari kay Almira? Ikaw Trinity, wala kang sinasabi sa amin about sa nangyari kay Almira," sabi ni Chelsea.
"Last month kasi ay nabaril si Almira, dinala namin siya sa hospital ni Castriel. At saka hindi ko sinabi sa inyo dahil ayaw ipaalam ni Kuya Alfred," sagot ni Trinity. Tumango naman yung dalawa.
"Ngayon ko lang napansin, may nagcomeback palang Loveteam. AlRiel is back," sabi ni Maleah.
"AlRiel?" takang tanong ko.
"AlRiel. Almira and Castriel, pagpinagsama AlRiel ang mabubuo," paliwanag ni Chelsea.
"Nice combination," nakangiting sabi ko.
"Castriel, pwede ba kitang makausap? In private?" tanong ni Sadie na kaka lapit lang sa amin.
Tinignan ko ang mukha niya. Namumutla siya na para bang may sakit.
"Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.
"Shut up your mouth, hindi ikaw ang kausap ko!" galit niyang sabi sa akin.
"Parang nagtatanong lang naman ako sayo kung may sakit ka ba, galit ka kaagad," sabi ko sa kanya.
"Huwag ka ngang umasta na may concern ka sa akin, napakaplastic mo!" inis niya sabi sa akin. Binaling niya ulit ang atensyon niya kay Castriel.
"Castriel, mag-usap tayo. Magsasabihin ako sayo," sabi niya kay Castriel.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Sadie," sabi ni. Castriel. Nakatingin lang sa kanya si Sadie at biglang napahawak si Sadie sa ulo niya.
"Oh my gosh!" gulat kong sabi nang biglang nawala ng malayo si Sadie na agad namang nasalo ni Castriel.
"Dalin natin siya sa clinic, Love," tarantang sabi ko.
"Guys, punta na kayo sa mga class niyo," sabi ko sa tatlo bago kami naglakad paalis ni Castriel.
Pagkarating sa clinics ay agad nilapag ni Castriel ang walang malayo na si Sadie sa hospital bed dito sa clinic.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng nurse na lumapit kay Sadie at inumpisang tignan.
"Bigla siyang nawalan ng malayo nung nag-uusap kami," sagot ko. Hindi na nagsalita ang nurse at chineck-up na si Sadie.
Ilang minuto ang tinagal ng pagchi-check up nung nurse at lumapit na ito sa amin.
"Kamusta siya? May sakit ba siya?" sunod Sunod na tanong ko.
"Nasaan ang boyfriend niya? Or kung meron man?" tanong nung nurse.
"Wala siyang boyfriend," sagot ko. Tumango naman ang nurse.
"Sige po, Ms Almira. Sa inyo ko na lang sasabihin ang lagay niya, tutal kayo naman ang nagdala sa kanya dito," sabi nung nurse. Hinintay namin na sabihin niya ang lagay ni Sadie.
"Okay naman siya, at normal lang naman sa kanya ang mga ganong pangyayari dahil nasa first trimester siya ng pagbubuntis niya. I suggest na hindi dapat siya ma-engage sa mga away kasi maliban sa nakakastress yun sa kanya ay baka ma pahamak din ang baby niya," sabi nung nurse.
"What? Buntis siya?" gulat na tanong ni Castriel. Tumingin ako sa kanya dahil sa reaksyon niya.
"Oo Sir, hindi niyo ba alam na 4 weeks na siyang buntis?" sabi nung nurse.
"I recommend na uminom siya ng vitamins araw-araw at kumain ng mga healthy foods. Dapat ay mag-ingat din siya palagi," sabi nung nurse at may ibinigay na papel kay Castriel. Ako na ang tumanggap dahil hindi kinuha ni Castriel. Pagkatapos ay umalis na ang nurse.
Tumingin ulit ako kay Castriel na Umupo sa isang upuan at narinig ko siyang bumuntong-hininga. Hinawakan niya ang magkabilang ulo niya at ginulo ang buhok niya. Halatang problemado siya.
"May problema ka ba, Love?" tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Mahal, I'm sorry, patawarin mo ako," sabi niya at nagsimula na siyang umiyak. Hinimas ko naman ang likod niya.
"Bakit nagso-sorry ka, wala ka namang kasalanan?" tanong ko sa kanya.
"I'm sorry, Mahal. May kasalanan ako sayo. Ako yung nakabuntis kay Sadie. I'm so sorry, Mahal," umiiyak niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya. May kutob na ako kanina na siya yung nakabuntis kay Sadie nung sabihin nung nurse na isang buwan nang buntis si Sadie. Alam ko na noon pa na possibleng mangyari yun dahil magkasama sila sa iisang bahay.
"Lasing ako nung nangyari yun, Mahal. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko kapag lasing ako. I'm sorry," paliwanag niya.
"Stop crying, Love. I understand why you did that. I accept you kahit may anak ka sa kanya. Mahal kita kaya tatanggapin pa rin kita kahit nakagawa ka ng mali," sabi ko sa kanya.
Ganun siguro kapag mahal mo. Tatanggapin mo pa rin siya kahit may nagawa na siyang mali. Mas mabuti ng tanggapin kaysa maghiwalay kayo ng dahil lang dun. Kung mahal mo siya tatanggapin mo kung anong meron siya.
Napahiwalay siya sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang kamay ko.
"Talaga? Tanggap mo pa rin ako kahit may anak ako sa kanya?" tanong niya.
"Oo nga, ulit ulit. Mahal kasi kita kaya tatanggapin ko kung anong meron ka. Mali ang ginawa niyo but the baby is blessing," nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya kahit na may luha pa ang mata niya.
"Bakit ka ba umiiyak ha?" tanong ko sa kanya.
"Kasi may kasalanan ako sayo. Ayokong hiwalayan mo ako ng dahil sa may nangyari sa amin ni Sadie," sagot niya.
"Mahal mo talaga ako kaya ayaw mong hiwalayan kita?" tanong ko.
"Oo naman, mahal na mahal kita sobra," sabi niya sabay halik sa pisngi ko ng mabilis. Kinurot ko naman ng bahagya ang ilong niya, ang tangos kasi eh.
"Hmmm, Castriel," Napatingin kami ni Castriel kay Sadie ng marinig namin siyang tinawag ang pangalan ni Castriel. Tumayo kami ni Castriel at lumapit kay Sadie na gising na.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.
"Medyo nahihilo pa ako," sagot niya at humawak pa sa ulo niya habang nakapikit.
"Buntis ka? Yun ang sasabihin mo sa akin kanina diba?" tanong ni Castriel kay Sadie.
"Oo, paano mo nalaman?" sagot ni Sadie.
"Sinabi nung nurse na tumingin sayo," sabi ni Castriel.
"Castriel, ang sabi mo noon, pananagutan mo ako kapag may nabuo," naluluhang sabi ni Sadie.
"Pananagutan ko ang bata pero hindi ibig sabihin nun ay babalikan na kita," sabi ni Castriel.
"Okay na ako dun, basta nasa tabi kita," sabi ni Sadie.
"Sa mansion ka na lang tumira habang buntis ka. Doon maalagaan ka ni Castriel at kapag may kailangan ka ay maibibigay niya sayo," sabat ko sa usapan nila.
"Bakit sinasabi mo sa akin yan ngayon?" tanong ni Sadie.
"Dahil anak ni Castriel yang pinagbubuntis mo. Tanggap ko ang anak niyong dalawa ni Castriel kaya bukas ang pintuan ng bahay ko para dun ka tumira at mabantayan ka ni Castriel," sabi ko sa kanya.
"Mamayang gabi ay doon ka natitira kasama namin ni Castriel. Daan muna tayo sa condo mo para maimpake mo ang damit mo," sabi ko sa kanya.
"Mabait ka naman pala eh," sabi ni Sadie.
"Mabait naman talaga ako kung mabait ka sa akin," sabi ko.
"Let's go, may isa pa tayong class bago magbreaktime," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Inalalayan siya ni Castriel na makababa ng hospital bed.
Hinatid kami ni Castriel sa classroom namin. Nakita ko na nanlaki ang mga mata ng ibang classmates namin.
"Wow! AlRiel is back!" tili ng isang kaklase naming babae.
"AlRiel is Real na Real na nga," sabi pa nung isa.
"Congrats, Ms Almira."
Tumango na lang ako. Nagpaalam na si Castriel dahil may class din daw siya.
Pumasok na kami ni Sadie at umupo na sa upuan namin. Dumating na din ang Prof namin.