ALMIRA'S POV
Napayakap ako sa sarili ko ng dumaan ang hangin ng gabi. Nasa trace ako ngayon ng kwarto ko dito sa mansion.
Nakalabas na ako ng hospital nung nakaraan. Malapit na rin namang humilom ang sugat ko.
Nabigla ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Merry Christmas, Mahal," sabi niya sa akin. Hinawakan ko naman ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko.
"Merry Christmas din, Love," sabi ko.
Humarap sa kanya kaya magkayakap na kami, nasa bewang ko pa rin ang braso niya at nilagay ko naman ang kamay ko sa batok niya.
"Ito ang unang pasko na magcecelebrate tayong dalawa," sabi niya.
"Oo nga, akala ko malungkot na naman ang pasko at salubong ko ng bagong taon pero hindi pala kasi naalala mo na ako, nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay nila Mom, Dad at Tito Martin. Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako ngayong pasko, Love," sabi ko sa kanya.
"Mahal, Christmas gift ko para sayo," nakangiting sabi niya sabay abot sa akin na small box.
Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya ng buksan ko ang box. It's a Gold Studded Love Knot necklace. Kung titignan mo pa lang ito ay halatang mamahalin na.
"Bakit nag-abala ka pang regaluhan ako, okay lang sa akin na wala kang regalo. Sapat na sa akin na naalala mo ako at nandito ka sa tabi ko. Ang mahal nito," sabi ko sa kanya.
"Mahal, gusto kong ibigay yan sayo kahit gaano pa yan kamahal, bibilin ko yan para sayo. Matagal ko ng nabili yan dahil gusto ko yang ibigay sayo oras na umamin ako sayo ng nararamdaman ko, hindi ko naman naibigay sayo nung araw na yun dahil hindi ko akalain na sasagutin mo ako nung araw na yun," sabi niya sa akin.
"It symbolizes the unbreakable connection between of us and represents unity and partnership," nakangiting sabi niya. Lalo akong naiinlove sa kanya tuwing nag-eenglish siya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you for your wonderful christmas gift to me, Love. Ang ganda ng necklace. Okay lang naman na hindi mo ako bilhan ng ganitong kamahal na necklace, sapat na sa akin na kasama kita ngayon. Pahahalagahan ko iyong necklace na bigay mo," sabi ko sa kanya habang nakayakap.
Humiwalay siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Binigay ko ulit sa kanya yung box ng necklace na nagpakunot sa kanyang noo.
"Gusto kong ikaw ang magsuot nito sa akin ngayon, Love," nakangiting sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa akin at kinuha ang box.
Binuksan niya yun at kinuha ang gold studded love knot necklace. Tumalikod ako sa kanya at itinabi ko sa gilid ng leeg ko ang buhok ko para makabit niya ng maayos ang necklace sa akin.
Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko habang kinakabit niya ang hook ng necklace. Pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko sa likod.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang malapad na ngiti sa labi niya. Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan ang nakangiting labi niya. I see shock in his eyes, pero tumugon din siya sa halik ko.
"I love you very much, Mahal," malambing niyang sabi ng maghiwalay ang mga labi namin.
"I love you very very much, Love," malambing kong sabi sa kanya. He kissed me smark bago siya lumayo sa akin.
"May gift din ako sayo, Love," nakangiting sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papasok sa kwarto ko.
Umupo kami sa kama ko at hinila ko ang drawer ng bedside table ko. Kinuha ko ang black small box dun at binigay kay Castriel. Kinuha naman niya at agad na binuksan.
Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Pinabili ko yan kay Kuya at siya din ang pumili niyan habang nagpapagaling ako sa hospital," sabi ko sa kanya.
"Akin talaga to?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako.
"Yes, sayo yan. Regalo ko yan sayo," sabi ko.
"Bakit kotse ang niregalo mo sa akin? Hindi ko naman kailangan ito. Sapat ka nangg regalo ng Diyos sa akin," sabi niya.
"I know naman, like what you said to me earlier. Gusto din kitang bigyan niya," sabi ko.
"Salamat, Mahal," sabi niya at niyakap ako ng marahan.
"Your always welcome, Love," sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa wallclock ng kwarto, its already 12 am.
"Let's go downstairs," aya ko. Tumango naman siya. Kinuha ko muna ang regalo ko kay Rex bago kami lumabas ng kwarto at bumaba.
"Merry Christmas, Ate Almira!" masiglang bati ni Rex sabay yakap sa akin.
"Merry Christmas too, Baby Rex," sabi ko sa kanya at niyakap siya. Pagkahiwalay namin ay binigay ko sa kanya ang gift ko.
"Thank you, Ate Almira. Later ko nalang po ito ioopen," sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango.
"Almira," rinig kong tawag sa akin ni Kuya kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit, Kuya?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. May ibinigay siya sa aking brown envelope na nagpakunot ng noo ko. Kinuha ko lang yun at agad na nilabas ang laman non.
Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ko ang naka sulat sa papel. Hindi ako makapaniwala na... Ako na ang bagong may ari ng lahat ng ari-arian namin na kinuha ng mga Enriquez noon.
"Iyan na ang Christmas gift ko sayo. Mabilis ko lang yan naasikaso dahil tinulungan ako ni Atty Mendoza at nung kaibigan niyang judge na mailipat sa pangalan mo lahat ng mga kinuha ni Zander. Napalitan na din ang pangalan ng kumpanya at university. Gongrats Almira, you are now the new CEO of the Ferreira Empire," nakangiting sabi ni Kuya. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
"Thank you, Kuya," sabi ko.
"Your always welcome, Almira. Alam mo naman na parang kapatid na ang turing natin sa isa't-isa," sabi niya. Tumango naman ako.
After that ay pumunta na kaming dining area at kumain habang nagkukwentuhan.
KINABUKASAN...
Nandito kami ni Castriel at Rex sa living room. Naglalaro ang dalawa at ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Kakatapos lang naming magbreakfast.
Bigla namang may pumasok sa isip ko. Matagal ko ng gustong makilala ang adopted parents ni Castriel.
"Love, puntahan natin ang adopted parents mo. Gusto ko silang makilala," sabi ko na ikinalingon ni Castriel at umupo siya sa tabi ko.
"Sigurado ka ba?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Oo naman," sagot ko. Tumango naman siya. Tumayo na kami.
"Baby Rex, alis lang kami ni Kuya Castriel ha," paalam ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumango habang pinaglalaruan ang regalo kong remote control na car toy.
"Sige po, Ate Almira. Later na lang ulit tayong magplay, Kuya Castriel," sabi ni Rex. Tumango naman si Castriel.
Lumabas na kami ng mansion at sumakay sa kotseng regalo ko sa kanya.
Mahigit dalawang oras ang naging byahe namin dahil sa traffic ay narating din namin ang pupuntahan namin.
Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pintuan. Inalalayan niya akong bumaba ng kotse. Agad na nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko.
Malinis naman ang buong paligid. May mga bahay na maliliit at dikit dikit. May mga taong nagkukwentuhan sa tapat ng mga bahay na bigla napalingon sa amin.
Nagsimula na kaming maglakad ni Castriel habang magkaholding hands. Hindi nakaligtas sa mata ko ang tingin ng mga tao habang naglalakad kami. Narinig ko din ang ilang buong bulungan.
"Diba siya yung ampon ni Danilo na si Castriel? Ngayon na lang siya ulit bumalik simula nung pinalayas siya nung ina-inahan niya dalawang taon na ang nakakaraan."
"Oo siya nga, dapat nga ay hindi na siya pinalayas. Ang sipag at ang talino pa naman niyang si Castriel. Dagdagan pa ang pagkagwapo niya, tignan niyo nakakotse at mayaman ang babaeng kasama niya."
"Mayaman na siguro yang si Castriel, pangalawa na yang girlfriend niya na mayaman eh."
Ilang lang yan sa mga narinig ko. Hindi ko na pinansin ang iba pang pinagsasabi nila dahil bigla kong naalala na wala pala kaming dalang pasalubong o kahit na anong pagkain.
"Love, anong address nung bahay niyo?" tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin.
"Bakit?" balik niyang tanong.
"Nakalimutan nating dumaan ng restaurant para mahpatake out ng pagkain," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at sinabi sa akin ang address ng bahay nila.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinext si Kyde na magtake out ng pagkain sa isang restaurant at dalin sa address na itinext ko sa kanya.
Pagkatapos ay binalik ko na ulit yung phone ko sa bulsa ko kasabay nun ay ang pagtawag ng isang babae na nasa edad na 20 at isang lalaki nasa edad 17.
"Kuya Castriel," tawag nung dalawa at sinunggaban agad siya ng yakap.
"Namiss ka namin, Kuya. Akala namin hindi mo na kami dadalawin dito eh," sabi nung babae.
"Merry Christmas, Kuya," bati nung lalaki.
"Merry Christmas din. Pagpasensyan niyo na kung ngayon na lang ako nakadalaw sa inyo," sabi ni Castriel.
"Nakakapagtampo ka, Kuya. Wala ka nung birthday ko," nakangusong sabi nung babae.
"Nasa hospital ako noon, nung araw ng birthday mo," sagot ni Castriel.
"Kuya, sino itong kasama mong babae? Girlfriend mo ba siya, Kuya? Ang ganda niya at parang nakita ko na siya sa TV noon," tanong nung binatang lalaki na nakatingin sa akin.
Napatingin sa akin yung babae at pinanliitan ako ng mata na parang kinikilala kung sino ako.
"OMG! Totoo ba yung nakikita ko ngayon? Nasa harap ko ang nag-iisang Ms Almira Fate Ferreira!" tili nung babae.
"You know me?" tanong ko.
"Yes, isa ako sa mga humahanga sayo. Palagi kitang nakikita sa TV tuwing nakakatanggap ka ng award. Palagi din kitang nakikita sa mga cover ng magazine tuwing pumunta akong books store. May isa akong binili na magazine na ikaw ang cover, gusto ko yun ipa-autograph sayo kapag nakapunta na ako sa hotel mo," sabi niya.
Tama siya nakatanggap na ako ng award as a CEO. First award na natanggap ko ay nung first year college ako at isang taon kong hawak ang Hotel, pinarangalan ako na The Most Youngest CEO in the Country, nakatanggap din ang hotel ng The Most Popular Hotel in the Year and so on. Tuwing may award ako ay palagi akong kinukuha para maging cover ng isang magazine.
"Gustong gusto ko din na maging kagaya mo, Ms Ferreira. Kaya nga kumuha ako ng BSBA at pinagbubutihin ko din ang pag-aaral ko," sabi niya.
"Really? Biruin mo nga naman may supporters din pala ako kahit napakasungit ko noon," sabi ko at mahinang natawa.
"Mabait ka po, Ms Ferreira," magalang na sabi niya.
"Ate Almira na lang ang itawag mo sa akin. Girlfriend naman ako ng Kuya Castriel mo, kaya Ate Almira na lang," sabi ko sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata nito.
"Totoo? Girlfriend ka ng Kuya Castriel ko?" gulat niyang tanong.
"Oo," sagot ko.
"Sige po, Ate Almira," nakangiti niyang saad.
"PIA! ALEXIS!" rinig kong sigaw ng boses ng babae na ikinalingon nung dalawa.
"Si Mama yun panigurado," sabi nung lalaki at mukhang siya si Alexis at yung babae naman ay si Pia.
"Tara doon po tayo sa bahay. Matutuwa si Papa nito kapag nakita niya si Kuya Castriel," sabi ni Alexis. Tumango naman kami.
Nauna silang maglakad sa amin papunta sa bahay nila. Pagkarating dun ay pumasok agad yung dalawa at kami naman ni Castriel ay nasa labas at nasa likod niya ako.
"Papa, Mama, si Kuya Castriel nasa labas po," sabi ni Pia sa magulang nila.
May lumabas na babae na sa tingin ko ay wala pa siya sa 40 years old.
"Ma," tawag ni Castriel dun sa babae.
"Anong ginagawa mo ditong bata ka? At sinabi ko na sayo na wag mo akong tatawagin ng ganyan dahil hindi naman kita anak," bungad ng babae.
"Linda, kahit naman na hindi natin siya tunay na anak ay tayo pa rin ang nagpalaki sa kanya," sabi nung lalaki na nasa edad 40 na. Siya ata yung tatay nila Pia at Alexis na si Danilo.
Lumapit si Danilo kay Castriel at niyakap.
"Namiss kita, Anak. Salamat dahil napadalaw ka dito," sabi ni Danilo.
"Namiss ko din po kayo, Papa," sabi ni Castriel.
"Halika pasok kayo," aya ni Danilo at pinapasok kami sa loob. Agad ko ulit nilibot ang paningin ko sa loob ng bahay nila.
Gawa sa plyhood ang dingding ng bahay nila. Maaliwalas at malinis ang loob ng bahay nila na halatang bagong linis.
Napatingin sa akin si Danilo na parang kinikilala ako.
"Ms Almira, ikaw po ba yan?" tanong nung Papa ni Castriel.